Paradise 6

1555 Words
"Look at me, twin brother, I am so handsome than you." "Oh shut up! Iisakki can't you see, I am more good looking than you. Let's do it in our old ways. Let's make a bet. Kung sino sa ating dalawa ang mayroong pinakamaraming babae na lalapit mamaya ay siyang pinakaguwapo ngayong gabi." "Great, it's a deal. I'll bet my Ford Mustang what's yours?" "My Chevrolet Camaro ZL1." "Are you both sure na may lalapit sa inyo? Did you forget that we're wearing our masks, girls might not recognize the both of you." Nahinto sa paglalakad ang kambal at nilingon ang lalaking biglang nagsalita sa kanilang likuran. It’s Iven wearing his black slim-fit jacket in virgil wool tuxedo, that makes him look more mature. Beside him is Iluvio, silently stunning with his navy blue suit. "Don't kill the fun Iven, and for sure, even if we have masks covering our face, girls might sense a charismatic fragrance from us. Right Izaiah." "Well, I'll support that. Let's wait until the night is done Iisakki. I'll make sure that I will win. Where's Inno?" Nagsilingunan naman ang apat upang hanapin ang kaibigan nila na walang paramdam. Sabay-sabay nila itong nakitang nasa hulihan at nag-iisa. "What?" ani ni Inno. Pero bago pa makapagsalita ang mga kaibigan ay narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Sinenyasan na lamang ni Inno ang apat na mauna na sa function hall. Unregistered number ang tumatawag kay Inno, minabuti na lang niyang sagutin ito dahil baka importante. "Hello, who is this?" You're still the same Mr. Guidotti, anyways, did you forget my beautiful voice? Natauhan naman si Inno, kilala niya na kung sino ang tumawag. Ngunit nagtataka pa rin siya kung bakit ito tumatawag kung maaari naman siya nitong kausapin ng harapan dahil naroon naman ito sa gaganaping masquerade ball. "I'm sorry if I didn't notice your voice, Royal Lady, is there anything you need from me?" Well, I need you to do me a favor. It's just a simple request from me, can you grant my wish King? Inno knows that he can't say no to the Royal Lady.The Royal Lady is the highest rank on Orselleous University. Together with the Royal Master, they manage the prestigious university. "What can I do for you my Royal Lady?" It's just simple, I have someone that will attend our masquerade ball, she is someone important to me. I want you to ask her to dance when she enters the ball. Hindi makapaniwala si Inno sa mga narinig mula sa kausap. Wala naman talaga siyang planong pumunta sa masquerade ball, pero dahil isa siya sa Paradise Royalties ay wala siyang magagawa. "How will I know her? Can you tell me what she's wearing or what her mask will look like?" She's wearing a phoenix long gown and a shining bloody mask. She will enter the ball after the opening remarks, for you to easily find her. I hope you'll take good care of her. Enjoy the ball King. Hindi na nakasagot si Inno dahil binaba na nito ang tawag. Sanay na siya sa ugali ng Royal Lady, ang gusto nito ay siya ang tatapos sa usapan at siya ang magbababa ng telepono. Bigla na lamang naisip ni Inno kung sino ang importanteng tao sa buhay nito. Nag-iisa lang naman ang anak nito at imposible na 'yong tinutukoy nito ay ang babaeng nang-iwan sa kanya. Sobrang imposible dahil nasa ibang bansa ito. Ngunit maaari ring pinauwi ito ng Royal Lady para dumalo. Hindi pa siya handang makita ito, ramdam niya pa rin ang sakit na ibinigay nito sa kanya ngunit wala siyang magagawa dahil nakapangako na siya sa Royal Lady. Nagmamadali na ang tatlong magkaibigan dahil may dalawampung minuto na lang bago mag-umpisa ang masquerade ball.Kung hindi ba naman sila minamalas, biglang nasira ang gripo ng bathroom sa dorm nila Chandria. Kung kailan oras na para mag-prepare sila saka naman ito nasira. Kailangan pa nilang hintayin na maayos ito ng school plumber. Hindi naman kasi pwedeng doon sa dorm nila Carmeline dahil sa nandoon sina Inno. Baka magalit pa ito kapag nagdala siya ng mga kaibigan ng hindi nito alam at higit sa lahat hindi pa rin malilimutan ng dalaga ang mga narinig mula rito nang nagdaang gabi. Sa tuwing maiisip niya ito ay hindi maiwasang masaktan siya. Mabilis naman nang maayos ng tubero ang sira kaya wala na silang sinayang na oras. Malaking tulong na rin na naroon si Christine para matulungan sila sa pag-aayos. Si Christine ang nag-ayos sa ate niyang si Christle. Ngunit kahit na ganoon ay nakulangan pa rin sila sa oras dahil napakagulo ni Christle. Pinapahirapan nito ang kapatid, subalit damay pa rin sila ni Chandria. Muntik na nga itong sabunutan ni