Paradise 13

1378 Words
“Anong hangin ang nagdala rito sa aking pamamahay ng nag-iisa kong anak?” “What? Am I not welcome here anymore? And besides, what's with you Mom, speaking tagalog fluently and deeper?” Napatawa naman ang ginang sa tinuran ng kanyang unico hijo. Nilapitan ni Mrs. Guidotti si Inno at binalot sa isang mahigpit na yakap. Hindi ugali ni Inno na pumunta sa kanilang tahanan kapag nag-umpisa na ang klase, lalo na at nasa kalahati na sila ng taon ng pag-aaral. Kung may problema man ito sa unibersidad ay sa tawag na lamang nito kinukunsulta sa kanya. Nasisigurado nitong iba at mahirap ang problema na dinadala ng kanyang anak. Mabuti pa at ginampanan niya ngayon ang tungkulin ng isang ina. “Pumanhik ka na sa taas nang makapagpalit ka ng damit. Mukhang napagpawisan mo na iyan, hindi magandang natutuyuan ka ng pawis at baka ikaw ay magkasakit. Hindi magandang pinag-aalala mo ang mga taong nakapaligid sa iyo.” Mabilis na tumalima si Inno sa iniutos ng kanyang ina. Hindi magandang pinag-aalala ang mga tao sa paligid niya, si Carmeline kaya ay mag-alala sa kanya kung sakaling magkasakit siya? Magagawa kaya nitong alagaan siya hanggang siya ay gumaling? Mukhang sobrang imposible ng kanyang ninanais. Mas malabo pa yata sa mga matang malalabo ng mga tao. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung bakit bigla siyang umuwi sa kanila, hindi kasi 'to normal na gawain sa kanya. Sabagay, simula naman ng dumating si Carmeline sa buhay niya ay hindi na naging normal ang pagtibok ng puso at pagtakbo ng isip niya. Oo, napigilan niya nga itong umalis sa dorm nila, kasama niya nga ito sa iisang dorm ngunit hindi naman niya maramdaman ang presensya nito. Kung ituring sila nito ay parang hangin lang na hindi nito lubusang nakikita. Ang sabi niya'y papatunayan niya rito ang nararamdaman niya ngunit paano niya gagawin ito kung panay naman ang iwas nito sa kaniya. “What should I do to you, Carmeline. Am I losing my mind because of you? What am I talking to myself now? Carmeline, you make me crazy that much.” Napabalikwas siya nang marinig ang boses ng ina at malakas nitong pagkatok. Ganoon na ba siya katagal dito sa kuwarto niya? Pero hindi ba't kapapanhik niya lang. Minabuti na lamang ni Inno na makapagpalit na ng damit at baka masermonan na naman siya ng butihin niyang ina. Napakahalaga pa naman dito ang laging malinis upang makaiwas sa sakit. Hindi sila mahirap upang hindi makayanang magbayad ng pangpaospital. Iniiwasan lang ni Mrs. Guidotti na may isugod sa hospital dahil sa napabayaan ang sarili na naging dahilan upang madapuan ng sakit. Mas gugustuhin nitong malusog sila kaysa palaging isinusugod sa ospital. Kahit sino naman ay gugustuhing gastusin ang pera para sa pagkain at ibang pangangailangan kaysa gamitin ito upang pambayad lang sa pagamutan. “Halika't maupo ka aking anak, saluhan mo ako sa masarap na meryenda na inihain ng ating mga kasambahay.” Nadatnan niya ang ina na umiinom ng paborito nitong tsaa. Hindi na talaga siya nasanay sa pagsasalita ng kanyang ina. Sa tuwing may napapanood itong drama movie ay nahahawa ito sa pagsasalita ng mga character sa movie. At hindi na siya magtataka kung ang pinanood nito ay historical movie ng Filipinas, sa lalim ba naman nitong magsalita ay halata na. “You're still not done with your language sickness Mom.” “Parang hindi ka na nasanay sa akin anak. Pinahahalagahan ko lang naman ang wika ng ating bansa. Sandali, bakit ako ang pinag-uusapan natin dito? Hindi ba't ikaw ang may problema?” “You're wrong Mom, I do—” Pinigilan siya ng kanyang Mommy sa kung ano man ang kanyang sasabihin. May alam na siguro ito sa kanyang mga iniisip. “Huwag ka nang mag-isip pa nang idadahilan sa akin, dahil anak kita at kabisado ko ang pagkatao mo, ngayon ano ang problema mo aking anak, at nang masolusyunan natin iyan.” “Mommy, my new roommate is a girl.” Ramdam niyang napasinghap ang kaniyang ina. “And just like what I have done with my past roommates, I also did it to her. I let my schoolmates bully her, but deep inside of me there's my conscience shouting that I can't watch her suffer because of me. I'm so dumb, I don't realize that I'm falling deeper into her. Not until I saw her with my best friend and the emperor, she's comfortable with them but not with me. I am jealous, how I wish I was the one beside her.” “Isang tunay na binatang nagmamahal ang akin anak. Kung ganoon ang iyong nararamdaman ay bakit hindi ka magtapat sa kaniya at umpisahan mo nang manligaw.” Napailing siya sa mga sinabi ng ina. Manligaw? Ni hindi niya nga alam ang salitang panliligaw. Hindi niya rin naman naranasang manligaw kay Carmela noon, dahil nang magtapat siya ay sinagot na siya agad nito. Bakit pa raw nito siya pahihirapan kung parehas naman sila ng nararamdaman. “I already confessed to her Mom, and I'm ready to prove to her that what I feel for her is true.” “Handa ka naman pala anak, ngunit mahihinuha ko may problema, ano nga ba ang problema? Hulaan ko, hindi ka pinaniniwalaan ng babaeng ito dahil nagdadalawang isip siya kung totoo o pinaglalaruan mo lang siya di ba? Dahil iniisip niya pa rin ang mga pinaggagawa mo sa kanya di ba.” “She walked out after she heard my confession to her Mom. After that, she ignored me and never dared to look nor talk to me Mom. What should I do? I feel like I'm getting crazy everytime I see her with someone else.” “Humayo ka at magpakarami.” “What the hell Mom! I'm freaking serious here, and you're making fun of me. Come on Mom, just this time help me.” “Tama naman ang sinabi ko ah.” Sinamaan niya ng tingin ang ina ngunit tinawanan lamang siya nito. “Ano pa ba kasing ginagawa mo rito? Paano ka makakalapit sa kanya kung nandito ka sa atin. Bumalik ka na sa paaralan mo, at gawin mo lahat para pansinin ka na niya. Huwag kang titigil kahit magmukha ka ng tanga kapipilit na mapansin niya, kasi iyon ang dapat mong gawin. Kahit ipagtabuyan ka pa niya huwag kang magsasawang lapitan at kausapin siya, sa ganoong paraan ay malaman niyang totoo ang nararamdaman mo.” Mag-isang nagmumuni-muni si Iluvio sa kanilang dorm. Wala si Inno dahil umuwi ito sa kaniyang bahay, na suntok sa buwan kung mangyari. Si Carmeline naman ay madalang na kung mag-stay sa dorm nila. Simula nang malasing ito'y nagbago na ang lahat sa kanilang dalawa. Kung dati ay lagi silang magkasama, ngayon ay iniiwasan siya nito. Kahit sa loob ng classroom nila ay hindi na sila magkasama, lumipat na ito ng pwesto. “They told me to play fair, but all I want is you Carmeline. I want you for only mine.” Napabuntong hininga siya, ano ba itong iniisip niya, nagiging selfish na siya. Hindi niya na rin makilala ang sarili simula nang nahulog siya sa kaibigan. Naputol ang kaniyang malalim na pag-iisip dahil sa malakas na katok mula ka pinto. “Iluvio, Carmeline is in trouble,” sabi ni Iisakki nang makapasok ito sa loob ng dorm nila. “What are you talking about?” Bago pa makasagot ang kaibigan ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Inno. “What are you doing here Iisakki? Where are the others?” kaagad na tanong ni Inno nang makita sila. “Nandoon sina kambal kay Carmeline binabantayan nila ang sitwasyon doon. Sinugod na naman kasi ni Chia si Carmeline. Natatakot kami na baka kung anong gawin ni Chia kay Carmeline, lalo na at nag-aral ang Queen ng martial arts.” “Let's go, lead the way Iisakki.” Wala ng sinayang na oras ang tatlo at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ni Carmeline. Ngunit hindi nila inaasahan ang madaratnan. Kitang-kita nila kung paano yakapin ng Emperor si Carmeline. Nawala lang ako saglit, may iba nang nakahawak sa 'yo, anang isip ni Inno. Bakit ba winala kita sa aking paningin Carmeline, dapat hindi ko hinayaang may ibang magtatanggol sa iyo, anang isip naman ni Iluvio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD