"Bakit parang hindi maipinta ang mukha mo Inno?" ani ni Iluvio.
"Hangover man." Hinubad niya ang t-shirt dahil init na init na siya kahit na bukas ang aircon. Napaangat ang tingin niya nang may maglagay ng tasa ng black coffee sa harap niya.
"Black coffee and here's the pain killer. If you need anything, I'm just in the kitchen." Nang makaalis si Iluvio'y ininom niya na ang gamot para maibsan ang p*******t ng ulo niya dulot ng hangover. He'll gonna kill those twins, they planned to let him drunk. He stands up and does his daily exercise to help him be lively.
Nagising si Carmeline sa tunog ng alarm clock na si-net niya bago siya matulog.
"Good morning self." Kinusot-kusot niya ang kanyang mata. Nagtataka siyang sinilayan ang silid na kinaroroonan niya. Then some realization hit her. "Shoot out! Nasa dorm nga pala ako."
Tiningnan niya ang oras. It's already quarter to six in the morning, maaga pa kaya napagpasyahan niyang maghilamos muna at mamaya na lang maligo. Hindi naman siya inaabot ng isang oras kapag siya ay naliligo. Lumabas siya sa kuwarto na panay ang hikab, pagtingin niya sa dining area ng dorm ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Hindi niya napigilang tumili at tumalikod rito. Paano ba naman ay nag-stretching ito habang boxer shorts lang ang suot. Nagmamadaling Iluvio naman ang lumapit sa kanya. "What happened Carmeline? Are you okay?"
Hindi siya sumagot sa tanong nito, itinuro na lamang niya dito ang lalaking nakita niyang half naked. "f**k dude wear your shirts!" sigaw ni Iluvio, nagmadali naman ang lalaki sa pagbibihis.
"So... It is true Iluvio, you're having a girl now," dinig niyang sabi nito. Wait what? Siya babae ni Iluvio. What the hell! Hindi ba nito alam na roommate siya nito? Kaya humarap siya rito, pero natulala siya, para bang mas gumwapo ito nang nakasuot ng damit. Stop self, he's not handsome, he's irritating!
"She's not my girl." Sinulyapan siya ni Iluvio. "She's our new roommate," emphasizing the 'our'.
"What the hell!" iyon na lamang ang nasambit nito at naupong sapo ang noo.
"Carmeline, upo ka na muna doon sa tabi ni Inno, ilalabas ko lang ang breakfast na niluto ko," Iluvio said. Tumango siya at dumeretso nang umupo sa dining area.
"Good morning... I'm Carmeline Riedes. Sorry sa nangyari kanina, nabigla lang talaga ako," hingi ng paumanhin ni Carmeline. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito. Seryoso lamang ito sa pag-inom ng black coffee. Napabuntong hininga naman siya dahil mukhang masungit ang binata.
Buong buhay niya simula ng magkamuwang siya sa mundo ay tanging mga magulang, katulong at pinagkakatiwalaan tao lamang ang nakasalamuha niya. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makipag-usap sa iba dahil masyadong delikado. Maraming death threats ang dumarating sa kanyang mga magulang na hindi naman lingid sa kanyang kaalaman. Kaya naiintindihan niya ang mga ito sa desisyon na sa bahay lamang siya.
Magulo ang isipan ni Inno kaya hindi siya umimik nang kausapin siya ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman nang marinig niya itong sumigaw at pagkaharap naman niya'y nakatalikod na ito sa kanya. Lookin’ at her back makes him feel an unusual beating of his heart. At hindi siya tanga para hindi niya malaman ang ibig sabihin noon, dahil minsan niya na ring naramdaman ang ganitong pakiramdam. Mas lalo pa itong lumala ng humarap ito sa kanya at kinausap siya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kirot ng makitang nakangiting nakikipag-usap ito sa bestfriend niyang si Iluvio.
Kasabay niya kasi ang dalawa papunta sa kanilang classroom dahil kaklase rin nila si Carmeline. Kung sana'y kaklase niya rin ang kambal ay nagpaplano na sila agad ng paraan para mapaalis ito, hindi ‘yong kung anong kakaibang pakiramdam ang naranasan niya. ABM students sila samantalang ang kambal ay Cookery at ICT under Technical Vocational track.
"So the gossips was true. You have the guts to walk with them!" sambit ng babaeng may blonde na buhok na walang iba kundi si Chia Chaine Romero, ang babaeng habol nang habol sa kanya at ipangalandakan na engage sila.
"Stop Chaine, we're going to be late, please don't start trouble," awat ni Iluvio.
"No, Vio, that girl is flirting with the two of you." Duro nito kay Carmeline na ngayo'y nakayuko lamang. Hindi ba siya lalaban? Iniinsulto na ang pagkatao niya pero nanahimik lang siya. Akmang sasabunutan siya ni Chia nang pigilan ito ni Iluvio. "Don't you ever lay a hand on her, wala naman siyang ginagawang masama sa 'yo."
"Iluvio hayaan mo na lang baka ma-late pa tayo." Pigil ni Carmeline, hindi ba talaga siya marunong lumaban?
