Paradise 21

1769 Words
“Chandi my bestfriend, may napapansin ka ba kay Carmeline ngayon? Para kasing may kakaiba sa kanya, hindi ko nga lang maipaliwanag.” “Sa tingin ko nga rin ay mayroon. Para kasi siyang blooming ngayon, parang iba 'yong kagandahan niya ngayon. Sa tingin mo may nangyari kaya sa kanya?” anito habang pinipindot ang ulo gamit ang hintuturo na para bang nag-iisip ng malalim. “Speaking of nangyari, may nasagap ako na balita,” sambit nito habang nanlalaki ang mata. “Basta chismosa ang bilis makakuha ng impormasyon, pero ano 'yong nasagap mo. Nabanggit mo na rin lang kaya i-share mo na.” “Nabalitaan ko na nakipag-date raw si King sa new student.” “Ay, sino naman ang new student na ‘yan, ang dami kayang new student sa university.” “Si new student daw na ito ay walang iba kundi si Carmeline, isang senior high student, balita nga ay magkaklase raw sila ni King.” “Ay saglit, ang Carmeline ba na sinabi nila ay si Carmeline na kaibigan natin?” “Tumpak nadali mo!” “Hoy! Kung mag-usap kayo parang hindi niyo ako kasama ah! Bahala kayo diyan, aalis na lang ako,” singhal ni Carmeline nang matapos sa pag-uusap ang dalawa, na parang wala siya sa harap ng mga ito. Pinigilan naman ng dalawa si Carmeline, kaya muli itong napaupo. Sinimangutan niya ang mga ito dahil hindi na sila tumigil kakatawa. Aware naman siya na siya na naman ang topic sa buong unibersidad. Panandalian nga lang yata ang pagiging tahimik ng school life niya dahil ngayon ay siya na naman ang usap-usapan ng lahat. Hindi lang siya pinag-uusapan dahil nakatanggap din siya ng masamang tingin mula sa ibang mag-aaral. Kung nakamamatay lang ang pagtingin ng mga ito ay matagal na siyang nilamayan. Hindi na siya magtataka kung ano mang oras ay lapitan siya ni Chia o ng iba pang fan girls ni Inno. Pero kapag nangyari iyon ay hindi na siya magpapatalo, tapos na siya magpakabait. Kasalanan talaga ito ng pasaway na si Iue, kung hininaan ba naman kasi nito ang boses niya ay paniguradong binabalewala sana siya ngayon ng iba. Naisip niya rin na kahit hindi nangyari ang sagutan nila ni Iue ay sigurado siya na agad ring malalaman ng lahat ang totoo. Basta kasi tungkol sa mga Royalties ay mabilis kumalat ang balita. “Carmeline, ano ‘yong nabalitaan ko!” sigaw ng kararating na si Iue. “Ano na naman bang problema mo Ayu, kulang ka ba sa aruga at gumagawa ka na naman ng eskandalo diyan, Kiel pakibalik nga ito sa sinapupunan ng nanay niya. Mukhang kulang pa ito sa buwan.” “Hayaan mo na ‘yan baby Cars, hindi kasi nakainom ng gamot si Ayu kaya ayan sinusumpong na naman.” “Hoy tigilan niyo akong dalawa ah! Hindi ako natutuwa sa sinasabi niyo at mas lalong hindi ako natutuwa sa nalaman ko.” “Tigilan mo kasi ‘yang kasisigaw mo, puwede ka naman kasing magtanong ng mahina lang ang boses mo di ba.” “E sa nagulat kasi ako sa nalaman ko.” “Ano ba kasi ‘yang nasagap mong fake news at kung sugurin mo ako ay wala ng bukas.” “So fake news pala ang nalaman ko sa Baltazar Twins na nakipag-date ka raw kay Brylle sa Orselleous Paradise!” Nanlaki ang mata ni Carmeline nang marinig ang isinigaw ni Iue. “Ano ba ang ingay mo, pasaway ka talaga.” Naramdaman niyang nag-umpisa ng magbulungan ang nasa paligid niya. “Pahamak ka talaga Ayu.” “Anong pahamak, si Inno ang pahamak. Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na nakipag-date ka sa kanya.” “Ano ba Ayu, tigilan mo nga si Carmeline at tigilan mo rin ‘yang kasisigaw mo. Mapapahamak si baby Cars sa ginagawa mo. Bakit hindi ang sarili mong lovelife ang pagtuunan mo ng pansin.” “Tigilan mo ako Kiel, ikaw Carmeline bakit hindi ka nagpaalam.” “Hindi ko responsibilidad na magpaalam sa ‘yo kaya tigilan mo ako sa kadramahan mo. Nagmamatapang ka na Ayu, baka gusto mong hindi kita pansinin.” “Hindi naman baby Cars, ayoko lang naman na nahuhuli ako sa balita kasi gusto ko updated ako.” Natawa naman sila ni Kiel dahil nagmukha itong maamong tupa. Lumapit ito kay Carmeline at nagmukha itong bata na nakalingkis sa ina at naglalambing upang payagan siyang maglaro. Kahit ano pa ang gawin nito ay takot pa rin ito kapag sinabi niyang hindi niya ito papansinin. Minsan niya na kasi itong tinotoo na hindi ito pansinin, kaya na-trauma siguro ito. “Kapag balak mo nang sagutin si Bryle dapat sabihin mo na muna sa akin para hindi ako magalit.” “Actually kami na ni Inno.” “Ano! Kayo na ni Bryle!” sigaw na naman nito. Wala na, mas lalong nagbulungan ang mga nakapaligid sa kanya, hindi na siya magtataka kung alam na agad ng buong unibersidad. “Stupid.” sabay na sabi nila ni Izekiel. “Totoo ba talaga na nag-date kayo ni Inno?” Ayaw talaga siyang tigilan ng dalawa, mabuti na lang at pumasok na sa klase si Christine dahil ito ang pinakamakulit. “Oo, nag-date kami, masama ba?” inosente niyang tanong sa dalawa. “Eh kasi nga di ba, noong nakaraan parang hindi naman kayo okay. Hindi ba’t na-bully ka pa na kagagawan ni King. Tapos palagi kang ginugulo ni Chia,” sabi ni Chandria. “Tapos nabalitaan din namin na nagkagulo kayo ni Chia tapos pinagtanggol ka ng Emperor. Isa pa 'yon, hindi mo nasabi sa amin na kilala mo pala ang Emperor at ang Duke.” “Nakapag-usap na kami ni Inno, okay na kami. Lahat ng misunderstandings ay maayos na. Iyong tungkol kay Iue at kay Izekiel, hindi ko naman kasi alam na Emperor at Duke sila, wala akong ideya na kasama pala sila sa Paradise Royalty. Kaya hindi ko rin nasabi at naikuwento sa inyo na kilala ko sila dahil hindi niyo rin binanggit ang pangalan ng mga Royalty. Simula pagkabata ay magkakasama na kaming tatlo nahiwalay lang ako simula noong na-kidnap ako, kaya sa bahay lang ako nag-aaral.” Tumango-tango naman ang dalawa. Ngayon ay naiintindihan na nila kung bakit hindi man lang sinabi sa kanila ni Carmeline ang tungkol doon. Nalimutan din nilang bago nga pala sa Orselleous si Carmeline, kulang pa ang alam nito tungkol sa university. Ngunit nag-aalala sila sa kaibigan dahil may nabalitaan sila na mukhang ikapapahamak ni Carmeline. At hindi nila hahayaan na may mangyaring masama sa kaibigan, gagawin nila ang lahat para maprotektahan nila ito. “May itatanong pa ako sa ‘yo Carms?” tanong ni Christle. “Kayo ba ni Inno ay may relasyon na o nasa ligawan stage pa rin kayo?” “Kami na ni Inno, sinagot ko siya noong araw na inaya niya ako sa dinner date namin.” “Sana all may ka-dinner date,” mapanuksong sambit ni Chandria. “Sana all ka diyan, balita ko may umaaligid sa iyong royalty. Ano nga ulit pangalan noon? Ah... Wait, saglit nalimutan ko… Ayun naalala ko na, si Iven Jan Smith ba ang pangalan niya o si Grand Duke ba ang royalty rank niya?” Namula naman si Chandria. Narinig kasi ni Carmeline mula sa kambal nang asarin nila si Iven na may sinusundan ito. Minsan kasi ay nahuli raw nila itong nagtatago sa isang pader, at nang tiningnan nila kung sino ang sinisilip nito ay nakita nila ang Grand Duchess. Noong una ay hindi niya kilala kung sino ang Grand Duchess, pero ng tanungin niya si Inno ay sinabi nito na si Chandria raw ang kasalukuyang Grand Duchess. “Bakit hindi niyo sinabi sa akin na isa kayo sa Paradise Royalty?” tanong niya sa dalawa. Halata naman sa mga ito na nahiya sila sa sinabi ni Carmeline. “Natatakot kasi kami na baka layuan mo kami kapag nalaman mo,” nakayukong turan ni Chandria. “Sabi mo kasi noong nakaraan na sana hindi ka na mapalapit sa mga Paradise Royalties kasi lagi ka na lang napapahamak.” Lumapit sa kanya si Christle at yinakap siya. Napaismid naman si Chandria sa ginawa nito. “Pinili na lang namin itago kasi baka lalo kang ma-stress kapag nalaman mo. At natakot rin kaming hindi mo na kami pansinin pa. Napamahal ka na kasi sa amin at kapatid na ang turing namin sa ‘yo ni bestfriend.” “Sana sinabi niyo na lang at hindi iyong sa iba ko pa malalaman. Hindi ko naman kayo lalayuan dahil lang doon, kasi mahalaga na kayo sa akin. Sa susunod ‘wag na sana kayong maglihim.” “Promise, hindi na mauulit Carms, huwag ka na magalit,” nakangusong turan ni Christle. “Mukha kang pato diyan bestfriend.” “Tigilan mo ako Chandi, Carms si Chandi inaaway na naman ako. Tingnan mo siya, nagmumukha na naman siyang nanay na may isang dosenang anak.” Natawa siya dahil mukhang magbubuga na ng apoy si Chandria. Kahit kailan talaga ay aso’t pusa ang mag-bestfriend na ito. Wala talagang araw na hindi nagtatalo at nag-aasaran ang dalawa. “Carms, tulala ka na naman diyan.” Nabigla siya ng yugyugin ni Chandria ang balikat niya, katabi na pala niya ito. “Ah sorry may iniisip lang ako.” Ano nga ba ang iniisip niya? Hindi niya rin alam, lumulutang lang siguro utak niya. “Ano naman ang iniisip mo Carms?” tanong ni Christle. “Ewan ko, hindi ko maintindihan ‘yong sarili ko. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring hindi maganda sa akin.” Nagkatinginan naman si Christle at Chandria. Sana magpakatatag ka Carms, hindi namin masabi sa ‘yong may kahaharapin kang problema kasi wala kaming karapatan na ipaalam sa iyo, sabi sa sarili ni Chandria. Ang lakas talaga ng pakiramdam mo Carms, idol na talaga kita. Pero hindi ko masabi sa ‘yo ang totoo, sana malampasan mo ang mga mangyayari sa susunod na mga araw. Sana ipaglaban ka ni King. Kung hindi naman ay gagawa kami ng paraan para hindi ka masaktan, anang isip ni Christle. “Ano ka ba Carms, stay positive lang. Walang mangyayaring masama sa iyo. Kaysa ‘yan ang iniisip mo, bakit hindi mo na lang ikuwento sa amin ang nangyari sa dinner date niyo ni Inno, kung paano ka niya tinanong at paano mo siya sinagot.” Bigla nalang binatukan ni Chandria si Christle. “Ikaw napaka-chismosa mo talaga.” Mukhang tama ang mga ito, hindi dapat siya mag-isip ng kung ano-ano. Pero hindi rin dapat siya magpakampante, dahil ang mga kutob niya ay laging nangyayari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD