M.U. 14
Ray Anne/RANN’s pov
Pasukan na ulit! I’m staying at a boarding house. Three weeks na ako dito. hanggang text at tawag na lang muna kami ni astin dahil busy na rin siya. kung pwede lang e hilain ko na yung oras para mas makausap ko na siya nang madalas e. sa gabi lang kasi kami nakakapag-usap. At sa pagod minsan nakakatulugan ko na rin siya. nag-aadjust pa kasi ako sa pagbabalik schooling. Dagsaan agad ang projects e.
Friday afternoon. Excited pa naman akong umuwi.
“ray anne, may practice tayo bukas ha?”tawag sa akin nung team leader namin. Practice ng play. >_____<
Mababait yung mga guard dito. lalo si manong na cardo. Sa kanya ko iniiwan ang mga gamit ko pag nagdiditch ako ng klase noon. Hoho. Pero noon yun, hindi ko na ginagawa ngayon.
“morning manong? Have you seen my classmates?”
“not yet. What time are you going to meet?”
Hoho. Inglesero na rin si manong ah. Sinasakyan talaga niya mgatrip ko. inabutan ko siya ng dala kong pagkain. Pancit canton lang yun at tinapay.
“thank you.”ngiti niya sa akin.”you’re looking great. Are you inlove?”pagbibiro niya.
Nag-apir naman kami. echosero rin tong si manong e. “I’m inlove with love manong.”tugon ko naman.
Naghitay ako sa may bench. May mga tables rin dito na tig-aapat ang upuan. Sabi na nga ba at malilate rin ng dating ang mga yun e. binasa ko na lang yung script na binigay ni leader. Ano naman kaya ang magiging role ko dito. pwedeng tagagawa ng lang ng props.
Epic fail na love story naman tong ginawa niyang script. Broke ba yun. tsss . sakit sa puso ahy. Then came melody. Yung sinasabi nilang pinakamaganda sa klase namin. Pero parang hindi naman.heheh. joke lang. balingkinitan nag katawan niya, mahaba ang buhok tapos yung mga maya niya kulay blue. Hindi siya mahilig magmae up pero marami ang nagkakacrush sa kanya. Naupo siya sa harapan ko.
“so late na naman sila.”simangot niya.
“I guess so..”tugon ko naman at itinuon ang pansin sa pagbabasa ulit.
“ray anne, bakit singkit ka?”natatawa niyang tanong sa akin.
Nagpanglumbaba naman ako at matama siyang tiningnan. Pinalako ang aking mga mata,”hindi naman aaahhh”
Pinalo niya ko nang marahan sa ulo,”puro ka kalokohan. Angtahimik mo sa klase. Ngayon lang tayo nagkausap ng ganito noh?’
Tumango lang ako.”busy ka kasi sa mga nagkakacrush sayo. angdami kayang lapit nang lapit sa yo.”
She sighed,”kasalanan ko pa bay un?”
“maybe,,,”ismid ko naman.
“so anong role mo sa play?”tanong naman niya.
“ewan. Kahit tagagawa ng props ok na. basta may grade.”tugon ko naman at binuklat yung script.”siguro ikaw tong bida noh?”
“sana hindi na lang. nakakasawa e.”
“angyabang mo.”saka ako tumayo.”gutom ako. gusto mo ng sandwich? Bibili lang ako sa labas.”
“no thanks.”
Bumili pa rin ako ng dalawang ham and cheese sandwich at c2. Alangang ako lang ang kumain no? pagbalik ko ay binabasa na rin niya yung script.”oh kumain ka. Angpayat mo.”
“thank you. May tumawag kanina. Sinagot ko. hindi kasi natigil e. babae.”tugon naman niya.
Nakalapag lang kasi sa ibabaw ng bag ko yung phone ko. I check on it immediately. isang message lang. from astin.
Astin: sino yung sumagot ng tawag ko?
I tried to call her pero kinakansel niya. ilang beses ko kayang sinubukan.
Astin: tinatamad akong makipag-usap. Text na lang muna.
Me: hon, si melody ung smgot. Lumbas ksi aq ng skul. Bmili ng makakain.
Astin: ah okei.
“boyfriend mo?”asked melody.
“huh? Hindi.”
“ah okei. Ilang beses kasing tumawag. Baka emergency kaya sinagot ko. sorry.”
“ok lang.”
Pero hindi talaga ok ang pakiramdam e. gusto ko siya makausap. Nakatulugan ko kasi kagabi. Tapos ito pa nangyari ngayon ahy.
Astin: oh ok lang yun. kain muna ako ha? focus ka nga diyan. ganda ng boses nung sumagot. Maganda rin sguro siya.
Me: mas maganda ka. ;’)
Astin:sus, bumabawi…geh na…makikipagdate ako ngayon. Bye.
Me: KANINO?!
Pero hindi na siya nagreply naman. ito namang si melody parang biglang naging biyernes santo ang mukha.
“are you okay?”
She nodded.
“weh? Bakit ganyan? Naiiyak ka naman.”Halla. Hindi ko naman sinasadya pero bigla na lang tumulo ang mga luha niya. inabot ko yung panyo ko sa kanya. “parang kang ewan. Umiiyak ng walang dahilan.”
she eyed me. “may tao bang iiyak nang walang dahilan!!”
“bipolar. Kanina lang ok ka. Tapos ngayon iiyak iyak ka diyan.”
Palm on her face. She keeps sobbing. Nilapitan ko siya at hinagod-hagod ang likod.”ui sorry. Anong problema mo?”
“she left me…”
“SHE???!!!”napalakas ako ng pagkakasabi.
“sige ilakas mo pa. yung maririnig ng buong campus.”pinunasan niya ang kanyang mga luha.”look ray anne. I know I can trust you. Babae yun tumawag. And hindi ko alam pero nasesense ko na hindi lang siya basta kaibigan lang sayo. saka napapansin ko rin na iba ka.”
Umayos na rin ako ng upo.
“natahimik ka diyan? tama ako no? lukso ng dugo yun.”natatawa nuyang komento pero naiiyak pa rin. baliw yata to e.
“lukso ng dugo?”
“oo. Di mo magets?”kinuha niya yung phone niya at ipinakita sa akin yung ilang confidential pictures nila.
O_o ako. hoho. Ganda nung kasama niya ahy.
“who is she?”
“ex?”tipid niyang sagot. “we just broke up last night. just for the fuckin reason na may mas maganda siyang girl sa school nila.”
“ipinagpalit ka pa huh.”I smirked.
“hell yeah.”
“why don’t you try having a boyfriend?”
“believe me. I did. pero nung makilala k si Myun hayun naconfuse ako sa sarili ko. love at firt sight.”
“OA.”komento ko na lang. wala kasi akong ibang maisip na pwedeng sabihin sa kanya e.
Dumating na rin yung iba naming kaklase kaya iniba na namin ang topic. Campus crush nga pala tong si melody. i wonder if she’s willing to give up her fame for that kind of love.
“start na tayo oh.”utos ni leader.
Si melody nga yung main character na babae at si clyde yung main character na lalaki. Ako? e wala. Ewan ko.
“leader, anong role ko dito?”
“ikaw yung lover ni melody.”
“ANO?!!!”bulalas ko.”Parang hindi ko nabasa yan sa script ah.”
Binuklat ni leader yung script.”meron diyan. si homer. Pero dahil kulang tayo sa lalaki. Ikaw na lang ang kukuha ng role niya. total gwapo na rin naman pag sinuutan ng panglalaki ei.”ngiti niya.
Demnshit talaga tong si leader. Kung makapangtrip. Walo lang kasi kami sa isang grupo at may roles na sina clyde at marlou.
“ano ate rann?”said leader.
“tinawag mo pa akong ate ha?”pero pumayag na rin ako. grade to. Baka ito pa ang hihila sa pagkaganda-ganda kong record.
Nakaligtaan ko na nga yung phone ko sa dami ng pinapagawa ni leader. Sabay sabay na kasi pati yung msic na gagamitin. Edit dito edit diyan. naglowbatt na nga yung laptop ni marlou kaya isinunod yung laptop ni clyde.
“magtatanghalian na. hindi pa ba tayo titigil?”said marlou.
OO NGA.sabi ng isip ko. kumakalam na ang sikmura ko kaya.
“rann, tumutunog yung phone mo.”tawag sa akin ni melody.
Nagmadali ko itong sinagot.
@hello po…
---naglunch ka na ba hon?
@hindi pa. hindi pa tapos tong practice. Mag-extend pa yata. Pagod na ako..
---hmm. Ok lang yan. Para sa grade yan.
@oo nga e…ikaw?kumain ka na?
Habang kausap ko siya ay nililigpit na nina melody yung ilang gamit sa play. Sinenyasan niya ako ng kakain daw muna tapos babalik ulit ng hapon.
@lunch break daw muna po…
---okei…kain ka marami huh?andito na date ko ei.
@ui sinong kadate mo ba? grabe. Hindi ka nagsasabi.
---pag sinabi ko magseselos ka lang. nu ka ba. nakakatibo nga yun e. (she chuckled pa.)
@tsss. Sige!
She then ended the call. kainis kaya yun. nakakatibo? Yung ganung komento diba. kakainis!
“are you okay lover?”natatawang pansin sa akin ni melody.
“huwag mo nga akong tatawaging lover.”irap ko sa kanya.”uwi muna ako.”
“sabay ka na lang sa amin.”alok niya.
“itutulog ko muna.”tugon ko naman.
Papalabas na kami ng campus nang tinawag ako ni manong cardo. “ray anne jhi…”
“yes manong?”
“nothing.”nangingiti niyang tugon sa akin.”kain tayo oh.dito ka na kumain.”dinalhan siya ng anak niya ng tanghalian niya. itlog maalat kamatis at mangga yung ulam niya.
“pwede?favorite ko yan e. bili lang ako ng softdrinks.”
Nagpaalam na ako kena melody. Gagala pa yung mga yun kasi. Tinatamad akong gumala lalo ganito kainit ang panahon. Bumili ako ng softdrink sa labas at humingi na rin ng plastic cups at yelo.
“manong kain na tayo…”yaya ko sa kanya.
“mas maganda yata pag kayo ang kumain nang sabay.”turo niya sa may bench sa di kalayuan.
Si astin??
Kumaway siya sa akin.
“kanina pa siya dito?”tanong ko kay manong.
“kararating lang.”
Pinuntahan ko na si astin at may dala-dala siyang take out foods. “anong ginagawa mo dito?”
“nasa mall si aryana. Dumaan lang ako dito.”inilabas niya yung mga dala niyang pagkain.”miss mo na ba ang mcdo foods?”biro niya sakin.
“mas miss kita hon e.”tugon ko naman at naupo sa tapat niya.
“bola mo. Kain ka na oh.”
Taggutom kaya sobra kaya naubos ko agad yung chicken meal na dala niya. samantalang siya maunti pa lang ang nakakain.
tumingin siya sa silong ng mesa. “hala? Natapon yata yung pagkain mo hon.”
I pouted,”gutom nga kasi ako. hindi kaya kami nagbreak kanina. Masyadong yung leader namin.”reklamo ko naman.
She extened her arm,”wait oh. Angkalat kumain.”pinunasan niya yung gravy sa may gilid ng labi ko.
O_O-me
“ganun mo ako namiss? Nakatulala ka na naman oh.”nagpangalumbaba siya at tumitig sa akin.
“astin!!! Huwag mo akong titigan oh.”
Natatawa na lang siyang niligpit yung mga styro. Lumipat ako sa tabi niya.”sino yung kadate mo? Nakakainis ka… nagseselos ako…”
She turned on her i-pod and click some folders.”secret…”she giggled.
“tsss. Kainis…”
“look oh…”pinakita niya yung picture ko nang tulog. Natatakpan ng ilang buhok ko ang aking mukha.”diba nakakatibo yan?”
Napatingin ako sa kanya.”sino kasi yung kadate mo ah?”
“hainaku… isuot mo na nga to.”inilagay niya yung isang earphone sa kanang tainga ko.”date tayo oh.”she played some music na lagi naming pinapakinggan pag kausap ko siya over the phone.
Masaya lang. binabasa ko yung script while she’s playing on her phone naman.
She then uttered the most disappointing words.”ganito rin kami ni PJ noon pag may practice sila.”
bakit bigla niyang naalala yun. ok na e. kasama ko siya. nageffort siyang pumunta dito. tapos biglang mababangit niya ang pangalang yun. at hindi lang basta-basta. So ganito rin sila dati nung sila pa. tinanggal ko yung earphone.
“halla sorry….”hawak niya sa braso ko.”hon sorry…”
“ok lang..”tipid kong sagot. Hindi na kami nag-imikan.
“rann…sorry naman oh…naalala ko lang..”
“naalala mo lang…ok…”
Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.”galit ka hon e…”
“malamang. Minsan naisip ko baka naalala mo lang si PJ sa akin kaya mas sumasama ka sa akin.”
Nabalot kami ng katahimikan. Siguro tama yung naisip ko. kaya siya natahimik. Masakit lang. sobra.
“rann, I know what your thinking. Inaamin ko minsan naiisip ko sana kung paano mo ako tratuhin ganun na lang siya sa akin. pero rann, alam ko naman hindi ikaw siya. at gusto kita makasama dahil ikaw yan.”pagpapaliwanag niya.
Tumango-tango lang ako pero hindi ko pa rin maikakailang sobra ang selos ko sa kanya. nanatali lang kaming tahimik hanggan dumating si melody.
“hi…”bati niya sa amin.
Pinakilala ko si astin sa kanya. ngumiti lang ito at tumingin sa akin na parang nang-uusig.
“im her friend. ”said astin.
Dagdag tampo pa. hooh. Rann ano bang iniisip mo. Anong ineexpect mong isasagot niya? girlfriend? partner ? love? Tsss.
“nice to meet you…”nagshakehands sila. naupo sa tapat ko si melody. “memorize mo na yung line mo?”
I nodded.”maya na tayo praktis”
“hiramin ko yung phone mo nga rann.”said melody.
“di pwede.”tugon ko naman.
“geh na…tawagan mo lang siYA…miss ko na siya..”anglungkot na naman ng mukha niya.
Tumikhim si astin.”balik na lang ko sa mall?”
“no…stay..” I bluntly said.
Nagstart ulit kaming magpraktis. Pinaakyat kami sa may stage. Scene na namain ni melody.
“hoy bleue eyes..galingan mo.”sigaw ni clyde.
Inirapan siya ni melody. So ako si jehna. Her lesbian lover. Madali lang to. I smirked.
“laos ba yung dialog?”melody said softly.
“yeah…”
Inhale.exhale. ibinigay ko na kay leader yung kopya ko ng script.
So here is the scene
[papaalis ng kwarto si melody.”babe….sorry na…hindi ko naman sinasadya e.”
“hindi mo sinadya ang alin? Yung makipaghalikan sa babaeng yung sa harapan ko pa? anong tignin mo sa akin? manhid?!”sigaw niya.
“ikaw? Anong akala mo sa akin? kailan mo ba ibebreak yung boyfriend mo! Ilang beses mo nang pinangako sa akin pero hindi mo pa rin ginagawa!”
So sigawan blues pala ang eksena namin. Mangiyakngiyak na siya. halla. Bakit parang totoo na yung pag-iyak niya ahy.
“sorry babe…”lapit ko sa kanya at niyakap siya.
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak niya. “mahal kita…ayokong mawala ka sa akin..give me time babe..give me more time…” ginagap niya ang magkabialng pisngi ko. halla melody wala sa script yan. Yung mga bughaw niyang mga mata parang nangungusap. Naiiyak na hindi ko maintindihan. Tahimik ang paligid. Parang kami na lang ang nag-eexist.”babe…huwag mo akong iiwan…”
Unti-unti lumalapit ang mukha niya sa akin. halla. Niyakap ko na lang siya.”melody..ok ka lang?”
bigla siyang kumalas sa pagkakayakap ko at pinunasan ang mga luha niya.”sorry rann….”bumalik siya sa may pwesto niya kanina.
Nilapitan ko na rin si astin. Na wala pa ring imik hanggang ngayon.”she almost kiss you.”
“she’s broke.”At katahimikan ulit ang namagitan sa amin. natapos rin ang praktis at nagyaya na silang umuwi. “hatid na kita sa mall?”
Hindi siya umimik.
“rann, hindi ka uuwi ngayon no? gusto mong sumama sa amin? inuman lang.”yaya ni melody sa akin.
At dahil parang trip ko na ring uminom pumayag naman ako. im damn jealous. Sobra lang. being compared to him? Try mo kaya. Hindi lang kasi ngayon nangyari to. Naipon alng siguro yung selos ko.”san ba? sunod na lang ako.”
“sa bahay ko.”said melody.”kita na lang tayo dun. Tawagan na lang kita mamaya.”
Tumango lang ako.
“daan tayong boarding house saglit astin. Bibihis lang ako.”sumakay na lang rin siya sa tricycle na pinara ko. buong byaheng walang imikan. Napapanis na ang laway ko.
Yung boarding house na tinutuluyan ko parang bahay rin siya. OO bahay nga. pinatuloy ko siya sa kwarto ko. naupo lang siya sa kama at inatupag yung phone niya. iniligo ko lang muna at pagbalik ko ganun pa rin. subsob pa rin sa phone. naglagay ako ng ilang damit sa bagpack ko.
“tara na.”I coldy said.
Sumunod naman siya.
“hindi ka ba magsasalita?”im getting pissed off man. Ayoko ng ganito. Hindi ko kasi alam kung anong inisip niya.
“wala akong sasabihin.”tugon lang niya.
Nagpaalam ako sa landlady namin. Nagtext si aryana na sa terminal na kami magkita-kita. “uuwi ka na hindi mo pa rin ako kinakausap.”basag ko sa katahimikan.
“wala kasi akong sasabihin.”
“ok.”
First cold war to. Hindi pa naman ako magaling sa panunuyo lalo hindi ko alam ang dahilan. Diba ako dapat yung nagtatampo? Pero ang lamig ng pakikitungo niya sa akin.
Kumaway na sa amin si aryana sa may terminal ng bus.
“dito na lang ako.”said astin at kinukuha niya yung bag niya sa akin.
Hindi ko iyon ibinigay at pinuntahan na namin si aryana.
“hintayin na lang nating yung next bus.”said aryana. Parang hangin lang siya dahl wala kamip areho reaksyon ni astin.”whhhewww..hanging habagat.”Pagdating ng next bus ay sumakay na si aryana. “ano?sasakay ba kayo? Or palalamigin niyo ang buong terminal?”
“alis na ko.”astin coldly said.
“tara…”hinawakan ko siya kaliwang braso at iginiya pasakay ng bus. Magkakatabi kaming tatlo. Ako malapit sa bintana. Pinagitnaan namin siya ni aryana. Nakatanaw lang ako sa labas.pero hawak-hawak ko ang kamay niya.
“bru, akala ko ba hindi ka uuwi?”said aryana.
“nagbago ang isip ko. matutulog ako sa inyo.”
“huh? Umuwi ka kaya sa bahay niyo.”
“bukas ako uuwi dun. Kuha lang ako budget ko.”malamang hindi na siya kokontra. Ginagap ni astin ang kamay ko at sumandal siya sa balikat ko. nung marami na ang nasakay ay binitiwan ko na ang kamay niya at umayos na rin siya ng upo.
Then my phone rang. nagfaflash ang number ni melody. Sinagot ko iyon and put on my earphone.
“hello…
Sorry melo…
Uuwi kasi ako e..
Yeap…
Kita na lang sa Monday…
Huwag mo na muna siyang isipin…
Babalik rin yun kung mahal ka niya talaga…
Bye…”
“chic mo yun bru?”usisa ni aryana.
“hindi.kaklase ko lang.”tugon ko naman.
Umandar na ang bus at higit dalawang oras ko ring makakasama si astin. Napapahikab na siya. at tuluyan nang sumandal sa balikat ko.
“maya ka na matulog. Sasakit lang ang ulo mo e..”saway ko sa kanya, pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa kamay ko.
“thank you rann.”she uttered.
Napangiti na lang ako sa thank you na yan kung ano man ang ibig niyang sabihin. Nagstop over kami kena aryana. Kain konti saka namin hinatid si astin. Yung can ulit nila ang ginamit namin at ako ang nagmaneho. Sa likuran naman si aryana ngayon.
“maghihiwalay ulit tayo…”biro k okay astin.
“atleat hindi ka magiging kissing monster with blue eyes.”irap niya sa akin.
“ah ganun ha?si nurse eva Justine Borja nagselos kay blue eyes??”bulalas ko.
“not really… ayoko lang may mabiktima ka ulit.”
Nagkibit balikat lang ako.”ok..sabi mo e.”
Hindi na kami bumaba ni aryana pagkahatid kay astin. Pagod na rin kasi ako. gusto ko na lang itulog. pero nagtawagan pa rin kami pagkauwi namin ni aryana.
--