Hindi gusto ni Carmeline na sa unang araw pa lang ng klase ay makasama na siya sa gulo. Hangga't maaari gusto niyang tahimik lang ang pananatili niya sa Orselleous University. Napapikit si Carmeline sa sakit nang hilahin ni Chaine ang kanyang buhok. "Malandi kang babae! Pareho mong nilalandi si Iluvio at Inno."
"Hindi ako malandi! Wala akong nilalandi!" sigaw niya dito, napaiyak na rin siya dahil masakit ang pagkakasabunot nito sa kanya. Hanggang sa may isang kamay ang humila sa kanya at itinulak ang babaeng na nanakit sa kanya. Nakaharap siya dito habang yapos siya nito sa isang kamay.
"Stop Chia! You're being childish again!" sigaw ni Inno. "We're walking peacefully and you ruined it. You dragged yourself in front of us and kept on shouting!" It's Inno, she doesn't know pero ang bilis ng t***k ng puso niya. Looking at his hazel eyes is like hypnotizing her mind to focus on him, just him.
"So you're on her side now Brylle! You're choosing that flirt over me? Over your fiance!" Why does she feel that her heart has been stabbed with a thousand knives upon hearing those words?
"O shut up Chia! Oo kinakampihan ko siya dahil wala naman siyang ginagawa sa 'yo." Napatingin si Inno sa kanya kaya nagkatitigan sila. "And she's not a flirt... She's our roommate."
"A roommate ? Really Brylle, bakit hindi ka pa gumagawa ng paraan para maalis siya o ilipat siya ng dorm!" Hindi makapaniwala si Carmeline sa narinig kaya napaatras siya mula sa pagkakayakap nito sa kanya. Hindi niya alam kung totoo ba ang narinig niya o gawa-gawa lang.
"Oh shut up!" Hinila na siya nito paalis. "Let's go Iluvio." Nakita naman niyang agad na sumunod si Iluvio. Walang umimik sa kanila. Tanging ingay ng mga estudyanteng nakatambay sa hallway ang narinig niya, hanggang sa makarating sila sa classroom.
Binitiwan na ni Inno ang kanyang kamay ng nasa tapat na sila ng classroom. Patalikod na ito sa kanya para pumasok nang hawakan niya ang braso nito. Napahinto ito pero hindi siya nilingon. "Thank you Inno." Pero hindi na ito nagsalita, nagpatuloy na lamang ito sa pagpasok sa silid-aralan.
"Are you alright Carmeline? May masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Iluvio.
"I'm okay tara na! Baka dumating na ang instructor natin," sabi niya at ipinagbukas naman siya nito ng pinto.
Lumipas ang oras at dumating na ang lunch break. Nagmamadaling lumabas si Inno, hindi dahil sa gutom na siya, kundi dahil gusto na niyang makita ang kambal para mabuo ang planong nararapat nilang gawin. Dumiretso na siya sa lamesa na inokupa ng mga kaibigan.
"Hey! What happened? You look like an unfinished painting," sambit ni Iven nang nakaupo ito. Kararating lang ni Iven dahil sa tumakbo siyang pumunta sa cafeteria.
"I need the plan now, kailangan nang mailipat ng ibang dorm 'yong bago!" he said directly to them.
"Oh chill! Kain ka muna..." Sabay abot ni Iisakki ng tray na may lamang baked macaroni at iced tea na binili nito para sa kanya. "So, nakita mo na ang roommate niyo na bago?" He nodded and eat. He needs energy to beat the unusual beating of his heart.
"By the way, where's Iluvio?" Izaiah asks out even though his mouth is full of pasta.
"He's with her and you, do not speak when your mouth is full, how many times do we need to tell you that!" Napailing na lamang ang mga kasama sa ginagawa ni Izaiah.
"Her? You mean your new roommate is a lady? Is it the transferee?" Iven said while drinking his tea. He nodded.
"Did you hear that Izaiah!" Iisakki exclaimed. "I won, twin! You're not lucky today man, give me your car key." Hindi niya alam kung tatawa siya dahil natalo si Izaiah o maiinis dahil nagpustahan na naman ang mga ito.
"Here!" Nakasimangot nitong inabot ang susi sa kambal. "What will I use then?"
"I'll call Manong Ed to bring your Bugatti and he will take home my other car," masaya nitong sambit, barya lamang ang sasakyan para sa kambal dahil car dealer ang business ng mga magulang nito. Kaya para raw may thrill ang mga pinaghirapan at pinakaiingatan nila, ang sasakyan ang ginagamit nilang pamusta.
"So what's the plan!" he said out of frustration.
"Are you damn serious Inno?'' Hindi makapaniwala na sambit ni Iven. "That's a damn girl dude."
"I'm freaking serious! I don't care if she's a lady or not," he shouted.
He's persistent, he really wants that woman to disappear before it will ruin his damn life. He knew she would be a burden on his peaceful life at Orselleous University. Kung ngayon pa nga lang ay nagugulo na ang kanyang utak, paano pa kaya 'pag nagtagal itong kasama niya. Damn what I am thinking.
"Okay! Do what you want. You two!" Baling nito sa kambal kaya napahinto ang mga ito sa kanilang ginagawa. "Help him... I don't want to be involved in a woman's suffering." At umalis na nga ito.
"Let's talk later about the plan," Izaiah said at umalis na rin ang kambal. It will be a very long day for him.