Chapter 4

2646 Words
-FIRE- "How is she doc?" Tanong ata ni Mel, hindi ko kasi maidilat ang mga mata ko, but I know her voice. "She's fine, good thing naagapan agad siyang ihatid dito" sagot naman nung isa, The doctor I think "I'll be checking on her from time to time, you don't have to worry, if anything happens to her just press the button over there" sabi ulit nung lalaki "Thank you doc" Narinig kong paalis na ang doctor, At lumabas na. 'andito na naman ako sa hospital, I hate this place' Gusto kong dumilat pero hindi ako maka dilat!!! 'Somebody open my eyes please' May biglang pumasok sa pintuan hindi ko alam kung sino "Fire!" Alalang sigaw nung babae at palapit sa akin, hinawakan niya agad yung kamay ko pero hindi ko parin ito magalaw "Sorry" nagsimula ng umiyak yung babae, hula ko si Callie ito kasi napaka emotional niya kasi, and her voice too. "Sana hindi nalang ako nagpaka lasing!" Sabi niya habang humihikbi "Shh it's not your fault, walang may gusto sa nangyari, sabi daw naman ng doctor stable naman ang kondisyon niya" sabi naman nung isa, si Mel talaga to Umiiyak parin si Callie sa tabi ko habang hawak parin yung kamay ko. 'ano ba kasi nangyari kahapon?' Wala akong matandaan, ang tanging natandaan ko lang ay binastos ako nung lalaki tapos may nagligtas sa akin! "Mel, kagabi ka pa dito, umuwi ka muna at kumain" pagtataboy ni Callie "Ayoko, antayin ko muna siyang gumising" pagmamatigas niya naman "Sge na, paparating naman yung kuya niya dito, wag kang mag alala" sabi ni Callie "Ayoko nga" pagmamatigas niya talaga "Sge nagud!" Tumayo ata si Callie at tinulak palabas si Mel, hula ko lang kasi hindi ko sila nakita "Tawagan mo ako kaagad pag nagising siya!" Sigaw agad ni Mel at lumabas na Papalapit na naman si Callie at inayos ayos ang buhok ko "Sorry talaga ha" umiyak na naman siya "Pero salamat parin, kasi nagpapacupid ka kagabi, haha" Iyak tawa niya pa, "Gising ka na please, sorry ngayon lang ako nakapunta" humihikbi pa siya, para naman akong na comatose dito! HAHAHA May narinig na naman akong pumasok "Oh callie!" Sigaw ni Xian "Kaina ka pa?" Tanong niya Hindi siya sumagot baka tumango lang "Kanina pa rin ako dito, umuwi lang ako para kunin ang mga damit niya sa apartment" sabi ni Xian "Kumain kana?" Tanong ni Callie "Hmm, binigyan ako kanina ni Mel" sagot nung isa, boses lalaki pa "Salamat talaga ha, ewan ko nalang kung wala ka" sabi na naman ni Callie I really tried to move my fingers, but I also can't! Gosh help me, I wanna stand right now "Kailan siya magigising?" Tanong ni Callie "Ewan, baka mamaya siguro sabi nung doctor" Ngayon ko lang na realize na may naka support pala sa akin na oxygen kaya ang ingay. Hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko kaya matulog nalang ako ulit para mamaya baka makagising na ako. "Tsk! ew kadiri mo" sigaw nung kung sino kaya unti unti kong ininulat ang aking mga mata Unti unti ko ring nakita ang liwanag sa taas ko kaya ginalaw ko ang aking kamay para sana takpan yung mata ko "Oh my God She's awake!" Sigaw na naman nung sino "Mel where u going?" Nakita kong palapit si Mel sa akin at may pinindot siya sa likuran ko "Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya agad Nakita ko namang andito narin si Kuya katabi ni Mel "Sapphire you had me worried! " Alalang tanong niya "OMG Sapphire how are you feeling?" tanong din ni Liam Dahan dahan akong ngumisi sa kanila para makita nilang ok lang ako "o-ok naman b-buhay parin n-naman" biro ko, hindi ako masyado maka pag salita kasi may oxygen pa ang bibig ko Narinig kong tumawa sila, dahan dahan ko agad kinuha ang oxygen kasi ang kati ng mukha ko "Wag,mo muna kunin" Sabi ni kuya "A-ang kati" sabi ko "Stay still sis!" Sabi niya "Doc,Buti dumating ka na po" sabi ni Callie Dahan dahan akong Pinapaupo ni Mel at Kuya "How are you feeling?" Tanong nang doctor "Kunin ko ito" sabi ko, unti unti ng bumalik sa normal ang pagsasalita ko "Haha sure" sabi niya at tinulungan pa ako "Kamusta Ija?" Tanong niya ulit "Mabuti naman" sabi ko "May masakit ba sayo?" Tanong niya "Wala naman, gusto ko lang lumakad" sabi ko kasi ang sakit ng katawan ko kaka higa, feeling ko 1 year ako naka higa dito "nahihirapan ka bang huminga?" Tanong niya ulit "Hindi na" sabi ko "Good, So according to your record right now, you're ok na" sabi niya "Doc, ilagay paba ito sa kaniya" tanong ni Kuya habang hawak yung oxygen "No need na, you can also walk if you want" sabi ng doctor at nagpapaalam narin "Tss Mag dodoctor ka pero di mo alam kung ibalik pa ba yan sa akin" sabi ko inaasar si Kuya "Gumaling ka na talaga! Nakuha mo ng mang asar! Student palang po ako noh" sabi niya at umirap. Parang babae "Sabi ko sa iyo Fire sumama ka sana sa akin! Hindi ka sana maka higa jan!" Parang nagiguiltyng sabi ni Drew "It's fine, what's done is done" sabi ko "Kahit na! Muntik na ako mabugbug ng kuya mo" sabi niya habang umiiling Tumingin ako sa paligid at nakita kung nandito na sila lahat Mel, Callie, Xian, Liam, Drew, at kuya "Ano ba talaga nangyari kagabi?!" tanong ni Xian "Hindi ko maala-" Napahinto ako sa sinabi ko kasi may biglang pumasok sa room 'Dustin?' I said in my mind lahat din sila napatingin kay Dustin. He was wearing Maroon tshirt at naka black fitted jeans, at may dalang Prutas. "Oh, Hello" he said and smiled weirdly again Kumunot ang noo ko pagkakita ko sakaniya, ngumisi na naman siya sa akin na mukha namang si Joker, nakita naman agad nila yun na nagtataka akong tumingin kay Dustin "Hey, you little trouble maker, Say Thanks to him" Kuya Said while pointing Dustin "Me? Why?!" Gulat kong tanong "Hindi mo alam?!" Tanong ni Xian "alin?" Inosente kong tanong "Siya nag dala sayo dito! Gagu!" Sabi naman ni Liam "Weh?" Di kapaniwalang tanong ko "Oo nga" sabi naman ni Callie Tumingin ako kay Mel para masiguradong hindi sila nagsisinungalung, tumango naman siya, totoo nga?! "Talaga?" Sabi ko na hind naniwala at bumalik ang tingin ko kay Dustin "Uhh Thanks?" I said, so siya ang nagligtas sa akin?! "No worries" sabi niya at nag wink, kadiri "So ikaw yung kasama ko? Galing pa sa bar?!" Tanong ko ulit "Oo HAHAHA" sabi niya, ang cool naman neto parang walang nangyari "Anong kasama? Anong bar?" Tanong ni Kuya "Hindi mo sinabi?" Tanong ko "Hindi, hinintay kita e" sabi niya nakangisi parin "Oooyyy anong bar yiii" Asar naman ni Xian at tinusok niya yung tagiliran ko "Serysoso?! Ghadd bakit hindi mo inexplain, dapat pagka gising ko wala ng mga tanong aish" sabi ko habang nagmukhang disappointed "Wow, andami mong sinabi ha, hmm first time kang kumausap sa akin na more than 1 sentence haha!" Sabi niya naman, nang aasar pa! "King ina mo!" Sabi ko at itataas ko sana ang middle finger ko kaso masakit yung kamay ko may dextrose kasi Narinig ko syang tumawa kaya inirapan ko lang siya, tumingin ako sa kabilang kamay ko at nakita kung may sugat iyon "Ano nagyari dito?" Tanong ko ulit sakanya "Sinuntok mo yung ma-ma kawawa ilong non ngayon" sabi niya pa at tumawa na naman "Woah talaga?!" Mangha kong sabi "Ang lakas mo palang sumuntok, nice" sabi niya pa at sumaludo sa akin "Syempre, self defense" at tumawa naman ako, para tuloy kaming close nito. Ng marealize ko na nacarried away ako ay shinake ko yung ulo ko at nag serious face ulit. Tumawa naman sila "wow! Tumawa ka na ngayon dahil sa akin! New achievement ko na naman" sabi niya ulit sinamaan ko lang siya ng tingin "Eherm" sabi ni Mel "Excuse us, pero hindi lang kayo yung tao o!" Sabi ni Callie "Nako kayo ha, improving" asar ulit ni Xian "Can someone explain what happen?" Kuya said at tumingin sa akin "Bakit ako? Patiente ako dito o! Nak ng, siya na" turo ko pa kay Joker "Bakit ako?" Sabi niya pa, umaksyon akong suntukin siya kahit ang layo niya sa akin "Sge na nga" sabi niya at kumalot sa ulo niya Inexplain niya lahat detail by detail nakinig talaga ako baka ibahin niya yung istorya noh "That's all" pagtapos niya sa istorya "Woah! Sana all may life savior" Sabi ni Liam "Anong oras na?" Tanong ko "Gabi na" sagot ni Mel "Talaga??" Tanong ko "Kahapon ka pa tulog" sabi ni Xian "Callie," tawag ko "Kailan ka dumating dito? Yung una mong dating?" Tanong ko "Kahapon, pagka rating mo sa kwarto mo" sagot niya "Ahh kahapon kasi narinig ko lahat mga sinabi niyo" sabi ko "Paano?" Tanong ni Kuya "Gamit ang tainga ko?" Sarcastic kong sabi para maasar si kuya "Puta!" Naasar naman HAHAHA "Oo nga hindi lang ako maka dilat at hindi ako maka galaw, ewan bakit" sabi ko habang uminom ng tubig na bigay ni Drew "Rinig ko rin ang sinabi mo" sabi ko habang nakatingin kay Callie "Ha?!" Tanong niya "Basta" sabi ko at mukhang na taranta siya "Sa atin lang yun diba?" Tanong niya tumango lang ako "N-narinig mo rin sinabj k-ko?" Tanong ni Drew mukhang kinabahan "Uhmm" kunyaring pag iisip ko "Hindi naman, bakit?" Tanong ko "W-wala naman" sabi niya "Siguraduhin mo lang hindi mo ko binack stab ha!" Kunyaring sabi ko "A-ahh e-ehh hindi no haha" sabi niya and scratched his nose feeling awkward. "Pero seryoso salamat sa pag punta niyo, pwede na kayong umalis" pag tataboy ko sa kanilang lahat "Bakit? Ang sama mo, kami pa ang nag mamalasakit" sabi naman ni Xian "Gabi na oh sge na" sabi ko "Ok lang ako dito ano ba kayo" sabi ko ulit "Eh sino magbabantay sayo?" Tanong ni Drew "Ako" pag priprisinta ni Mel "Uhmm ok lang ba if ako lang mag isa?" Tanong ko, kahit alam kong hindi sila sasang ayon "no!" "Hindi! Sabay nilang sabi tinaas ko ang kamay ko na parang sumusurender "Ok ok" "Si Mel nalang dito" sabi ko at sumang ayon naman sila "Kuya, alam nila mom?" Tanong ko "Yes, bukas pupunta sila dito, " sabi ni kuya Tumango nalang ako at kumain ng banana "Dito nalang din ako?" Sabi ni Drew "Gags, bakit?" Tawa kong tanong, habang sumusubo parin "Ahh wala lang, nakonsensya kasi ako?" Sabi niya "Wag na oi, " sabi ko "Pero--" sabi niya pero pinigilan siya ni kuya at may binulong, ewan ko kung ano pero mukhang walang magagawa si Drew kaya nagpaalam na siya at umuwi na "Dust, sabay kana sakin" sabi ni Liam "Alam mo ba Fire, Simula nung ma confine ka, Kanina lang ito umuwi kasi pinilit naming umuwi, tapos nawala lang siya ng mga 1hr tas andito ulit siya." sabi ni Xian "Kasi sabi niya antayin ka daw niyang gumising" sabi naman ni Mel Tumango lang ako at tumingin kay Dust, He scratched his hair at the back feeling embarrassed and smiled awkwardly "Sge una na kami" pagpapaalam ni Xian kasama si Dustin at Liam at Callie Kami nalang ni Mel ang naiwan kasi sumama si Kuya kay Drew "Ang bait ni Dustin" sabi ni Mel "Tss" "Dinala niyo ba ipad ko?" Tanong ko "Oo ayun o" turo niya sa table gikid sa kama ko "Sge, matulog kana" I said "Sge kung may kailangan ka o mag cr ka, gisingin mo lang ako" sabi niya "Teka, sino pala nagbabantay sa akin kagabi?" Tanong ko "Si Dustin simula nung nasa ER kapa" sagot niya "What? You let a stranger watching me?!" "Haha eh kasi wala na kasi akong masakyan mga 12 midnight na nung tumawag siya using your phone. Buti talaga wala kang lockscreen" "Eh sila kuya?!" "Hindi sila sumasagot lalo na sila Callie" "kaya laking utang mo kay dust no" sabi niya "Tss kwits na kami lage siyang mang asar" sabi ko "Geh night" Tumango lang ako at nag scroll sa sss at ig, and I saw a bunch of messages galing sa mga classmate ko all of their questions are the same, asking If I was ok. I didn't respond kasi nakakatamad. Wala namang masyadong ganap kaya sinubukan kong matulog pero hindi talaga ako makatulog Napag isipan kong manuod nalang ng netflix dahil hindi talaga ako makatulog, Tumingin ako sa oras at alas tres na pala?! Malapit ng mag 4, buti at inaantok na ako kaya natulog nalang ako. Zzz Pagkagising ko napansin kong wala na si Mel lumingon lingon ako at nakita ko yung secretary ni Mommy "Ali" tawag ko sakaniya habang may ginagawa siya sa laptop niya "Good Morning, Sapphire" sabi niya "Where's Mel?" I ask "Pinapauwi na siya ng mom mo kasi hindi siya papayag kapag hindi siya pumasok" sabi niya, hindi ko namalayan na Lunes na pala ngayon. "Nasan sila mom?" "May inaasikaso pa" Tumayo ako para mag cr, tumyo din si Ali para tulungan ako Naghilamos ako sa banyo kahit isang kamay lang ang ginamit ko at nagsipilyo na rin Pagkalabas ko andito na sila "Hey mom" i said and give them a hug "Kamusta? How are you feeling?" Dad ask "Ok naman, kailan na ako lalabas?" "Mamaya anak, after lunch" Mom answered and kissed my forehead "Kumain ka muna" sabi ni dad at inalalayan ako papunta sa lamesa Kumain ako ng marami kasi gutom na gutom ako, pagkatapos ko kumain pinainom ako ng gamot at nagpaalam ako na lalabas muna, hindi sila pumayag sa una pero pinilit ko kaya andito ako ngayon papunta sa rooftop Nakakita ako ng upuan kaya dun ako umupo, mag isa. 'Naalala na naman kita' May naaalala ako dito kaya umidlip ako para balikan ang nakaraan. Throwback... "May ipapakita ako sa'yo dali!" Sabi ko habang kinakaladkad siya papuntang rooftop, maganda kasi ang view dito, nakaka relax "Baka mapagalitan tayo dito ah," sabi niya habang binubuksan ko ang pinto Pagkabukas ko sa pinto nakita ko ang mukha niya, at sobra siyang namangha kasi gusto niya talaga sa mga gantong view, mas lalong gumanda ang view kasi gabi kita ang mga lights galing sa mga building "Woahhh" mangha niyang sabi, andito kasi kami sa hospital, dahil inaatake siya, may sakit kasi siya sa puso "Sa tingin mo maghihiwalay kaya tayo?" Tanong niya, tumaas ang isa kung kilay kasi bat niya ito natanong "Ha?" "Kung maghihiwalay tayo, sa tingin mo maging kaibigan ulit tayo?" Tanong niya ulit "Hindi ko alam, depende?" "Bakit mo naitanong makikipaghiwalay ka?" Tanong ko habang nilalaro niya ang daliri ko "H-hindi no" sabi niya "Basta kung ano mangyari, wag kang magalit sakin,at mapapatawad mo sana ako" sabi niya na parang naiiyak "Hoi wag kang umiyak, baka mapano ang puso mo" sabi ko "Basta, promise mo sakin?" Sabi niya at tinaas ang pinky niya "Promise po" sabi ko at nag pinky promise kami "Basta wag mo akong saktan ha?" Tanong ko rin, pero hindi siya sumagot at ngumisi lang, ang lungkot ng ngisi niya "I love you Sapphire Jade" sabi niya at hinagkan ako "I love you to the moon and back, Kyle Tristan" sabi ko rin at niyakap siya ng mahigpit He then kissed my forehead End of flashback.... 'Yan lang na pinky promise and hindi ko napanindigan, why? Kasi hindi ko alam kung mapapatawad ko siya' "Sapphire, kanina pa kita hinahanap, hinahanap ka ng daddy mo" tawag sakin ni Ali "Sge po" tumayo na ako "Bakit ka umiiyak?!" Alalang tanong niya "ahh wala to HAHA teary eyes lang" i faked a laugh, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako, 'Good old days' Pumasok ulit ako sa room ko at sabi nila maghanda na raw ako kasi ma didischarge na daw ako Kaya Naghanda na ako at naligo, buti nalang tinanggal na ang dextrose ko at hind na ako nahihirapan Pagkauwi ko sa bahay ay natulog agad ako Zz ________ ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD