"Mom! You don't need to do that! It's part of being a normal student."
Four days ago, since the first day of class starts, okay naman ang lahat but the next day is like a living hell. Hindi niya inaasahan ang mga nangyari noong mga nakaraang araw. At heto ang kanyang ina, naghi-hysterical at gusto nang patalsikin ang mga mag-aaral na gumugulo sa kanyang tahimik na mundo. "No darling! Throwing fresh eggs and flour on you is not right. At alam ko rin na alam mo na hindi lang iyon ang ginawa sa iyo!"
Ganito ang Mommy niya, ayaw na ayaw nitong nasasaktan siya. Alam niyang na nanahimik lang ang kanyang Daddy, pero kabisado niya ito dahil mas nakakatakot ang tumatakbo sa utak nito kapag hindi ito nagre-react sa mga pangyayari.
Napabuntong-hininga na lamang si Carmeline. "I know Mom, but please hayaan na lang natin. Parte lang iyon ng pagiging childish nila Mom."
"No! Simula ng bata ka, hindi ko hinayaang madapuan ka ng lamok o magkaroon ng sugat man lang." Natawa naman siya sa tinuran nito. "Why are you laughing at me?" galit kuno nitong sambit, subalit hindi niya pa rin mapigilang tumawa.
"Mom did you forget? I grew up with bruises." Sinamaan naman siya nito ng tingin ng napagtanto ang ibig niyang sabihin.
"I hate you darling, you're laughing out on me." She can't help but to laugh when her mother pouts its lips.
"Stop doing that, you look like a duck." Halata sa mukha ng kanyang ina na asar na asar na ito.
"Isusumbong kita sa daddy mo!"
"Go on Mom, sasamahan pa kita kay Daddy." Sumasakit na ang tiyan niya katatawa lalo nang mas nalukot ang mukha ng kanyang ina at lalo nitong ininguso ang mga labi.
"I hate you! Ganiyan ka na sa 'kin dahil marami ka ng boys diyan!" What boys? What the hell! Akala ba nito na lalaki niya ang mga kaibigan ni Iluvio.
"I don't have boys Mom!" Pagtatanggol niya sa sarili.
"You don't have any? Then what's the name of the guy you talked pagkagaling mo sa office ni Dean?" So nakita nila iyon? Of course they will, they have a connection with CCTVs in the university, how come she forgot that?
"He's Iluvio Mom." Nakataas ang kilay ng kanyang ina na parang may namumuong kalokohan sa utak nito, at hindi iyon kaaya-aya sa kanyang paningin.
Palabas na si Inno sa kanyang kuwarto ng marinig niyang may kausap si Carmeline, kaya napahinto siya sa paglabas pero nanatili lamang na nakatayo sa may pintuan.
"He's Iluvio Dela Fuente Mom," narinig niyang sabi nito. Hindi niya gusto ang eavesdropping but here he is, doing it.
"You're blushing darling," sambit ng kausap ni Carmeline, bakit parang familiar sa binata ang boses nito.
"I am not Mom!" she exclaimed.
"You like him." It's a statement not a question, he's sure of that.
"Yes I do." Hindi na nagsalita ang kausap ni Carmeline bagkus tawa na lamang ng kausap nito ang narinig ni Inno.
Bakit parang nasaktan siya sa narinig? Hindi niya alam pero lagi nalang may kirot siyang nararamdaman kapag nakikita niyang binubully ang dalaga, na siya rin naman ang may kagagawan. Nalilito na rin siya sa kanyang nararamdaman, hindi niya na alam ang gagawin. Mukhang mental hospital ang kinahinatnan niya kapag hindi niya pa nalaman ang totoong nararamdaman niya. Pero hindi maaaring may maramdaman siya. It's not going to happen. Never!
"No Mom! It's not what you think!" Tanggi ng dalaga. Aalis na sana siya sa kanyang kinatatayuan kaso narinig niya ang binanggit ng kausap ni Carmeline.
"About your bullies, I'll do everything to suspend them!" It is full of authority. Nawala 'yong aura nitong masayahin, bigla naman nakaramdam ng kaba ang binata.
"Don't you trust me Mom!" nabigla siya sa sigaw ng dalaga. Ngayon niya lang narinig sumigaw si Carmeline, hindi naman siya ganiyan kapag nakakasalamuha niya ito.
"I trust you darling." He heard her chuckles, it's like music to his ear.
"Don't worry Mom, I can break their legs if I want too." Nagsitayuan ang balahibo niya ng marinig ang seryosong tinig ng dalaga. Is he afraid of her? No he's not! Siya dapat ang katakutan nito, hindi 'yong siya ang matatakot dito.
Namalayan na lamang niyang nakaupo na siya ulit sa kanyang kama. Nagpaulit-ulit sa isip niya ang sinabi nitong kaya niyang baliin ang mga binti ng kung sino man kung gugustuhin niya. What the hell! Hindi nga siya lumalaban. Stupid! Kapag gusto niya nga lang diba.
"Stop thinking about her Inno, you should only think how to get rid of her." Sinabunutan na lamang niya ang kanyang sarili, tinitikis siya ng kanyang sariling isip. "Argh, there's nothing special on how she chuckles!" he said out of frustrations.
Napagpasyahan na lamang niyang lumabas ng dorm para magpahangin. Pero isang dalagang tahimik na natutulog sa lamesa ang inabutan niya. Ewan niya ba pero nagkusa ang kanyang katawang lumapit dito.
Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ng dalaga. Makinis na mukha, mahabang pilikmata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga. Para ba siyang iniimbitahan ng labi nitong mapupula, parang ang sarap halikan. Palapit nang palapit, kaunti na lang at…
"What are you doing Inno!" Naabutan ni Iluvio ang kaibigang sobrang lapit ang mukha sa dalaga.
"I'm just going to wake her up." Nag-init ang ulo niya sa narinig na dahilan ni Inno.
"Waking her? Yeah! I believe that, really believing you," puno ng sarkastiko niyang singhal sa kaibigan.
"Go! Believe what you want dude." Umalis na si Inno. Naiwan na lamang sila ng dalaga. Naupo siya sa katabing upuan at pinagmasdan si Carmeline na payapang natutulog.
"Such a beautiful innocent lady. How I wish you'll be mine and I'm going to be yours."
Alam niya sa sarili na unang araw pa lang na magkakilala sila ay nabighani na siya rito. Kapag ito ang kanyang kasama, hindi niya mapigilan ilabas ang totoong siya. Ang palangiting side ng isang Iluvio Dela Fuente. Kaya mas dumarami ang nangbubully dito dahil sa inggit. Hindi lingid sa kanilang magkakaibigan na maraming nagkakagusto sa kanila. Nabalitaan pa nga nilang nagtayo pa ang nga ito ng fans club na patungkol sa kanila. Isa na rin sa kinaiinisan niya ang pagpapahirap dito ni Inno para lamang mapaalis ito sa dorm nila. Kaya niyang sumabay sa kalokohan nito kung lalaki sana ito pero hindi! Babae na ang ginagawan nito ng kalokohan na ngayon lang talaga nangyari. At hindi niya hahayaan pang lumala.
Hindi niya kayang makita na nahihirapan ang dalaga. Ang buhusan ng harina. Ang batuhin ng itlog. Ang tapunan ng pintura. Kitang-kita ng dalawa niyang mata ang pag-iyak nito kapag sila na lamang dalawa. Sa kanya lang nito ipinakikita ang kahinaan ng dalaga. Naaalala niya pa ang sinabi nito, hindi yata ako welcome sa university na 'to. Sa tingin mo kailangan ko na bang itigil ang pagpasok dito at bumalik na lamang sa bahay at ipagpatuloy ang home schooling? Hindi siya nakaimik no'n dahil alam niya sarili niya na nang dahil sa kanila'y naghihirap ito.
"Iluvio?" Nabigla siya ng biglang may kumalabit sa kanya. "Kanina ka pa ba diyan?"
Napatitig siya sa namumungay na mata nito. "Ah oo! Hinihintay lang kitang magising." Hinawi niya ang buhok na kumalat sa mukha nito. "Bakit dito ka natulog? Baka mamaya niyan ma-stiff neck ka."
"My Mom called, hindi ko na namalayan nakatulog ako. Mukhang nagtatampo na naman siguro si Mommy kasi nakatulugan ko na naman siya. Napakamatampuhin pa naman noon, ang hirap-hirap suyuin" sambit nito at sinulyapan ang laptop. "Did you close my laptop Iluvio?"
Napatingin din ang binata sa tinutukoy ni Carmeline. "Nope I didn't, I think it is Inno," sabi niya rito, ayaw naman niyang magsinungaling sa dalaga. Dahil iyon ang pinakahuli niyang gawin ang magsinungaling dito.
"Inno was here?" tanong nito na halatang 'di makapaniwala sa mga sinabi niya.
"Yeah he is, gigisingin ka sana niya ng inabutan ko siya rito." Iniwas niya ang paningin nang maalala ang dinatnang eksena kanina, hindi niya nagustuhan ang nakita at ang malala ay mukhang tumatak na ito sa kanyang isipan. "Pero sabi ko wag ka nang gisingin, babantayan nalang kita at hihintayin magising."
Nakikita niya ang nakaukit na lungkot sa mata ni Carmeline kahit na ito'y nakangiti. "Ah ganoon ba. Papasok muna ako sa kuwarto Iluvio, salamat sa pagbabantay," anito sa kanya pero pinigilan niya ang kamay nito.
"Hindi ka ba muna kakain?" tanong niya pero ang totoo ay gusto lang talaga niya ito makasama.
"Mamaya na lang. May gagawin pa kasi ako, sige pasok na ako sa kuwarto." Ngumiti ito't iniwan siyang nakatayo doon. Mukhang alam niya na ang mangyayari sa huli. He's expecting a happy ending. He wants to feel the happiness he's longing for. Pero mukhang ipagkakait ito sa kan'ya ng tadhana.
"s**t!" tanging nasambit niya. Alam niya sa sariling nahuhulog na siya ng sobra kay Carmeline. Hindi niya na alam ang gagawin sa kanyang nararamdaman.