LUMAPIT pa rin ako kay Riechen sa kabila ng matalim niyang tingin. Ang mga mata niyang tila naging mata ng isang lobo na handang kagatin ang tupa na nasa kanyang harapan.
I want to taste it again. I want to——
Mabilis akong lumapit kasabay nang paghatak ko sa kanya ay ang pagpikit ko ng dalawa kong mata.
I know this is crazy but I couldn't help it. Even if I didn't want to throw myself on her...But if it's the only way I could taste her lips once again, I wouldn't mind it.
"Riechen." I murmured.
Imbes na malambot at matamis na labi ang malasap ko ay isang magaspang at tila flat na bagay.
Mabilis akong nagmulat ng mata at ganoon nalang ang pagkadismaya ko ng makita ang isang puting bagay. Lumayo ako ng ilang pulgada sa kanya para makita ko siya ng maayos. Dahil hinarang niya ang isang puting folder sa pagitan naming dalawa.
Fuck!
Napamura ako sa isip kasabay ng paghagod ko ng aking buhok gamit ang kanan kong kamay. Hindi makapamiwalang tiningnan ko ang mukha ni Riechen.
Why?
Gusto kong buksan ang bibig ko para tanungin kung bakit niya ginawa iyon.
Isang kiss lang naman ang gusto ko bakit 'di pa niya ako mapagbigyan? Masarap naman akong humalik kaya alam kong hindi naman siya lugi.
"Sir Reid, please stop this nonsense! Don't you dare to do it again!" may awtoridad na sabi ni Riechen. Hindi man ito sigaw pero sobrang bigat pakinggan.
"Wala naman masama sa isang kiss, bakit ayaw mong ibigay?" biglang tanong ko na hindi ko man lang pinag-isipan.
Shit Diethard, are you retard like the sound of your name, geez!
Napatingin ako sa paligid kung may mga tsismosong nakikiusisa pero ni isa ay wala naman akong makita. Mukhang hindi alam ng mga emplaydo ko kung ano man ang mga nangyayari ngayon.
Inilapag ni Riechen sa kanyang mesa ang puting folder na ginamit niya kanina. Ipinatong niya ang kanang kamay roon at masama akong tinapunan ng tingin.
"Baka nakakalimutan ninyo Sir, na mahigpit na pinagbabawal ang pagkakaroon ng ugnayan sa kapwa mo empleyado. Kaya hindi puwede 'yang gusto mong mangyari." mahinahon pero nagpipigil sa galit na sabi niya.
Masagi mo lang si Riechen siguradong sasabog na ito. Parang kaunting-kaunti na lang talaga 'yung pagtitimpi niya sa akin.
"I'm the boss, kaya walang masama doon." pagkumbinsi ko na wala naman talagang masama na halikan siya.
Dapat pa nga siyang magpasalamat na ako mismo ang gustong halikan siya. Sa daming babae na gustong makahalik sa akin tila siya pa 'yung taong ayaw ng ganoon.
"Hahaha."
Nagulat ako nung tumawa siya bigla. Hindi ito 'yung tawa na masaya or may nakakatawa. It's a sarcastic laugh, a kind of mocking.
"So, you can break your own rules, huh?" sabi niya habang unti-unting lumalapit sa akin. Nagitla ako ng hatakin niya ang necktie ko gamit ang kaliwa niyang kamay. Inches lang ang pagitan naming dalawa.
Wait——what?!
Nanliliit ang mga mata ko. Parang ayaw kong tingnan ang buong mukha ni Riechen na sobrang lapit na sa akin. Kaunti nalang ay mahahalikan ko na siya pero hindi ako makakilos. Para bang may nagkatali sa buong katawan ko.
"Hindi naman tama na gamitin ang posisyon mo para sa pansariling kagustuhan. Ginawa ang rules para sundin at maging maayos ang pamamalakad ng isang kompanya o lugar." She placed her right index finger on her lips.
Napa-clear throat ako. Magkahalong panlalamig mula sa paligid at init na nagmumula sa katawan ko.
She smirk. "Do you really want to kiss me?" she said with a seductive voice.
I grin.
Pakipot ka pa kanina, ikaw din pala ang maghahabol.
Tiningnan ko siyang maigi at sinalubong ang kanyang mga tingin. Pakiramdam ko'y kakapusin ako ng hininga. Parang wala na akong hangin na maihihinga pa. When I saw the fire on her eyes.
Is it a desire? or is she angry?
Pinanliitin niya ako ng mata. Deretso lang itong nakatingin sa mata ko ng biglang naglipat ito ng tingin sa mga labi ko.
I gasp. Hindi ko mabasa 'yung kinikilos ni Riechen. Naguguluhan ako.
Hahalikan ba niya ako? o papatakamin lang? s**t naman! Matagal pa ba 'to?
Unti-unting tinanggal ni Riechen ang right index finger niya sa kanyang labi. Inilapat niya ito sa labi ko na bahagyang nakabuka dahil sa pag-gasp ko kanina.
"Hindi pala maganda 'yung epekto sa 'yo kapag galing ka sa sakit." aniya ng hilahin ang necktie ko. Ini-level niya ang sarili sa kaliwang tainga ko.
Pigil-hiningang 'di ako kumilos. Ramdam ko 'yung init na nasa labi ko na nagmumula sa index finger niya. Parang nag-init ang ilong ko ng maamoy ang pinaghalong tamis at bango ng gamit niyang victoria's secret.
"Lumuluwag pala ng sobra ang tornilyo ng isang Reid." sabi niya bago bitawan ang necktie ko at lumayo sa kinatatayuan ko. "Ipagtitimpla kita ng kape ng mahimasmasan ka." aniya na mabilis na naglakad palayo.
Parang tanga na napahawak ako sa mesa ni Riechen na tila nawalan ako ng panimbang.
Her presence.. There is something weird on her.
'Yung kaninang seductive voice niya ay biglang naging isang dagger. Hindi masakit sa pandinig pero masakit sa dibdib.
Is she toying me? Because I want to kiss her so badly?
Tumingin ako sa direkyon na pinuntahan ni Riechen. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ko ma-digest lahat.
Shit! Ano bang nakain mo Reid para gawin 'yun?
"Riechen." I utter.
Napapikit ako ng mga mata ko at napahawak sa sintido ko. Ako 'yung unang gumawa ng move pero sa huli parang pakiramdam ko'y talo ako. Parang may kung anong natapakan sa akin.
My ego? Karma ko ba ito dahil sa mga pinaggagawa ko sa mga dating secretary ko?
Naalala ko 'yung seductive voice ni Riechen na mas masarap sigurong pakinggan sa madilim na lugar.
"f**k!" napamura ako.
"Si-Sir, ar-are you o-okay?"
May narinig akong mahinang boses na tila kinakabahan. Nakita ko ang isang babae na nakasuot ng eyeglasses habang may hawak na tray.
"Uh, Si-Sir pina-pinabibigay ni Sec-Secretary Riechen i-itong kape. Pu-pumunta siya sa infirmary pa-para hingian kayo ng ga-gamot." tila takot na sabi ng babae.
Hindi ko siya kilala maging department na kinabibilangan niya.
"Pakipasok nalang sa opisina ko." sabi ko ng walang buhay.
Tsk! hindi gamot ang kailangan ko Riechen, kiss lang. Mahirap ba 'yon?