Chandria kung hindi lang sila naawat agad ni Carmeline. "Christle bilisan mo na, pasaway ka na nga kanina hanggang ngayon ba naman," singhal ni Chandria sa kaibigan. "Heto na po Lola Chandria, bibilisan ko na po. Huwag ka na pong sumimangot diyan baka lalong dumami wrinkles mo po," natatawang turan ni Christle. Hindi na rin napigilan ni Carmeline ang matawa, kaya mas lalong sumama ang mukha ni Chandria. "Sige tawanan niyo lang akong dalawa, makakaganti rin ako sa inyo. Bilisan niyo na, ayokong mahuli at magkaroon ng grand entrance." Nagmamadali na sila sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ni Carmeline. "Girls, una na kayo sa function hall, tumatawag kasi si Mommy, susunod na lang ako." "Gusto mo lang yata ng grand entrance," biro ni Christle. "Hindi kaya, iyon nga ang pinakaayaw ko, ang makakuha ng maraming atensyon." Aasarin pa sana ni Christle si Carmeline ngunit pumagitna na sa kanila si Chandria. "Tama na 'yan Christle, tigilan mo na ang pang-aasar at baka sabunutan na talaga kita. Wala akong pakialam kung masira man 'yang ayos mo. Sumunod ka na lang Carmeline." Nang makaalis ang dalawa ay sinagot niya na ang tawag. "Hello Mommy, is there any problem?" Nothing darling, I'm just checking if you're already in the function hall. “Not yet Mom, I’m on my way there.” Do me a favor darling. “What is it Mom? I’m going to be late on the masquerade ball, you don’t want that to happen right?” Hindi niya maintindihan ang Mommy niya, alam niyang gusto ng Mommy niya na mag-enjoy siya sa masquerade ball dahil ito ang first time niya na makaranas nito, pero bakit kung kailan malapit na mag-umpisa ang event ay saka naman ito humihingi ng pabor. I want you to make a grand entrance. “Are you insane Mommy? You knew that I don’t like that kind of idea.” Nabigla siya sa narinig. Hindi niya inaasahan na nagmula ito sa kanyang ina. Bakit pa nga ba siya magtataka, this woman is Orselle Mae Orselleous-Riedes, her one and only crazy mother. Natatawa na lang siya sa isiping todo tanggi siya sa pang-aasar ni Christle ngunit gagawin niya rin pala. First of all, I know that you don’t like that kind of idea. Second, I am not an insane darling. And lastly, I just want my daughter to be recognized by everyone through your beauty, in exchange for the fact that you don’t want to be known by our relationship because you want to experience the life of a normal student. So, you'll enter when my beloved speech is done. "Okay fine, I'll go ahead and wait for your beloved speech to be finished before I enter the ball," she uttered, mimicking the words from her mother. "Inno? Why are you staring at the entrance ?Are you waiting for someone?" Iven asked his friend while drinking the red wine he got from the waiter. Hindi na nag-abala pa na sumagot si Inno sa kaibigan. Hindi na rin naman siya kinukulit ni Iven dahil natutok na ang atensyon nito sa dalagang nakasuot ng navy blue gown. Hindi na rin nagtagal at nag-umpisa na ang ball, ngunit hindi pa rin mapakali si Inno dahil sa pinangako niyang gawin. Nagsimula na magsalita ang Royal Lady at nasa tabi nito ang Royal Master, kaya anumang oras ay papasok na ang babaeng sinasabi nito sa kanya. "A vespere iucundum est ex vobis omnia. Welcome ad pila a quadragesimo Orselleous Senior High School. Nunc animi habere pacificae. Aliquamdiu obliviscaris curarum. Exprimere affectus tuus impress est dilectus tuus ex dilecto. Enjoy the party everyone." Huminto ito at kinuha ang kopita ng red wine, sabay silang dalawa ng Royal Master na nagsalita. "Memoria adhiberi potest mutare vitam tuam. Usus est instrumentum ad consequi somnia. Volentes tu optimus omnium Orsellians." "Long live the Royal Lady! Long live the Royal Master! Long live the Orsellians!" Inagaw ang atensyon ng lahat nang tumutok ang spotlight sa entrance ng function hall. Napatingin si Inno sa kinaroroonan ng dalaga, ito na siguro ang tinutukoy ng Royal Lady na dapat niyang isayaw. Habang papalapit sa babae ay lalo niyang nakikita ang itsura nito. Nakamaskara man ito ay hindi pa rin maitatago ang natural na kagandahan nito. Hindi ito ang babaeng nang-iwan sa kanya, kaya gumaan ang kanyang kalooban at nawala ang tensyon na kanina ay kanyang nararamdaman. Nagtataka pa rin siya dahil habang tinititigan niya ang babae ay lumalakas ang pakiramdam niya na kilala niya ito. Isa lang ang paraan upang malaman niya na tama ang kanyang hinala, mamaya pagkatapos ng cotillion dance ay sabay-sabay na magtatanggal ng maskara ang lahat ng naroroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD