Paradise 24

1747 Words
Nagmamadali si Carmeline na mahanap sina Cueshe at Coreen, narinig niya kasi sa kaklase na nakikipagtalo si Cueshe ngunit hindi niya na inalam kung sino ang kaaway nito. Mas magandang mahanap niya na ang mga ito at saka na lamang niya aalamin kung sino ang katunggali nito. Nag-aalala kasi siya na baka iyong babae sa mall ang kaharap nito, naikuwento niya kasi kay Cueshe ang nangyari at galit na galit ito. “Hey are you okay? Napansin kong kanina ka pa tulala simula ng maihatid kayo ni Inno sa kuwarto ko. May problema ba Carmeline?” Napabuntong hininga siya at buong pusong isinalaysay kay Cueshe lahat ng nangyari, wala siyang pinalagpas na detalye. Karapatan din kasi nito na malaman ang pinagdaanan ng anak ng iniwan ito sa kanya. “Cueshe, I'm sorry kung napabayaan ko si Coreen. Kung nabantayan ko lang sana siya ng maayos ay hindi sana siya mababangga sa isang babaeng walang modo.” “It is not your fault Carmeline.” Nagulat siya sa pagsigaw nito. “Do not blame yourself, you just did what you needed to do. We can't avoid circumstances that are destined to happen.” “I can't stop blaming myself, I think I can't be a good guardian to her. I can't take good care of her in just a small span of time. I'm so useless.” Kahit ano pang sabihin ni Cueshe ay hindi pa rin mawala sa kanya na isipin na hindi niya nabantayan ng ayos si Coreen. Ipinagkatiwala ito sa kanya pero heto at napabayaan niya. “Don't blame yourself Carmeline, kung napabayaan mo sana ang anak ko ay napahamak na sana siya. Pero tingnan mo siya, maayos ang lagay at nakangiti. She's proud that you save and protected her. Stop being mean to yourself.” Naiyak siya, kaya niyakap siya ni Cueshe. “Don't worry kapag nakaharap ko ang babae na iyon ay igaganti ko ang anak ko sa kanya. Hindi ko hahayaan na laitin niya ang anak ko dahil wala siyang karapatan.” Naramdaman niya mula sa mga salita nito na seryoso itong gaganti kapag nakita nito ang babae. Hindi niya nga malaman kung bakit pakiramdam niya kilala na nito ang nakabanggan ni Coreen kahit na hindi naman nito nakita ang mukha. Kung pagbabasehan ang ekspresyon nito ay mahihinuha nong may ideya na ito kung sino ang babaeng sumigaw sa anak nito. Nang makarating sa cafeteria ay hinanap agad ng kanyang mata ang mag-inang Cueshe at Coreen. Nakita niya itong nasa gitna ng cafeteria at nasa likod nito si Coreen, sunod niyang tiningnan kung sino ang kasagutan nito. Tama ang hinala niya na ito ang babaeng nakasagutan niya sa mall, estudyante rin pala ito sa university ngunit bakit hindi ito nakasuot ng uniform? Hindi kaya transferee ang babae kaya ganoon ang suot nito. Hindi na siya nagsayang ng oras at pinuntahan niya si Cueshe. Nang makita siya nito ay agad niyang kinuha si Coreen, inalis niya ito sa lugar na iyon dahil hindi magandang naririnig iyon ng bata. “Clexiery, iiwan ko muna sa iyo si Coreen, hindi kasi magandang nakakapanood siya ng hindi maganda.” Binalingan naman niya si Coreen ng maibigay ito kay Clexiery. “Baby Cors, stay here with ate Clexiery. Your Mimi and I will be right back immediately.” “Don’t worry Carmeline, I will take care of Coreen. Go back there now and help Cueshe.” Tinanguan niya si Clexiery at iniwan niya na muna si Coreen, at mabilis na binalikan si Cueshe. Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Sinampal ng babae si Cueshe kaya natumba ito. Mabilis niyang dinaluhan si Cueshe para maitayo ito. Hinarap niya ang babae at halatang nagulat ito ng makita siya. “How dare you slap me!” sigaw ni Cueshe ng makabawi ito sa pagkakasampal. “How dare you shout at me, you know that you don't have the right. Don't you know how to respect me anymore!” Nilapitan nito si Carmeline. “Oh... The pretending mother is here. How dare you walk out on me yesterday? Don't you even know who I am?” Sino ba ito para magsalita ng ganoon, siya ba may-ari ng university, I bet she's not because I know the real owner is. “Why would I need to know? Are you someone important or someone that needs to be respected that much? But come to think of it, for me you're just a nobody that has an inappropriate attitude and a nobody that I can’t see some details that will prove that you need to be respected.” “Oh yesterday you walked out, now you learned how to answer back. That was great, you're a fast learner but I still don't like you.” “The feeling is mutual, so you better get out of here or I'm gonna kick your ass.” Hinawakan na ni Cueshe ang kamay niya, alam kasi nito na hinding-hindi siya magdadalawang-isip na paulanan ito ng suntok. Ang pagkagulat sa mukha nito ay napalitan agad ng ngisi. “I guess you really don’t know who you are talking to. Don’t worry I will forgive you if you will apologize to me right now after you know who I am.” “Then who are you? Are you the child of a politician or a trending company? But I don’t give a damn, cause I won’t still respect you just like you didn’t respect a person here.” Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa babae kaya lalong nag-iinit ang ulo niya. Kung hindi lang siya nagtitimpi dahil nahihiya siya kay Cueshe at baka makita pa ni Coreen ay kanina niya pa ito sinunggaban ng suntok at sipa. “Stop this nonsense Carmela, you are the one who has a fault here. I should blame you for shouting at my child yesterday. You don’t have the right, and you should not come back here because you’ll just bring chaos again. Your attitude doesn’t suit here anymore.” Nagulat ang lahat ng marinig ang matunog napagkakasampal ni Cueshe sa babaeng nagngangalang Carmela. Ang kaninang pumipigil sa kanya ay ito pa pala ang mauuna na sasabog. Hindi pala ito baguhan sa unibersidad, dati na itong nag-aaral doon at ngayon ay bumabalik itong muli. Kahit si Carmeline ay hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan, ngunit unti-unti niya ng naiintindihan kung sino ba ito. “That slap is for my daughter.” “Why do I feel that you're preventing me from telling this girl beside you my identity? Are you afraid that she might kneel down in front of me just to accept her apologies? Oh… Cut that crap. I will just say this once and you should remember this. I am Carmela Orselleous-Orellius.” Nanlaki ang mata ni Carmeline sa narinig. Hindi maaari, kamag-anak niya ba ito? “The daughter of the owner of this university, and I am the most respected Empress of the Paradise Royalty. Now you can kneel and ask for forgiveness while I am still in the good mood to accept it.” Lahat ng iniisip ni Carmeline na haka-haka ay nawala ng marinig niyang sinabi nito na anak siya ng may-ari. Hindi siya naniniwala kasi alam niya kung sino ang totoong anak ng may-ari ng university. Ang malawak na ngiti sa labi ni Carmela ay nawala ng makita niya ang unti-unting pagngisi ng kaharap. “Who cares if you are the owner’s daughter, I didn’t do anything wrong to you so I don’t need to apologize. Well, in fact you are the one who needs to apologized to Cueshe and her daughter, you’re discriminating them, we all know that we can sue you and meet you again inside the court.” Hindi inaasahan ng lahat ang narinig mula kay Carmeline. May ilang estudyante na natuwa dahil may nahanap ng katapat ang Empress, ang iba naman ay nag-aalala dahil baka muli itong ikapahamak ni Carmeline ngunit karamihan ay iniisip kung ano ang gagawin ni King sa sitwasyon na namamagitan sa Empress at kay Carmeline. “You, how dare you talk to me that way. Whoever you are, I will make sure that you will be expelled from here.” “Go I am not afraid, do you want me to go with you when you pass your complaints to the administration?” Hindi napigilan ng lahat na matawa sa narinig na naging dahilan naman ng pag-init ng ulo ng Empress. Akmang sasampalin niya na sana si Carmeline ngunit hindi ito natuloy ng may kamay na pumigil dito. “Empress, kababalik mo lang pero gulo na agad ang makikita ko sa ‘yo. Ang kamay ay ginagamit sa pag-aayos sa mukha hindi sa p*******t ng kapwa. At higit sa lahat ay hindi ko hahayaan na saktan mo si Carmeline. She’s more important than you.” “You really dare to oppose me , I am your respected Empress, did you forget Grand Duchess?” “You got it wrong Empress. I will never ever forget you. Why would we forget the chaos you bring in the university before you leave without further notice to the whole Royalty. Right now we remember that you’re the Empress because you are the daughter of Mrs. Orselleous but you don’t deserve to be respected anymore,” ang sabi ni Chandria habang hawak-hawak pa rin ang kamay ng Empress. Inalis naman ni Christle ang pagkakahawak ni Chandria sa kamay ng Empress at iwinasiwas ito ng walang pasabi. Mahahalata sa mukha ng Empress na nasaktan ito sa ginawa ni Christle. “You dare to hurt the Grand Princess, then you started the war between the Royalty. We will make sure that you can never do the things you’ve done in the past.” “I don't care if you will join forces, I will do everything to bring back what is mine. You can never hide him from me. Let’s just wait for a little while and don’t ever dare to blink or you will lose for my next move.” Naglakad na ito paalis hanggang sa mawala na sa paningin nila ang Empress. Ang daming gumugulo sa isipan ni Carmeline, kung dati ay hindi niya pinansin dahil sa sobrang excited siya, ngayon ay napapaisip siya kung ano ang dahilan at mabilis niyang napapayag ang mga magulang na mag-aral na siya sa unibersidad. Ito ba ang dahilan? Ang dami niya pala talagang hindi alam, at pinapangako niya na malalaman niya ng mga dapat na alam niya na dati pa ngunit itinago sa kanya ang katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD