Paradise 22

1648 Words
All of the Royalties are summoned to the headquarters by the Emperor. He told them that he had to say something important to them. When they settled down on the long table, the Emperor commanded the Duke to play the video they saw in the LED Monitor. “Hello Royalties, did you miss me? I hope you won’t forget your beloved Empress. I just want to inform all of you that I am coming back soon, I’ll take back what is mine. Goodbye Royalties, wait for me my King.” Doon na natapos ang video. Halos lahat naman ay tahimik at walang naglakas ng loob na magsalita. “Now that you watched it, what do you think we should do about this matter?” maotoridad na tanong ng Emperor. “Permission to speak, Emperor.” Sumensyas ang emperor sa Grand Duchess na maaari na itong magsalita. “Sa tingin ko ay para sa King ang mensahe ng Empress, at ngayon na kumakalat na ang tungkol relasyon ni King at ni Carmeline ay maaaring mapahamak si Carmeline. Kaibigan namin si Carmeline at hindi ko gugustuhin na mapahamak siya ng dahil lang sa pagiging spoiled ng Empress. Kung papayagan niyo ay hihilingin ko sana na protektahan ni King si Carmeline at huwag itong pababayaan.” Nagtaas naman ng kamay ang Viscountess. “Hindi na kailangan mandamay ng ibang Royalty sa problema ng Empress sa King. Maaaring ang nalalapit lang sa babaeng binanggit niyo ang dapat na promotekta sa kanya. Ngunit kung idadamay ng Empress ang ibang Royalty ay doon lamang tayo dapat na kumilos.” “Sang-ayon ako sa sinabi ni Viscountess. Iyon ang dapat nating gawin. Kikilos lamang tayo kapag nadamay na ang buong Royalty. Huwag kang mag-alala Grand Duchess ako mismo ang poprotekta kay Carmeline, hindi na dapat madamay ang ibang Royalty. Ipinatawag ko kayo ngayon para ipanood sa inyo ang video para maging aware kayo sa mga susunod na araw. Hindi natin alam kung kailan darating ang nasabing Empress at kung may gagawin siyang hindi maganda sa Paradise Royalty. Siguro naman ay hindi niyo pa nalilimutan ang ginawa niya noong nakaraan.” “Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa iyo Emperor, kung bakit kung ituring mo ang Empress ay parang hindi mo siya kadugo. Paumanhin sa aking panghihimasok Emperor pero ako’y naguguluhan lang sa relasyon niyo ng Empress,” biglaang wika ng Marquess. “Hayaan mo Marquess, sinisigurado ko na malapit niyo nang malaman kung bakit ganoon ang trato ko sa Empress, hindi ko muna sasabihin sa inyo dahil ang gusto ko ay kayo mismo ang makaalam kung bakit ganoon ang ugali ko sa kanya.” Kakaiba ang pagngisi ng Emperor, isa lang ang ibig sabihin nito. May malalaman sila na ikabibigla ng lahat, iyon ang sigurado. “King, Grand Duke, Grand Prince, Infante, Prince, and Duke stay. And the rest of Royalty, you can go now, thank you for coming. Royalty, meeting adjourned.” Nagsialis na ang ibang lady royals at master royals, sila na lamang pito ang naiwan sa Paradise Headquarters. Sobrang seryoso ng Emperor ngayon, at kahit sino sa mga naiwan ay kinakabahan sa mga sasabihin nito. Kanina pa nga lang ng mag-umpisa ang meeting ay lahat ng royalties ay kinakabahan na. Iba kasi magalit ang Emperor at ramdam nilang lahat ang tensyon sa loob ng headquarters. “Alam niyo naman siguro kung bakit ko kayo pinaiwan.” Tumango naman ang lahat, tungkol pa rin ito sa napag-usapan kanina sa meeting. “Ngayon na babalik na ang tinaguriang Empress ng Paradise Royalties, nanganganib na ang buhay ni Carmeline. Handa ka na ba King? Kaya mo bang ipagtanggol si Carmeline?” “Emperor tama na ‘yan,” awat ni Duke. “Hindi Duke, kailangan ko malaman kung kaya niya ba na alagaan si Carmeline. Dahil babalik na ang ex-girlfriend niya, ang Empress. Paano pala kapag nakaharap ni King ang Empress baka isantabi na lang niya bigla si Carmeline, baka kapag sinabi ng Empress na gusto nitong makipagbalikan sa kanya ay iwan na lang niya bigla si Carmeline. Hindi ako makakapayag na masaktan si Carmeline.” “Hindi ko sasaktan si Carmeline Emperor, hindi ko siya magagawang ipagpalit dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko. Kahit na makaharap ko pa si Carmela ay sinisigurado ko na hindi na ako babalik sa kanya dahil hindi na siya ang tinitibok ng puso ko,” mariing na turan ni Inno sa Emperor. “Siguraduhin mo lang King kasi sa oras na malaman kong nasaktan si Cameline dahil sa iyo ay ilalayo ko siya. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka na makakalapit pang muli. Gagawin ko lahat huwag lang siyang masaktan.” Ibang Emperor ang kaharap ni Inno ngayon, kung nakakatakot na ang awra nito kanina ay mas lalo ang ngayon na ang pinagtatalunan nila ay si Carmeline. Naiintindihan niya kung hindi pa buo ang tiwala sa kanya ng Emperor, dahil alam niya na kapakanan lang ni Carmeline ang iniisip nito. Kahit sino naman sa kanila ay hindi gugustuhin na masaktan si Carmeline lalo na siya kaya gagawin niya ang lahat hindi lang ito mapahamak. “Emperor, curious lang ako sa tinanong ni Marquess kanina at sa isinagot mo sa kanya.” Nagawi ang atensyon nilang lahat nang magsalita si Iluvio. “Matagal na rin akong nagtataka kung bakit hindi man lang namin nakikitang magkasama kayo ng Empress sa nakaraan. Magkibuan o magkumustahan ay wala, kahit nga sa mga meeting ay malayo kayo sa isa’t isa . Noong nawala siya ay parang hindi ka naman nag-alala, mukhang nagdiwang ka pa noong tuluyan na siyang umalis at pumunta sa ibang bansa. May hindi ba kami nalalaman Emperor?” “Masyadong matalas ‘yang pag-iisip mo Grand Prince, pero hayaan mo akong bigyan ka ng sagot na hindi ko naibigay kay Marquess kanina. Oo, may hindi kayo nalalaman, ngunit hindi ko sasabihin kung ano iyon. Kung gusto mong malaman, huwag na huwag kang kukurap dahil baka kapag sinubukan mong kumurap ay hindi mo makita ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip mo.” Matapos nitong tingnan ang bawat isa sa kanila ay lumabas na ito ng headquarters, nakasunod naman dito si Duke. Nakaramdam ng pagyugyog sa kanyang balikat si Inno. Nang iangat niya ang tingin ay nakita niyang nakatingin pala sa kanya lahat ng kanyang kaibigan. “Are you alright Inno?” “I’m alright, I’m still thinking about the meeting that happened three days ago. Wala pa rin paramdam si Carmela, natatakot ako baka si Carmeline ang puntiryahin niya at hindi ako. Klaro naman sa pinadala niyang video na tungkol sa amin ni Carmeline ang tinutukoy niya roon.” “Huwag ka na munang mag-isip nang mag-isip diyan. Malay natin, hindi na pala siya tumuloy na bumalik, pero hindi rin naman tayo magpapakampante. Basta mag-ready lang tayo sa kung ano man ang mangyayari.” “Yeah, hindi ko lang maalis sa isipan ko na mag-alala para kay Carmeline. Paano kung masaktan siya dahil sa akin, tapos ilayo siya sa akin ng Emperor. Iniisip ko pa lang hindi ko na kakayanin, paano pa kaya kapag nangyari na.” Tinapik ni Iven ang balikat ng kaibigan. “Don’t worry, we are here to help you. Hindi rin naman namin hahayaan na masaktan si Carmeline. Napalapit na siya sa amin kaya importanteng protektahan namin siya laban sa Empress kung sakali man na may gawin siyang di kaaya-aya kay Carmeline.” “Salamat pare. Kung sakali man dumating yung panahon na magsakripisyo ako para lang hindi masaktan si Carmeline ay sana huwag niyo sana siyang iiwan. Alagaan niyo siya para sa akin. Dahil kapag nangyari ang kinatatakutan ko ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Carmeline. Mahal na mahal ko siya, hindi ko hahayaan ng dahil sa akin ay masira ang school life niya,” sabi niya sa mga kaibigan. Gagawin niya lahat para maiwasan ang mapahamak si Carmeline. Hindi niya hahayaang masaktan ito ng dahil sa kanya. “Huwag ka nga mag-isip ng ganyan, hindi mo kailangan magsakripisyo bestfriend. Kaya nga kami nandito para magtulungan tayo na ingatan si Carmeline.” “Tama si Iluvio, kami ni kambal ang bahala sa security ni Carmeline. Sisiguraduhin ko na updated tayo lagi sa mga ginagawa at pinupuntahan niya kapag hindi niya tayo kasama,” sabi ni Izaiah, tumatango naman si Iisakki bilang sang-ayon sa sinabi ng kakambal. “Dapat din siguro na hindi nawawalan ng kasama si Carmeline, hindi dapat natin siyang hayaan na mag-isa. Kung hindi kasama ni Carmeline si Inno o kaya ay sina Emperor at isama na rin natin sina Chandria ay dapat may isa o ilan sa atin ang sasama sa kanya. Wala dapat na segundo na wala siyang kasama,” suhestiyon ni Iven. “Kakausapin ko na lang sina Chandria patungkol dito.” “Sang-ayon ako sa mga sinabi niyo.” Payag na siya, maganda naman ang plano ng mga ito, alam niyang ligtas si Carmeline kapag hindi ito nag-iisa. Tumikhim naman si Iisakki ng wala nang nagsalita sa kanila. “Sigurado ka bang usap lang ang ipupunta mo kay Chandria o manliligaw ka na naman?” “Tigilan mo ako Iisakki, halika nga rito ng mabugbog kita. Matagal-tagal na rin ng huli akong makipag-sparring sa training. Sobrang busy ko kaya hindi ako makakapunta sa gym, kaya ikaw na lang muna ang gagawin kong punching bag Iisakki. Bumalik ka rito huwag mo akong takbuhan.” As usual tumakas na naman ang kambal. Hindi na talaga nagbago ang mga iyon. Naiwan naman silang tumatawa ni Iluvio habang si Iven ay pinapatunog ang bawat daliri nito. Hindi niya pa rin maiwasang hindi isipin ang mga maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Sana huwag bumitaw si Carmeline at magtiwala sana ito sa kanya. Dahil lahat naman ng gagawin niya ay para rito. Guide us Lord, please don’t let my sweetie suffer so much. I will do everything to make sure that she is safe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD