-FIRE-
Friday ngayon at andito kami sa Morning Sun, Isang bar dito lang sa lugar namin, napag isipan kasi ng mga kaklase ko na mag hang out daw kuno kasi magsimula na ang klase next week kaya andito kami, ayoko sanang sumama kasi inaantok ako kaso pinilit ako nila Callie kaya ayun napasama sa mga trip nila
Andito ako sa madilim na area kasi walang masyadong tao at most of them are on the dance floor, obviously dancing, hindi ako marunong sumayaw at ayoko ng pinalibutan ng madaming tao kaya andito ako ngayon mag isa, callie and Xian are dancing habang si Mel naman hindi ko alam kung saan.
I had a few drinks mga dalawa o tatlong baso lang at umalis na ako, I easily get drunk kaya hindi ako masyadong umiinom kahit na sabihan nila akong KJ daw kuno. Pumunta ako sa bar counter para humingi ng tubig kasi medyo nahihilo na ako. Malapit na ako ngayon sa dance floor, ilang hakbang nalang
"Here's your water Ma'am" sabi nung waiter at tumango lang ako at tumingin sa dance floor
"Woooh Callie! Callie! Callie!" Sigaw ng mga tao doon at tumingin agad ako kay Callie at ayun sayaw ng sayaw tumutwerk pa ang puta, nako mukhang tinatamaan nato, si Xian naman nag he-head bang, lasing na siguro tong dalawang. Hinanap ko si Mel pero hindi ko siya makita kasi ang dilim tanging Disco lights lang ang nagsisilbing ilaw.
Bilang isang mabait na kaibigan, kahit ayoko sa madaming tao pumunta ako sa dance floor para awatin yung dalawa.
"Hey let's go na" I commanded, Hinawakan ko ang kamy ni callie to stop her from dancing pero inalis niya rin iyon
"Yah, Im having a good time wooooh!! Party Party" Sabi niya pa at tinoss yung basong may alak
"Aish, Halika na ano ba!" Sinigawan ko na siya't lahat pero hindi parin natakot at sumayaw parin ng sumayaw,
hinanap ko na naman si Xian sa dance floor kasi nawala nung lumapit ako sakanila, kaya andito ako ngayon lumilibot sa dance floor at hindi ko talaga siya nakita ng biglang may humawak sa kamay ko at inalis ko kaagad
"Dont touch me" Kalmado kong sabi at hinawakan na naman ako nito ng mahigpit, hindi ko to kilala kaya sinigawan ko na bitawan ako pero tumawa lang siya kaya tumabo ako paalis sa dance floor
Dinaial ko ang number ni Liam at nag ring naman pero walang sumagot. DInial ko siya ng ilang beses at sawakas sumagot narin. Lumabas muna ako para marinig ko yung boses niya
Liam Calling...
[Yah!] Sigaw ko
[oh?] Sagot niya naman
[busy ka?]
[Medyo, bakit]
[Ano ba ginagawa mo?]
[Ha?]
[Ano kako ginagawa mo]
[Hindi kita marinig, san kaba? bat ang ingay?]
[Ano ba ginagawa mo, binge?!]
[Tae ka Fire, kagagaling ko lang sa office, bakit?]
[Halika dito]
[Saan? Bakit?]
[andami mong tanong, halika nga]
[Saan nga gagu!]
[Sa Morning Sun]
[Woah sana all lahat nag bar]
[Bilisan mo, meet me at the front door]
[Ok, per-]
End call...
Binaba ko na kaagad ang tawag kasi ang dami niya pang tanong at kinontact ko na naman si Drew. Malapit narin mag 8pm, 2 hours na kami dito. Sumagot agad si Drew.
Drew Calling...
[Yo]- sagot niya
[favor?]
[ano na naman yun ha Sapphire]
[Saan ka?]
[Bahay]
[busy?]
[Not really]
[punta ka dito]
[saan?]
[Morning Sun]
[Ha?! Nako ikaw ha sumbong kita sa kuya mo]
[Go]
[Tss, bakit ba kasi?]
[sge na]
[Fine Ill be there in 10 minutes.]
[Meet me at the front door]
[copy]
End Call...
Inend ko kaagad ang call kasi sakto at dumating si Liam kaya kumaway ako para makita niya kaagad ako,
"Bakit?" Tanong niya kaagad
"Si ano," pagsisimula ko
"Ano?" PAg gaya niya
"Si Callie" Sabi ko at nagulat naman siya
"BAkit?! Ano nangyari?!" pag oover react niya
"Gagu ang OA" Sabi ko at tumawa
"Ano nga nangyari" Tanong niya ng seryoso
"Lasing na lasing" Sabi ko at lumaki nanaman mata niya
"Saan?!" Atat na Atat niyang tanong
"Sa Dance floor, puntahan mo kaw at ihatid mo" Sabi ko
"BAkit hindi ikaw?" Curios niyang tanong
"Wala akong kotse, ayokong magbuhat" Sagot ko. totoo naman ayokong mag alaga ng dalawang lasing noh.
"GAgu ka talaga HAHAHHAHAHA" Sabi niya at sinamahan ko muna siya papasok at kinausap ang nagbabantay sa front door
"He's with me" I said, tumango lang siya at pinapapasok kami
"Una ka muna, may antayin lang ako" Kunwaring sabi ko
"Teka!" Sigaw ko at lumingon agad siya
"Wag mo isama si Xian" pagpapaalala ko sakaniya
"BAkit?" tanong niya, amp nagtanong pa siya jusko, bakit ba palatanong tong kaibigan ko?!
"Basta ako bahala sakaniya" Sabi ko at ngumisi, nagpaalam na siya kaya bumalik ulit ako sa labas para hintayin si Drew
Buti nalang at wala pang 2 min. sa pag aantay ko ay narito na siya at naka ayos pa! Wew kaya baliw na baliw kaibigan ko dito eh!
"Naks, ang gwapo ah" Sabi ko at tinulak siya
"Syempre" Sabi niya at nag pogi sign pa, yak!
"bakit ako narito?" Tanong niya
"Favor nga" Sabi ko
"ano nga yun"
"Promise ka muna gagawin mo?" Sabi ko at tinaas ang aking pinky finger
"Ts, baduy mo! Oo na" at nag interwine ang pinky niya sa pinky ko
"Good, Ihatid mo si Xianbae" Sabi ko habang naka lock parin ang pinky namin
"WHAT?!" Schock niya pang tanong
"Bawal umayaw, oh may promise tayo" Sabi ko at tinaas ang kamay naming dalawa na naka pinky swear parin
"TSs, alam mo namang ayaw ko sakaniya diba? Iba nalang oi!" Sabi niya pa at ngumuso
"Ang sama mo, ang bait niya kaya, loyal pa sayo!" sabi ko at binaba na ang kamay namin
"Ayoko nga, bahala ka!" ani niya at umaktong tumalikod pero hinawakan ko siya sa braso at
"Bahala ka din, konsensya mo na kakain sayo, lasing na lasing si Xian!" Sabi ko at nagpa awa at tumalikod na rin
"Teka" pigil niya ulit sa akin, I knew it! madala to sa paawa effects ko, mabait to e!
"Bakit hindi ikaw?" tanong niya pa
"Kasi ayoko, wala akong kotse, ayoko magbuhat" Sagot ko
"HAHAHAHAHA" tumawa siya, ang saya niya e no
"SO payag ka?" Tanong ko
"Sge na nga! Kung di ka lang nagpaawa tss" Sang ayon niya, yay nadala siya sa powers ko HAHA
"Oi! Andrew?! HAHA ginagawa mo" Kakarating lang ni LIam buhat si Callie sa likod niya
"Amp! ANdito pala si LIam?! BAkit ako pa hinussle mo?" Stress niyang tanong
"HEHE, peace, sge na sumang ayon ka na eh" sabi ko at nag peace sign pa at tinulak siya kahit ang bigat niya
"NAks! iba ka talaga Sapphire Jade! Nagpapa cupid ka na naman?!" Tanong na naman ni Liam
"Shut up and Go" sabi ko at sumunod naman siya na buhat parin si Callie sa likod at mukhang nahihirapan pa kasi ang bigat rin ni Callie
Bumalik ang tingin ko kay Drew at sinabing sabay na kaming pumasok, tumango naman siya at nakapasok kaagad kami at naghiwalay kami ng landas kasi papunta siya sa dance floor para kunin si XIan at ako naman sa kabila para hanapin si Mel.
