“Carmeline pasensya na sa abala, ikaw lang kasi ang gusto ni Coreen. Ayaw niyang magpaiwan sa iba. Hindi ko naman siya maisama dahil hindi siya puwede sa pupuntahan ko.”
“It's okay... Masaya nga ako kasi magkakaroon kami ng bonding time ni Coreen. Kapag wala kang mapag-iiwanan sa kanya, sa akin mo na lang siya dalhin. I'm willing to take care of her.”
“Thank you talaga Carmeline, paano aalis na ako. Baka ma-late pa ako sa pupuntahan ko.”
“Sige mag-iingat ka. Don't worry that much, ako bahala kay Coreen.”
Carmeline was busy eating her late breakfast meal when Cueshe and Coreen approached her. Cueshe asked her if she can look after Coreen, because the little child doesn't want to be with anyone unless it is her. She fully accepted the request of Cueshe, she also wants to be with the girl.
Itong mga araw na nagdaan ay pakiramdam niya hindi siya ayos, kaya masaya siya na makasama kahit saglit si Coreen. Kapag kasama niya kasi ito ay pakiramdam niya nawawala pansamantala ang kanyang problema. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit pakiramdam niya may mali sa paligid niya kahit wala namang nangyayaring masama. Ayos naman sila ng mga kaibigan niya, kahit mga estudyante sa unibersidad ay hindi na rin siya pinag-uusapan hindi tulad ng huli. Sila ni Inno ay ayos naman, lalo nga itong naging sweet sa kanya ng naging public na ang relationship nila, lagi nitong sinisigurado na kumakain siya sa tamang oras at kapag may kailangan siya ay lagi nitong ibinibigay ang gusto niya.
Napansin niya rin na hindi na siya ginugulo ni Chia Chaine, kung makasalubong naman niya ito ay naninibago siya dahil hindi na tulad ng dati na magkakaroon sila ng eksena, ngayon kasi ay nakakatanggap na lamang siya ng pag-irap mula rito. Kaya hindi niya alam kung tanggap na ba nito ang relasyon nila ni Inno o naghihintay lamang ito ng tamang oras para gantihan muli siya. Kaya lagi pa rin siyang ready, anuman ang mangyari ay handa siya na ipagtanggol ang sarili.
Naninibago rin siya dahil walang segundo na nag-iisa siya. Saan man siya magpunta ay lagi siyang may kasama. Ngayon na lamang na kasama niya si Coreen siya makapag-iisa. Kaya iba rin ang pakiramdam niya nitong mga lumipas na araw, marahil ang dahilan ay ang lagi siyang may kasama, pakiramdam niya kasi ay pinoprotektahan siya ng mga kaibigan sa isang bagay na ikapapahamak niya, na wala naman siyang kahit kaunting ideya kung ano iyon.
“Mommy Cars,” tawag sa kanya ni Coreen. Si Iue ang nagturo sa bata kung ano ang itawag sa kanya. Kaya kung ano ang tawag sa kanya nina Iue at Izekiel ay ito rin ang tinatawag sa kanya ni Coreen. Ngunit dati ay ate Cars tawag nito sa kanya, napalitan lang ito ng nakita ni Coreen na kasama niya si Inno, ayon dito ay Mommy at Daddy niya silang dalawa ni Inno. Tuwang-tuwa naman si Inno sa narinig at sabi pa nito ay, we look like one happy family. “I am hungry na po, can we eat na po?”
Kaya nagkakasundo sila ni Coreen dahil pareho silang mahilig kumain. Hindi rin kasi ito mapili sa pagkain, kung ano ang nakahain ay buong puso nitong tinatanggap. “It looks like my Baby Cors will eat a big meal today. Let's buy first a gallon of our favorite rocky road ice cream, before we go to the unli wings store. Then we're going to the arcade to play. Do you like my idea?”
“Yes Mommy Cars, your Baby Cors like that idea po. More food is life and more food to eat keeps me healthy.” Natawa naman siya sa narinig mula rito. Masaya siya at kahit na single mom si Cueshe ay napalaki niya ng maayos si Coreen, inaalala lang niya ay baka naghahanap na ito tungkol sa tatay nito. Wala rin kasing nabanggit sa kanya si Cueshe about sa Daddy ni Coreen, dahil nahalata niyang ayaw nitong isipin iyon. Marahil ay nasaktan ito ng sobra dahil sa lalaki. Kung siguro nakilala niya na dati si Coreen ay baka nagprisinta pa siya na ninang nito. Nag-iisa lang siya at walang kapatid kaya noong makilala niya si Coreen ay para na rin siyang nagkaroon ng kapatid sa katauhan nito.
Nang matapos niyang makuha sa counter ang binili ay binalikan niya si Coreen sa table kung saan niya ito pinaupo. Ngunit wala na ito ng makabalik siya, wala rin ito sa loob ng store kaya nagmadali siyang lumabas para hanapin ito. Hindi pa man siya nakakalayo mula sa store ay nakita niya ng nakaupo sa sahig si Coreen at sinisigawan ito ng isang babae.
“Baby Cors, why are you crying?”
“Mommy Cars, that bad lady is yelling at me.”
Tiningnan niya iyong babae, halatang galing ito sa mayaman na pamilya dahil sa pananamit nito. Pero hindi iyon dahilan para sigawan niya ang bata. “Ano ba ang nangyari at sinisigawan mo iyong bata?”
“Are you the mother of that stupid child?”
“Magdahan-dahan ka sa pananalita mo.” Tama nga ang hinala niya na hindi maganda ang ugali nito.
“Why are you afraid to know that your child is stupid? Well, let me tell you that your stupid child bumped on me. Look what she did to me, my Latte has scattered on the floor. For goodness sake, my drink was expensive and I lost it because of that careless child. Will you teach your child the right etiquette?”
Nag-init ang ulo niya sa mga narinig. Sino ba ito at grabe kung magalit at manlait, ito ang dapat turuan ng tamang manners. “Hindi ba't dapat ikaw ang tinuturuan ng tamang manners, puwede mo naman kausapin ang bata ng hindi sinisigawan. Sabagay hindi na ako magtataka, sa katulad mo na spoiled brat, hindi na ako aasa na maganda ang ugali mo.”
Hinawakan niya sa kamay si Coreen at umalis na sa lugar na iyon. Binalewala na lamang niya ang sinisigaw ng babae. Bakit niya pa ito kakausapin ng maayos kung ito nga ay hindi man lang siya kinausap ng maayos bagkus ininsulto pa ang walang kamuwang-muwang na bata.
Hindi dapat sinasayang ang oras sa katulad ng babaeng iyon.“Baby Cors let's forget about that girl. She doesn't deserve our time. Let's start eating so we can go to the arcade.”
“Yes Mommy Cars, but I don't know po, if I could leave this place, the foods look delicious and tasty po. I feel like I can't stop eating.” Natawa naman siya sa sinagot ni Coreen, masarap nga naman ang pagkain at kahit siya hindi rin siguro matitigil hangga't hindi siya nabubusog.
Nagmamadali si Inno ng papasok siya sa mall dahil naghihintay sa kanya sina Coreen at Carmeline, dapat ay sasamahan niya ang dalawa ngunit may nilakad siya kaya sabi niya ay hahabol na lamang siya. Sa pagmamadali ay hindi niya na napansin ang babaeng nakasalubong niya.
“What the hell, a while ago I bumped into a stupid child, now is with a stupid man.” Tinulungan niyang pulutin ang gamit nitong nahulog ng magkabanggan sila.
“I'm sorry if I didn't I notice you,” sabi niya ng maabot ang bag nito.
“I think I'm lucky to bumped in you.” Napatingin siya rito, hindi siya makapaniwala na makakaharap niya na ang babaeng hindi niya na gustong makita pa. “King, I miss you. I came here to have you back.”
Ang lakas ng loob nitong magpakita sa kanya matapos ng lahat ng ginawa nito sa nakaraan. “I need to go, excuse me.”
Bago pa siya makaalis ay hinawakan nito ang braso niya. “Why leaving so soon King, didn't you even miss me? I bet you still love me, I am here now willing to come back to you.”
Iwinasiwas niya ang kamay nito, wala siyang pakialam kung masaktan man ito. “I didn't miss you even a single bit and you should keep in your mind that I didn't love you anymore. Excuse me, I still have things to do.”
“Remember this King, I will surely win you back into my life. I’ll do everything no matter what.”
Iniwan niya na ito, dahil may isang tao pang mas mahalaga rito na naghihintay sa kanya. At sinisigurado niya na kay Carmeline ay hinding-hindi siya masasaktan. Hiling niya na sana ay hindi pa nakakaharap ni Carmeline ang Empress, dahil wala siya sa tabi nito para ipagtanggol ang babaeng mahal niya. Ngayong alam niya ng naririto na ang Empress ay hindi malabo na hindi ito magpakita sa university. Dapat niyang ipaalam sa Emperor ang balitang ito para mapaghandaan nila ang mga maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Lalo at sa mga sinabi nito ay mukhang may mapapahamak ng dahil sa kanya.