Paradise 8

1641 Words
“Look at that girl, there's nothing special about her. So, why would she get noticed by the Paradise Royalties.” “Yeah, she's just a mere new student here.” “Girls stop insulting her. I can see that she's special.” It was three days ago,when the annual ball happened, and that was also the day when everyone started to insult her harshly. Gaya nang sabi ng mga kaibigan niya, ang dapat niyang gawin ay pasok sa isang tainga at labas naman sa kabila. Subalit hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan, katulad na lang ng first time niyang pumasok sa paaralan ay siya ring first time niyang makatanggap nang pang-iinsulto ng iba. After all of the insults on her, this is just the time that she heard someone that looks like they're defending her. Napatingin siya sa nagsalita, kaya ngayon ay nagkakatitigan sila. “What are you saying, are you out of your mind Cassidy?” “Nope, I'm not Cairee. I'm just trying to say that she's so special to my eyes. She's one of a kind.” “Tell me Cluna, is this the Cassidy we know,” iritadong sambit nito sa katabi. “Don't be ridiculous girls. I'm just trying to say that she's a special kind of slut. A desperate b***h, trying to get all the attention of everyone.” Nagkamali siya, hindi niya ito tagapagtanggol, isa ito sa namumuhi sa kanya. Wala na talaga siyang pag-asa, lalo lang gumulo ang buhay niya. Ang plano niyang tahimik na pag-aaral ay hindi na maisasakatuparan. Sa ganitong sitwasyon, maliban sa hindi niya pagpansin sa mga naririnig ay umalis na lamang siya upang maiwasan ang gulo. Mabilis niyang inubos ang kinakain na chocolate cake, hindi na rin naman kasi siya mabubusog dahil sa mga naririnig. Nang matapos ay minamadali niyang inayos ang gamit at tumayo. Nakakailang hakbang pa lang si Carmeline ay natumba na siya. Hindi dahil sa natapilok siya kundi may sadyang bumangga sa kanya. Nakita niya ang ilang pares ng paa sa kanyang harapan. Hindi niya na kailangan pang tumingin para malaman kung sino ito, tinig pa lang ay kilalang-kilala niya na ito. “Oh the b***h is here.” Hindi niya na ito pinansin, nang makatayo'y tinalikuran niya na ito agad. Subalit hindi pa man siya nakakalayo ay hawak na nito ang kanyang mga braso. “Where do you think you're going, Cinderella the slut.” “Let go of me Chia, I don't have time to argue with you.” Sapilitan niyang tinanggal ang kamay ni Chia sa kanyang braso. Medyo masakit at namula ito dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. “Oh the b***h knew how to answer back. Why are you leaving? Do you feel too much pain while hearing the words from the people around you? Well, let me tell you bitch.” Lumapit ito sa kaniya, at hinaplos ang hibla ng kaniyang buhok. “Those are not enough. You're taking what is not yours!” Napahawak sa kaniyang buhok si Carmeline nang bigla siyang sabunutan ni Chia. Para siyang nawalan ng lakas sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito. “I am not taking anything from you!” “Oh wait, let me rephrase it. Everyone, let me introduce you the slut whose seducing our dear Paradise Royalties.” Nanlalamig ang katawan ni Carmeline dahil binuhusan siya ng juice ng mga estudyanteng malapit sa kanya. “You should realized by now that you don't fit in this school. Go pack up your things and leave the university bitch.” Hindi pa nakuntento sina Chia sa mga masasakit na salitang lumalabas sa kanyang bibig, dahil tinulak pa nila si Carmeline na naging dahilan ng pagkasubsob nito sa sahig. Mabuti na lamang ay naisandal niya agad ang kamay upang maprotektahan ang kanyang mukha. “What's the meaning of this Miss Romero!” Dumagundong sa loob ng cafeteria ang boses ng isang babae, ang lahat ay tahimik. Tanging paghinga lang ng bawat isa ang maririnig. “Royal Lady I can explain,” kinakabahan na sambit ni Chia nang makalapit ang Royal Lady sa kanilang kinatatayuan. “You don't need to.” “But Royal Lady—” “Stop! Don't talk anymore, I don't need any of your explanations cause I saw everything.” Pigil ng Royal Lady sa mga sasabihin ni Chia. Simula pa lang nang banggain nina Chia si Carmeline ay naroon na siya, hindi lamang nahalata ang presensya niya dahil nagtago siya sa likod ng halaman. “All of you...” Saka tiningnan ang bawat estudyanteng sangkot sa gulo. “Go to the detention room now, 'wag kayong magkakamaling tumakas dahil kilala ko lahat ng sangkot dito. Kung ayaw niyong mas mabigat ang parusang mapunta sa inyo ay huwag niyong tatangkaing hindi pumunta sa detention room. And you Miss Riedes, your father is waiting for you at the Dean's office. Better fix yourself first before going there. Now move students!” Mabilis na nagsialisan ang mga mag-aaral na naroon, kanya-kanya silang tinatahak na destinasyon. Naglakad na rin paalis ang Royal Lady, ang mga naiwan naman ay nakahinga nang maluwag, nawala ang tensyon na kanilang naramdaman. Iniiwasan ng lahat ngayon ang Royal Lady, maaari kasing madawit ka sa mapaparusahan kapag may nakitang mali sa iyo ito, o kaya'y may nilabag na batas sa paaralan. Sa pagitan ng Royal Lady at Royal Master, mas kinakatakutan ng lahat ang Royal Lady. Maganda at masyadong bibo ang pakikitungo ng Royal Lady sa lahat, ngunit kapag ito'y nagalit ay hindi mo na gugustuhin pang mabuhay. Grabe magbigay ng parusa ang Royal Lady sa mga lumalabag sa batas ng paaralan at mga maling gawain. Hindi tulad ng Royal Master na seryoso man at mailap sa mga tao ay patas naman ito magdesisyon. Dinadaan pa rin nito sa usapang mahinahon ang bawat gulo at hindi pagkakaintindihan. Kung hindi mo gustong maranasan na mabugahan ng apoy ng Royal Lady ay iwasan mo itong magalit. Wala pang nakakapagpaamo rito. “At last you're here, what took you so long?” sambit ni Mr.Riedes nang makapasok si Carmeline sa Dean's office. “I fixed myself first, hindi mo naman siguro gugustuhin na mayakap kita habang basang-basa ako ng juice na itinapon sa akin.” Inilibot niya ang paningin sa office tanging si Dean Mendoza lang ang nandoon at ang kanyang ama. “Where's the monster lady?” “She settled first the situation in the detention room. Maya-maya nandito na rin iyon. Take a sit while we're waiting for her.” Tinungo ni Carmeline ang single sofa at doon naupo. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nangyari kanina, lalo na ang mga sinabi ni Chia. “Here's a green tea for you hija, pampakalma 'yan ng puso at isipan na magulo,” sabi ni Dean matapos ilagay sa lamesa na nasa harapan ni Carmeline ang isang tasa. Napabuntong-hininga na lamang siya. Mukhang alam ng mga ito ang nangyari. “Do you want to punish the students who bully you?” Umiling siya, kinakaya pa na naman niya. Medyo mahaba pa ang pasensiya niya ngunit muntikan ng maubos kanina. Mabuti at may nagpahinto kay Chia, kung wala ay hindi niya maipapangakong maayos pa itong makatatayo kanina. “No Dean, hindi na kailangan. Mapaparusahan na rin naman sila sa detention room. Anyway Daddy, will you explain to me the Paradise Royalties? Wala kasi kayong nabanggit sa akin patungkol doon, lalo na ang tungkol sa Royal Lady at Royal Master.” Natigilan si Mr. Riedes sa mga narinig, hindi naman nahalata ni Carmeline na kinabahan ito sa mga sinambit niya. Mabuti na lang at nandito ang mga magulang, masasagot na rin ang maraming katanungan ni Carmeline. Napatingin naman silang lahat ng bumukas ang pinto. “Let's go outside the university, we'll talk about that after eating lunch. We'll get going Dean Mendoza, I'll keep in touch with you about the students in the detention room.” Lumabas na agad ito ng office matapos magsalita. Napabuntong-hininga na lamang ang mag-ama at sinundan ito. Samantala si Inno ay hindi mapakali sa kanyang kwarto. Ilang araw na magmula nang natapos ang annual ball. Simula noon ay hindi pa rin siya nakikihalubilo sa mga kaibigan, kaya panay ang katok sa kanyang kuwarto ngunit hindi naman niya ito binibigyang pansin. Hanggang ngayo'y hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang mga nangyari. Gulong-gulo na ang kanyang isipan dahil sa kanyang nakita. He doesn't know what to do anymore. Don't be fooled Inno by your feelings, you're still waiting for Carmela, the woman of your dreams, ani ng kaniyang isip. Don't listen to your mind Inno, she's not coming back anymore. You should follow where your heart belongs, and it's Carmeline, kontra ng kanyang puso. “Argh!” he shouted out of frustration. Napagpasyahan niya nang lumabas ng kwarto. He never was like this—like an idiot talking to himself. He needs to breathe some fresh air, kasi baka matuluyan na siyang mabaliw kakaisip. Baka namalayan na lang ang kanyang sarili sa loob ng isang mental hospital. “Mabuti at naisipan mong lumabas sa kwarto mo.” Hindi niya na inabala pang pansinin ang mga kaibigan, tuloy-tuloy lang siyang lumabas ng dorm. Dinala siya ng mga paa sa parking lot, mabuti na lamang at nasa bulsa niya ang susi ng sasakyan. Subalit hindi pa siya nakakalapit sa kanyang sasakyan ay natanaw niya si Carmeline na nakahawak sa braso ng lalaking kasama. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? Iniiwasan niya nga ito para makapag-isip siya ng maayos, pero ito at nasisilayan niya na may kasama pa itong ibang lalaki. It is not the Emperor, because he knows the body structure of that guy but not this guy. He feels the green monster inside his body. Just wait Carmeline, I'll make sure you'll end up with me. Now that I am sure, I'll do everything to have you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD