Unti-unting minulat ni Carmeline ang kanyang mga mata pero nanlalabo ito, kaya pinikit niya itong muli. Nang maayos na ang kanyang paningin, inilibot niya ang mga mata, nakita niya ang nurse na nakatalikod kaya tumikhim siya para makuha ang atensyon nito.
"Miss Riedes at last you're awake." Inabutan siya nito ng tubig at kaagad naman itong ininom dahil nanunuyo ang lalamunan niya. "May masakit pa ba sa 'yo?"
"I still feel the pain on my head.”
Iniwan siya ng nars at nagtungo sa pwesto kung saan niya ito unang nakita. Hindi naman nagtagal at bumalik na ito sa papunta sa kanya. "Here, drink this pain reliever para tuluyan nang mawala ang sakit. At puwede ka nang dumiretso sa dorm niyo, nang makapagpahinga kang muli."
"Nurse Mel, sinong nagdala sa akin dito? Ang naalala ko lang ay natamaan ako ng bola and everything went black." Kitang-kita niyang napabuntong hininga ang nurse pero hinila nito ang upuan at umupo sa kanyang harapan.
"Mr. Guidotti brings you here pero umalis din siya agad, si Mr. Dela Fuente ay gusto ka sanang bantayan pero pinaalis ko siya dahil sa oras 'yon ng nang klase. Sina Mr. and Mrs. Riedes naman ay nandito kanina para kumustahin ka." Nanlaki ang kanyang mga mata sa tinuran ng nars. "Don't worry your secret's safe with me. By the way, ayon sa nasagap kong impormasyon si Miss Romero ang may gawa niyan sa 'yo."
Pagkatapos nitong magsalita ay iniwan na siya nito. Inayos niya na rin ang sarili para makaalis na siya sa clinic dahil alas-otso na ng gabi. Wala siyang balak umuwi sa dorm nila dahil ayaw niyang makita si Inno at Iluvio na naging dahilan ng paghihirap niya. Oo, bestfriend niya si Iluvio ngunit ang mga nagkakagusto rito ang nambubully sa kanya. Hindi siya tanga para 'di niya malaman ang profile ng mga bullies at nangunguna na roon si Chia Chaine Romero.
Tinahak niya ang daan papunta sa ipinagbabawal na lugar para sa mga hindi pa nakatuntong ng kolehiyo. Ang Orsel Mini, wala siyang pakialam kung pinagbabawal itong lugar. Basta ang gusto lamang niyang gawin ay magpakalango sa alak.
"Miss you're school ID please." Hinarang siya ng bouncer ng bar. "Senior High student ka pa lang Miss hindi ka puwede rito."
Tinaboy siya nito pero hindi siya umalis, dinukot niya ang wallet sa bulsa at ipinakita sa bouncer ang black card na ibinigay ng mommy niya. Natatandaan niya ang sinabi ng Mommy niya, tungkol sa card, nang minsang pag-usapan nila ang tungkol sa Paradise Royalties.
“Paradise Royalties are the students who have special skills and abilities that bring a glorious image to the Orselleous University. They have the privilege to do something that normal students can’t.
“Like what Mommy?”
“Like you can enter the Orselleous Mini, even if you're under age. Orselleous Mini is a mini bar inside the university for college students—to those who want to unwind from their studies. But since the Paradise Royalties are special, they have the power to enter that place.”
“That’s cool! I want to try to enter the prohibited places in the university, can I Mommy? Since I’m your daughter, maybe there’s a way to grant my wish.”
May inilapag na card ito sa kanyang harapan. Kinuha niya ito, wala namang especial doon tanging kulay itim lamang nito ang makikita at isang golden barcode na nakaukit sa baba at may maliit na golden crown sa gitna. “Used that card, so you can enter the prohibited establishments inside the school premises. Just show it to the staff, they will accommodate you without complaints.”
"Papasukin niyo ba ako o hindi?"
Halata ang gulat sa kanilang mga mata, ngunit kahit na ganoon ay umalis sa pagkakaharang sa pinto ang dalawang bouncer. "Sorry My Lady hindi po namin alam, mapatawad niyo po sana kami sa aming kapangahasan."
Humakbang na siya papasok ngunit muli niyang hinarap ang dalawa. "Why do you call me My Lady?"
Nagtataka ma'y sinagot pa rin ng bouncer na humarang sa kanya ang kanyang katanungan. “Iyon ang itinatawag namin sa mga miyembro ng Royal Family. Nang bago kami makapag-umpisa ay dumaan kami sa training at kasama na roon ang pagpapaliwanag tungkol sa mga cards na mayroon ang Royal Family. Ang pananda nito ang golden crown sa iyong card My Lady. At ang card na hawak mo ang pinakamahalaga sa lahat, kung sino man ay may hawak nito ay hindi namin maaaring ipagsabi.”
Ganoon pala kahalaga ang card na hawak niya. Isa lang ang ibig sabihin nito, safe siyang makakapasok kahit saan ng hindi nalalaman ng iba. If she will base on the bouncer’s words, they will protect her identity. Nobody will know that she has the black card. "Okay, you two lead the way now."
"Yes My La—"
She cut him off. "Just call me Miss, with or without students. To perfectly hide my identity. Also, tell this to your co-workers."
"Yes Miss, ihahatid na po namin kayo sa Majesties Room," anito't nanguna na sa paglalakad, ang isa nama'y nasa likod. Nagmistula itong mga bodyguard niya.
Isang hingal na hingal na Iluvio ang pumasok sa dorm habang si Inno ay nakaupo sa sofa at nakatulala. Napabalikwas ito ng tapikin siya ni Inno. "Is she here?"
"Nope wala pa rin, wala ba siya sa clinic?" tugon ni Inno, iling lamang ang sinagot ni Iluvio. "s**t, where did she go!"
Napahilamos ng mukha si Inno. Kanina nahimatay ang dalaga dahil sa kagagawan ni Chia , tapos ngayon nawawala ito. Kapag nakita niya lang talaga ang babaeng 'yon ay hinding-hindi niya na pakakawalan sa kanilang paningin. Napalingon naman silang dalawa nang may kumatok sa pinto. Hindi na siya nagdalawang-isip, tumayo na siya't binuksan ang pinto.
Laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang bouncer sa OM. Oo, kilala niya ito kasi may access siya para makapasok dito, dahil siya ang Paradise Royalties King. Students who bring pride to the university have the chances to become a member of the Royal Family. Still, it will depend on the Royal Lady and Royal Master. Kung karapat-dapat ka ay bibigyan ka ng badge as a sign na isa kang royalty. His badge is a golden card with a golden crown and barcode.
"Dito ba ang dorm ni Miss Riedes?" nagtataka ma'y tumango pa rin siya. Hindi niya maintindihan kung bakit kilala ng mga ito si Carmeline. Higit sa lahat isa lamang itong minor student, hindi rin ito miyembro ng royalties, at higit sa lahat kahit malapit ito sa Royal Lady ay hindi ito magkaka-access, dahil may patakaran na kahit malapit ka sa may-ari ng unibersidad ay wala ka pa ring karapatang maka-access sa mga forbidden places sa loob ng Orselleous. Uusisahin niya pa sana ang bouncer tungkol kay Carmeline ngunit muli itong nagsalita. "Kayo na po ang bahala kay Miss Riedes."
Nakita niya ang isa pang bouncer na inalalayan si Carmeline, kaya dali-dali niya itong kinuha. Nang makuha niya si Carmeline ay nagpaalam na sa kanya ang mga naghatid dito at umalis na. Ipinasok niya na agad ito sa loob ng dorm dahil malamig sa labas at wala ito sa tamang huwisyo. Naramdaman naman niya ang paglapit ni Iluvio
"What did you do to yourself woman?" he frustratedly exclaimed, pero itinulak siya nito kaya pareho silang natumba ni Iluvio na siyang nasa likod lamang niya.
"It's because of you jerk!" sigaw nito. "Ano bang ginawa ko sa 'yo at pinaglalaruan mo ako? Hindi mo gustong nandito ako sa dorm niyo? Sana sinabi mo na lang ng maayos hindi 'yong nag-uutos ka pa ng iba para lang masaktan ako!"
Hindi siya nakagalaw sa puwesto niya. Ganoon na pala ang dinaramdam ni Carmeline. Sumobra na ba talaga siya sa mga pinaggagawa niya? Pero tinigil naman na niya, hindi niya na kasalanan kung patuloy pa rin ang iba kahit ipinagbawal niya na mga ito. Hindi kasalanan mo pa rin kasi ikaw ang pinagmulan ng lahat, anang isip niya. Nilapitan ito ni Iluvio. "Carms calm down lasing ka na, halika na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka na."
Dinuro ni Carmeline si Iluvio kaya hindi ito tuluyang nakalapit rito. "Isa ka pa! Mali nga yatang nakilala at nakasama ko kayo! Ang gusto ko lang naman ay maranasang maging normal na estudyanteng pumapasok sa paaralan." Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng sakit sa tinuran ng dalaga. Nakita niyang napayuko si Iluvio pero siya hindi dahil naririnig niya ang pag-iyak ni Carmeline.
"Pero heto at laging sinasabuyan ng kung ano-ano, binubully ng kung sinu-sino. Ang saya, ang ganda nang karanasan na ipinaranas niyo sa akin. Sabi ko kakayanin ko, immature lang ang ibang estudyante kaya ginagawa nila iyon. Pero sobra na hindi ko na kaya." Nagpunas si Carmeline ng luha't pasuray-suray na naglakad patungo sa sarili nitong kuwarto. "Hayaan niyo bukas na bukas ay aalis na ako, mawawala na ako sa paningin niyo."
Wala na silang nagawa ng makapasok ito sa kwarto. Tanging buntong hininga na lamang ang nagawa nila. Hindi niya nagustuhan ang huling tinuran ni Carmeline.