Chapter 1

1068 Words
MADILIM ang paligid at malamig na ang simoy ng hangin subalit hindi iyon alintana ni Niklaus kahit wala siyang damit pang-itaas at nakatayo lang siya sa mahabang tulay ng bahay niya patungong dagat at nakatitig sa kawalan.   Pantalon na ripped jeans lang ang suot niya at naka-paa lang habang hawak ang baso sa kanang-kamay na may lamang alak na unti-unti niyang iniinom na nagpapainit sa buong katawan niya.   Nakatitig siya sa yateng ngayon ay nasa harapan din niya. Gusto niya sanang paandarin iyon pero masiyado ng gabi at isa pa, ay nakainom pa siya. Baka maibangga pa niya iyon kung saan at mapagalitan pa siya ng pinsang si Mike at dumating pa ang kaalaman sa kaniyang ama na siguradong magagalit sa pagiging pabaya niya lalo pa at siya pa naman ang General Manager ng hotel.   Hindi na naibabalik ni Niklaus ang yate sa Marina Harbour at dito na muna sa dock niya nai-park ang yate dahil naisipan niya ngayong uminom muna matapos gamitin iyon kanina. Kapag wala siyang pasok kinabukasan ay inaabala niya ang sarili sa pagsakay sa yate, paliligo sa dagat o hindi kaya ay kasama ang mga kaibigan at nag-iinuman silang magkakasama.   Minsan ay naglalagi siya sa Maynila lalo na kapag kailangan sa trabaho pero mas napaparati siya sa Isla Del Amor dahil mas panatag ang isip at puso niya sa lugar na iyon at mas nagiging masaya siya kasama ang mga matatalik niyang kaibigan na shareholders ng resort at hotel.   Nakuha ang atensiyon ni Niklaus sa pagtunog ng cell phone at nawala niyon ang tahimik na pagmumuni-muni niya. Nang kunin niya iyon sa bulsa ng pantalon ay ang pinsan niya na si Mike ang tumatawag.   Napangisi siya at alam niyang mainit ang ulo nito sa kaniya dahil sa kalokohan na naman niyang ginawa nang nakaraang-araw.   "Where the hell are you?" kaagad na tanong sa kanya ng pinsan niya na lalong ikinangisi niya. "I'm home," tipid na tugon niya. "Your girlfriend is so annoying! She calls me more than once, and she's looking for you!" iritadong sabi ni Mike. “And how did she know my cell phone number, Niklaus?" tanong pa ni Mike hindi naglaon pero nanatili pa rin ang iritado sa boses nito. "I guess I made a mistake in giving my number, and it seems that what I gave to her was your number," paliwanag niya sa pinsan.   "You made a mistake giving your cell phone number again, and what you always give is mine? Do you know that every time you no longer show them? I am the one they are messing with, and someone else is cursing me?" gigil ng sumbat ni Mike sa akin. "For Christ's sake, Niklaus, stop giving my number to everyone who becomes your girlfriend that you do not want to be with!"   "Bro, I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya na number mo ang naibibigay ko," paliwanag niya. "Paulit-ulit na lang at ilang beses na akong nagpalit ng personal cell phone number ko. This is the last time, Niklaus, I warning you!" may pagbabanta ng sabi nito sa kaniya.   Mukhang seryoso na talaga ngayon si Mike at dapat hindi na niya ulitin pa na ang cell phone number nito ang ibibigay niya sa mga babaeng nakikilala niya sa Maynila. "Okay, bro, last na iyon. Sorry ulit," totoong sabi niya. Pinatayan na siya ng cell phone ni Mike nang marinig nito ang sinabi niya.   Sa tuwing pumupunta si Niklaus sa Maynila at minsan ay nagtatagal siya doon ay may nakikilala siyang mga babae lalo na sa mga bar na pinupuntahan niya para uminom. Mga babaeng sumasama rin sa kaniya para sa isang gabing ligaya at kapag humihingi ng number ang babae sa kaniya ang lagi niyang binibigay ang cell phone number ng pinsan niya. Gustong-gusto niya kasing inaasar ang pinsan at kung papalarin ay magkaroon na rin ng makikilalang babae na magpapawala ng pagiging masungit ng pinsan at seryoso sa buhay. Matanda na kasi ang pinsan niya pero hanggang ngayon ay tanging trabaho at kompanya lang nito inaatupag at mukhang walang planong magkaroon ng pamilya.   Sabagay parehas lang naman sila magpinsan na talagang walang planong makipagrelasyon dahil hindi naman siya naniniwala na may panghabang-buhay na pagmamahalan kagaya nang sinasabi ng marami. Dahil isa sa naging halimbawa nang hindi makatotohanang pagmamahal panghabang-buhay ay ang mga magulang niya. Nagmahalan ang Mama at Papa niya noon kahit mahirap lang ang Mama niya at mayaman ang naman ang Papa niya at dahil sa pagmamahalan ay nagsakripisyo noon ang Papa niya pero sa huli ay iniwanan din ito ng Mama niya.   Kaya bakit siya maniniwala sa habang-buhay na pagmamahalan? Isa sa kalokohang pinaniniwalaan ng tao iyon dahil wala naman talaga iyon sa totoong buhay. sa una ay isinama siya ng Mama niya at pinalaki siya na nadama niya ang pagmamahal nito subalit nang makakilala ito ng ibang lalaking makakasama sa buhay ay bigla na lang siyang iniwanan sa Papa niya at ang masakit may kapalit pang pera iyon.    Isa pa, hindi na talaga kailangan pang makipagrelasyon siya ng seryosohan sa iba dahil next year ay ikakasal na  rin siya sa isa sa anak ng mayaman na business partner ng ama na nasa abroad ngayon at kagaya niya, ay sinusulit ang pagiging malaya. Si Chandria, Twenty-nine years old at bunsong anak ng business partner ng Papa niya. Nag-iisang babaeng anak si Chandria kaya sanay sa luho at ang gusto ng magulang ay mapabuti ang buhay kaya nakipagkasundo sa Papa niya, na ikasal silang dalawa at para na rin sa merging ng mga business ng mga ito.   Mga mayayamang usapan at hindi naman siya p’wedeng humindi dahil iyon na ang naging desisyon ng Papa niya. Hindi na niya mapipigilan iyon kaya pumayag na rin naman siya. Ayos lang din naman sa kaniya dahil gusto rin naman niyang magkaanak. Magsasama silang mag-asawa at kung hindi magkasundo ay maghihiwalay na lang sila at madali lang naman ang annulment basta may pera.   The important thing is that he has a child with Chandria so that he can have an heir.  And if his future wife doesn't want to have children, he's going to find a potential surrogate for his child.   Ininom ni Niklaus ang natitirang alak na nasa baso niya saka naglakad sa mahabang tulay para tumungo na sa mansiyon.   Ipapahinga na niya ang katawan at may trabaho pa siya bukas. Inaantok na rin naman talaga siya dahil na rin sa alak na naparami na niya ng inom.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD