“What on earth are you thinking students! You're having a catfight in front of a child! Where's your manners now!” Dumagundong sa loob ng guidance office ang boses ni Mrs. Altamerano, ang guidance counselor ng senior high level. Nang makita ng members ng student council ang pag-aaway nina Carmeline at Chia Chaine ay mabilis nila itong inawat. Dahil sa hindi nila ito kaya ay nagpatulong na sila sa Paradise Royalties na sina Inno, Iluvio, Iisakki, Iven, at Izaiah, nang dumaan ang mga ito roon. Kaya hindi na sila nahihirapan dalhin ang mga babae sa guidance office. “Now you're not talking, but when you're doing that immature act, you're so loud.”
“It's her fault, she provoked me,” sumbong ni Chia Chaine sa guidance counselor. Napakunot naman ng noo si Carmeline. Ito kasi ang unang sumugod, tahimik silang nag-uusap ni Cueshe nang bigla na lamang silang pinagsalitaan ng masama nito, pati ang batang si Coreen ay hindi nito pinatawad sa pangungutya. Ngayon napaisip si Carmeline kung bakit hindi man lang isinama sa criteria ng pagiging Paradise Royalty ang manners. Dahil hindi papasa si Chia Chaine Romero, at mukhang bagsak rin ito sa GMRC.
“May I hear your side Miss MacKenzie and Miss Riedes. I want to know your explanation about the inappropriate scene a while ago. ” Magsasalita na sana si Carmeline para ipaglaban na sila ang biktima. Ngunit hinawakan ni Cueshe ang kamay niya at ngumiti ito.
“Mrs. Altamerano, remember a while ago nagpunta po ako rito dahil baka may naghatid po sa anak ko rito dahil bigla na lang po siyang nawala.” Tumango ang ginang, magkasama kasi ang guidance office at lost and found office na siyang parehong pinamumunuan ni Mrs. Altamerano. Mukhang naalala naman nito dahil kilala nito ang anak ni Cueshe. “Nahanap ko po ang baby ko na kasama si Ms. Riedes. We're talking about my baby Coreen when Miss Romero barge in and calling us a slut and a b***h. I am thankful that Miss Riedes defended us when their trying to hurt my baby. I give my gratitude to her for protecting us and also, to our student councils and royalties who immediately made a move and didn’t hesitate to help us.”
“Is it okay if I ask some questions with your daughter?” Tumango si Cueshe, hudyat na sang-ayon siya. Naupo ang ginang upang mapantayan ang bata. “Baby, I want to ask you but promise to answer me honestly. Baby what happened? Who started the fight?”
“I saw the beautiful lady crying so I talked to her po. Then my Mimi found me. And it is not my Mimi who started the fight po, that crazy girl po, I was eating my favorite biscuit when she started yelling at us. Hihilahin po niya sana ako pero the beautiful lady protected me po.”
Napahinto ang lahat sa narinig, kilala kasi nila ang bata at hindi ito kailanma'y nagsinungaling. Kung si Chia ay inis na inis na sa kanyang kinauupuan, ang lahat naman ay nakatingin kay Carmeline. “Why are you crying Miss Riedes?”
Hindi mapigilan ni Inno na magtanong, kahit na alam naman niya ang sagot. Siya ang dahilan kung bakit ito umiiyak. I'll make sure that we will talk later sweetie, his mind blurted out.
“You can have your own matters outside Mr. Guidotti, and you Ms. Romero together with your friends, proceed to the detention room now. Be careful Ms. Romero, your rank as a queen can be lifted out.” Madaling lumabas ng kuwarto sina Chia. Bago pa tuluyang makalabas ay lumapit ito kay Carmeline at bumulong saka pinagpatuloy ang mabigat na paghakbang nila palabas. Kasunod nila ang pagpasok naman ng Dean sa guidance office.
“What's the commotion here?” agad na tanong nito habang tinitignan ang bawat estudyante na naroroon. “Oh my precious Coreen is here.”
Natawa naman ang lahat sa inasta ng Dean nang makita nito ang bata. Lumapit ang bata rito kaya umupo ito para mapantayan niya si Coreen. “The bad girls try to hurt me Uncle Alcon.”
Mas lalong natawa ang lahat nang marinig ang itinawag nito sa respetadong Dean ng unibersidad. Kahit na magaling nang magsalita sa wikang ingles si Coreen ay katulad pa rin ito ng ibang bata, na nabubulol sa ibang salita. “Stop laughing everyone or you'll faced the detention room. Anyway baby, did you fight them?”
“No Uncle, the beautiful lady protected me.” Itinuro nito si Carmeline kaya napatingin dito ang lahat.
“You're one of the troublemakers now Ms. Carmeline,” anito at naupo sa isang upuan upang kandungin si Coreen. Hindi naman makakibo ang mga naiwan roon sa guidance office, maliban na lang sa mga student council na sumama kina Chia Chaine papunta sa detention room.
“What you think is not right Mr. Mendoza.” Sa isang iglap naging mabigat ang awra sa loob ng opisina. Walang nagtangkang magsalita. Nakikiramdam ang lahat kung sino ang sunod na magsasalita. “You knew it in the first place and I know that you're just teasing me. Don't you think you need to rest.”
“You're famous line is screaming in my face lady, I don't think that my body needs to rest. I 'm still alive and kicking, and I'm trying to avoid seeing my wonderful burial place.” Hindi makapaniwala ang mga estudyante sa narinig, hindi sila pwedeng magkamali. Kamatayan, katagang hindi dapat pinag-uusapan ngunit ngayon ay naririnig ng mga mag-aaral na para bang normal lang na salita sa dalawa. Hindi man ito direktang sinabi ngunit ang kahulugan ay ito ang isinisigaw. Napapaisip ang lahat kung bakit ang pag-uusap ni Carmeline at ng Dean ay parang matagal na sila magkakilala. Ang alam kasi ng lahat ay new student lang si Carmeline, ngunit hindi si Inno. Kung ang Royal Lady ay kilala si Carmeline, mas lalo na siguro ang Dean.
“Uncle Alcon can we go to your office?” Binasag ni Coreen ang katahimikan sa loob ng office sa simpleng tanong niya. Nginitian naman siya ng Dean. “Yes baby, we will go there. Cueshe wait me outside. You can go now everyone except you Carmeline, there's something we need to discuss.”
Nagsilabas na ang lahat at naiwan sa loob sina Carmeline, Mrs. Altamerano at ang Dean. Katulad nang utos ni Mr. Mendoza ay naghintay sa labas ng opisina ang mag-ina. Nag-umpisa na rin maglakad papaalis ang magkakaibigan. Hindi na hinintay ni Inno si Carmeline, panatag na siyang maprotektahan niya ito kanina at malakas ang kutob niyang hindi ito aalis ng dorm nila.
“Simula nang dumating si Carmeline ay marami na ang nangyari. Sana matigil na ang gulo sa pagitan nila ni Chia Chaine,” biglang sambit ni Izaiah na bumasag sa katahimikan nilang lima. “Pero ang mas ipinagtataka ko ay ang pagtrato ni Carmeline kay Dean, alam niyo 'yong tipong kayang-kaya niyang pabagsakin sa isang iglap si Mr. Mendoza. Grabe natakot talaga ako sa usapan nila kanina, tumataas mga balahibo ko.”
“Yeah, I sensed danger on Carmeline's words, if I am not wrong one of this days, ibang Carmeline na ang makakaharap natin,” segunda ni Iven.
Hindi na kumibo si Inno, mas gugustuhin na lamang niya na sarili na lamang ang naiisip. Lalo na at baka madulas siya, masabi niya pa sa mga kasama ang nangyari sa kanila ni Carmeline. Umiyak ito sabi ng bata, ibig sabihin maling-mali ang ginawa niya kay Carmeline noong umaga, hindi niya malaman kung nasaktan na naman niya ba si Carmeline o baka mamaya hindi pa man siya kumikilos para ipakita ritong totoo ang kanyang nararamdaman ay ma-reject na siya.
Teka... Reject? Hindi yata uso sa kanyang ma-reject. Umayaw man ito o sa hindi ay liligawan niya ito. Ipaparamdam niya rito kung gaano niya ito kamahal. Kung kailangan niyang isakripisyo ang pagkakaibigan nila ay gagawin niya, hindi niya gugustuhin na mapunta sa iba ang babaeng mahal niya. I'll take it slow this time and I'll make sure that you'll fall so much deeper on me sweetie.
“May the best man win everyone.” Napatingin naman ang lahat sa kaniya. “Hindi ko isusuko ang nararamdaman ko kay Carmeline, play fair everyone.”
“Is that really you Inno Bryle? Yeah, that’s right, play fair. Don’t intervene in the decisions of Carmeline, if she sues one of us then we should leave and wait for another time to pursue her again.” Hindi pa rin nagbabago si Iven, ito pa rin ang patas kung lumaban. Dahil sa mga sinabi nito ay maabisuhan na ang kambal na bawal mandaya.
Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Iven. Ngunit si Inno ay labag pa rin sa kalooban niya ang pumayag, imagine the five of them are now pursuing Carmeline at the same time. He’s greedy, he only wants Carmeline to be his property.