It was Monday, it is the first day of school for this week. Maraming nagsasabi na huwag na huwag kang tatamarin pumasok sa araw ng lunes dahil tatamarin ka na rin buong linggo. But the two girls didn’t give a damn, they skipped classes for a day. Nagising si Carmeline dahil sa tunog ng phone niya, nang tiningnan niya ang kabilang side ng kama ay wala na si Inno. Ilang araw na ring hindi siya ginigising ni Inno, at hindi niya alam kung bakit. Ang tumatawag sa kanya ay walang iba kundi si Chia, ang sabi nito noong sagutin niya ang tawag ay nasa labas ito ng dorm niya. Kaya madali siyang lumabas ng kuwarto at pinagbuksan ito ng pinto. Iniwan niya muna ito sa sala para mag-ayos ng sarili.
“Carmie, I forgot to ask you when I arrived here, why is Inno not here? If I am not mistaken, hindi kayo mapaghiwalay. Is there something going on the two of you?” tanong ni Chia nang nakaupo si Carmeline galing sa kusina. Inilapag niya ang tray na may laman na dalawang baso ng juice at dalawang platito ng crema cake.
“I can't answer your question, because I don’t have any idea why he’s not here. Ilang araw na rin akong nagigising na wala na siya rito sa dorm, nadaratnan ko na lang siyang nakaupo na sa classroom.” Kinuha niya ang platito ng crema cake na para sa kanya.
“Are you two having a so-called lover’s quarrel?”
Napatitig si Carmeline sa kaharap, ang tanong nito ay sobrang imposible na mangyari. Maayos naman ang relasyon nila ni Inno, ang napapansin niya lang ay ang umaga na nagigising siya na wala na ito sa tabi niya. Nagtataka siya ngunit pilit na lamang niya ito binabalewala, kung may problema naman ay alam niyang magsasabi si Inno sa kanya. “I don’t think so, we don’t have any problem as far as I know. I believe that we’re okay.”
“If that’s what you think then I’ll believe you. Anyways, nagpaparamdam pa ba sa iyo ang b***h na Empress na iyon?”
“Hey! Watch your mouth, don’t call her b***h. She’s still a human with an unpleasant manner. Anyway, to answer your question, I don’t really feel her existence. Sa tingin ko ay tumigil na siya sa panggugulo, baka natauhan na siyang hindi na babalik sa kanya si Inno.”
“Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla na lang siyang walang paramdam, after ng ginawa ko sa kanya sa comfort room? It really sounds suspicious, baka naman may itinatago siyang pakulo na ilalabas niya sa mga susunod na araw.”
Napaisip din si Carmeline sa biglang pagkawala ng presensya ni Carmela. Hindi nga malabong may ginagawa ito ng palihim na hindi niya alam. Hindi dapat siya mapanatag, lalo na at hindi niya pa kabisado ang mga kayang gawin ni Carmela at kung ano nga ba ang motibo nito. Dapat niyang malaman ang totoong nangyari noong bigla nitong iniwan si Inno. Pauwi na ang kanyang mga magulang mamaya kaya maaari niya na itong makausap, naabisuhan na rin naman niya ang mga ito na may importante siyang kailangan mula sa mga magulang.
“Earth to Carmie, mukhang nasa planetang pluto na naman naglalayag ang utak mo. Anyway, what’s your plan with Carmela?”
She shrugged. “I don’t have any plans with Carmela. Oh come on, goodness it’s monday Chaine. Let’s not ruin our day because of her.”
Chia Chaine just rolled her eyes on her, she knew that Carmeline just wanted to divert the topic. “Okay fine! So, what should we talk about? Hindi naman kita naimpluwensiyahan na hindi pumasok para lang tumunganga rito. If you don’t want to talk about Carmela then let’s talk about Inno.”
Napataas naman ang isang kilay ni Carmeline dahil sa sinabi ni Chia Chaine. Hindi niya inakala na may lahi pala ito ng pagiging chismosa. Hindi niya lang naman gusto pag-usapan si Carmela dahil may alam na rin naman siya tungkol dito na mula sa bibig ni Inno, at saka kapag nakausap niya ang mga magulang ay mas makikilala niya ito. At sigurado siya na puro lamang hinanakit ni Chia Chaine kay Carmela ang pag-uusapan nila. Malaki kasi talaga ang galit nito sa babae, hindi naman niya masisisi si Chia Chaine dahil mali naman talaga ang ginawa ni Carmela kay Inno.
“Okay, tama na ang pangongonsensiya mo at hindi iyan tatalab sa akin. Bakit naman si Inno ang gusto mong pag-usapan natin, bakit hindi na lang kaya ikaw?” Napaismid ang kaharap sa kanya.
“Bakit mo pinapasa sa akin ang usapan, kanina ayaw mong pag-usapan si Carmela. Ngayon naman ayaw mong pag-usapan natin si Inno. Madaya ka Carmie.”Natatawa na lamang si Carmeline sa inasal ni Chia Chaine, lumalabas na naman kasi ang pagiging isip bata nito.
“Bakit naman hindi ikaw ang dapat nating maging topic? Unang-una sa lahat nagsasawa na ako marinig ang tungkol kay Carmela, naikuwento na kasi siya sa akin ni Inno. Pangalawa, halos ng tungkol sa amin ni Inno ay alam mo na, dahil nga di ba, lagi kaming binabantayan ng mga alipores mo. At huli, hindi ba’t nangako ka na ikukuwento mo sa akin ang kalagayan mo kaya pinagbigyan kitang hindi tayo pumasok ngayon.” Pinandilatan lamang siya ng mata ni Chia Chaine. “What now Chainie? Cat got your tongue?”
“Oh shut up there Carmie!” anito habang hinahampas siya ng teddy bear na dala nito. Kaya kinuha na rin niya ang unan sa tabi niya at gumanti kay Chia Chaine.
Nang makaalis ang instructor nina Inno sa second subject ay mabilis niyang pinuntahan si Iluvio. They have 30 minutes break bago ang third subject nila. At hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita ang anino ni Carmeline.
“Iluvio, did you see Carmeline?” tanong niya nang makalapit siya sa kaibigan.
“Are you for real Inno? Alam mong sabay tayo pumasok kanina tapos tatanungin mo ako kung nakita ko si Carmeline. Bakit ba kasi hindi mo na sinasabay sa pagpasok si Carmeline? Dati rati naman ay ako nga ang laging nauuna sa inyo dahil madalas kayong late magising.”
“Sorry I forgot, pinangunahan lang ako ng takot na baka may nangyari na sa kanya.” Tinitingnan niya pa rin ang buong room dahil baka pumasok na ito.
“Natatakot ka pala pero bakit hindi mo na siya sinasabay?” tanong ni Iluvio sa kanya. Napabaling ang kanyang paningin sa kaibigan.
“Nothing, gusto ko lang muna na magpahinga siya kaya nauna na ako sa kanya.” Nararamdaman ni Iluvio na hindi nagsasabi ng totoo ang kanyang kaibigan. Sa tagal na nilang magkasama, kabisado niya na kung kailan ito nagsasabi ng totoo at hindi. At sa kinikilos nito, sigurado na si Iluvio na may nangyaring hindi maganda.
“Inno, tell me straight what is wrong? Hindi mo naman hinahayaang ma-late sa klase si Carmeline, pero bakit pakiramdam ko nag-iiba ka na. May kinalaman ba ito kay Carmela?”
“Nothing’s wrong Iluvio, you’re just being paranoid there. Samahan mo na lang akong pumunta sa cafeteria baka nandoon si Carmeline.”
Kita niya ang pagbagsak ng mga balikat ng kaibigan bago ito tumayo. Alam niyang gusto pa siyang tanungin ni Iluvio ngunit pinipigilan lang nito dahil sa sobrang kilala siya nito, alam niyang naiintindihan nito na ayaw niya sagutin ang mga tanong nito. Nahihirapan na rin si Inno sa kanyang ginagawa. Ang iwanan si Carmeline sa umaga at mauuna na siyang pumasok, hindi niya gusto subalit dapat niyang gawin upang maging ligtas ito.
Nang makapasok sina Inno sa cafeteria, mabilis niyang hinanap ang kasintahan ngunit ang tanging nakita niya ay ang iba pa niyang mga kaibigan sa isang lamesa. Mabilis silang lumapit rito ni Iluvio, at kahit na nasa malapitan na ay wala pa rin si Carmeline.
“Did you see Carmeline?” tanong niya sa mga ito. Sabay-sabay na umiling ang mga nasa lamesa.
Tumikhim si Chandria kaya napatingin dito si Inno. “Hindi ba’t magkasama kayo sa dorm, bakit hinahanap mo siya sa amin—na hindi ba dapat ikaw ang unang nakakaalam kung nasaan siya.”
“Tama ang sinabi ni Grand Duchess, King. Ikaw ang boyfriend ni Carmeline, at higit sa lahat magkasama kayo sa iisang dorm. Hindi na nga kayo mahiwalay sa isa’t isa simula ng maging kayo pero bakit ngayon hindi mo siya kasama?” segunda ni Iven kay Chandria.
“King,” tawag sa kanya ni Christle, kaya binalingan ito ni Inno. “Hindi sa pangingialam, pero napapansin ko kasi na hindi mo na kasabay pumasok si Carmeline. Nadaraanan niyo kasi ang room ko bago kayo makarating sa classroom niyo, kaya lagi kong nakikita na mag-isa ng pumapasok si Carmeline at late pa. May problema ba kayo?”
Hindi makagalaw si Inno sa kanyang kinatatayuan. Matalino ang mga kaibigan niya, pero mas lalo si Christle—mabilis itong kumilatis kung may mali ba sa mga nangyayari o hindi.
“Wala namang problema sina Inno at Carmeline, ang sweet pa nga nila sa room, kulang na lang ay doon na tumira ang mga langgam.” Napatingin siya kay Iluvio ng ito ang sumagot kay Christle. “Sigurado ba kayo na hindi pa napupunta si Carmeline dito?”
Umiling muli ang mga nasa lamesa. Alam ni Inno na iniiba lang ni Iluvio ang usapan. “Oo nga pala, narinig namin sa mga kaibigan ni Chia Chaine, magkasama raw kahapon si Carmeline at Chia Chaine sa Forbidden Garden of Roses.
Nagkatinginan sila ni Iluvio, mukhang naiintindihan nito ang gusto niyang ipahiwatig. Kaya mabilis na tumakbo palabas ng Cafeteria ang dalawa at tumungo sa kanilang dorm. Kailangan nilang makasiguro na ligtas si Carmeline mula kay Chia Chaine.
Hingal na hingal ang magkaibigan nang marating ang labas ng dorm nila, nakarinig sila ng ingay mula sa loob kaya kinabahan si Inno. Hindi na siya nagsayang ng segundo at mabilis na binuksan ang pinto para makapasok sila ni Iluvio. Hindi makapaniwala ang dalawa sa nakikita, magkaharap sina Carmeline at Chia Chaine na may mga ngiti sa labi, at abala ang mga ito sa pagkain habang nag-uusap.
“What did we missed?” tanong ni Inno na siyang nakaagaw sa atensyon ng dalawang babae.