Paradise 14

1496 Words
“Ano bang problema mo Chia! Bakit ba ang init-init ng ulo mo sa akin? Ano bang nagawa ko sa 'yo at ako na lang ang lagi mong nakikita? Hindi ka ba nagsasawa, kasi ako nagsasawa na sa pagmumukha mo! Nagsasawa na ako sa paulit-ulit mo na dahilan. b***h? Slut? Ayan na lang ba ang palaging dahilan mo? Hindi ka na childish, masyado ka ng immature. Wala na sa lugar 'yang panggugulo mo sa akin.” Hindi mapigilan ni Carmeline ang inis na nadarama. Kausap niya ang Mommy niya, nang bigla na lang hinatak ni Chia ang kanyang kamay at kinaladkad. Ayos lang sana kung siya lang, ang kaso nadamay pa ang pinakamamahal niyang cellphone, nabagsak ito at natapon rin ang pagkain na kanyang kinakain. Hindi pa naman niya gugustuhin makapagsayang ng pagkain. Maraming nagugutom sa iba't ibang panig ng bansa, kaya hindi dapat inaaksaya ang pagkain na nakahain. Ngunit ng dahil sa panggugulo ni Chia ay nasayang ang pagkain at may posibilidad pa na masira ang kanyang iniingatang gamit. Magdasal lamang ito na sana ay gumana pa ang kanyang cellphone, kung hindi ay hindi niya na mapapalagpas pa ang panghaharas na ginawa nito. “Nang dahil sa 'yo maaaring mawala ang pagiging royalty ko. Isa kang salot sa paaralan na ito, ang dapat sa 'yo pinapaalis na rito. Since you came here, everything has become chaotic.” “Paanong gumulo? Hindi ba't ikaw, kayo ang gumulo sa pag-aaral ko rito! At dahil lang sa naging roommate ako ni Guidotti ay inakusahan mo na akong mang-aagaw, alam mong maaari kitang kasuhan sa mali mong pagbibintang sa akin. At lahat na nambubully sa akin ay hindi ko isinumbong, ngunit anong ginawa niyo? Hindi niyo pa rin ako tinigilan di ba!” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Carmeline mula kay Chia, sa sobrang gulat ay hindi siya makagalaw. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. “Lahat na ng atensyon na sa iyo! Ano bang meron sa iyo at parang napakaespesyal mo sa lahat? Your just a newbie for pete sake, but here you are getting protected by the master royalties. Tell me, who really are you? I'm getting more curious about your identity, I don't feel like you're just new here.” “You really want me to tell you? Alright, but let me do this first.” Binigyan ng mag-asawang sampal ni Carmeline si Chia. “You know how to fight right? Then, let's fight in a fair way.” Sinipa ni Carmeline si Chia, sa gulat nito'y natumba siya at hindi nadepensahan ang sarili. “Ano na Chia? Akala ko ba malakas ka? Ikaw ang ipinagmamalaki rito na pinakamagaling sa martial arts, that's why, you were proclaimed as the Queen of Royalties.” Nang makabawi ay pinaulanan niya ng sidekick si Carmeline, ngunit lahat ay naiwasan ni Carmeline. Wala ni isang tumama sa kanya. Nabigla lahat ng nakapaligid sa kanilang dalawa. Ang tinaguriang reyna ay mukhang walang laban sa isang baguhang estudyante na siyang kinukutya ng nakararami. Palitan ng suntok at sipa ang ginagawa ng dalawa, ngunit ang madalas na tinatamaan ay si Chia lang. Makikita mo sa mukha nito na pagod na ito at hinihingal na, ngunit masisilayan din ang galit dito dahil sa hindi siya makaganti agad sa mga pagsugod ni Carmeline. Lalo pang lumala ang laban ng dalawa dahil pati ang mga gamit sa loob ng cafeteria ay nadamay na. Walang naglakas ng loob na umawat sa kanila dahil sa takot na sila ang mapagbuntungan ng galit ng dalawang babae. Hindi rin magawang umawat nina Izaiah at Iven, iniisip nilang baka lalo pa lumala ang gulo kapag nakialam sila. Tanging panonood at bulungan na lamang ang nagawa ng mga estudyante. Ang iba naman ay nagpustahan pa kung sino ang mananalo. “Kayong dalawa! Tigilan niyo 'yan!” Nabigla ang lahat sa pagsigaw ng Emperor, hindi nila inaasahan na makikita nila sa cafeteria ito. Bibihira kasi itong makita na naglilibot sa paaralan, ang madalas lang na nakakakita rito ay ang mga kaklase at kasama sa dorm. Hindi pa rin tumigil ang dalawa kaya napilitan ang Emperor na paghiwalayin ang mga ito gamit ang kanyang lakas. Mabuti na lang at kasama niya ang bestfriend na si Izekiel, ito ang humawak kay Chia at siya naman kay Carmeline. “What on earth are you doing Queen? Is this the right manners of lady royals? We, the royalties, should be the model for other students, but what are you doing, starting a fight with her?” “I'm sorry for my rudeness, Emperor. Pero hindi ako ang nag-umpisa ng gulo, siya ang dahilan kung bakit may gulo. Ang isang malanding katulad niya ay hindi nararapat dito Emperor, lahat na lang hinaharot niya.” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Chia na siyang ikinagulat ng lahat. Sasampalin pa sana ulit nito ang lady royal ngunit pinigilan na ito ni Carmeline, sa pamamagitan ng pagyakap sa Emperor. Lalo itong ikinagulat ng lahat, lalo na ng mga bagong dating na sina Inno, Iluvio at Iisakki. “How dare you call her flirt! You don't have the right and you don't even know her.” “Who is she then, Emperor? Bakit kung tratuhin niyo ay parang ginto na hindi dapat magasgasan kahit kaunti? Sino ba siya sa buhay niyo Emperor? Why not tell us?” Hindi na nito pinansin ang tinanong ni Chia. Hinarap ng Emperor si Carmeline at tiningnan ang bawat parte ng katawan nito kung may natamo itong sugat. “Baby are you hurt?” Umiling naman si Carmeline. “Palalampasin ko ito Queen. Magpasalamat ka at hindi nasaktan ang baby ko, kundi ay pagbabayaran mo talaga ang p*******t mo sa kanya simula pa noong tumuntong siya sa unibersidad. Now, get your ass out of here or I can't promise that I won't hurt you right now,” sabi nito habang mahigpit na niyayakap si Carmeline. Hindi naman mapigilan ni Inno ang selos na nararamdaman, kaya dali-dali niyang hinatak ang Emperor at binigyan ng malakas na suntok. Dahil sa kabiglaan ay hindi agad ito nakatayo. Mabilis namang dinaluhan ni Carmeline ang emperor. “Are you okay Ayu? What the hell is wrong with you Guidotti! Are you insane?” Agad naman nagsilapit ang mga kaibigan ni Inno sa kanya at hinawakan siya upang maawat sa kung ano man ang gagawin nito. “What the hell is wrong with me? It's not me, it's you, what the hell is wrong with you woman? It's okay if you're ignoring me, but knowing that this f*****g Emperor calling you baby is not right. You've responded with our kiss, what's the meaning of that? Are you really slut, just like what Chia called you?” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Inno mula kay Carmeline. “I am not a slut. I was just caught off guard with that kiss, it means nothing to me. If you can't remember, I'll just slap you after that scene! And about Ayu, he can call me what he wants, he is my Emperor and no one can replace him.” Matapos nitong magsalita ay nagpatulong ito kay Izekiel upang maalalayan si Iue paalis. Si Inno ay madaling umalis din. Sinundan na lamang siya ng apat. Hindi rin kasi sila makapaniwala sa mga narinig at nakita. Ang dating tahimik at hindi lumalaban na si Carmeline ay nag-iba na, hindi na ito ang nakilala nila. “Hinalikan mo si Carmeline Inno?” tanong ni Iluvio ng makapasok silang lahat sa loob ng dorm nila. “Kailan nangyari iyon?” “The day after she got drunk.” “Don't tell me that's the reason why she's ignoring us,” Izaiah blurted out. “I think that's not the reason, if I am not mistaken the reason is because of the things that happen to her whenever we're near her,” Iven said when he sat down on the sofa. Nanahimik sila matapos magsalita ni Iven. Napaisip silang lahat na siguro iyon na ang pinakadahilan ng pag-iwas ni Carmeline sa kanila. Nagpaalam ang kambal na aalis, dahil dumating ang kanilang parents at naroon ito sa Visitation Hall. “Does the Emperor and Carmeline have a relationship?” Si Iven ang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanilang tatlo. “I don't think so, noon lamang araw ng masquerade ball ko nakita na nagkasama silang dalawa. Hindi na iyon nasundan pa, wala rin namang senyales na nakakausap niya ito sa telepono dahil never niya iyon nakausap noong panahong lagi pa laming magkasama, ” ani ni Iluvio. Inno groaned. “I feel something is not right. Hindi ko maramdaman na may relasyon sila. Malakas ang kutob ko na may itinatago silang dalawa. Anyway, tuloy pa rin ba talaga ang pakikipagkompetensya niyo sa akin?” Iven shrugged. “No, Carmeline is just like a sister to me, it's the same with the twins. The battle is now between you, Iluvio and also the Emperor. May the best man win, guys, and please respect whoever Carmeline chooses.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD