Paradise 11

1678 Words
Hindi na namalayan ni Inno na nakatulog siya sa kwarto ni Carmeline. Nang umuwi ito na sobrang lasing kagabi ay nag-aalala siya na baka ano na ang nangyari rito. Pinagtatabuyan sila nito kagabi ngunit hindi siya nagpatalo. Hinintay niya lamang na makapasok si Iluvio sa kwarto nito bago niya pinasok ang kwarto ni Carmeline. Tumatak pa rin kasi sa isipan niya ang mga sinabi nito. Don't worry sweetie, I'll do everything to protect you. Now, I am sure of my feelings for you. Naaakit si Inno sa mga labi ni Carmeline, ngunit nagkasya na lamang siya sa pagtitig dito at paghaplos sa malambot nitong buhok. Habang tinititigan niya ang dalaga ay hindi niya maipaliwanag ang saya, na ganito siya kalapit dito. Hinding-hindi niya maitatanggi ang kanyang nararamdaman, handa siyang ipakita rito na hindi na siya ang Inno na una nitong nakilala. Hindi na siya makapaghintay na dumating ang panahon na araw-araw niyang masisilayan nang malapitan ang maganda nitong mukha. Ang mapagmasdan ito habang mahimbing na natutulog. Ngunit sa sitwasyon nila ngayon ay malabo pa itong mangyari, pagkakasyahin niya na lang ang sarili sa panakaw na oras na kasama ito. Gagawin pa rin niya ang lahat upang hindi magtagal ay mangyari ang kanyang mga pinapangarap na gawin kasama ito. Nagising si Carmeline ng maramdaman na may humahaplos sa kanyang ulo. Sinubukan niyang silipin ito ngunit hindi niya maidilat ang mata dahil kumikirot ang ulo niya. Naalala niyang nasobrahan siya ng inom. Oo, mataas ang alcohol tolerance niya dahil na-train din siya upang hindi agad malasing. Ngunit iba ang nangyari sa kanya kagabi, sinubukan niyang inumin lahat ng iba't ibang alak na mayroon ang OM, mukhang dahil sa naghalo-halo ang kanyang nainom at wala rin siyang kain kaya mabilis siyang tinamaan. “You're awake sweetie... How are you feeling? Do you need some water?” Napabalikwas siya sa pagkakahiga ng matauhan siyang may kasama siya sa loob ng kanyang kuwarto. Tinitigan niya ito, hindi niya pa rin maikakaila sa sarili na nahulog na siya. Nananaginip ba siya at nakita niya si Inno sa harapan niya. Panaginip pa rin ba kahit na nararamdaman niya ang pag-alalay nito sa kanya hanggang sa nakaupo siya. Teka! Si Inno nasa loob ng kuwarto niya? Late niya ng na-realize na totoo ang nasa kanyang harapan at hindi imahinasyon sa panaginip. Sana hindi siya nagsalita habang tulog, ang sabi kasi ng Mommy niya ay madalas siyang mag-sleep talk at higit sa lahat katotohanan ang lumalabas sa bibig niya kapag mahimbing ang tulog niya. “Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Gusto mo na ba talaga akong nawala? Kaya ba nandito ka para siguraduhin na aalis talaga ako.” Hindi na hinihintay pa ni Carmeline na sumagot si Inno. Dali-dali siyang tumayo at kinuha sa gilid ng closet niya ang maleta. “Puwede ka nang lumabas ng kwarto na ito, ililigpit ko lang ang gamit ko at aalis na rin ako,” sabi niya habang isa-isang kinukuha ang mga damit na nakasampay sa loob ng closet at inilagay sa maletang nakapatong sa kama. Nang mapuno ang maleta ay kinuha niya ang isa pa at doon niya inilagay ang iba pang gamit. Ang matitira siguro'y ipakukuha na lamang niya sa tauhan ng kanyang Mommy. Pinagmamasdan lang ni Inno ang dalaga. Mali ito nang iniisip, ngunit bakit hindi niya magawang magsalita. Hindi niya rin magawang gumalaw sa kanyang pwesto. “Maiwan na kita rito, iyong ibang gamit ko ipakukuha ko na lang mamaya.” Binuhat niya ang maleta, at tinungo niya na ang pinto para makaalis na sa lugar na iyon. Ngunit marami nga talagang kababalaghan ang nangyayari sa buhay ng tao. “No! You're not leaving me Carmeline.” Bago pa man mahawakan ni Carmeline ang doorknob ay naramdaman niya nang ibinalot siya sa yakap ni Inno. Hindi siya makagalaw, bakit nanghihina siya sa yapos nito? “Don't leave me sweetie. Please, stay with me Carmeline.” “What are you talking about? I don't understand you.” Hinarap ni Inno si Carmeline, inayos niya ang mga buhok nitong nakatabing sa mukha. “You'll need to stay here, no matter what, please stay here sweetie. I'm begging you to stay here with me, I'll do everything to protect you. It's hard to admit but I'm deeply falling for you.” “You don't know what you're saying Inno!” “Of course I know sweetie, I am madly in love with you. Believe me that I don't want this feeling but I can't stop my heart beating so fast for you. I can't stop my mind thinking that you'll always be in my side. If I need to lock you here, so that I can stop you from leaving, I'll do it.” Ito na lamang ang tanging pag-asa niya, kaya gagawin niya ang lahat para hindi ito umalis. Maisip niya pa lamang na mawawala ito sa tabi niya-hindi niya kaya, mababaliw siya. “Hindi sinasabi mo lang iyon para kapag nahulog ako sa 'yo ay sasaktan mo rin ako bago mo ako mapaalis sa dorm na ito. O kaya'y saglit lang ’yang nararamdaman mo walang kasiguraduhan iyan.” “Stop Carmeline, I love you and that's the truth. If you don't believe in my feelings then there's one thing I should do.” Hinapit ni Inno si Carmeline at sinakop ang mapupula nitong labi na matagal niya nang gustong mahagkan. Binitawan niya ang labi nito at pumatong sa noo nito. “You don't need to leave, because I want us to be in the same dorm. I'll prove to you that my love for you is real. Just give me a chance sweetie, you don't need to do anything, just let me do my work. I promise that you'll never regret the chance you gave me.” Nang matauhan si Carmeline sa mga nangyari ay itinulak na lamang niya si Inno. Hindi na niya inabala pang hilahin ang maleta. Nagmadali na siyang lumabas, hinayaan niya lang ang sarili na tumakbo at hindi na pinansin kung saan siya patungo. Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha niya, hindi niya mawari kung bakit siya naiiyak. Naupo siya sa isang malapit na bench. Iniisip pa rin ang mga narinig niya mula kay Inno kanina. Nahihirapan akong paniwalaan ang mga sinabi niya. “Why are you crying, beautiful lady?” Napatingin siya sa nagsalita. Nawala sa isip niya na nasa school grounds pa rin siya, at hindi malabong may makakita sa kanyang umiiyak. Ngunit hindi niya inaasahan na isang bata ang makakausap niya. “Sorry for bothering you po, but I don't like seeing someone crying po. Smile na po kayo, 'wag na po kayo sad.” It's magic, biglang huminto ang kanyang pag-iyak. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mata at hinarap ang bata. “What's your name little girl? What are you doing here?” “l am Coreen po and I am looking for my Mimi. Stop crying na po para you will look more beautiful.” “Look, I already wiped my tears, I won't cry anymore Coreen. Am I beautiful now?” Tumango naman ang bata. “Why is your mother not with you?” “I am with my Mimi po, she was talking with someone po. I saw the yellow flowers, lumapit po ako para makita ko po sa malapit, but when I'm gonna call my Mimi I didn't see her anymore. I walked and walked to find her, but when I saw you crying, nilapitan po kita agad.” “You're so brave, you're not crying even though you're lost.” “My Mimi said, na wag daw po ako matakot kapag hindi ko siya makita. I should politely ask the people to help me find my Mimi.” Carmeline admires the braveness of the little girl. How she wishes to be like her. “Coreen baby, Mimi is so worried of you.” Isang magandang babae ang lumapit sa kinaroroonan nina Carmeline at ng bata. Mukhang ito ang nanay ni Coreen. “Hi, thank you sa pagsama sa baby ko.” “No, you don't need to thank me, dapat nga ako pa ang magpasalamat, dahil sa kanya nahinto ang pag-iyak ko.” Hinaplos ni Carmeline ang buhok ni Coreen na abala na sa pagkain ng biscuit na galing sa ina. “I wish I was brave like your daughter.” “If you don't mind, may I know why you are crying? Maybe, I can give you advice.” Mukha naman itong sincere kaya hindi na nagdalawang-isip pa si Carmeline na ibahagi rito ang kanyang problema. “Aalis sana ako sa dorm ko ngayon para lumipat ng ibang dorm dahil sa ayaw ng dormmate ko na may kasama siyang iba sa dorm, pero nabigla ako sa pag-confess niya sa akin na huwag ko raw siyang iwan kasi mahal niya raw ako. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi, dahil siya kasi ang dahilan kung bakit simula noong pumasok ako rito ay lagi akong napapahamak.” “Hindi sa nangingialam ako, pero may nararamdaman ka ba sa kanya kaya nagdadalawang-isip ka kung paniniwalaan mo ito o hindi?” Tumango si Carmeline. “Siguro, hayaan mo siyang patunayan niya na totoong mahal ka niya, saka mo na isipin iyong pain na maidudulot noon sa 'yo. At least wala kang regrets na hindi mo man lang sinubukan kahit papaano. Kung hindi man mag-work at hindi siya seryoso sa 'yo, it's not your fault anymore. Give him a chance.” “Oh the slut is here, oh she's with the other b***h that has a baby.” Nagdilim ang paningin ni Carmeline sa narinig. Sinenyasan niya ang babae na yakapin si Coreen dahil hindi makabubuti dito ang makikita at maririnig. “Oh, are you scared that the little girl would hear what kind of low class b***h you are?” Hindi niya na napigilan ang sarili at sinugod niya ang mga ito. Hindi niya hinayaan na makalapit ito kina Coreen. Tama na ang pagpapanggap na hindi ko sila kayang labanan, ibang usapan na ang pati ang batang walang kamuwang-muwang ay madadamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD