NAGISING ako sa isang mabangong amoy. Napabangon ako mula sa higaan ko at napatingin sa isang mesa malapit sa kama ko. May tray na nandoon na may porridge at gamot pati tubig.
"Ugh." napahawak ako sa ulo ko. Medyo nahihilo pa rin ako na epekto ng mahaba kong pagtulog. Halos tirik na rin ang araw dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa sliding door ko na palabas ng balkonahe.
Ilang araw na rin akong hindi pumapasok ng opisina simula nang magkasakit ako. Dahil noong araw na nakita ko 'yung keychain sa babaeng iyon ay pumunta ako sa lugar kung saan ko nakita ang batang babae. Wala na ang park sa lugar na 'yon. Isang malaking bahay na ang nakatayo roon.
Dalawang taon lang akong hindi pumasyal sa park na 'yon, naging isang malaking bahay na agad. Wala na tuloy akong mapupuntahan kapag malungkot ako. Dahil doon lang naman ako laging pumupunta bukod sa bar.
Nakatayo lang ako sa tapat ng bahay na 'yon at iniisip ko na park pa rin 'yon. Matagal akong nakatayo roon hanggang sa umulan ng malakas. Nanatili lang akong nakatayo kaya ang naging resulta ay nagkasakit ako.
"Kunsabagay, moderno na ang panahon kaya baka nagpa-opera na siya ng mata." sabi ko habang umaayos ng upo. Hanggang ngayon ay pinagkukumpara ko ang babaeng naka-one night stand ko at ang batang babae.
Hinarap ko ang porridge na mainit pa rin hanggang ngayon. Kinain at inubos ko iyon bago ko ininom ang isang gamot. Parang gumaan ang pakiramdam ko matapos kumain at uminom ng gamot.
Kinuha ko ang laptop na nasa side table ko at tiningnan ang mga files na pina-send ko kay Riechen. Kahit na may sakit ako ay hindi ko pa rin pinapabayaan ang negosyo namin.
Pagkatapos kong basahin ang mga files ay dumiretso na ako sa shower. Magaan na ang pakiramdam ko kaya makakapasok na ako bukas sa opisina.
Matapos kong makaligo at makapagbihis ay bumaba na ako sa kuwarto ko. Nasalubong ko sa hagdanan ang isa sa apat na maids namin.
"Ate Zen, salamat sa porridge ang sarap ng pagkakaluto." sabi ko na ikinagulat niya.
Nakasanayan na ng mga maids namin sa bahay na kapag may sakit ako ay nagwawala talaga ako. 'Yung tipong kapag hindi sinunod ang gusto ko ay sisigawan ko sila at magsisira ng gamit. Para akong bata na nasisiraan ng ulo kapag may sakit ako.
"Ah, Sir,"
Pinutol ko kung ano mang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagsenyas ko sa kanya. Yumuko nalang ito at tumahimik.
"Si Mom, nasa library ba niya?" tanong ko dahil hindi ako sinilip kanina ni Mom sa kuwarto ko.
"Umalis ho Sir, may business trip daw po siya sa taiwan. Binilin niya po sa aming alagaan kayo." mahinang sabi ni Ate Zen na narinig ko naman.
"Okay." tipid na sagot ko.
Napadaan ako sa isang malaking picture frame na nakasabit sa dingding. Ito ang family picture namin. Nakatayo kami ni Dad habang si Mom ay nakaupo sa isang upuan.
"Masarap sigurong magkaroon ng isang kapatid." wala sa loob na sabi ko.
At dahil doon ay nabuo sa isip ko ang isa pang tanong.
Hindi kaya may kapatid ako? At binigyan din siya ni Dad? Kung hindi siya 'yung batang babae na 'yon, ibig sabihin naka-one night stand ko ang sarili kong kapatid? Teka, paano ako magkakaroon ng kapatid eh, wala namang kabit si Dad.
Kulang nalang ay iuntog ko na ang ulo ko sa pader dahil sa mga pinag-iisip ko.
SERYOSO akong nakatingin sa isang folder nang may kumatok. Pagbukas ng pinto ay siya agad ang nakita ko.
"Sir, natapos ko ng i-review itong mga proposal." sabi niya habang papalapit sa mesa ko.
"Okay." tipid na sagot ko.
Hindi ko siya tiningnan habang inilalagay niya ang mga bitbit na folders sa mesa ko. Kaninang umaga ay nagdesisyon na ako na hindi ko siya papansinin. Lalo lang ako mahihirapan at maguguluhan sa nararamdaman ko. Ayokong makapasok siya sa puso ko kahit pa na unti-unti niya na itong nabubuksan.
Lalaki ako kaya dapat ako ang hinahabol ng babae. At ako ang pinapangarap. Hindi 'yung ako ang nagkakagusto at naguguluhan sa mga nararamdaman ko. Para akong nababakla, hindi nakaka-lalaki 'yung mga nararamdaman ko lalo pagdating kay Riechen.
"Kailan ka magre-resign?" biglang tanong ko nang tumalikod na siya sa akin.
Una palang ay hindi ko na siya gusto at ayaw ko ng secretary lalo na ang tulad niya. Kaya dapat na mapanindigan ko iyon. Dahil para naman akong tanga na magsasalita ng mga bagay na ayaw tapos sa huli ay magugustuhan mo na.
"Bakit?" malamig na tugon niya ng muli itong humarap sa akin.
"Nagtanong ako tapos 'yung isasagot mo ay tanong rin?" natatawa pero may diin kong sagot sa kanya.
Nakakapanggigil na ang cool ng dating ni Riechen ngayon. At naiinis ako sa pagtanong niya.
"Hindi lahat ng nagre-resign ay nagsasabi kung kailan siya aalis kaya bakit ko sasabihin sa 'yo?" matapang niyang sagot sa akin.
Kahit na nasa teritoryo ko siya pakiramdam ko ay higit na may awtoridad ang presensya niya.
Secretary ba siya o presidente? Daig pa ang boss kung umasta, bossy masyado ang dating niya. Kaya dapat ma-turn off ako, pero takte! Bakit ang cool niya? Kahit parang nababastos niya na ako bilang boss niya, geez!
"Dahil ayoko sa 'yo kaya gusto kong malaman para makapag-celebrate ako." sagot ko na tumayo na sa upuan ko at naglakad palapit sa kanya.
Nakakatapak ng p*********i 'yung ganito na nakaupo ako habang sinasagot niya ako. Kaya dapat lapitan ko siya ng magkasukatan kami ng tingin.
Matapang niya lang akong tiningnan na may malamig na expression sa kanyang mga mata. Para akong nanlamig sa mga tingin niyang iyon.
"Wala naman akong sinabi na gustuhin mo ako para ka ayawan mo ng ganyan." sabi niya sa tamad na tono ng boses bago ako tinalikuran at naglakad papuntang pinto.
"Oo wala kang sinabi pero.." hindi ko natapos 'yung sasabihin ko dahil binuksan na niya ang pinto.
Bago pa siya makalabas ay hinawakan ko siya sa kamay at hinila palapit sa akin.
Her sent, the warmth of her body, her soft skin, her cold eyes, everything that Riechen has makes me want to...
Isang malutong nasampal ang natanggap ko mula sa kanya kasabay ng halos mawasak ng pinto dahil sa padabog niyang pagsarado nito.
Napahawak ako sa labi ko at mangha na napangiti. Parang baliw tuloy ako.
"s**t! parang maa-adik na yata ako! " sabi ko na lumabas na ng opisina ko at pumunta sa mesa ni Riechen.
Parang may madilim na usok ang nakapaikot kay Riechen at napakadilim din ng mukha niya. Kahit hindi ko tanungin ay alam kong galit siya pero may gusto pa rin akong sabihin. Kaya naman narito ako sa tapat ng mesa niya.
"Oo wala kang sinabi pero.." ulit ko sa sinabi ko kanina na hindi ko natapos. "kahit wala kang nasabing ganoon bakit nagustuhan pa rin kita? Ano bang mayroon sa 'yo, Riechen? Ano bang secret identity mo bukod sa pagiging secretary ko?" frustrated na tanong ko.
Pakiramdam ko ay sasabog ako kung hindi ko masasabi ang mga tanong sa isip ko.
"Can I kiss you again? Pero huwag mo muna ako sampalin ng malakas. I want to savour it, I want to taste it." parang baliw na sabi ko na nagpadilim pa lalo kay Riechen.
Kahit na saglit lang 'yon. Kahit na isang mabilis na smack kiss lang 'yon. Masasabi kong tinalo pa ng labi ni Riechen ang favorite kong letche flan sa tamis at lambot.
Her lips is like a drug, I'll go crazy without tasting it.