The two walk their way to the middle of the cotillion. All eyes are following them-even the cotillion dancers. They are dancing and swaying to the mellow of the music, ignoring the stares from the people surrounding them. Everybody is holding their breath because of the heavy presence coming from the lady and gentleman in the middle. The guests of the event and the royal majesties are all eyes on them, watching every move of the students, especially those in the center. Through the history of the annual ball in Orselleous University, this is the first time that the attention of the crowd has been stuck up and focused, which gives them the title of the center of attraction. Until the music stopped, but the pair was still in there, didn't move even an inch.
Gusto nang umalis ni Carmeline sa kanyang kinatatayuan ngunit hindi nakikisama ang kanyang katawan. Hindi siya makagalaw dahil sa mga titig na ibinibigay ng taong nasa kanyang harapan.
Baka naman matunaw ako sa titig nito. Wala ba siyang balak na bitawan ako at maupo. Pero bakit pakiramdam ko kilala ko itong lalaking nasa harap ko, dahil pakiramdam ko komportable ako sa presensya niya.
Ginawa niya ang inutos ng Royal Lady, hindi man niya gusto ang makukuhang atensyon ay wala siyang magagawa dahil alam niyang nanonood ito. Sa hindi niya malaman na dahilan ay hindi niya maalis ang pagtitig sa dalaga. Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi niya pa rin ito binibitawan. Gustong-gusto niya nang tanggalin ang maskara nito upang malaman kung sino ba ang babaeng nasa kanyang harapan.
Let her go Inno! Stop thinking nonsense. Damn self! You don't need to know who the heck she is!
Nang bibitiwan na ni Inno ang kamay ng dalaga ay saka naman tumugtog ang panibagong kanta. Wala na siyang nagawa kundi ang isayaw itong muli. The second dance is referred to the Paradise Royalties, kaya sabay-sabay na silang nagpuntahan sa gitna. This time is different from the past, dahil sa maskara ay nahihirapan sila malaman kung sino ang naging kapareha nila. Hindi kasi puwedeng pumili, kung sino ang malapit sa kanila ay iyon ang magiging kasayaw nila. Malalaman lang nila kung sino ito kapag natapos na ang kanta.
"Why did you dance with me again?" tanong ni Carmeline, gulong-gulo kasi siya sa mga nangyayari.
"We're stuck in the middle I think."
"Are you kidding? Don't play dumb, just tell me the reason," she said while holding her temper.
"Oh chill there lady, do you see the people dancing with us right now?" Tumango naman si Carmeline bilang pagsang-ayon. "They are part of the Padise Royalty of the university. To make the story short, I am one of them and I am entitled as the King of The Paradise Royalty."
Hindi na sumagot si Carmeline, napaisip siya sa narinig. Wala man lang silang binanggit sa akin tungkol dito. Sabagay, hindi naman siya kinuwentuhan na tungkol sa Orselleous University. Ang tanging alam niya lang ay pagmamay-ari ito ng kanilang angkan. Wala naman kasi siyang pakialam sa background nito dahil ang mas mahalaga sa kanya ay maranasan makapag-aral dito.
"I'm sorry to interrupt your deep thoughts, but the song is done and we need to remove our mask now." Nagulat si Carmeline sa biglang pagsasalita ng lalaki. Inilibot naman niya ang paningin at nasa kanila ang atensyon ng lahat, iyon ay dahil sa silang dalawa na lamang ang hindi pa natatanggal ang maskara. Ang mas ikinagulat niya ay tumutok ang spotlight sa kanila. Hindi na siya magtataka dahil alam niya na kung sino ang may pakana nito.
Sabay na tinanggal ng dalawa ang kanilang maskara. Hindi makapaniwala ang dalawa, lalo na ang mga taong nasa paligid nila. Sino ba naman ang mag-aakala na ang tinaguriang King ay nasa gitna ng sayawan, at higit sa lahat ang babaeng kasayaw nito ay walang iba kundi ang babaeng na-bully ng lahat.
"Don't you think we're destined to be together sweetie?" She felt goosebumps when Inno whispered to her ear. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana, alam niya sa sarili na hindi niya ito gustong makita, ngunit ito pala ngayon ang kanyang naging kapareha.
"Stop that nonsense Mr. Guidotti, we're getting too much attention. Thanks for that wonderful dance but we should part our ways now."
"Your being formal now sweetie." Huli niyang narinig mula dito at tuluyan na siyang umalis doon.
Out of nowhere, Inno has been grabbed by his friends. They brought him to their assigned table. They are looking at Inno with a curiosity, they don't have any idea what's going on in the mind of the King.
"What was that Guidotti?" singhal ni Iluvio.
"Oh that, Carmeline and I are just dancing in our own world." Alam na alam ni Inno kung paano galitin ang kanyang bestfriend. Ramdam niya kung gaano kasama ang tingin nito sa kanya.
"King, what really happened? How did you end up with Carmeline? And please answer me honestly without teasing or you may want to end up with a black eye coming from Iluvio," seryosong tanong ni Iven, ngunit hindi rin ito nakaligtas sa masamang tingin ni Iluvio.
Inno shrugged. "I didn't plan to dance with Carmeline. Remember that someone called me a while ago, and it's the Royal Lady. She asked me to dance with someone that will enter the hall after she spoke. I was bound with the favor of the majesty and didn't know a single detail about the lady. We just knew it at the same time when she unleashed her mask. But I think I'm really destined to be her first dance, right Iluvio."
Susuntukin na sana ni Iluvio si Inno ngunit agad itong naawat ng kanyang mga kaibigan. Tatawa-tawang uminom ng wine si Inno. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Tama nga ang hinala niya na kilala niya ang babae, hindi lang talaga niya inaasahan na si Carmeline ito. Malaking palaisipan pa rin sa kanya kung kaano-ano nito ang Royal Lady.
"Napagbigyan na kita, tapos na tayong kumain. Baka naman gusto mo nang ipaliwanag sa amin kung ano ang nasaksihan naming eksena kanina. Bakit ka nga ba hinahabol ng spotlight kanina?" mapanuksong tanong ni Christle sa kanya.
"Ano ba Christle masyado ka namang OA diyan. Anyway Carmeline, could you please explain to us what happened and why did you end up with the King?" Napabuntong hininga naman siya sa narinig. Kahit naman kasi siya hindi niya alam kung bakit humantong siya sa mga bisig ni Inno. Noong malaman niya na ang lalaking kasayaw ay walang iba kundi si Inno ay pinigilan niya ng huminga. Nang makaalis sa tabi nito ay saka lamang siya nakahinga ng maluwag, ngunit ang kapalit naman noon ay walang katapusang titig sa kanya ng lahat.
"Excuse me ladies, may I interrupt your discussion. May I dance with you Miss Carmeline." Hindi niya malaman kung hulog ba ito ng langit dahil hindi niya na kailangan magpaliwanag sa mga kaibigan o isang dagdag problema dahil nasa kanya na naman ang atensyon ng lahat.
Hindi na siya makasagot dito dahil hinila na siya nito. Narinig niya pa ang pag-angal ng kaibigan ngunit wala naman itong nagawa. Nagpatangay na lamang siya sa lalaki, hindi naman siya makaramdam ng inis dito bagkus natutuwa siya dahil nakikita niya ang reaksyon ng mga kaibigan. Subalit hindi niya maiwasang mairita sa nakamamatay na tingin ng lahat sa kanya. Kung talagang nakakamatay ito, kanina pa sa na siya nakahiga at wala ng hininga.
"You're so beautiful tonight, hope you don't mind what I did a while ago."
Napangiti siya sa narinig. "Nope I don't, but maybe next time wag mo na sana akong hihilain, kusa naman akong sasama. Anyway what's your name? You're Iluvio's friend right?”
"Sorry about that, may mga kasama ka kasing amazona kaya ko ginawa iyon. You know, Christle is like a scary amazona living in the deepest part of the forest." Si Christle pala ang tinutukoy nito, sabagay may punto nga naman ito. Lagot siguro siya sa kaibigan kung sakaling malaman ang iniisip niya. "Yes, I am Iluvio and Inno's friend, don't forget about him, you've been with his first dance a while ago. My name is Izaiah Jin Baltazar, maybe we can catch up next time. Here's the next in line."
Naguguluhan siya sa mga sinabi nito, subalit hindi rin nagtagal ay naiintindihan niya na ang ibig sabihin nito. Matapos siyang bitawan ni Izaiah ay may iba ng kumuha sa kanya at isinayaw siya. Mukhang hindi pa ito ang huli niyang pagsayaw.
"Kung hindi lamang magkaiba ang damit niyong dalawa ay mapagkakamalan kong nagteleport lamang siya at napunta sa aking likod. How can I differentiate the two of you?"
"Maybe when you have been with us for a long time. Don't think about my twin, you should start thinking about the future of the two of us." Masyadong bolero ang lalaking ito, pansin niya sa akto ng kaharap. "By the way, I am Iisakki Min Baltazar. Tell me who is more handsome, is it me or my twin?"
Napailing na lamang siya sa tinanong nito. Hindi niya rin kasi alam ang isasagot, baka pinagmulan pa ito ng hindi pagkakaunawaan ng kambal. "I'll take that as none of us is, anyway here's the next one. Have a great night Carmeline."
Magpapaalam na sana siya rito ngunit hindi na natuloy, may bago na naman na umakay sa kanya para magsayaw. It's Iven, her classmate. "Hi, you look dazzling tonight, hindi ka naman siguro ginulo ng kambal?"
"Thank you, hindi naman, medyo makulit lang talaga sila."
"You and Inno really made a big scene on the dance floor earlier. I didn't mind that but you should be ready, many people here want you to be buried under the ground alive."
Kinabahan siya bigla, hindi rin naman niya isinasantabi ang posibleng mangyari pagkatapos ng annual ball na ito. "Should I be scared for myself?"
"You don't need to, you have friends to protect you and I am willing to protect you if the time comes that you need my help." Binitiwan na siya nito, kaya naiwan siyang iniisip ang mga katagang sinambit nito.
"A penny for your thoughts?" Biglang natauhan si Carmeline, hindi na pala niya napansin ang paglapit ni Iluvio sa kanya. "Hey, are you okay? Do you want to go outside?"
"Don't worry okay lang ako. Iniisip ko lang ang mga nangyari magmula kanina. Hindi pa rin kasi nagda-digest sa isipan ko lahat."
"Carmeline, I know it's too early to talk about this but I want to know if I can-" Hindi na natuloy ang mga sasabihin ni Iluvio sa kanya dahil bigla na lamang nagsisigawan ang mga babae. Sabay nilang nilingon ni Iluvio ang pinagmulan ng ingay. Doon niya lang napagtanto na may lalaki na pa lang nasa harap nila.
"Sorry for interrupting your sweet dance, but I am dying to dance with this gorgeous lady beside you. You don't mind right Grand Prince Iluvio?" Walang nagawa si Iluvio kundi ang bitawan siya. Kitang-kita naman ang pagngisi ng lalaki, halatang natutuwa siya sa nangyayari.
Inno stops walking towards the dance floor. Aagawin niya sana si Carmeline mula kay Iluvio ngunit hindi niya na matutuloy. Nasilayan ng dalawa niyang mata kung paano agawin ng Emperor si Carmeline ng walang kahirap-hirap. Ang mas ipinagtataka niya ay mukhang kumportable ito sa Emperor. Matagal na kayang magkakilala ang mga ito. Naririnig niya ang mga bulungan ng ibang babae, na halata namang nagseselos sa dalaga.
"She's really a b***h, she danced with the king and the other royalties earlier. Now, she's with the emperor. Is she that desperate to get attention. A slut like her should not be here in the university." Hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang mga sinabi nito kaya hinarap niya ang babae.
"Next time you'll bad mouth her, I'll make sure that you're the one who will get kicked out from the university." Sa sobrang takot ng babae at ng mga kasama nito ay mabilis silang lumayo sa kinaroroonan niya.
Sa muling pagharap niya sa dancefloor ay kitang-kita niya kung paano yakapin ng Emperor ang dalaga. Parang gusto niyang higitin si Carmeline at ilayo sa Emperor, ganito rin ang nararamdaman niya kapag nakikita niyang kasama nito si Iluvio. Ito ba ang tinatawag nilang selos. Nagseselos nga ba talaga ko?
Pinili na lamang niyang umalis sa function hall, baka hindi niya mapigilan ang sarili at makaladkad niya si Carmeline palayo sa mga kaibigan niya at sa Emperor. Teritoryo niya si Carmeline kaya walang pwedeng umagaw nito sa kanya. Gagawin niya ang lahat para walang makakuha ng atensyon nito, kahit kalabanin niya pa ang Emperor ay walang makakapigil sa kanya.