"Iluvio? Hindi ka ba sumasabay kumain kina Inno?" Simula kasi ng first day of class ay kasabay niya na ito lagi kapag breaktime.
"Sumasabay naman, pero sa 'yo muna ako sasabay, maiintindihan naman nila iyon," sabi nito at nginitian siya. "Anong oorderin mo?"
"Baked mac and pineapple juice." Pagkatapos nitong makuha ang order niya'y nagtungo na ito sa counter.
Naiwan si Carmeline na busy sa kanyang cellphone. Kausap niya kasi ang kanyang ina, tinutukso siya kay Iluvio dahil nakikita siya nito. Connected ang cellphone nito sa CCTV ng cafeteria. Kaya ganitong oras din siya nito tinatawagan para paulanan ng panunukso. Napatayo siya nang maramdaman ang malamig na likido na nanggaling sa ulo niya. Napatingin siya kung saan nanggaling ang juice. Doon niya nakita si Chia Chaine at ang mga kasama nitong may nakakalokong ngiti sa kanilang mga labi.
"How does it feel, Miss Flirt?" Umpisa ni Chia.
"She looks like a damn trash," sabat ni Cane.
Sobrang nanlalagkit na siya. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng uniform para mapunasan ang sarili ngunit hindi niya na ito nagawa dahil sa may umaagos na naman sa kanyang ulo. Spaghetti iyon kaya mas lalong lumagkit ang pakiramdam ni Carmeline.
"Oops! My bad." Napatingin siya sa nagsalita, marami na rin ang nakatingin sa kanila. Siya na naman ang center of attraction at alam niya sa mga oras na ito ay nanggigigil na ang kanyang ina. "Sorry, I thought trashcan ang nasa harap ko," sarkastikong sabi ni Czarine.
Lumingon-lingon sa paligid si Carmeline para mapakalma ang sarili. Lahat ay nasa kanya ang atensyon. Hindi niya inaasahan na magtatama ang mga mata nila ni Inno. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakunot ang noo nito sa kanya. Ano bang problema ng lalaking ito. Siya ba nag-utos sa fiancée niya?
"What's your problem?" tanong niya nang ibalik ang paningin sa babaeng nasa harap niya.
"What's my problem? It's you!" duro nito. "You're my problem Miss Flirt. A trash like you shouldn't be here in the university!"
Hindi makagalaw si Carmeline dahil mabilis siyang nasampal ni Chia Chaine. "That's for flirting Inno!" napaupo si Carmeline nang masampal muli. "And that's for flirting with Iluvio too!"
Nakita niyang inabot ni Cane ang baso ng juice kaya tinakpan niya na agad ang kanyang mukha. Hinihintay niya na maramdaman na may umagos sa kanyang balat ngunit wala, kaya ibinaba niya ang kamay upang malaman kung anong nangyari.
"Stop Romero! Please don't bring your childishness here in the university." Sigaw ng babaeng nasa harap niya.
"What did you do to me b***h!" Lumapit si Carmeline para makita ang nangyari. Ang juice na dapat sa kanya naibuhos ay na kay Chia Chaine na.
"That serves you stupid!" Hinila siya sa napakagandang hardin, ngayon niya lamang ito nakita. Binitawan siya nito at hinarap.
"Hey, you alright Miss?" baling nito sa kanya.
"Ah, I'm okay, salamat sa tulong mo pero sana hindi mo na ginawa 'yon, baka madamay ka pa." untag niya.
"No it's okay, bago pa kita iligtas alam ko na ang maaaring mangyari sa akin." Hinawakan nito ang kamay niya.
"Pero—"
"Handa ako madamay basta matigil lang ang kalokohan ni Romero." Pigil nito sa pagsasalita niya. "By the way I am Chandria Deluevin."
Tinanggap niya ang kamay nito. "Carmeline Riedes."
"Ganiyan ba ang gusto mo Inno? Ang mapahiya ng sobra si Carmeline!" Singhal ni Iven.
"What?" naguguluhan na tanong ni Inno, hindi siya makapaniwala sa inasal ni Iven ngayon sa harap niya.
"Nakipagsabwatan ka ba sa peke mong fiancée para lang magawa ang plano mo?" Halata ang galit sa mukha ni Iven.
