M.U. 13
EVA JUSTINE/astin’s pov
I sang for her. adik yun e. kantahan lang hindi na makatulog. Which I find cute. Siya yung klase ng taong angbabaw i-please. Pero siyempre namiss ko yung presence niya talaga. yung kulit niya. yung kakatitig niya sa akin pero pag nahuli ko naman siya biglang bawi. Tapos magbablush pa.
Excited na akong umuwi. Yung isang linggo kasi namin bakasyon napaikli e. at sinong mas excited? E di si rann. Hindi magkandaugaga sa pagtatanong kung anong oras kami uuwi. Kung nasaan na kami. minsan itong si mama parang naghihinala na kung bakit tawag nang tawag si rann. Pinagsabihan ko tuloy siya. mahirap na no.
Pagkauwi ay hapong hapo ako sa byahe. Gusto agad makipagkita ni rann. Musta naman yung miss na miss mode niya noh? kumuha muna ako ng magandang tiyempo kay mama para makapagpaalam. Kaso semplang e. hindi pumayag. Itulog ko na lang daw nang tumaba naman ako.
Past 5 nang tumawag siya.
---helo hon….(bungad niya sa akin.)
@po?hindi ako pinayagan ni mama e.
---uhm ok lang…
@ok lang hindi mo ako Makita?”
---nope. Sinong nagsabi niyan? Miss na miss na miss na kaya kitaaaa…
@angsweet mo.tadyakan kita diyan e…(biro ko sa kanya. para kasi siyang kakabiabetis minsan.)
Tawanan lang kami at hindi nauubusan ng topic.
@gusto ko bigla ng sundae hon..saka chichiria na marami…
---you want it now?
@sige ingles pa…
---sorry…uhm…may gagawin lang ako ha?
@tapos na break mo?
---oo eee….
@sige…bilisan mo diyan…matutulog na ako oh.
---I love you honey koooooooooooo
@dapat sinisigaw???
---oo naman…
@i love you too…
At hindi ko na ulit namalayan ang pagtulog ko. lam mo yung akala ko 5 minutes lang yung idlip ko, yun pala isang oras na.
Naulinigan ko na lang si mama na tinatawag ako,”eva…lumabas ka muna dito…”
At yung feeling na antok na antok pa ko, nakapajama pa nga e. hindi pa nakapagsuklay at napapakamot pa sa ulo. Paglabas ko ng kwarto at bungad ko sa sala may naghihintay na demonyo.
o_O -------- (-____-) –ako yan
^____^v – astin and aryana
Aba at naka shorts silang dalawa. Yung short na pambababe ha. tapos doll shoes pa. di bale na yung tops kasi keri naman nila yung fitted blouses nila.
“good morniiiiiiiinggggggg tol!!”bati ni aryana sa akin.
Saka lang ako nahiya sa itsura ko at nagmadaling nagbihis. Pagkalabas ko ay nasa kusina na sila at nakikiapgkwentuhan kay mama. Akalain mong pinagtitiyagaan nila yung mga kwento ni mama tungkol sa lovelife nila ni papa. samantalang hindi talaga keri ni aryana yung ganung kwentuhan.
“anong ginagawa niyo dito?”tanong ko naman,
“tol!! Grabe. Namiss lang kita. Bawal ba yun ha?!”natatawang tugon sa akin ni aryana. Pero alam ko naman si rann ang nagpapasabi nun. Nangingiti lang kasi siya tapos titingin sa akin.
“tikman mo tong dala ni rann na fruit salad eva.”alok sa akin ni mama.”siya daw gumawa niyan oh. Tirhan mo si ivvo ha?”
Napatingin ako kay rann. Favorite ni mama yung fruit salad paano niya nalaman yun? naupo na ring ako at tinikman yung salad.
“masarap no?”said aryana.
“medyo.”ismid ko naman.
“anong oras kayo uuwi mamaya aryana?”biglang tanong ni mama.
O_O---me
“mga 1am na po siguro tita. Dito na lang kami matutulog. Magpapasundo na lang kami kay tito Jaime”tugon ni aryana.
“ah sige…”sagot ulit ni mama.
Nagtataka akong bumaling kay aryana at ngumiti lang siya. hinintay na nila ako sa may van nina aryana. Sa harapan naupo si aryana at sa likuran kami ni rann. Apat lang kami dito kasama ang driver.
“ui….”bati ko kay rann pagpasok ko sa van. Parang naiilang naman akong tawagin siyang honey noh.
Tipid na ngiti lang ang itinugon niya sa akin. nagbablush na naman siya.
“ano bang nangyayari sayo? bakit angpula mo?”natatawa kong sinampal nang marahan ang kanang pisngi niya.
“ee huwag mo ngang gawin yan.”pigil niya sa akin. at itinuro yung driver.
Nagbehave na nga lang ako. at kahit magkatabi kami? magkatext pa rin.
Rann: hon, I miss you…
Me: miss? Kiss nga? ;’P
Natatawa na lang ako kasi yung tingin niya parang inuusig ako na bakit ka ganyan? May kasama tayo tapos maglalambing ka.
Me: ^_______^ bakit honey ko???
Rann: tsss. Hmpf..
Me: nung ginawa mo nung wala ako?
Rann: parang hindi mo alam naman hon.
Me: gusto ko uliting mo ah…
Natagalan siyang nagreply. Gusto ko na siyang pigilan sa pagtatype pero tumalikod siya.
”walang kopyahan.”
Maya-maya at nakaricib na ako ng text galing sa kanya.
RANN: inisip ka.
Me: >__< angtagal mong nagreply tapos yung lang?
Rann: e tinamad na kasi. ;’P gusto mo lang namang marinig na inisip kita, namiss kita, ano pa? pinupuso kita?heheh
Me: angkapal ng mukha mo rin e noh?
Rann: sakto lang para mapansin mo honey ko…
Kinuha ko yung earphone niya sa bag ko. yung kulay green. “soundtrip tayo.”yaya ko sa kanya.
“ayoko.”tipid niyang tugon at isinuot yung binili kung earphone para sa kanya.
Sinimangutan ko nga siya. she smirked. Pagkatapos ko siyang mamiss gaganituhin niya ako? kainis to. Kainis!!!
Tumigil kami sa bahay nina Aryana. At bumaba sila nung driver.
“bakit tol?”tanong ko sa kanya.
Pero nilampasan niya ako ng tingin at bumaling kay rann.”rann, ingat sa pagdrive ha?”
Tumango naman si rann,”lipat tayo sa harapan.”
Sinunod ko naman siya. nagwave goddbye siya kay aryana,”bru, be here before 1 am ha?”
Sumaludo naman si rann sa kanya.
“saan tayo pupunta?”usisa ko.
“matulog ka na lang kaya?angdami mong tanong.”
“ulitin mo nga yung sinabi RAY ANNE JHI?”galit kong tugon sa kanya.
“wehh joke lang..”pinisil niya ang kaliwang pisnig ko.
Pero nakaidlip talaga ako. nagising ako sa pagkalakas lakas na pagbusina niya.”grabe naman yan!!!”pagmamaktol ko.
“angsweet noh?”ngingisi ngisi pa siya ahy.Tumingin-tingin pa siya sa salamin at inayos yung buhok niya. “baka gusto mo ring mag-ayos? Magpolbo ka kaya?”
“tsss.”yun nga ang ginawa ko. napapaismid talaga siya. “san ba to?”
Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto,”basta lang.”
Pumasok kami sa parang isang restaurant. Ahy imba astin. Restaurant nga to e. “effort?”biro ko sa kanya.
“tigilan mo nga ako ng kakaganyan mo hon.”
“grabe to…di na mabiro...”
Malawak yung resto. Mula sa entrance ay parang may aisle at may built in fountain sa loob. Angcool sa mata ang kilay na mas pinapatingkad pa ng ilaw. Parang kami lang ang tao sa resto na to. May dalawang waiters na naghihintay sa amin at iginiya kami sa may garden. May dalawang babaeng nakatayo at may hawak na gitara yung isa at sa senyas ni rann ay sinimulan nilang kumanta.
NP: JUST THE WAY YOU ARE (JAYESSLEE COVER)
Napatingin ako sa kanya. she smiled pero hindi lang niya ako tapunan ng tingin. Paglapit namin sa may table ay iniatras niya yung upuan para sa akin.
“weh?seryoso?”biro ko ulit.
“maupo ka na nga lang.”she’s pissed off. And she’s cuter. Natatawa lang ako kasi naupo na rin siya pero nakasimangot naman.
“ui galit ka na niyan?”
Nakaslouch na siya ng upo at nakacross arms na siya sa may chest niya. simangot na talaga.
Tumayo ako at pumunta sa likuran niya. my palms on her face. “hindi na mabiro si rann ohh…”
Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumayo na rin siya. “ulitin natin mula sa simula hon ha?”
Halla. Parang bata. Nirehearse niya ba to? Oh de sinakyan ko rin ang trip niya. pagkaupo ay tinawag na niya yung dalawang waiter. Tuloy tuloy pa rin sa pagkanta at hindi ko na alam kung anu-ano ang mga title ng kinakanta nila.
Nakafocus kasi ako sa feeling ng pagtrato sa akin ni rann ngayon. Prinsesa lang?
“rann..? allergic ako sa seafoods..”
Biglang nagworry yung ekspresyong ng mukha niya.
“lahat ba seafoods?”tanong ko naman.
Tumango siya.
“ahy…”bigla tuloy akong nalungkot. Hindi lang siya nagtanong kasi. Pero kung nagtanong siya mabubuko ko kung anong niluluto niyang sorpresa.
Sandali siyang tumahimik. “stay here…” then pinatigil niya muna yung mga kumakanta. Actually pinapasok na rin niya. pinakain niya sa kanila yung mga kakainin sana namin. I waited for about what? 30 monites? Hindi naman ako nainip kasi nasa kausap ko naman siya sa telepono. At huwag ko raw siyang susundan. Pero may mga naririnig akong sagitsit ng mantika sa kabilang linya.
Pagbalik niya ay nakaapron pa siya.
“so kasama sa outfit yan?”
Nagmadali niya itongtinggal. At naupo na rin. then came the waiters. Na dala-dala yung mga pagkain namin. Napatakip siya ng bibig. “ee yan lang nakayanan ko hon.”
Pagbukas ng mga waiter sa dish ay…
Ten tenenenen!!!
Dalawang burgers
Chickens
At ketchup
Napatakip na siya ng buong mukha niya sa kahihiyan.
“may nalalaman ka pang huwag kitang sundan ha. e ito lang pala nag niluto mo.”biro ko sa kanya.
Pero naapreciate ko yung efforts niya no. hindi na nga namin pinakanya yung singers nagshare na lang kami sa earphone niya. yung inarbor ko. tapos ipinalabs niya yung LCD TV ng resto at switch on to will time bigtime (BIG JOKE LANG. hahaha) nanood kami ng movie. A millionaire’s first love. Napanood ko na to. Kinukwento ko na nga sa kanya yung susunod na mangyayari kaya mas nainis siya. hayun tumayo siya at padabog na pinatay yung tv.
^______^ angkyut kyut niya talaga. napatingin siya sa relo niya. “malapit nang magmidnight.”
“e ano?”pananabla ko na naman sa kanya.
“malapit na kitang isuli sa mama mo wala pa rin akong nagagawang tama.”simangot niya.”palpak akong magplano.”naupo na siya at nalade-kwatro nan g upo.
Pinalo ko yung biti niya kasi nakashort nga siya diba?anggurly kaya ng outfit niya tapos ganun siya umupo.
Tumayo ako at inilahad ang dalawang kamay ko sa kanya. inabot naman niya iyon at tumayo na rin.
“may sasabihin ako sayo.”I seriously said.
Worried face na naman siya.
Hinaplos ko siya mula noo hangggan baba.”grabe. hindi ko pa nga nauumpisahan ganyan na ang itsura mo.”
Inayo ko yung blouse niya sa may balikat,”hon…”pagsisimula ko.
“oh? Huwag mo naman akong bitinin.”
“huwag kang magagalit ha?”