"HIntayin kita sa labas ha?" Nag alala niyang tanong, para ko narin kasi itong kuya kasi Bestfriend din to ni Kuya at medyo close rin kami kasi madalas ito sa bahay. Crush ko siya dati eh, kaso nawala kasi nalaman kong may gusto si Xian sakanya.
"Wag na, hahanapin ko pa si Mel" Sabi ko
"Ha? tulungan nalang din kita" pag alok niya
"Wag na nga uwi na kayo ni Xian!" NApataas na ang boses ko kasi ang ingay dito
"LAgot ako sa kuya mo ano ka ba!" PAg alala niya ring sabi
"Ok lang kako, kasama ko naman si Mel pauwi" sabi ko at nag ok sign
"bahala ka hintayin kita" pagmamatigas niya sa sinabi ko
"Naks! concern ha? Kuya na kuya talaga" tukso ko sakanya at mukhang ako lang ang tumawa at seryoso lang ang mukha niya
"Tss seryoso mo naman, ok lang talaga ako promise po, hatid mo si Xian" Sabi ko ulit kasi tumingin lang siya saakin
"Sge na nga" sabi niya
"Iuwi mo ha! nako, lam na kita oi! Kunyare ayaw kay Xian sus" tukso ko
"ULOL!" sabi niya at may binubulong pa siya hindi ko narinig kaya kumaway nalang ako at hinanap si Mel
Naglibot libot na ako kung saan pero hindi ko talaga siya mahanap, 'nasan naba to?', Tinawagan ko nalang siya at buti naman at sumagot agad
Melody Calling...
[Fire, Sorry Hindi na ako nakakapagpaalam kanina pa ako nakauwi kasi may ginagawa pa akong article] sabi niya agad
[Ha?!] shookt kong tanong
[Pauwi na ba kayo?]
[Sila Callie at Mel umuwi na]
[Bakit hindi ka sumama?]
[Kinuha sila ni Drew at Liam]
[Ha?! Really?!]
[Yeah]
[Gusto mo sunduin kita?]
[Wag na uuwi na ako, mag ta taxi nalang]
[Sge ingat ka ha, Tawagan mo lang agad ako kung ano mangyari]
End Call...
Lumiko nalang ako para makalabas na sa bar na ito ng may biglang humawak sa pwet ko!
"YAH!" galit na galit kong sabi at pagka tingin ko sa humawak ay yung kaninang humahawak rin sa kamay ko!
"Miss! Sama ka sakin" sabi niya at hinawan ang kamay ko at kinaladkad ako hindi ko ma kuha kamay ko kasi ang higpit ng pagkahawak
"Let! Me! Go!" I shouted
"Mamaya na miss lets enjoy muna" Sabi niya at ang lapit ng mukha niya, I can smell his breathe at ang baho! No offense, at amoy alak
"Bitawan mo nga a-" hindi natuloy ang sinasabi ko kasi may biglang sumuntok sa kaniya, hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya kasi madilim
"Gago ka pala eh!" Sigaw nung lasing at sinuntok pabalik ang lalake buti at naka sagang siya, sinuntok ulit nung lalaki yung lasing at natumba siya sa harap ko kaya sinuntok ko siya sa mukha
"Aray!" Ang kapal ng mukha ang sakit tuloy ng kamao ko! Sinugod ulit nung lasing yung lalake tapos susuntukin sana kaso naka ilag siya at siya nanaman ang nasuntok, papunta sa akin kaya ng paparating ang lasing ay sinipa ko kaagad ng malakas kaya napaubo ito,
'sorry po huhu!'
may mga lalaking dumating, mga apat sila, mukhang nga back up nung lasing,
'shocks hindi namin to kayanin ang lima!'
Hinawakan kaagad ako nung nag ligtas sakin, at hind ko parin ma aninag yung mukha niya, nasa likod niya lang ako at paatras kaming naglakad kasi pasugod yung lasing habang ang apat naman nasa likuran niya!
Sumugod agad ang lasing tsaka buti nahawakan kaagad siya nung nag ligtas sa akin tapos sinipa niya ang tiyan nung lasing tapos tinulak papunta sa apat na lalaki, at mukhang nagalit yung apat!
"Tarantado ka pala ha!" Sigaw nung isa
'huhu tulong hindi namin to kayanin!'
Tumingin muna ako sa paligid at mukhang walang tutulong samin dito kasi nasa madilim kaming parte ng bar, lahat ng tao lasing na at andun sa Dance floor, kahit mga classmates ko hindi ko na alam kung nasaan sila
Tumingin ulit ako sa limang lalake at pasugod na talaga sila
"Ano gagawin natin" kabado kong tanong
"Hahaha, Sunod ka lang sa akin" Sabi niya pa, at nay gana pa talaga siyang tumawa! Ang creepy naman ng tawa niya, at familliar
"3" bulong niya,
'yah anong 3?!'
"2" humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko at nag dahan dahan kaming paatras
"1" Tumingin muna siya likuran, at nagkaharap ang mukha namin kaso di ko parin ma aninag
'susugod ba kami?! Sigurado siya?!'
"GO!" sigaw niya at kinaladkad niya ako palabas, Tumatakbo kami ngayon at ang bilis niyang tumakbo!
Tumingin ako sa likod at nakita kung sumusunod yung mga lalaki!
Nakalabas na kami sa bar at malas kasi walang nagbabantay! Kaya patuloy kaming tumatakbo sa labas habang sinusundan parin! Hingal na hingal na ako
"Pagod N-na a-ako" putol putol kong sabi kasi hinihingal na ako kakatakbo
"G-gusto mo magpa i-iwan?" Tanong niya pa
"G-gagu ka ah! S-syempre h-hindi!" Hingal na hingal na talaga ako at hindi ko na nararamdaman ang paa ko!
"p-please" nanghina na talaga ako
Mas bumilis ang takbo niya at lumiko kami sa kanan na may mga basura at ang baho mas lalo akong nanghina, buti nalang huminto na kami at nagtago sa likod ng bush at nakita ko nanaman ang mga lalaki at naiiyak na talaga ako dahil sa panghina at dahil sa takot
Huminto ang mga lalaki sa harapan namin habang naka tago pa kami dito
"Shhh" sabi nung kasama ko habang hinawakan ang isa kung kamay at ang isa naman inakbayan ako habang naka takip sa aking bibig at ilong
Nararamdaman ko ng lumalakas ang panghinga ko at naiiyak talaga ako
Paparating yung isang lalaki sa direction namin at tumitingin tingin
"Nasaan naba tung mga punyetang yon?!" Sabi nung isa
"Wala na jan Ilog na yan jan! Tara dun!" Sabi nung isa kaya tumakbo na sila papalayo at binitawan niya na yung kamay na naka takip sa bibig ko
"Ok ka lang?" Tanong niya habang hinihingal
"H-hindi a-ako m-aka-h-inga" hirap na hirap ko na talagang sabi
"Ang lamig lamig ng kamay mo!" Tarantang sabi niya
"S-sa b-bag" turo ko hoping he would understand what Im saying
Nakita kong may kinuha siya sa bag ko.
"I-inhaler kk-ko" Hirap kong sabi
Nahihilo na talaga ako at mukhang anytime mawawalan na ako ng malay. Umaatake na naman yung asthma ko.
"P-please"
Naninikip na ang dibdib ko at inuubo ubo narin at nanginginig, hindi ko na alam ang gagawin ko kasi the last time na inaatake ako ng asthma ko was 3 years ago!
"Fire ito o!" Tarantang sabi niya, kilila niya pa ako, pero hindi ko na iyon iniisip kasi natakot ako para sa sarili ko.
Nakita ko pang shinake niya muna ang inhaler ko at siya na ang nag bitbit at nilagay sa bibig ko kasi di ko na kayang dalhin ito dahil sa panghihina ko
I started breathing in my inhaler hoping it will work, I can't feel my body anymore, and all I know is im laying down while this guy holding me from behind and also helping me
Medyo nakahinga na ako ng maayos pero nanghina parin ako
"Fire, fire, follow me" The guy commanded
"Enhale" He said then I followed
*Enhale*
"Exhale" he said again and I followed it again
*Exhale*
We did that for how many seconds but I still cant move my body
he helped me stand up, My body is about to collapsed.
All I can remember is he shouted
"SAPPHIRE!"
Then everything went black...
_________________
;