"No! Why would I do that? You know that I hate Chia's presence!" Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaibigan niya.
"Siguraduhin mo lang Inno. Dahil hindi lang si Iluvio ang makakalaban mo!" Wow! It's something new to his ear.
"Don't tell me that you like Carmeline too!" sigaw niya, kakaibang pakiramdam, nag-iinit ang ulo niya sa ideyang may gusto si Iven sa dalaga. Hindi! Hindi maaaring mangyari 'yon.
"Hindi mo na kailangan pa na malaman Inno. Hindi mo rin magugustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig ko," buong diin na tinuran ni Iven.
"Anong ibig mong sabihin Smith!" Hindi na siya nakakuha ng sagot mula rito dahil naglakad na ito papalayo.
"I'm sorry man." Sabay tapik sa kanya ni Izaiah sa balikat. "But I agree to Iven, hindi pa ba sapat sa 'yo ang mga ginawa natin kay Carmeline?"
Napalingon si Inno ng tumikhim si Iisakki. “Ilang linggo na nating pinahihirapan si Carmeline pero may nangyari ba? You know what Inno. Dapat siguro ihinto mo na. Walang pakialam si Carmeline sa mga pambubully sa kanya.”
Pailing-iling siya. No he needs to get rid of her. Hindi maganda ang dulot ng presensya nito sa kanya. Cause you're starting to like her! ani ng isang bahagi ng isip niya.
"Inno we're going to leave you. Pag-isipan mo ang mga sinabi namin," huling sambit ni Izaiah at iniwan na siya ng kambal.
Truthfully, wala siyang ideya kung bakit naaawa siya sa dalaga kapag nakikita niya itong binubully ng mga estudyanteng siya mismo ang nag-utos. Lalo na ang biglang mag-iinit ang ulo niya sa tuwing kasama ni Carmeline si Iluvio. At hindi niya maipaliwanag kung bakit niya iniisip na sana siya na lamang ang nasa posisyon ni Iluvio.
"Damn you Carmeline! Bakit hindi ka na mawala sa isip ko!" Tama! Iiwasan na lamang niya ito. Ititigil niya ang panggugulo rito. Hahayaan na lamang niya ito sa dorm nila. Ipauubaya na lang niya kay Iluvio si Carmeline.
You just want to hide what you feel about her, anang isip niya. "No! I don't have feelings for her!" he shouted out of frustration.
"With whom?" Napalingon siya sa nagsalita.
"Okay class do not forget the activity I've given you. The performance is at the end of the month, you need to wear formal attire. That's all for today, class is dismissed."
Nang makalabas ng classroom ang Oral Communication instructor nila ay niligpit niya na ang gamit. Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya hinahanap niya kung sino ito. Napadako ang kanyang paningin sa mga mata ni Inno. Hindi niya mawari pero lagi siyang nahihipnotismo sa tuwing napapatitig sa mga mata ng binata, parang di niya kayang alisin ang paningin rito.
"What are you looking at, lady?" Nabigla siya dahil nasa harapan na niya ito. Natulala na naman kaya siya? God, bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin?
"Me?" Pilit niyang pinatigas ang pananalita kahit na ang totoo'y para siyang nanghihina kapag ito ang kausap. "Baka ikaw! Nahuli nga kitang nakatingin sa akin!"
Nag-iwas ito ng tingin, nailang ba ito sa mga sinabi niya? "I'm not looking at you, nasaktuhan mo lang siguro na nagkasalubong ang ating paningin." Inilapit nito sa kanya ang mukhang may ngisi sa labi. "But I'll be pleased if you're really looking at me sweetie."
"W-what?" Imbis na sagutin ay tumawa lamang ito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. At sigurado siyang hindi ito ang unang beses na naging ganito ang pagtibok ng puso niya dahil kay Inno.
"Nothing sweetie..." Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. "Just focus on me sweetie."
Iniwan na siya ni Inno pero hindi pa rin makagalaw si Carmeline sa kinatatayuan. Parang may sariling buhay ang kanyang kamay at dumapo ito sa mga labi niya.
Did he just kiss my lips! anang isip niya.
"What the hell! Why did I let him! Damn you self!" pangaral niya sa sarili ng matauhan siya.
"What happened Carmeline?" Nagulat siya ng may magtanong. Muntik pa siyang matumba. "Sorry Carmeline, did I scare you?"
"A little bit Chandria, and nothing happened may iniisip lang ako." Pagtatakip niya sa totoong nangyari. No one should know what happened earlier.
"Is that so, ahm let's go?" Kinuha niya na ang gamit at sumunod na kay Chandria.
Hindi pa rin mawala sa isip ni Carmeline ang paghalik ni Inno. Damn that was my first kiss, he stole it! Nagngingitngit ang loob niya sa nangyari hindi dapat nangyari 'yon!
Napabuntong hininga na lang ang dalaga. Iwawaksi na lang muna niya ang iniisip at baka mapansin pa siya ni Chandria. Kahit kakakilala niya palang sa dalaga ay magaan na ang loob niya rito. Papunta sila ngayon sa dorm nila Chandria.
Ipapakilala raw nito sa kanya ang bestfriend s***h roommates nito. Nadaanan na nila ang dorm niya, lagpas lang ng dalawang pinto ay binuksan nito ang dorm 329, dorm 326 naman ang sa kanila nina Iluvio.
"Christine? Christle? Where are you?" Nilibot ng kanyang paningin ang loob ng kuwarto. Kulay krema ang dingding. Ang kisame naman ay punong-puno ng luminous moon and stars. Para bang makikita mo ang langit tuwing gabi.
"Whose with you?" Napalingon siya sa nagsalita. Wow! Such gorgeous ladies.
"Girls meet Carmeline Riedes." Bumaling naman ito sa kanya. "Carmeline, that blonde-haired girl is Christle Levorion and that one is her younger sibling Christine Levorion."
"Nice to meet the both of you." Nakipagkamay naman ang dalawa sa kanya.
"Ahm, Carmeline? Can I ask you something?" Sambit ni Christine.
"Can you be more respectful Christine, she's older than you!" Singhal ni Christle.
"Sorry I forgot, anyway can I Ate Carmeline?" she smiled and nodded as a response. "Why do Ate Chia bully you?"
She shrugged. "Truthfully, I really don't know the reason, pero sa pagkakaalam ko, she's accusing me that I'm flirting with Inno and Iluvio." Bumuga siya ng hangin. "When in fact I'm really not."
"Huwag mo na lang pansinin si Chia, mamuti lang ang buhok mo kapapansin sa bruhildang iyon." She chuckles, halatang ayaw rin ni Christle kay Chia. "What do you want? Coffee, juice, tea or me?"
"What the hell Christle, gumagana na naman ang pagiging tomboy mo!" sigaw ni Chandria.
"How many times do I have to tell you that I am bisexual and not a lesbian!" Nagmartsa na ito papunta sa mini kitchen ng dorm.
"Always take care of yourself ate Carmeline." Napakunot naman ang noo niya sa sinambit ni Christine.
"What do you mean?"
"Mukhang hindi lang ang grupo ni Chia ang nambubully sa iyo." Mas lalo siyang naguluhan sa narinig.
"Christine is right Carmeline. Base sa mga nakikita namin, pati mga fans club nina Iluvio at Inno ay binubully ka." Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Carmeline pagkatapos magsalita ni Chandria.
"I really don't understand, ang gusto ko lang naman ay maranasan ang normal na pagpasok sa paaralan." Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng kanyang luha. Nilingon naman niya ang yumakap sa kanyang katawan. It's Christine, iba pala ang pakiramdam ng may dumadamay sa 'yong iba. "I just want a peaceful life at school but it looks like I'm not destined to have that."
"Don't worry, ate Carmeline, I will protect and save you from those lunatics."
She pinched Christine's cheeks. "So cute of you, I wish I had siblings."
"I could be your young sister, ate." Hinigpitan nito ang yakap sa kanya.
"So tinatakwil mo na ako niyan Christine," untag ni Christle na may dala-dalang tray ng juice at cookies.
Dinilaan lamang ito ni Christine kaya napuno ng tawanan at asaran ang dorm nina Chandria. Sa tingin ni Carmeline ay nakahanap siya ng mga kaibigang maituturing niyang kapatid.