bc

Perfect Play (Isla Del Amor Yacht and Country Club Series)

book_age18+
85
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
friends to lovers
pregnant
CEO
tragedy
bxg
humorous
heavy
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Pumunta si Paloma sa Isla Del Amor upang magpasalamat ng personal sa taong nagmagandang-loob na tulungan sila sa operasyon ng kaniyang ina at doon ay nakilala niya si Niklaus Alexzander Calderon ang General Manager ng hotel at ang taong tumulong sa kanila.

Subalit hindi akalain ni Paloma na mapapabago ng pagpunta niya sa isla ang buhay niya at iibig sa binatang General Manager na nagtapat at nanligaw rin sa kaniya.

Naniwala, nagtiwala at umibig si Paloma sa binata at umasang hanggang huli ay sila rin ni Niklaus ang magkakatuluyan sa huli pero nalaman niya na ginamit lang pala siya ng binata para makapaghiganti sa Nanay niya na tunay na ina ng binata.

Umalis si Paloma sa isla na durog ang puso at hindi na lang siya nag-iisa dahil may bata na sa sinapupunan niyang bunga ng pagmamahal niya sa binata.

Perfect Play (Isla Del Amor Yacht and Country Club Series) collaborates with aspiring writers who will create a story that will make readers feel different emotions.

