Paradise 15

1387 Words
“Spill it now baby.” “Spill what?” “Hey! Don't just drink there, talk to me or I'll leave you here and ask Inno Bryle Guidotti about the real score between you too.” “Don't you dare or I'm gonna kill you right here, right now.” “Oh too much intensity here. Chill lang kayong dalawa, mahaba pa ang oras nating magkakasama,” sabi ng kapapasok na si Izekiel na kasunod ang mga nagbibitbit ng kanilang kakainin na pagkain at inumin nilang alak. Izekiel Sacharion is the bestfriend of Iue Orselleous, his also the childhood friend of Carmeline since birth. They grew up with each other, ang kaso nahiwalay lang si Carmeline simula noong nasa ika-apat na baitang siya at ang mga ito naman ay nasa ika-anim na baitang. Ito kasi ang panahon na na-kidnap for ransom si Carmeline, na paniniwala ng kanyang magulang ay kagagawan ito ng mga kaaway sa business ng mga ito. Pinili na lamang nila na sa bahay na lang pag-aralin siya, nang masigurong ligtas siya. “I am sorry baby kung nakialam ako kanina sa laban mo, hindi ko kasi gustong makita kang magkaroon ka ng galos ng dahil sa pakikipag-away sa kanila. At malilintikan ako kay tita kapag hindi kita pinagtanggol. Alam mo naman si Mommy mo, nakakatakot kapag nagalit.” Hindi na talaga siya magtataka dahil alam niyang hindi mananahimik ang ina kapag nasa bingit siya ng kaguluhan. Iyon nga lang ay hindi na siya natutuwa minsan sa ginagawa nitong pakikialam. Ang dahilan nito ay hindi daw kasi siya lumalaban kaya ito ang gumagawa ng paraan upang di siya mapahamak. Kaya mas pinili na lamang niyang lumaban ngayon upang matigil sa kalokohan ang ina. Wala na siyang pakialam kung anong isipin ng iba, hindi na rin naman patas ang pagtrato sa kanya kaya bakit pa siya magtitimpi. “Huwag mong pakinggan 'yan baby Cars. Masyado ka lang talagang namimiss niyan. OA lang 'yang si Ayu, hindi raw kasi siya makalapit sa 'yo ng basta-basta dahil sa sikreto mo nga. Kaya ayan, gumawa ng paraan para makalapit na siya ng malaya sa iyo,” singit ni Izekiel. Natawa naman siya sa narinig. Kakaiba talaga mag-isip si Iue. Ano pa nga ba ang aasahan niya rito, e nayupi yata utak nito. Kaya lagi ikinukumpara ng tatay nito si Iue sa kanya, dahil mas matured pa siya mag-isip kaysa rito. Pero naiinis siya kapag wala na sa lugar ang pangungumpara ng tatay nito. Mabuti na lang talaga at hindi nagtatanim ng galit itong si Iue. Si daddy na lang ang mayroon ako kaya hindi ko magagawang magalit sa kanya, alam kong sinasabi niya lang iyon para sa ikabubuti ko baby Cars, ang sabi nito ng minsang tanungin niya kung hindi ba ito nagagalit o naiinis sa mga naririnig mula sa ama. At higit sa lahat hindi ito kailanma'y nagtanim ng galit sa kaniya na siyang pinagkukumparahan ng Daddy nito, mas lalo nga lang nag-iisip bata ito kapag nangyayari iyon. Tila ba inaasar ang ama nito upang makuha ang atensyon na gusto. Hindi niya rin naman masisisi ito, dahil madalas napapansin lang ito ng ama kapag may nagawang mali. Hindi niya rin kasi nanaising magalit sa kanya si Iue. “At ng dahil sa paglapit mo na 'yon ay paniguradong magkakaroon na naman ako ng bagong kaaway. Nagkikita naman tayo kapag umuuwi ako sa bahay di ba? Kulang pa rin 'yon?” “Baby naman, syempre kulang 'yon, ngayon ka na nga lang namin makakasama sa school ulit, after that accident tapos hindi pa ko malayang makalapit sa 'yo.” “s**t, don't pout dude. Ang pangit mo, mukha kang bibe.” Napuno ng malakas na tawanan ni Carmeline at Izekiel ang loob ng majesties room. “Huwag ka na ngang magdrama diyan Ayu, ayan na nakalapit ka na, ang dami mo pang arte. Hindi ka na talaga nagbago.” Napansin ni Iue na pinagtutulungan siya ng dalawa kaya nilapitan niya si Izekiel upang yakapin ng mahigpit, ngunit hindi niya na tinuloy dahil nakahanda na ang mga kamao nito. Kaya kay Carmeline na lang siya lumapit, hinigpitan niya ang yakap dito dahil hindi naman ito nagrereklamo. “Inno, hindi ka pa ba matutulog?” tanong ni Iluvio. “I'm waiting for Carmeline, hindi pa siya umuuwi, nag-aalala na ako.” “Sige ikaw bahala, mauna na ako sa iyo, naparami kasi iyong ininom natin kanina kaya tinamaan na ako. Tapos biglaan pa akong may bisita kanina kaya lalo akong nahilo.” Hindi na sumagot si Inno. Pinagpatuloy niya lang ang pag-upo sa sofa na nakaharap sa pinto ng dorm nila. Hindi siya mapakali, walang minutong lumipas na hindi niya iniisip ang kalagayan ni Carmeline. Hangga't hindi niya alam ang tunay na namamagitan kina Carmeline at sa Emperor ay hindi siya mapapanatag. Ngunit hindi niya rin naman gugustuhin malaman na may relasyon ang mga ito. Maya-maya pa ay nakarinig na siya ng boses sa labas ng pinto kaya binuksan niya ito. Nakita niya na ang hinahanap, nagkatitigan rin sila ng Emperor na umabot ng sampung segundo. Oo, nabilang niya kung ilang segundo iyon. “Baby pasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na.” Nagngitngit ang kalooban ni Inno sa narinig. Sino ba ito para tawaging baby si Carmeline. “I don't want,” sabi ni Carmeline at niyakap nito si Iue, na siyang nakapagpakunot lalo ng noo ni Inno. “Let's go home, I want to be with you.” “Next time baby I'll bring you home but right now we can't. Listen to me, baka magalit na si Guidotti dahil kanina pa siya nakatayo sa pinto ng dorm niyo.” Bigla na lang umalis sa pagkakayakap dito si Carmeline at binalingan si Inno na nasa pinto. Mabuti na lang at mabilis na nakalapit si Inno, kundi ay nakasubsob na ang dalaga. “Inno,” Carmeline exclaimed drunkenly. “Bring me to my room sweetie.” Hindi naman nakakilos si Inno sa narinig. Pinaglalaruan ba siya ni Carmeline ngayon o talagang wala lang ito sa huwisyo dahil sa kalasingan. Natauhan lang siya ng marinig ang pagbungisngis ng Emperor. “What did you call me? Hey Carmeline, answer me.” Hindi na ito sumagot, mukhang nakatulog na ito habang nakayakap sa kaniya. Sana tama ang narinig niya na tinawag nito sa kaniya. “Hey Brylle, I need to go now, take care of my baby. Bye.” Hindi na siya hinayaan ni Iue na makasagot dahil nagmadali na itong umalis. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ito. Kung iwan na lang kasi nito si Carmeline ay parang hindi karelasyon pero kung mag-usap naman ang mga ito ay daig pa ang mga magkasintahan. “I'll take care of my sweetie, not your baby asshole.” Dahan-dahan niyang nilapag sa higaan si Carmeline. Aalis na sana siya para kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo para ipampunas rito, ngunit bago pa man siya umalis ay hinawakan nito ang kanyang kamay. “Sweetie, just lay down there. Babalik ako, kukuha lang ako ng ipampupunas sa iyo.” Nang maramdamang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya ay madali siyang pumunta sa kusina upang makuha ang kailangan. Nang makabalik sa kuwarto ni Carmeline ay nakita niya ang dalaga na nakaupo na sa higaan nito. “Ang sabi ko humiga ka lang sweetie baka mahilo ka niyan.” “Do you really like me, Inno?” Natigil sa pagpupunas si Inno, hindi niya inaasahan na tatanungin siya ni Carmeline, ngunit mas ikinabigla niya ang sunod nitong sinabi. “Because I really like you too Inno, it makes me sane whenever I am with you.” Ibinalot niya sa yakap si Carmeline. “I really like you sweetie, and I'm so glad to hear that you like me too. I'll do everything to make you happy. But as of now, you'll need to rest, it is not right to drink too much. Next time I won't allow you anymore.” “Okay Inno, I won't drink too much anymore.” Naninibago pa rin siya dahil sa bagong pakikitungo ni Carmeline sa kanya, pero masaya siya kung siya talaga ang gusto nito. “Don't leave me, I don't want to be alone.” “Okay, I will not leave you sweetie, sleep now. Babantayan kita, nandito pa rin ako hanggang sa magising ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD