20

1524 Words
20 FEB 17 EVA JUSTINE/ASTIN’S POV Had no news about Rann. Strangers. Pangangatawanan ba niya yung sinabi niya. Total strangers na lang ba ang magiging status naming dalawa? “earth to eva Justine….”alien voice ni aryana na kanina ko pa kasama pero parang hindi ko naman pansin. “problema mo?” “ikaw tol..ikaw ang problema ko..anong nangyayari sayo ha?” “huwag mo nga akong pansinin.” “okei..gaya ng hindi ko pagpansin sa mugto mong mga mata?tol..ilang araw na ba yan ha?” Inirapan ko siya.”pwede ba? tigilan mo ako. saka bakit ba absent ka ng dalawang araw?san ka galing?” “diyan lang sa tabi-tabi.”tangi niyang tugon at naupo na sa tapat ko. she;s weird. Kung makatitig parang binabasa ang mood ko.”how long have you been crying?” “nahawa ka na kay Rann?” Tumawa siya.”at ngayon naalala mo ulit ang supposed to be ex mo?” “tigilan mo ko please? Kakatapos ko lang makipagdidkusyon kay papa tungkol diyan..pati ba naman dito?”irap ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya.”tigilan mo na rin ang pakikipagdiskusyon kay tito..kasi wala nang patutunguhan yan.” “anong ibig mong sabihin?” “wala.” Nagrebyu na lang rin siya at kahit anong pilit ko sa kanya ay ayaw niyang magkwento kung saan siya nagsususuot nung dalawang araw na absent siya. and she’s pissing me off. Uwian na at panay pa rin ang check ko sa phone ko. hoping magtetext si Rann. “tol…huwag ka na kasing umasang magtetext yun. iba na ang number nun.”pambabara na naman niya. “you have her new number?” She nodded. “kunin ko nga…” Pero umiling siya.”di pwede tol. Ayaw niyang ipabigay e…”pi-nat niya ako sa balikat.”tol, akala ko hindi siya seryosong iiwasan ka niya.” Tsss. Angsama lang sa pakiramdam. I wanna see her.  I miss her. “samahan mo ko..” “saan?” “kena rann…” Yung ekspresyon ng mukha niya nagulat na hindi ko maintindihan.parang nagtatanong kung bakit?paano? “ui?ano na? pupuntahan lang natin. Hindi naman masama yun diba?” Nagpamulsa siya.”bakit? may passport ka? May pera ka na?” “anong gagawin ko sa passport?” “hindi ba niya nabanggit sayo?” “alin ba?” “so hindi niya nabanggit sa’yo na sumama siya sa tito niya sa Japan?” Nagitla ako sa sinabi ni Aryana. Walang nababanggit si Rann tungkol dun. “alam na rin niyang tutol ang papa mo sa inyong dalawa. Malamang sinabi ni PJ nung minsang nakapag-usap sila.” Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Iiniwasan kong mabanggit kay rann ang tungkol sa bagay na yun dahil umaasa pa rin akong darating ang panahon ay magbabago ang isip ni papa. “hanggang sa huli.ikaw pa rin ang iniisip niya. gusto ka niyang protektahan. Lahat ng pictures niyo sa sss niya dinelete na niya. para iiwas ka sa issue niya sa buhay.” Parang hindi nagsisink-in sa isip ko ang mga sinasabi ni aryana. Buong akala ko galit sa akin si Rann kaya niya dinelete lahat ng pictures naming magkasama. Sumama muna ako sa bahay nina Aryana dahil may ibibigay daw siya sa akin. nakaupo lang ako sa kama niya habang hinahalungkat niya yung cabinet niya. “yan..found it..” hawak-hawak niya ang isang green paper bag. “ano naman yan?” “pinapabigay ni Rann sayo tol.”iniabot niya sa akin yun bag.”sorry ha? umabsent ako kasi gusto niya ng makakasama before ng flight niya.” “kailan siya umalis?”I softly asked. “nung 15 ng umaga.” Damn! so that date thing is her goodbye? She really meant what she said. May iniabot sa akin si aryana na keychain. Nakasulat dun ang pangalan namin ni Rann.”ako ang bumili niyan. Motto kasi ni rann “a heart can be broken but a circle never ends.”she smiled but full of sadness.”hindi man niya kasi aminin.mahal na mahal ka pa rin niya.” inilagat niya sa palad ko yung at itiniklop ang kamay ko.”keep it. Someday baka magkita ulit kayo. Pag dumating ang araw na yun siguraduhin mong ipaglalaban mo na siya kahit kanino ha?” My tears keep falling as I nodded to her. Sinundo ako ni PJ sa bahay nila para hindi ulit mapagalitan ni papa. he’s been very suspicious everytime umuuwi ako ng late. Madalas niyang sabihing baka kasama ko si Rann. “pasok ka muna?”yaya ko kay PJ. “hindi na. pahinga ka na. pangit ka na kasi.”biro pa niya. “gago ka rin e.” “ikaw na ang nasasaktan na parang ok pa rin.”nag-apir kaming dalawa.”sama ka sa gig?” Umiling ako.”hindi na. mamaya Makita pa niya ulit sa youtube.” Tumango lang siya at nag-apir kami. After that date with Rann nilinaw ko na rin kay PJ na hindi na tulad ng dati ang pagtingin ko sa kanya.thankful naman daw siya at naging honest ako sa kanya. pero matigas lang rin ang ulo e. mahal pa rin daw ako. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay pinansin na agad ni papa ang late kong pag-uwi.”saan ka galing?” “kena Aryana. Kasama ko naman po si PJ.”tugon ko sa kanila. “huwag na huwag kong mababalitaang nakikipagkita ka pa rink ay Ray Anne.”tiim bagang niyang pahabol sa akin, Hindi ko na rin sila sinagot. Dahil ayokong isipin nilang naging masamang impluwensya si Rann sa akin. titiisin ko ang bawat sasabihin ni papa dahil kahit anong mangyari magulang ko pa rin siya. Sa kwarto ko na tiningnan ang laman nung paper bag. Lungkot lang ang bumalot sa akin nang Makita kong laman nun ang earphone na binili ko para sa kanya nung nagselos ako kay Raichel. Naging maingat si Rann at hindi man lang ito nagkaroon ng gasgas. Lahat na lang yata ng binigay ko sa kanya nasa loob ng bag. Kasama nito ang phone niya. I checked on it. Yung inbox niya puro messages ko. all personal messages. Pati yung mga reply ko nung nag-away kami naka-save pa. EMOJOLLY talaga siya. then sa files naka-save yung mga pictures namin. Napapangiti lang ako sa mga pictures namin lalo yung pilit ang mga ngiti niya kasi ginising ko siya para lang picturan. Hindi na kasi ako makatulog nun kaya idinamay ko na lang siya. I tried to check her memo if andun pa rin yung mga inenter niya nung magkasama kami. all the silly stuffs na ginawa namin inienter niya dun. Wala na. napalitan na ng mga grievances niya. those dates na kinakansel ko ang bawat tawag niya. nung naghintay siya sa skete boarding area sa plaza. All her sorrows. Dec 14: could this be the turning point? :(( I’m not yet ready. I will never be… Dec 21: Ilang araw na niyang hindi sinasagot ang mga tawag ko. I’m missing her a lot. Marami pang ganitong entries until I came into this date. FEB 13 Hey memo…this could be my last entry here. Ayoko na. pagod na ako. I’m with here awhile ago. I miss her. I wanna be with her again. Pagbibigyan pa ba ako ng pagkakataon? That was 4 hours! But it seems a lifetime. Yun na yata yung pinakamatagal na nakasama ko siya ulit pagkatapos ng ilang buwan. Angsaya lang. but I wanted things to be how it used to. I wanna be the stranger who once made my princess smile. Hindi ko rin pala kaya.gusto kong bawiin yung sinabi ko sa kanya kanina pero it was too late. ^_^ I’ll be living this 15th. Iiwan na kita kay asitn. I’ll try to be the new Ray anne jhi. ASTIN…. I LOVED YOU…TAKE CARE…IPASA MO ANG BAWAT EXAM..AT PROMISE MO KAY MEMO ONE-TAKE LANG ANG NLE MO HA? Fate brought us together…and I am thankful of that… LOVED. Damn. paulit-ulit sa isip ko yang LOVED. Hilam na naman sa luha ang mga mata ko. pinagpag ko yung bag dahil may kulang. May hindi pa ako nakikita. May ngiting sumilay sa aking mga labi. I know she’ll come back. RANN’s pov Tumuloy kami sa ancestral house ng pamilya nina papa. nag-aabang doon ang ilan sa aking mga kamag-anak. I don’t know them that much. Mula kasi nung maghiwalay sina mama at papa ngayon ko lang ulit sila nakita. Masaya naman silang Makita ako. yakap dito-yakap diyan. ipinakilala ako ni tito sa mga pinsan ko. yuko dito-yuko siya. sakit sa balakang naman oh. hindi naman ako fluent sa language nila kaya pinagtityagaan nila ang pag-ienglish ko. except yung asawa ni tito hajime na marunong rin mag-english. “how was your flight?” “good.”tipid kong sagot sa kanila. Kinamusta rin nila sina mama at ang dalawa kong kapatid. Natapos rin ang kamustahan at tinanaw ko na lang ang mga pinsan ko na naglalaro sa labas. Mga bata pa kasi sila kaya’t masaya na sila sa kakalaro. Nilapitan ako ni tito.”are you really here neice?” ginulo niya ang buhok ko. panira ng moment to. “wth!! “saway ko sa kanya. Ngingiti-ngiti lang siya.”still thinking of your favorite nurse?” I nodded. “things will be just fine reyan.”  I sighed. Baka mahalin ko na rin ang lifestyle dito. isa o dalawang taon rin akong mamalagi dito kasama sila. malayo kay astin. sa ganitong paraan mapoprotektahan ko pa rin siya. Tanaw pa rin namin ang mga pinsan ko nang binasag ni tito ang katahimikan.”nice earing you have there.”she grinned. Saka niya pinuntahan ang mga pinsan ko at nakigulo na rin siya. hands on dad talaga tong si tito. Maya-maya ay kinawayan niya ko.”c’mone Takeo!” Takeo pala ang pangalan ko dito. panlalaki ang pangalan ko no? parang nung pinanganak pa lang ako dapat lalaki na talaga ako.>_<.hero daw ibig sabihin nun. Warrior. Yun laging tawag sa akin ni papa nung bata pa ako. hero daw nila kasi ako ni mama. Kasi sa tuwing mag-aaway sila iiyak ako tapos hayun magbabati na sila. n_n Umiling ako. nahihiya ako sa kanila. Nakakailang. Pero lumapit sa akin yung isang pinsan ko. inilahad niya ang dalawang kamay niya.”takeo..join us…” BAGONG BUHAY KASAMA NG PANGALAWANG PAMILYA KO. At nangangakong sa pagbabalik ko ibang ray anne na ang makakaharap nila. she who doesn’t know how to love. She who doesn’t show how she feels. TAKEO JHI. --The End--  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD