“Why are you smiling there sweetie?” nagulat ang dalaga ng bigla na lamang nagsalita si Inno sa gilid ng kanyang tenga. Napangiti siya dahil niyapos nito ang mga kamay sa kanya. “Care to share it with me?” Napailing si Carmeline sa mga sinabi ng kasintahan , nararamdaman niya na nagseselos na naman ito. Subalit wala naman itong dapat ikaselos dahil ang iniisip niya na nakakapagpangiti sa kanya ay ito. Hindi niya namamalayan na napapangiti na pala siya sa mga nangyari kahapon ng bigla na lamang ito sumulpot kasama si Iluvio sa kanilang dorm. Nagkukuwentuhan sila ni Chia Chaine ng maramdaman nilang bumukas ang pinto ngunit hindi nila pinansin ang mga pumasok. Alam naman kasi nila na susugod pabalik sa dorm sina Inno dahil hindi siya pumasok. Kaya ipinagpatuloy lamang nila ang pagkain haban