Pero yung mukha niya. nag-aabot na yung mga kilay niya. naninigkit na yung mga mata niya pa.
“hindi ako allergic sa seafoods…”
She was about to speak pero tinakpan ko ng kaliwang kamay ko yung bibig niya.
“sabi ko huwag kang magagalit. Kasi gusto ko lang na asarin ka. Namiss kasi kita. huwag ka nang magagalit ha?” pagpapaliwanag ko pero hindi ko pa rin tinanggal yung takip ang kamay ko sa bibig niya.
Nung hindi na siya naninigkit saka lang ako tumalima. Ngumiti ako ng bukal sa aking puso. She just stared at me. nang-uusig ang kanyang mga mata.
“I love you…”I leaned to her. hindi niya ako niyakap. Basta nakasandal lang ako sa kanya.”sorry…”
Naramdaman ko na lang yung kamay niyang nakayakap na sa akin. steady lang kami sa ganung ayos. Then she broke the silence.”thank you sa time mo hon.”
I smiled at that. “hindi mo ako matitiis eeee.”
She put distance between us. at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat,”happy?”
I nodded.
Wagas na naman siyang ngumiti ahy. Pinch on my nose.
“I love you….”
“I love you too…but…” she placed her finger on my lips.
“I know you’re not yet ready for another commitment astin.”she sincerely said.
“thank you.”
Hindi man naging perfect yung first date namin DAHIL SA AKIN. e naging masaya pa rin. hindi man niya nakanta yung pinagpraktisan niya ng ilang araw ay okei pa rin. kasi natuwa naman ako sa mga efforts niya. Pinasuot niya sa akin yung jacket niya. MCDO JACKET PRAMIS.
Hindi niya agad inistart yung van.
“bakit?”
“nothing…”
“sus.kinikilig ka lang e.”
She smiled weakly.
“oh? Anong ngiti yan?”
“hon… kiss kooooooooooooooooo…”
Ahy lintik na rann to. Akala ko kung anon g problema niya. nagmake face pa siya ahy. Inilayo ko nga yung mukha niya sa akin. natatawa naman siyang nagmaneho na lang papunta kena aryana. After about 30 minutes ay nakarating narin kami sa kanila.
Hinatid kami nung driver sa bahay namin. Siyempre inorient ni rann si aryana sa kunwareng groupdate namin kasama si Jaymee. Actually nagdate rin si aryana at jaymee sa bahay nga lang nina Aryana sila.
Pagkarating namin sa bahay ay si mama pa mismo ang nagbukas ng pinto. Hayun nagpuyat pa yan nagmovie marathon e. may insomnia kasi yan. Konting kwentuhan. Si aryana ang bida siyempre. Hindi na kami kumontra ni rann para walang sablay.
Nagyaya nang matulog itong si aryana. Sa kwarto ko kaming apat. sa lapag sina aryana at Jaymee. AHYT MALAMANG MAY FOAM NOH. ARTE KAYA NG ARYANA NA TO. AYAW NG BANIG.
Yung katabi ko nastrako na yata. Steady lang siyang nakahiga e. “ ok ka lang?”tanong ko sa kanya,
She nodded. May sasabihin pa sana siya pero sinenyasan ko siyang tumahimik kasi baka gising pa si mama. At dahil hindi pwedeng mag-ingay. Text text na lang ulit kami.
Me: thank you sa date..
Rann: thank you sa pananabla…
Me: eeeee angkyut mo kasi..
Rann: uhm…hon..antok na ako oh… -_-
Me: tulog na tayo…no touch ha? bigla-biglang pumapasok kasi si mama. Baka Makita kang nakayakap sa akin.
Rann: goodnight I love you…
Inilapag ko sa itaas yung phone ko. I saw her pouted. Tinampal ko siya sa noo.
“goodnight”I whispered.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. saglit akong tumigil. “thank you hon…” then I gived her a smack kiss on her lips. 3 seconds kiss. Then pinched her nose. Saka ako tumalikod sa kanya. pero yung kanang kamay niya hawak-hawak ang kaliwang kamay ko sa ilalim ng kumot. ginagap niya yun and I smiled.
---