Chapter 07 :

1000 Words
PAKIRAMDAM ko'y binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit nito. Nakakailang hilot na ako sa sintido ko pero hindi pa rin ito mawala-wala. This hangover is really suck! Hindi na ako iinom pa ng marami. Paglabas ko ng opisina ay hindi ko nakita si Riechen sa kanyang mesa. Napakunot ako ng noo at napatingin sa relo ko. It's already 4 P.M. may isang oras pa bago matapos ang office hour pero wala ang secretary ko sa kanyang mesa. "Saan kaya pumunta ang babaeng 'yon?" wala sa sariling tanong ko habang naglalakad patungo sa elevator ko. Nakarating ako sa lobby na ang iniisip ay kung nasaan si Riechen. Wala naman akong inutos na kahit ano matapos kung magpatimpla ng kape sa kanya. Sa paglalakad ko ay may pamilyar akong tao na nakikita. Masaya itong nakikipagkuwentuhan with matching hawak pa sa braso at kamay ng kausap. Pakiramdam ko'y kumulo ang dugo ko sa hindi malamang dahilan. Parang nangangati ang kamao ko at gustong dumampi sa taong nagpapadilim ng aking paningin. "I am looking for you, Riechen. Sa pag-iisip ko kung bakit wala ka sa mesa mo, makikita kita ritong masayang nakikipagkuwentuhan at may kasama pang paghawak-hawak." dire-diretso kong sabi habang naglalakad papalapit sa kanila. Ang dalawa kong kamay ay nakalagay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Kung hindi ko iyon ilalagay sa bulsa ko baka sa mukha ng kausap ni Riechen ito mapunta. Nakakainis! Bakit ba ako naiinis! Nakakainis naman, oh. Ang sarap talagang magwala ngayon pero takte, sino ba itong hinayupak na kausap ni Riechen! "Sige Eunho, kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko." paalam ni Riechen sa kausap nito na hindi man lang ako kinausap o binigyan ng paliwanag. "Alright, I'll pick you up later, Rie." sagot nito kay Riechen na nakuha pang kumindat at mag-flying kiss. Takteng unggoy na 'to! Nakuha pang gumanon. "Okay, alis." tipid na sagot ni Riechen na tila nagtataboy ng pusa. Kulang nalang ay sabuyan ako ng gas dahil talagang liliyab na ako sa pagkainis. Bukod kasi sa nag-okay si Riechen ay tinapik pa nito ang balikat nung unggoy. Mabilis na umalis ang lalaki na nahuli ko pang ngumisi. "Boyfriend mo?" tanong ko habang sinusundan si Riechen dahil naglakad na ito papuntang elevator. "Sir, pati ba personal life ng empleyado ninyo aalamin mo?" mataray na tanong ni Riechen sa akin nang lingunin ako ng sandali. Parang nabato ako sa aking kinatatayuan. This is the first time na makita ang mga matang iyon ni Riechen. Parang galit ito at bad mood. So, bad mood siya dahil inistorbo ko ang pag-uusap nila nung unggoy na 'yon? Kaya nagagalit siya sa akin at tinatarayan pa ako? Tch! We're even, galit din ako at bad mood! Lalo sa mga nakita ko! Pinanood ko nalang si Riechen na pumasok ng elevator. Nang humarap ito sa akin mula sa loob ng elevator ay para akong nanginig at nanlamig. What was that look? Habang unti-unting sumasara ang elevator ay unti-unti namang bumubukas ang pinto na matagal ko ng sinarado. Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Para bang sasabog ano mang oras ito. Bakit? Bakit parang nasaktan ako sa masama niyang tingin? At bakit sa kabila nang tingin na 'yon parang ang ganda-ganda niya? Bakit nagwawala ang puso ko na parang sobra itong excited na ewan. Napakagat ako ng ibaba kong labi para bumalik sa aking senses. "Mali, mali ito. Hindi ako dapat magkagusto sa kanya." nahihirapan kong bulong sa sarili ko. Kahit hindi ko aminin sa sarili ko. Unti-unti ng bumubukas ang pinto patungo sa puso ko na matagal ko ng sinarado. Dahil inilaan ko ito para sa batang babae na gusto kong pakasalan at alagaan. Hindi na ako umakyat ng opisina ko. Pumunta nalang ako sa isang coffee shop na nasa loob lang ng lobby. Nakadalawang order din ako ng kape pero parang hinahanap ng panlasa ko 'yung kapeng ginawa ni Riechen kanina. Umiling ako. Pati ba naman sa kape ay naiisip ko pa rin siya. Gusto kong matawa sa sarili ko. "Baka epekto lang ito ng espiritu ng alak na ininom ko kagabi." naiiling na sabi ko. Napatingin ako isang mesa na malapit lang sa akin. Nanlamig ako bigla. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Alam niya bang nandito ako? Maraming tanong ang tumakbo sa isip ko. Kahit na nanlalamig ay tumayo ako at lumapit sa mesa niya. "Hi, may hinahanap ka ba?" biglang tanong ko na hindi ko man lang pinag-iisipan. Dahil sa kutob ko na ako ang hinahanap niya. Luminga-linga ito at tumayo na para bang may hinahanap ito. Tumingin ito sa cellphone na hawak sa kanang kamay. "Sorry pogi, kailangan ko ng umalis." maarte at nagmamadali nitong sabi na mabilis na lumabas ng coffee shop. Pakiramdam ko'y huminto ang oras maging ang paghinga ko dahil sa nakapalawit sa cellphone nito. 'Yung keychain na ibinigay ko sa batang babae, bakit nasa kanya? Bakit nakapalawit sa cellphone niya? Naramdaman ko ang mga matang nakatingin sa akin. Nang igala ko ang aking mga mata ay nagkanya-kanyang itong iwas. Napatingin ako sa mesa, hindi pa bawas ang kapeng in-order nito. Nanghihinang napaupo ako sa isang upuan. At napapikit para alalahanin ang palawit na nakita ko ngayon lang. Hindi ako puwedeng magkamali. Iyon ang ibinigay ko sa batang babae dahil ako lang ang mayroong keychain na ganoon. Pinasadya pa ni Dad iyon para sa akin at may nakaukit pang logo na kung saan ay malalaman na ako ang Heir ng Reid. Paanong nasa kanya ito? Siya ba 'yung batang 'yon? Para akong mababaliw. Dahil 'yung babaeng nakasama ko lang kagabi ay ang babaeng may hawak ng keychain ko. Naguguluhan ako. Parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Baka nananaginip lang ako? Hindi kaya? Tumayo ako at wala sa sariling naglakad palabas ng coffee shop. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. "Hindi nga ito panaginip, masakit eh." sabi ko habang naglalakad palayo sa lugar na 'yon dahil para akong sinaksak mula sa likod. Nang makita ko sila, si Riechen at ang unggoy na 'yon na magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD