19

1814 Words
19 EVA JUSTINE/ASTIN’s pov Feb 12. Araw-araw pa rin siyang tumatawag. She texts every morning and before she goes to sleep. Ayoko nang saktan pa siya. things will just messed up. I know in time things will be okay. But for now I chose to be friends with her. Tumatambay lang kami ni Aryana sa kwarto ko. “pwede ba natin siyang pag-usapan dito?”basag ni aryana sa katahimikan. I nodded. “kumusta na ba kayo?” “friends…” “hanggang friends lang ba talaga?” Tumango lang ulit ako. “dahil pa rin kay PJ?” I sighed.”angdaming dahilan tol. Ayoko ng isa-isahin.” “alam rin ni PJ ang tungkol kay Rann?” “yeah. I told him. Ayoko ring magtago na kahit ano sa kanya.” “just like the old times talaga ah”she smirked.”talo na pala yung manok ko eversince pa.” Hindi ako naimik. Palm on my face at nagpangalumbaba ako.”tol!!! sakit ng ulo ko…” “ikaw nga ulo..si rann puso…”banat pa niya. “you know the situation tol…” Tumango lang siya at kinalikot yung laptop. Kung nasasaktan si Rann nasasaktan rin ako. ayokong ipagpilitan yung relasyon na hindi ko alam kung may patutunguhan. Minahal ko siya. OO. Sigurado ako doon. pero may maghihintay bang magandang future para sa amin? Si papa. ayaw niya sa ganung klaseng relasyon. siya ang unang taong tututol kung nagkataong ipinagpilitan ko ang gusto ko. I know his stand. At kung sinabi niyang ayaw niya. ayaw niya. So I am diverting my feeling to PJ. Hindi rin naman ako mahihirapang ibalik yung dating nararamdaman ko para sa kanya now that I feel his sincerity. “nga pala…ibinilin ka ni Rann sa akin bukas. Magkita daw kayo?” “hindi pa ako um-oo.” “umaasa siya…” “tol…hindi ko na lang siya sisiputin..ikaw na bahala sa kanya oh..” Tumango lang si Aryana and sighed.”pagod na akong nakiktiang disappointed si rann. Sana hindi na lang kayo nagkakilala tol” Sana ganun rin ang naiisip ni Rann para madalian siyang kalimutan ako. sabi nga nila minsan nakakatulong ang galit minsan para mamotivate na magmove-on ang isang tao. FEB 13. 3:00 in the afternoon. Napaulanan na naman ako ni rann ng mga messages. Pagkukulong sa kwarto lagn ang inatupag ko maghapon. Tulog kain lang. Bzzt…bzztt… Rann: please come…importante lang.. I stared at my phone. her image caller ID. Yung wacky pic niya na pinilit ko pa siya. ---flashbak— “hon..picture kita ohh..”itinutok ko sa kanya yung camera. “ayoko…”she pouted. Hinila-hila ko yung braso niya.”sige na pleeeaassseee? Bakit kasi ayaw mo.”sinimangutan ko rin siya. “fine…”humarap siya sa akin. “gusto ko wacky ha? lagay mo kamay mo dito..”inayos ko yung kamay niya na naka-peace sign sa may gilid ng mata niya. she hated it kasi anggurly daw.”smile ha???” Then click. “ganda ohh…” “panget naman…” Para hindi na siya magsimangot kiniss ko siya sa cheek. Hayun nabuhayan ng loob.”isa pang pic oh??”biro niya. “awat na…”inilayo ko ang mukha niya sa akin. ---end of flashback— RAY ANNE JHI. Yung unang babaeng minahal ko. tsss. Pinunasan ko ang luha ko ng marinig kong kumakatok si mama sa pinto. Agad ko iyong pinuntahan. “hindi ka ba kakain?” “Busog pa ako.”tugon ko sa kanila. “tumawag si PJ. Susunduin ka daw niya mamayang 5:00.” Tumango lang ako. mas mabuti nang sumama ako kay PJ. Itetext ko na lang si Rann and she’ll learn to hate me. === “ready ka na?”tanong niya sa akin. “oo…saan ba tayo pupunta?” “secret…”he smiled. Laging may nakalaang surprises tong si PJ. Minsan nahuhulaan ko na pero kuware wala akong alam para hindi siya madisapoint.parang pamilyar ang daan na binabagtas namin ni PJ. “saan tayo pupunta?” “just relax….”ginagap niya ang kaliwang kamay ko.”alam ko kung sasagutin mo man ako hindi buo ang pagmamahal mo sa akin justine. Nakikita ko sa mga mata mo mahal mo siya. and you cant deny it.” “PJ please? Huwag na nating pag-usapan yan?” “kinausap ako ni tito. Alam nating pareho na tutol siya sa ganung klaseng relasyon. pero hindi rin ako matatahimik until I can feel na ako lang ang mahal mo.”he pause for a while.”maghihintay naman ako e….” Ngiti lang ang tugon ko sa kanya. “thank you….” “I love you…” Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pakikinig ng music sa phone ko. using her earphone. Putting it to maximum volume. As if kasama ko lang siya. hindi ko na rin namalayan na nakaidlip na pala ako. “wake up Justine…”yugyog sa akin ni PJ. Pinunasan ko pa ang antok sa mukha ko.”saan na ba tayo?” Hindi na siya bumaba at binuksan yung pinto.”bumaba ka na… you two need to talk..” Pagbaba ko ay nasa harapan ako nung resto na pinagdalhan sa akin ni Rann dati. That not so perfect date yet so memorable. Nag-aabang si Rann wearing that same clothes she wore. Only this time short hair na nga siya. She smiled widely.”thank you for coming?” “para saan to?” “huwag ka nang kumontra?”inilahad niya ang kamay niya sa akin.”sa oras na dumampi ang mga palad mo sa kamay ko magsisimula na ang 4 hours re-enacment ng date natin noon.” Puzzledly.ipanatong ko ang kamay ko sa palad niya. She smiled. Those smiles that I really missed. Same waiters ang sumalubong sa amin. kung paano ang set up noon ganun rin ngayon. Yung mga waiters todo pa rin ang ngiti nila sa amin.”huwag mo akong babarahin this time ha?” sambit ni Rann. Tumango lang ako. Dinala niya ako sa mar garden. Where I saw this table at the center. May couch sa gilid at yung LCD TV. Iginiya niya ako sa may mesa na ang nakahain ay mga seafoods. “hindi ka naman allergic diyan diba?”ngiti niya. “yeah..” She then smiled at iniurong yung upuan para sa akin.”take your seat princess.” “thank you…” Saka siya naupo sa tapat ko. yung titig niyang namimiss ko. I caught her staring at me at umiwas na naman siya ng tingin. She’s relly cute. “pinlano mo to diba?bakit umiiwas ka pa rin pag tinititigan kita?” “gusto ko lang. kain ka muna…”inihain na mga waiters ang pagkain namin. Habang nagpatuloy ang pagkanta nung dalawang babae. Pinaghihimay pa niya ako bago siya kumain. >__< namiss ko yung ganitong Rann. Hindi siya kakain unless ok na ang food ko. “aralin mo kasi…”bilin pa niya. “next time….”tugon ko naman. “good.”tipid niyang sagot. I still feel awkward. parang hindi ako makakain ng maayos ngayong kaharap ko ulit siya sa ganitong set up. Parang kaming dalawa lang ang nag-eexist ngayon. “rann…” “huh?” I extended my arms at pinunasan ko yung gilid ng labi niya.”pwedeng umayos ka naman sa pagkain mo?” Ayokong may ibang pumunaS niyan pag hindi mo na ako kasama. Sabi ko sa isip ko. ayokong may ibang lalapit sa labi MO. oh damn.angselfish. nakakatitig lang ako sa kanya at ikinaway niya ang kaliwang kamay niya sa mukha ko.”hey? anything wrong?” “huh? Ah wala..kumain ka na…” Halos hindi ko maramdaman ang pagkain ko. hindi pa man din siya tapos kumain ay tumayo na siya at lumapit sa akin.”I know it’s kinda awkward hon…”inilhad niya ang kamay niya sa akin.”may I have this dance princess?” NP: officially missing you (play that jayesslee studio cover) She puts my arms over her shoulder as she puts her hands on my waist. “just go with the flow..”she smiled. May distansya pa rin sa pagitan namin. Habang sinasabayan namin ang melody ng kanta ay bumabalik sa alaala ko kung paano kami nagsimula. Kung paano niya ako pinakitunguhan kahit puro PJ ang bukambibig ko. her notes. Lahat ng notes na iniiwan niya sa bag ko sa tuwing maghihiwalay kami. kahit sa tissue paper lang niya isinulat ang mga iyon. Kung paano niya ako sabihan ng mahal niya ako kahit antok na antok na siya. Yung hawak ko sa balikat niya nagiging yakap na. unti-unti naglalapit kami. I felt her embracing me while still dancing. Her mouth close to my ear.”hon…naalala mo yung sinabi ko noon? The worst way to miss someone…” “is to have her sitting next to you and you knew you can never have her…”pagpapatuloy ko sa sinabi niya. hinding hindi ko yung makakalimutan dahil sa puntong yun ayokong matapos ang oras na kasama ko siya at hinihiling ko na lang kay God na sana tumigil ang oras at pwede ko siyang yakapin nang mahigpit na mahigpit. “I miss you….”she whispered. Umulit-ulit yun sa pandinig ko. “I miss you too…”tugon ko lang sa kanya at humigpit ang yakap ko. I felt tears falling from my eyes. Kasi hindi ko siya kayang ipaglabas ngayon. Kahit gustuhin ko. kahit mahal ko siya maraming pipigil sa akin. sa amin. hindi ko siya kayang paghintayin ng matagal dahil baka mapapagoda t magsawa rin siya. She pulled her way back giving distance berween us. she stared at me.”everytime we’re like this I get a sick feeling in my stomach…but it’s the sick feeling I love to feel.” Banayad niyang hinaplos ang pisngi ko with tha back of her hand. And kiss my forehead. Anglight ng mukha niya. walang bahid ng sakit na alam kong pinagdadaanan niya. Iginiya niya ako sa may couch. May popcorn na rin doon. nakataas ang mga paa namin. parang horror naman ang papanoorin namin e yun a millionaire first love ulit ang isinalpak niya sa player. Sa buong duration ng movie hawak lang niya nang mahigpit ang kanang kamay ko. maya’t-maya niya itong dinadampian ng halik. Anghigpit ng hawak niya ne ayaw niya akong dumampot ng pop corn siya na ang nagsusubo sa akin. I leaned my head on her shoulder. I usually fell asleep pag ganito kami pero ngayon I swear I won’t. Tapos na ang movie at ifina-flash na ang mga credits ng pelikula. She turned it off at muling humarap sa akin. she checked on her watch.”we still have half an hour. Anong gusto mong gawin?” Umiling ako.”wala.” Muli niya akong niyakap.”sa pagtatapos ng apat na oras astin. things will be normal again. Ikaw kasama si PJ,,, at ako..kasama ang sarili ko..”she softly said. “Rann….” “hmmm?” Yakap-yakap pa rin niya ako. “sorry… hindi ko pala kaya….hindi ko pa kaya…” “I know… and I’m letting go..” ang pinakasamakit na narinig ko mula sa kanya. hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.”thank you…” Hindi na mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo at tangin yakap lang niya ang alam kong magpapatahan sa akin. so I cling into her. nanatili akong nakayakap sa kanya. Sunod-sunod na busina ang narinig namin mula sa labas. Pinunasan niya ang mga luha niya at muling hinagkan ako sa pisngi.”he’s here….” She stood at inilhad ang kamay sa akin.”sa huling pagkakataon??” Holding her hand for the last time until we got out of the resto. Ilang dipa na lang ang layo namin sa kotse ni PJ ng tumigil siya. “astin…” “hmmm?” Nag-aalangan siyang tumingin sa akin. “pwede bang bumalik tayo sa dati?” Her expression now is as cold as ice. Binitawan niya ang kamay ko. Wala na yung rann na kasama ko kanina. Pakiramdam ko ibang tao na ang kaharap ko. “sure..friends??”lahad ko ng kamay ko. Umiling siya.” no…strangers…” saka siya tumalikod at bumalik sa loob. Naiwan akong tulala sa gusto niyang mangyari. Hindi ako makagalaw.gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sabihing hindi pwede. Hindi niya ako pwedeng talikuran nang ganun ganun lang. pero hindi ko magawa. Naramdaman ko na lang ang pag-pat ni PJ sa balikat ko.”it’s not yet the right time astin..” “ako naman ang unang nang-iwan diba PJ? Pero bakit ganito pa rin kasakit? Diba dapat masaya ako kasi makakamove on na rin siya? bakit ganito??” I just found myself leaning to him and crying my heart out.”pj..bakit ganito ko siya kamahal? Pero hindi ko siya kayang ipaglaban?” Hinagod-hagod lang niya ang likod ko.”tahan na… mahahalata ka ni tito pag mugto ang mata  mong uuwi…” Parang wala akong narinig at tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyako ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD