Habang naghahanda ng makakain at maiinom si Cueshe, sina Carmeline naman ay nasa sala ng dorm nina Cueshe. Matapos ng sagutan sa pagitan nina Carmeline at ni Carmela, na siyang eksena na hindi inaasahan ng lahat sa unibersidad, ay tahimik nilang tinungo ang dorm nina Cueshe. Walang naglakas ng loob na magsalita o magbulungan habang dumaraan sa mga estudyante ang grupo ni Carmeline. Sino nga ba naman kasi ang maglalakas ng loob kung puro Paradise Royalty ang kasama ng dalaga. At ramdam din siguro ng mga ito ang tensyong bumabalot sa bawat isa, kung marinig kang huminga ay siguradong lagot ka.
Abala ang mag-bestfriend na sina Chandria at Christle sa pakikipaglaro kay Coreen. Samantalang si Carmeline naman ay kausap ang bestfriend ni Cueshe na si Chamii at ang exchange student na roommate ni Cueshe na sina Cyst at Camelo, two of the four exchange students from Hatorian Academy. The roommates of Cueshe are both men, unfortunately they are feminine and only attracted to people who have the same sexuality just like them.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na mayroon pa lang exchange students dito from other school,” turan ni Carmeline na hindi pa rin maalis ang paningin sa dalawa.
“Quit staring at me sisteret, I know that I am good looking and you can't take your eyes off but it's getting scary now. You know, we're on the same feathers but with the way you look at me... Stop it sisteret, I think I'm gonna die.” Natawa naman silang tatlo sa narinig mula kay Cyst. Medyo OA kasi ito pero hindi naman nakakairita tulad ng iba.
“Ang arte mo naman sisteret, hindi naman ikaw ang tinitingnan ni Carmeline. Ako kaya ang tinitignan niya. Nakaharang ka kasi sa akin kaya ang akala mo ikaw. Masyado ka talagang assuming sisteret.” Ang sama ng tingin ni Cyst sa kaibigan na si Camelo. Mas lalo silang natawa dahil akala nila ay susugurin ni Cyst si Camelo, ngunit hindi. Bigla na lang nagpalitan ng mabibigat na tapik sa balikat ang dalawa habang nagsasalita.
“Camelo, my wonderful sisteret why are you like that to me? I thought I am the most beautiful between the two of us,” ani ni Cyst.
“Cyst, my favorite sisteret, binibiro lang naman kita kanina. Pero huwag ka ring masyadong assuming, alam naman natin na ako talaga ang pinakamaganda sa ating dalawa,” sambit ni Camelo, sabay hawi sa buhok nitong maikli.
“Sisteret, don't assume too much. Can't you see, I can express myself freely and without thinking about someone that will be mad if they get to know that I am putting colors on my face.” Binigyan ng isang kindat ni Cyst si Camelo, sina Chamii at Carmeline naman ay hindi mapakali dahil sa nananakit na ang tiyan nilang dalawa sa pagpipigil na matawa ng malakas.
“That's below the belt sisteret, even if I am not free I still can see how elegant and dazzling I am. But if you can't accept the fact that I am more beautiful than you no matter what, let's just ask Carmeline to choose who among us is the most beautiful in her eyes.”
Natigil sa pagtawa si Carmeline ng matauhan sa mga sinabi ni Camelo. Dinamay pa talaga siya ng dalawa. Kahit na ngayon niya pa lang nakilala ang tatlo ay magaan na agad ang loob niya sa mga ito. Exchange student lamang ang dalawa ngunit mas papasa pa ang mga ito na tunay na mag-aaral sa unibersidad kaysa sa babaeng nagpapanggap na anak ng may-ari ng Orselleous University. Naalala niya pa ang pag-aasikaso nito sa kanila ng dumating sila sa dorm ni Cueshe.
“Cueshe sisteret, bakit hindi ka man lang nagsabi na may bisita ka pala na kasama. Eh ‘di sana ay napaghandaan namin ang pagdating nila.” Nawala ang tensyon na bumabalot sa kanila nang dahil lang sa masayang pagbungad sa kanila ng roommate ni Cueshe.
“Biglaan lang kasi, hindi ko sinasadyang nakaharap kanina iyong nanakit kay Coreen, sila iyong tumulong sa akin kanina.”
“Really! Where is she? Show that girl to me, so that I can beat her and let her taste the spiciness of my fingers. I will make sure that she will lose her self-esteem when she loses all of her hair.”
“She walked away from us. There’s always a next time for you, so better luck next time guys,” sambit ni Cueshe.
“Yuck!” sabay na singhal ng dalawa. “We’re pretty girls, not guys.”
Napuno ng tawanan ang dorm ni Cueshe at tuluyan ng nawala ang tensyon na kanina ay bumabalot sa bawat isa. “Tigilan niyo nga ako, kahit na pagbalik-baliktarin natin ang mundo ay lalaki pa rin kayo. Maliban na lang kung hahayaan niyong putulin ang nasa baba niyo at palitan natin ng isang kabibe.”
“No way! Sorry but we are already fine for what we have right now,” sabay muling sambit ng dalawa.
Hindi nila maitago ang paghanga sa mga ito. Maliban sa sabay at pareho ang mga sinasabi ng mga ito ay napahanga rin sila sa pagtanggi nito na palitan ang s*x organs ng mga ito. Makikita mo sa mga mata nila na kuntento na sila at hindi na maghahangad pa. They have different gender from the others but they still accept the fact that they are male and they are satisfied with it.
“Anyway girls, they are my roommates, Camelo and Cyst.” Kumaway naman ang dalawa sa kanila. “And boys, these are my friends.”
“I am Carmeline, the so-called trending new student in the university.”
“We know you,” sabay na sabi ng dalawa. Nginitian sila ni Carmeline.
“I’m Chandria, the Grand Duchess of the Paradise Royalties.”
“I am Christle and also one of the Paradise Royalties, the Margravine.”
“Nice to meet the three of you,” sabay na namang banggit ng dalawa, kaya natawa na naman sila.
“Hala sisteret, natulala ka na diyan. Masyado ka na bang nadarang ng aking taglay na kagandahan?” Binatukan naman ni Cyst si Camelo.
“Sorry, may bigla lang akong naalala,” pagdadahilan niya sa mga ito. Sa lahat ba naman kasi ng oras na puwede siya matulala ay bakit ngayon na kaharap niya ang mga bagong kakilala. “Ano nga ulit iyong tanong mo?”
“Sabihin mo sa amin kung sino ang pinakamaganda sa pagitan naming dalawa.”
Seryoso ba ang mga ito? Kaya tinignan ni Carmeline si Cyst upang malaman kung sang-ayon ito, tumango naman ito sa kanya, mukhang wala siyang kawala sa mga ito. Carmeline tap her lips using her forefinger, she looks like she is thinking hard to choose which one of them is the most suitable choice. Nakalipas ang ilang segundo ay bigla niyang nilakihan ang mata at kasabay nito ang palitan niya sa pagtuturo sa dalawa. Daig pa nila ang nasa isang pageant, na kung saan ay sasabihin na kung sino ang nanalo dahil nakatutok na sa kanya ang dalawang nasa harap.
“I made my choice,” sambit ni Carmeline. “The most beautiful is no other than… Chamii.”
“Oh my gosh. Thank you for choosing me Carmeline. It’s my pleasure to have a compliment from you.” Hindi inakala ni Carmeline na sasabayan ni Chamii ang pakulo niya. Pero natutuwa siya sa reaksyon nina Camelo at Cyst.
“This girl is unfair,” nakasimangot na turan ni Cyst.
“But I like her, hindi niya hinayaan na may manaig sa ating dalawa na maaaring pagmulan ng away. So Carmeline, if you need any help from us, we’re always here. Just give us any signal.” Napangiti si Carmeline, hindi pala mahirap na magkaroon ng kaibigan na tulad ng mga ito.
“Girls, I’ve prepared cookies and apple juice for us. Let’s have snack first,” wika ni Cueshe nang mailapag sa lamisita ang tray na pinaglalagyan ng cookies at juice.
“Hoy Christle! Hindi naman kita ginugutom pero bakit mukha kang patay gutom diyan,” singhal ni Chandria sa bestfriend niya na nanguna pang kumuha ng cookies at juice. Hindi na natapos ang pagtawa nila, hindi mahahalata na may kinakaharap sila na problema.
“Ang bad mo talaga sa akin bestfriend. Alam mo naman na hindi na tayo nakakain kanina dahil sa eksenang ginawa ng Empress.” Napaismid naman si Chandria. Tama naman kasi ito, nabulilyaso ang plano nilang kumain ng matiwasay dahil sa hindi nila inaasahan na makakaharap na agad nila ang Empress, ang masama pa ay nakaharap na nito agad ang kaibigan nilang si Carmeline.
“Ang Empress...” Napatingin silang lahat ng magsalita si Carmeline. “Gaano niyo siya kilala at gaano niyo na katagal nakakasalamuha ang Empress?”
Sa isang iglap ay bumalik na naman ang mabigat na awra sa bawat isa. Naramdaman kasi nilang seryoso ang tanong ni Carmeline. Hindi nila malaman ngunit natatakot sila sa inaasta ng kaibigan, natatakot sila na baka kung anong maisip na gawin ni Carmeline. Mapapahamak ito, lalo na at ang Empress ang nakaharap nito, ngunit hindi rin sila dapat na magpakampante na hindi maprotektahan ang kaibigan. Sila ang mas nakakakilala sa Empress kaya gagawin nilang lahat mailayo lang sa kapahamakan si Carmeline.
“Kami ni sisteret Camelo hindi namin siya kilala, katulad mo Carmeline bago lang kami rito. Kami ang third batch na naging exchange student dito, kasama sina Iris at Ishika.” Exchange students, I should ask them about this. I didn’t know that they were accepting these students. There’s more that she really needs to know. She’s like an empty jar right now.
“I have known the Empress since Junior High School but even though I am one of the Royalties, I barely have a chance to have a second with her. So, technically speaking I just have the chance to know her when the unforgettable accident happened,” sambit ni Chamii. Unforgettable accident, another term she needs to know and understand.
“How about you girls, the way you talked to Carmela a while ago it looks like you know each other for a long time. Can you tell me more about who and what she is.” Ramdam ni Carmeline na natigilan ang kanyang mga kaibigan ngunit this is her only chance. She doesn’t want to have an empty head when she faces that girl again.
“We can talk about her some other time, Carmeline,” turan ni Chandria.
Carmeline groaned. “There’s no more some other time, Chandria. I need to know now, I can’t just face her empty handed. You don’t want me to lose to her, right.”
Napabuntong hininga na lamang si Chandria. Tama naman kasi si Carmeline, kung magkakaroon man ng part two ang eksena na hindi malabo na mangyari ay dapat na handa ang kanyang kaibigan. “Alright, I understand.”
“Carmeline is right, she needs to know who and what the Empress is. By the looks of the Empress, we can conclude that she has something in her pocket to ruin us again. She's especially after King’s presence, which now has a relationship with Carmeline. Don’t worry Carmeline we’re on your back,” seryosong wika ni Cueshe.