chap-preview
Free preview
Prologue
"MAMA, huwag mo akong iwan!” umiiyak na sigaw ni Niko habang yakap-yakap ng ina. Dinala siya ng ina sa parke at inakala niyang kaya siya dinala doon upang mamasyal sila at bumalik na ang dating Mama niya, na mabait at mahal na mahal siya. Bigla kasing nagbago ang Mama niya nitong nakaraang araw at naging laging magagalitin ito sa kaniya, sinisigawan at palagi siyang pinapalayas pero ngayong umaga ay nagising siya na hinahaplos ng ina ang buhok at nakangiti pa ito na niyakap siya nang mahigpit. Sabi pa ng Mama niya kanina bago sila umalis ay mamamasyal sila at dito nga sa Quezon City Memorial Circle, na paborito nilang mag-ina sila mamasyal subalit nang makarating sila sa parke ay biglang nagbago ang ugali nito at sinabihan siyang iiwan na siya rito. Hinawakan siya ng ina sa dalawang braso nang mahigpit at talagang masakit iyon at masama siyang tinignan. "Sawang-sawa na akong alagaan ka! Sampung-taon na pero hirap lang ang dinanas ko, hindi katulad ng walang kwenta mong ama na nagpapakasasa sa kayamanan at sa pambabae niya! Ayoko nang pasanin at doon ka na sa ama mo, total naman ay mayaman siya!" galit na pagpapamukha ng Mama niya sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ng batang si Niko sa sinabi ng ina at mas lalong idinikit ang katawan sa ina upang yakapin ito. Kahit lumuhod at magmakaawa si Niko ay gagawin niya para hindi iwanan ng Mama niya sa lugar na ito. Mahal na mahal niya ang ina at hindi niya kakayanin na mawala sa buhay nito. Alam ni Niko na mahal din siya ng Mama niya at marahil ay may problema lang ito kaya nagkakaganoon. "Mama, magta-trabaho po ako. Sasama ako lagi sa pamamasada ng jeep ni Mang Gador para magkapera at hindi na po ako mag-aaral para hindi niyo na po ako gagastusan. Basta lang po huwag niyo akong iwanan at ilayo sa'yo," desperado na niyang sabi sa ina. Lalong nakita niyang nagalit ang ina at binitiwan siya nito saka sinampal nang malakas sa pisngi. Nasa isang sulok sila ng parke at dahil maaga pa ay walang tao sa kinaroroonan nila na dumadaan. "Nag-iisip ka ba? Hindi sapat sa akin ang barya na kikitain mo sa pagsama-sama sa pamamasada ng jeep! Kaya tumigil ka na!" gigil na sigaw sa kaniya ng ina. Lalo siyang napahagulgol at hinaplos ang pisngi na nananakit dahil sa pananampal ng ina. "May pera na ako at sasama na ako sa bago kong karelasyong si Peter! Kilala mo naman siya, hindi ba?" Napatango si Niko,"Siya ngayon ang magiging asawa ko at hindi kita maaring isama dahil magiging pabigat ka lang! Isa pa, nagbigay na ng pera sa akin ang magaling mong ama dahil ebinenta na kita sa kanya!" Hindi makapaniwala si Niko sa lahat sinabi ng ina at mas lalong nahilam ng luha ang mga mata sa sakit na dinudulot niyon sa kaniya. Bata pa siya ngunit bakit ganito na kasakit ang pinagdadaanan niya dahil pa sa sariling ina? At bakit kailangang ibenta pa siya nito na parang isang gamit lang? "Mama,"umiiyak ba bulalas niya. Wala na siyang ibang masabi pa kundi ang tawagin na lang ito habang umiiyak. "Dito ka lang, Niko, at huwag na huwag kang susunod sa akin. Sa oras na ginawa mo iyon ay bubugbugin kita at hindi ako mangingiming gawin iyon sa'yo!" banta sa kanya ng ina saka ito tumalikod at nagmamadaling lumakad paalis. "Mama!" sigaw ni Niko pero hindi niya hinabol ang ina dahil natatakot siyang saktan nito. Huminto ang ina subalit hindi siya nilingon kaya paulit-ulit niya itong tinawag pero saglit lang itong huminto at tuluyan siyang iniwan. Naghalo na ang luha at sipon sa mukha niya pero wala na siyang pakialam, iyak lang siya nang iyak at patuloy na tinatawag ang ina na naglaho na rin sa paningin niya. Dahol sa pag-iyak ni Niko ay may ibang nakakapansin na sa kaniya at napapatingin na mukhang lalapitan siya kaya nagdesisyon na siyang maglakad ng dahan-dahan. Susundan niya ang ina at baka maabutan pa niya ito saka yayakapin ito nang mahigpit hanggang pumayag ito na na isama siya pauwi. "Mama!" sigaw ni Niko at tatakbo na sana subalit may yumakap sa katawan niya na dahilan para mapigilan ang pinaplano niyang paglalakad. "I am here, son, and I will never leave you just like your Mom did to you," narinig niyang sabi ng yumakap sa kanya at hinaplos siya nito sa buhok. Nilingon niya ang taongyumakap sa kaniya at nakita kaagad sa mukha ng lalaking iyon ang lungkot. Nakadama siya nang mabilis na pagtibok ng puso na waring kilalang-kilala niya ang taong iyon. Nakita na ni Niko ang taong ito subalit sa litrato lang na kasama ang kaniyang Mama. Ipinakita iyon ng Mama niya sa kaniya at ipinakilala na iyon na Papa niya. Ang nasa harapan niya ngayon ay ang kaniyang ama na ngayon pa lang niya nakita ng personal. "P-Papa," mahinang bulong niya. Tumango ang Papa niya at niyakap siya ng mahigpit. "You will come with me, and from now on, I will be with you until you grow up and can live alone,"sabi nito sa kaniya habang hinihimas-himas ang likod niya. Hindi ni Niko naintindihan ang sinabi ng Papa niya pero alam niyang maganda iyon at hindi kagaya ng sa Mama niya ay alam niyang hindi siya nito iiwan. Alam niyang makakasama na niya ang Papa niya hanggang sa paglaki at ito na ang mag-aaruga at magmamahal sa kanya. Pero masakit pa rin ang iwanan ng isang ina at nagawa pa nitong ibenta siya sa Papa niya upang magamit sa magiging buhay na kasama ang ibang lalaki. Ibenenta na siya ay pinagpalit pa siya sa ibang tao at tanging sarili lang ng Mama niya ang iniisip nito. Bata pa lang nang nangyari sa kay Niko ang lahat nang iyon subalit hindi na nawala iyon sa puso at isip niya at naging malaking epekto iyon sa buhay niya habang lumalaki siya na kasama ang ama at isa sa naging dagok sa buhay ni Niko ang ginawang pag-aabandonang iyon ng ina sa malupit na pamamaraan.      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook