Paradise 9

1453 Words
"Ate Carmeline!" Napahinto ang dalaga sa paglalakad at hinanap ang tumawag sa kanyang ngalan. Isang hingal na hingal na Christine ang binalingan niya. "Ate Carmeline, I miss you!" Sabay yakap nito sa kanya na para bang isang taon silang hindi nagkita. She giggled. "Ilang araw lang tayo hindi nagkita Christine." "Kahit na ate, by the way do you have class? Samahan mo naman akong kumain sa cafeteria." "I’m sorry Christine, I still have P.E. class." Nawala naman ang ngiti sa mga labi ng dalaga. "Pero babawi ako sa 'yo next time." "Promise 'yan ate?" She nodded, umalis na ang dalagita na may ngiti sa labi. Dumeretso naman siya sa locker area para makapagpalit na ng PE uniform. Dalawang klase ang PE uniform nila, isang jogging pants at isang jersey shorts, parehas na kulay blue at may logo ng university. Ang pantaas naman nila'y plain white shirt at may logo ng university sa bandang kaliwang dibdib at may nakaburdang Physical Education. Ngayon ang kagamitan nila ay ang jersey short dahil soccer ang lesson nila. "Tapos ka na Carmeline?" tanong ng kaklase niyang si Clexiery. "Sabay ka na sa amin papuntang gymnasium," segunda ni Couiea. "Oo! Tara na." Aya niya sa mga ito. Sabay-sabay na silang lumabas ng locker room. Nagpahuli siya sa dalawa, dahil baka madamay pa ang mga ito, mas lumala ang pangbu-bully sa kanya kahit naparusahan na ito ng Royal Lady. Madalas mangyari ito sa kanya kaya pinadalhan siya ng sobrang stocks ng school uniform at pati na rin ang PE uniform. Napahinto si Carmeline nang maramdamang may nabunggo siya. Si Clexiery ang nabangga niya, nang sulyapan niya si Couiea ay nakasimangot ang mukha nito. "Don't you like to be with us?" Clexiery blurted out. Napabuga naman siya ng hangin dahil mali ang nasa isip ni Clexiery, "No it's not like that. It just that—" "That you're being bullied and you're afraid that we might be bullied too when we're with you," putol ni Couiea sa mga sasabihin niya. "Yes because—" hindi na natapos ni Carmeline ang sasabihin dahil hinila na siya nina Couiea. Nagpatianod na lamang siya, halata namang hindi magpapatalo ang dalawa. Sikat rin sina Couiea at Clexiery dahil miyembro sila ng Borelliano Band. Si Couiea ang lead vocalist habang si Clexiery ang lead drummer. Madadagdagan na naman ba ang bully sa paligid ko.Matiwasay silang nakarating sa gymnasium. Nagpapasalamat si Carmeline na hindi nagtangkang manggulo ang mga bully. Halos naro'n na lahat ng mga kaklase niya. Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong gymnasium pero wala roon ang hinahanap ng kanyang mga mata. Napabuntong hininga siya. Bakit nga ba niya hinahanap ang taong wala naman talagang pakialam sa kanya kundi manggulo lang. Siyempre hahanapin mo dahil may gusto ka sa kanya. Napailing naman siya sa naisip. Hindi siya maaaring magkagusto sa taong pinaglalaruan lang siya. Pero hindi niya kayang magsinungaling sa kanyang sarili. Kahit na anong gawin niyang pagtanggi ay alam niyang unti-unti na siyang nahuhulog dito. "Okay ka lang Carmeline?" Na-out of balance siya, buti na lang nasalo siya ni Iluvio. "You alright?" "Oo, okay lang ako, bakit ka ba kasi nanggugulat," inis niyang sambit rito. "Hindi kita ginulat, sa katunayan nga'y kanina pa kita tinatawag." Halos pagalitan niya na ang sarili dahil natulala na pala siya nang hindi niya namamalayan. Nilibot niya muna ang paningin at nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang masilayang bulto ng instructor. "Ang lalim yata ng iniisip mo? Sigurado ka bang okay ka lang?" "Okay lang ako, nakulangan lang siguro ako sa tulog. Anong oras na rin kasi akong nakatulog kagabi dahil sa pagrereview," pagdadahilan naman niya. Alam ni Carmeline na mali ang hindi magsabi ng totoo, pero hindi naman maaaring sabihin niya kung sino ang laman ng kanyang isip. Naramdaman naman niya ang pag-akbay ni Iluvio. "If I know you're just thinking about me the whole night." Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran nito. "Don't be shy! I know you like me." Napahiwalay naman siya sa pagkakaakbay at sinamaan ito ng tingin. Akmang kukurutin niya na ito sa tagiliran ngunit mabilis na itong tumakbo. Pailing-iling na lamang siya sa kakapalan ng mukha ni Iluvio. "Oh my God Carmeline, yumuko ka!" sigaw ni Clexiery habang nakaturo sa likod niya. Nawala sa isip ni Carmeline ang isinigaw nito, sinundan niya ng tingin kung saan ito nakaturo. Para bang naging bato ang kanyang katawan nang makita ang papalapit na bola. Bago pa man makaiwas ay tumama na ito kay Carmeline. Ramdam ng dalaga ang pagkahilo at pag-ikot ng kanyang paligid. Naramdaman niyang may mga sumalong bisig sa kanya, ngunit hindi niya na ito nakilala. "Hold on sweetie." "Nurse Mel how is she?" dumako ang paningin ng nurse sa nag-aalalang binata. "Her vitals are good. She lost her consciousness because of the impact of the ball that hit her. She just needs a rest to bring back her energy. You may go, I'll keep an eye on her." Nag-aalangan ma’y hindi na nagpumilit pa si Iluvio, sumunod na lang siya sa sinabi ng nars. Nag-iinit ang ulo niya sa sinapit ni Carmeline. Lalo nang malaman niyang si Chaine ang may gawa no'n. At alam niya sa sarili na iisa lamang ang dahilan kung bakit sinapit ni Carmeline ang ganito. Inabutan ni Iluvio na tahimik ang tambayan. Sina Iisakki at Izaiah ay busy sa kanya-kanyang cellphone at si Iven naman ay tutok sa kanyang laptop. Hinanap niya ang taong kailangan niya. Nandoon ito at nakasubsob ang mukha sa lamesa. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Hinila niya ang damit ni Inno at sinuntok ito. Biglang napatayo ang kanyang mga kaibigan at dinaluhan si Inno. "What is your problem!" sigaw ni Inno ng makabawi sa pagkakasuntok ni Iluvio. "You! You are my problem. Nang dahil sa 'yo nasasaktan si Carmeline. Nahihirapan ang bestfriend ko dahil sa kagagawan mo!" Hindi na mapigilan ni Iluvio ang galit na nadarama. Wala na siyang pakialam kung masira ang pagkakaibigan nila, dahil para sa kanya mas mahalaga ang nararamdaman ni Carmeline. "You don't know anything Iluvio! Not a single thing!" sigaw nito bago nagpakawala ng suntok. "Yes I know everything!" Tinulak niya si Inno ng malakas kaya napahiga ito. "You are the reason why Carmeline has been a bully victim! You are the reason why Chia Chaine makes her suffer! It's all because of you!" Inaawat na nina Iven ang mga ito pero hindi pa rin nagpatinag ang dalawa, patuloy lamang sila sa pagsusuntukan. Alam ng mga kaibigan niyang hindi siya magpapatalo pero gumagawa pa rin ang mga ito nang hakbang upang matigil ang gulo. Si Izaiah na hawak ang dalawang kamay ni Iluvio. Si Iisakki na hinaharang ng makalapit si Inno kay Iluvio at si Iven na pumagitna sa dalawa. "Will you two stop!" nanggagalaiting sambit ni Iven. "You Inno, kung pinalagpas mo na lang sana ang pagdating ni Carmeline, hindi sana kayo nagbubugbugang dalawa ngayon" "What? Itinigil ko naman na tulad ng gusto mo Iven!" nagulat si Iluvio sa sinigaw ni Inno, hindi siya makapaniwala pero namayani pa rin ang galit niya rito. "Oo itinigil mo nga pero tingnan mo ang pinaggagawa ng mga nagkakagusto sa iyo tulad na lang ni Chia!" singhal ni Iven. Hindi na sumagot si Inno at yumuko na lamang. "At ikaw naman Iluvio! Hindi hawak ni Inno ang pag-iisip ni Chia at oo matagal ng itinigil ni Inno ang pambubully kay Carmeline. Kaya kung may dapat kang sisihin ngayon sa nangyari ay walang iba kundi si Romero!" "I like her. Matagal ko nang tinigil ang pambubully sa kanya, kasi may iba akong nararamdaman. I have a feelings to your bestfriend Iluvio." Hindi makapaniwala si Iluvio sa mga katagang binanggit ni Inno. Hindi maaaring magkagusto ito kay Carmeline. Dahil ikaw ang may gusto sa kanya! Hindi mo mapipigilan ang damdamin ni Inno! "No you can't! Mas lalo lang siyang mapapahamak kapag napalapit siya sa iyo!" Oo, tama mas gugulo ang buhay ni Carmeline kapag nagkaroon sila ng relasyon. "I can't? O ayaw mo dahil may gusto ka rin sa kanya pero bestfriend lang ang turing niya sa 'yo!" Nagpanting ang tainga ni Iluvio sa narinig kaya hindi niya napigilang masuntok si Inno. Tinalikuran siya ni Inno, ngunit bago pa ito umalis ay sinabi nitong, “Sorry Iluvio, pero hindi lang ako ang dahilan kung bakit nahihirapan si Carmeline, ikaw at pati sila, idagdag mo pa ang Emperor. May the best man win.” "Play fair Iluvio. Hindi lang ikaw ang nagkakagusto kay Carmeline, oh let me rephrase it. We! As in all of us like Carmeline and may the best man wins." Nagulat siya sa sinabi ni Izaiah, kaya tiningnan niya rin si Iven at Iisakki na kapwa tumatango. Good heavens! What are you doing to us? Is this for real?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD