"Saan tayo bibili ng tuxedo ko?" tanong ni Christle.
"Tigilan mo nga ako sa tuxedo na 'yan, gown ang susuotin mo at hindi tuxedo!" frustrated na sabi ni Chandria.
Natatawa na lang si Carmeline dahil kanina pa nagtatalo ang dalawa. Magmula ng bago sila umalis sa dorm ay inaasar na ni Christle si Chandria. Ilang minuto lang siguro na mananahimik ang dalawa, pagkatapos ay muling magsisimula na naman ang asaran ng dalawa. Si Christle na palaging bukang-bibig ang tuxedo na siyang kasuotan ng mga lalaki. Si Chandria naman na inis na inis at pilit na pinaiintindi na hindi iyon ang dapat na suotin ni Christle.
"Carmeline halika doon." Turo nito sa isang boutique na puro tuxedo ang laman. "Tulungan mo akong pumili ng susuotin ko."
Bago pa sila makaalis ay naharangan na sila ni Chandria, kulang na lang ay umusok ang ilong nito at bumuga ng apoy na tulad ng isang dragon. "Hindi kayo aalis! Doon tayo sa boutique ng tita ko pipili ng gown na susuotin natin para sa Orselleous Masquerade Acquaintance Party."
Pero hindi pa rin nagpaawat si Christle. Hinila nito patakbo si Carmeline upang mapuntahan ang tinutukoy na boutique na puno ng tuxedo. Mabilis namang nakahabol sa kanila si Chandria, hinawakan nito ang braso ni Carmeline upang mapigilan sa pagpasok sa boutique. "Tama na Christle wag mo ng ipilit pa."
Kahit na natatawa ay nanahimik na lamang si Carmeline at nakinig sa bangayan ng dalawa. "No! Sasamahan ako ni Carmeline dito at siya ang tutulong sa akin upang pumili ng susuotin ko."
"Tama na girls!" Sigaw ni Carmeline dahil nasasaktan na siya sa paghila ng dalawa sa braso niya. Buti na lang talaga may tumawag. Save by the bell. "Sasagutin ko muna itong tawag. Please behave yourself at tama na ang asaran niyong dalawa.”
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang dalawa at lumayo na siya agad ng masagot ang tawag. "Hello Mom? Napatawag ka?"
"Carmeline, go to Pelilia's Boutique. You and your friends' gowns are there. I got it ready last week. How I wish your friends would love the gowns that I choose for them."
"I'm sure they will. Thank you Mom, I gotta hang up cause they're fighting again," she said.
"Oh! Okay, I know you can handle them." Her Mom ended the call before she got to answer again. She put her phone in her sling bag and came back to her friends.
"Stop the both of you! I am the one who's going to choose where we will get our gowns." Aangal pa sana ang dalawa ngunit pinigilan na niya agad ang mga ito. "Stop! I don't like to hear any complaints from you girls. Just follow me."
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang dalawa at nag-umpisa na siyang maglakad. Hindi pa naman nagtatagal ay nararamdaman na niya ang presensya ng dalawa, mukhang hindi na nag-aksaya pa ng oras at humabol agad ang mga ito. Nararamdaman ni Carmeline ang simpleng asaran ng dalawa. Isinawalang-bahala niya na ang mga ito at binilisan na ang paglalakad. Excited na kasi siyang makita ang gown na ipinagawa ng Mommy niya. Kung titingnan ay ito ang pinakaunang beses na gumamit siya ng gown para sa isang school party.
"Carmeline saan ba tayo bibili ng gown? Kanina pa kasi tayo paikot-ikot dito," dinig niyang sabi ni Chandria.
"Actually kanina pa natin nadaraanan ang boutique, pinagod ko lang talaga kayo para naman makaganti ako sa paghila niyo sa akin kanina," mapang-asar na sabi ni Carmeline. Kitang-kita sa mukha ng dalawa na hindi nila inaasahan ang ginawa ni Carmeline.
"For real Carms?" Christle asked.
"Ahm… yeah… That's for real. Anyway here we are... Welcome to Pelilia's boutique. Dito laging nagpapatahi ng gown si Mommy and our gowns are already there. So, let's get inside girls." Pumasok na ang tatlo sa boutique. Punong-puno ito ng mga magaganda at nagkikislapan na iba't ibang uri ng gowns.
"Good Morning Ms. Carmeline and welcome back to Pelilia's Boutique. You can wait on the reception area while we get your gowns." Nang makaalis ang staff ng boutique ay hinila na niya ang dalawa sa reception area upang umupo.
"Grabe! Kilala ka talaga nila dito, mukhang suki ka rito Carmeline," sabi ni Christle.
"Christle umayos ka nga, tigilan mo nga 'yang salitang kanto mo," inis naman na sumbat ni Chandria. Mukhang hindi pa rin tapos ang bangayan ng dalawa. Napabuntong-hininga naman si Carmeline sa pinaggagawa ng dalawa. She got her phone and texted her mother to inform that they are already in the boutique.
"A pleasant day to you ladies. My name is Loriver Pelilia the owner and senior designer of Pelilia's Boutique. I am pleased to have young lovely ladies as my clients , especially you, " humahangang sabi nito.
"Me?" hindi makapaniwala na turan ni Christle.
"Yes, it's you young lady. If you will let me, I want you to be my model on my upcoming runway of my gowns at Paris." Nabigla ang tatlong dalaga sa narinig. Hindi nila inaasahan na ang mala-tomboy na si Christle ay yayain ng isang sikat na fashion designer.
"Ehem..." Agaw pansin ni Chandria. "Sabi na Christle my bestfriend, isa kang magandang dilag at gowns ang nararapat sa iyo, hindi ang tuxedo na bukambibig mo. Kaya kung ako sa iyo ay tatanggapin ko na iyan."
Humarap si Chandria kay Carmeline at kinindatan and dalaga. Napangiti na lang siya ng maunawaan ang ginawang pagkindat ni Chandria. "Christle, if you won't mind, Mr. Pelilia's offer is a big opportunity. I can see that you can have a career for being a model. It's really a big catch, Christle, I hope you'll grab it."
"Ms. Carmeline is right," biglang sabat ni Mr. Pelilia. "I can see that you will be a famous model someday and Paris can be your starter pack for that."
"Hindi ko alam ang sasabihin ko," wika ni Christle.
"You still have time to think of Ms. Christle, but I wish that you'll become one of my signature models," nakangiting turan ni Mr. Pelilia. "If you decide to become my model just come straight here in my boutique and my staff will assist you if I am not around."
"Excuse me Mr Pelilia, here are the gowns." Napatingin naman silang lahat sa nagsalita. Dala-dala ng mga staff ang tatlong magagandang gowns.
"Carmeline, wala yata akong pambayad sa gown na iyan. Hindi kaya ng bulsa ko, mukhang pangmayayaman naman iyan," reklamo ni Christle.
"Don't worry girls, these gowns are from my Mom. It's a gift for being my friends at school and for protecting me from the people who want to bully me," nakangiti niyang sagot.
"Ladies, may I have the honor to describe my signature gowns to you," narinig nilang sambit ni Mr. Pelilia.
"Our pleasure to hear Mr. Pelilia," masayang sagot ni Chandria.
"I will start with Ms. Carmeline, this is an asymmetrical one shoulder sleeve, sparkly red sequin long trumpet, with medium train, one shoulder cut-out bodice red evening gown."
Napapangiti si Carmeline dahil hindi siya binigo ni Mr. Pelilia. Isang napakagandang kasuotan na para sa kanyang iginuhit at binuo. Kapag si Mr. Pelilia ang gumawa ng gown nila'y, sinisigurado nito na sila lamang ang mayroon ng ganoon.
"This long formal evening dress shimmers from v-neckline to the hem of the long skirt because of royal blue sequins. An illusion inset provides sheer support to the plunging v-neck bodice, while bead and sequin-embellished strap criss cross the open back for an alluring effect. A beaded band defines the natural waistline above the form-fitting floor-length skirt, and a slide slit. This evening gown is for Ms. Chandria." Kitang-kitang ang pagkamangha ni Chandria ng marinig na sa kanya ang gown na ipinaliwanag ni Mr. Pelilia.
"This is really for me?" Mr. Pelilia nodded as an assurance.
"The princess-cut dress from the designers at atria has a glamorous off-the-shoulder folded neckline with elbow-length sleeves. It is made in a gleaming spandex blend, hugs the curves before flowing down to the floor to pool in a romantic train. This black off-the-shoulder formal long gown is for you Ms. Christle," nakangiting sabi ni Mr. Pelilia kay Christle.
"Sa akin talaga ito? Para namang hindi bagay sa akin iyan," nag-aalangan sambit ni Christle.
"You know Christle, huwag ka nang magreklamo baka magtampo niyan ang Mommy ni Carmeline," mapang-asar na sabi ni Chandria. "Isukat na natin para malaman mo na bagay sa iyo iyang gown na nasa harap mo." Hindi na hinintay ni Chandria na makasagot si Christle dahil hinila na niya ito sa fitting room. Napailing na lang si Carmeline sa ginawa ng dalawa. Hindi na talaga matitigil sa asaran ang mga kaibigan niya.
"Mr. Pelilia, thank you for this. You never let us down. I will do my best to pursue Christle, I know she fits to be one of your models."
"Thank you so much Ms. Carmeline. I'll take my leave now, enjoy your stay here, if you need anything, just ask my staff." Hindi na siya hinintay sumagot dahil umalis na ito. Naiintindihan niya dahil marami itong inaasikaso, lalo na at may fashion show itong pinaghahandaan.
Nilapag ni Iven ang pangatlong set ng beer. Ganito ang gawain nila bago sumapit mismo ang araw ng acquaintance party. Ipinagbabawal ang alak, lalo na sa kanilang mga senior high students pa lang. Pero hindi sila kasama sa may restrictions dahil isa sila sa Paradise Royalties. Ang mga miyembro ng Paradise Royalties ay may access sa mga rules na ipinagbabawal sa mga mag-aaral na hindi miyembro ng Paradise Royalties, tulad na lang ng may access sila sa Orselleous Mini Bar kung kaya'y maaari silang kumuha ng beer. Maaari rin silang lumabas ng university anumang oras, kung gugustuhin nila.
Ang Paradise Royalties ay mga mag-aaral na nagwagi sa isang napakahalagang patimpalak o kaya'y nagdala ng mataas na karangalan sa unibersidad. Ipinagkaloob rin ito ng may-ari ng unibersidad sa mga estudyante na naging isang huwarang modelo sa kapwa nila mag-aaral. At silang lima ay miyembro ng Paradise Royalties.
"We really have the advantage being one of the Paradise Royalties," sambit ni Iven. "Hindi na tayo nahihirapan bumili ng beer, ang kailangan lang natin gawin ay hindi ito ipakita sa ibang mag-aaral dahil malalagot tayo sa Orselleous twins."
"You are right Grand Duke Iven. Ang haba naman ng title mo napakahirap bigkasin parang ikaw," papikit-pikit na sambit ni Iisakki.
"You shut up!" Singhal ni Iven rito.
"Maiba tayo," biglang wika ni Izaiah. "Ano ang balak niyo bukas sa acquaintance party? May mga ka-date na ba kayo?"
"My dear twin brother Infante, did you forget that we don't need a date 'because it is a masquerade party," nakangising sabi ni Iisakki.
"Shut up prince!" sigaw ni Izaiah.
"How many shut ups will I need to hear from you guys?" tanong ni Inno.
"King Inno that's my beer! Ilayo niyo nga ang beer kay Inno, mukhang magpapakalulong muli 'yan sa alak." Inilayo naman ni Iluvio na siyang katabi ni Inno ang mga alak dahil alam na nila ang mangyayari. Kahit masama ang loob nila kay Inno ay nag-aalala pa rin sila rito.
"Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit masquerade ang acquaintance party. This school year is really weird, ang daming bagong pangyayari," hindi makapaniwala na turan ni Iisaki. Kumuha naman siya ng bagong beer ng maubos ang iniinom at baka kunin pa ito ni Inno.
"Sino bang hindi nagtataka, halos lahat ng estudyante ay iyon ang usap-usapan. May mga maskara na ba kayo?" usal ni Izaiah.
"Yeah we already had it yesterday afternoon," Inno said.
"Akala namin ay hindi ka na kikibo diyan. May paligsahan ba kayo ni Iluvio na ang maunang mag-ingay ay pangit," mapang-asar na wika ni Iisaki.
"Shut up!" Iluvio shouted.
"Another shut up... Don't hide the beer at your back Iven, give it to me." Napapailing na lang si Iven ng iabot ang hinihingi ng kaibigan.
Nakailang katok na si Carmeline ngunit walang nagbubukas ng pinto. Kaya hinanap niya na sa bag ang duplicate key niya sa dorm, nang mabuksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang limang lalaking nasa sahig at umiinom ng beer. Halata sa mga ito na mga lasing na, hindi naman siya napansin ng mga ito kaya pumasok na siya. Nang magsara ulit ang pinto ay hindi niya na inabala pa ang lima at nagpatuloy na lamang papunta sa kuwarto niya. Ngunit hindi pa man nakakalayo ay napahinto siya sa paglalakad, hindi siya makagalaw ng marinig si Inno na magsalita.
"I love her and I can't forget her, even if I want to. I can't erase her memories in my mind. She's still the one in my heart," umiiyak na sambit ni Inno. Kita niya ang pagtulo ng luha nito ng hinarap niya ang kinalalagyan ng lima.
"Your my best friend Inno, hindi ko gustong nakikita kang nahihirapan. How I wish you'll got to move on from her," wika ni Iluvio sa gitna ng pag-inom.
Hindi maintindihan ni Carmeline ngunit naramdaman niyang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Hindi na siya nagtagal sa harapan ng mga ito, at nagmamadaling pumasok sa kanyang kuwarto.
“Bakit kailangan masaktan ako sa mga narinig ko sa kanya? Pero ano iyong mga pinakita niya sa akin? Bakit kailangan niya akong biglaang yakapin? Biglaang halikan? Biglaang may lumalabas na sweet words mula sa bibig niya? Bakit?"
Hindi na napigilan ni Carmeline ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Masakit ito dahil alam niyang umpisa pa lang ay nahulog na siya kay Inno. Mas mabuti na lang siguro ng sarilinin na lamang niya ang nararamdaman dahil siya rin naman ang masasaktan sa huli. May mahal itong iba at wala siyang kahit kaunting pag-asa rito. Marahil ay pinaglalaruan lamang siya ni Inno at wala itong balak na seryosohin siya. Kinuha niya na ang mga kailangan niya at lumabas na sa kuwarto upang magtungo sa dorm nina Chandria dahil doon siya matutulog. Nang makalabas ay nakita niyang tulog na tulog na ang lima sa sahig. Hinayaan na lamang niya ang mga ito at hindi na ginising pa, sinigurado na lang niyang naka-lock ang pinto bago siya umalis.