UNANG nag-iwas ng tingin ay si Arnoux. It was like their eyes only accidentally met and then nothing happened after. Nagpatuloy na ito sa paglalakad papunta sa kadalasang upuan nila sa tuwing napagti-tripan nilang pumasok.
But for Nurie, that five-second-stare was like an hour long because of how her heart reacted. Hindi lang ito basta tumib*k dahil katulad ni Ynggrid ay ganoon na lang ka-exagerrated ang naging reaksyon ng puso ni Nurie sa maikling sandaling iyon.
Parang nagkaroon ng karera ng mga kabayo sa puso niya samantalang daig pa niya ang nagbabad sa sauna sa biglang pag-iinit ng mukha at katawan niya. Kung hindi lang talaga dahil sa pagiging praktisado ng mukha niya ay baka hindi lang siya ang makapapansin sa kakaibang reaksyon niya.
Unlike the internal chaos she had, the external expression on Nurie’s face was her usual countenance. Maliban lang sa bakas na kunot sa kanyang noo ay ganoon pa din naman ang itsura niya.
Mabuti na lang talaga ay hindi nagtagal ang tinginan nilang iyon dahil nasisiguro ni Nurie na hindi lang basta panloob ang makikitang reaksyon niya kung ‘di mababakas din iyon sa panlabas.
She might feel disappointed and a little bit sad about how she was treated by her mate, but Nurie could only blame that to their dynamics as mates. Kung hindi lang naman dahil doon ay paniguradong katulad pa rin ang lahat sa dati, just like what she and Arnoux silently decided.
Dahil nga sa hindi na nagkaroon pa ng pag-uusap si Nurie at Arnoux bago siya bumalik sa sarili nilang teritoryo ay napagdesisyunan na lang ni Nurie ang umaktong gaya ng dati. Sa nagdaang tatlong araw na ibinigay sa kanya ng school bago makabalik ulit ay iyon lang ang naisip niyang solusyon pansamantala.
Since the alpha doesn’t seem to want to have any relationship with her, Nurie could give him the space he wants. Temporarily, since she is an omega, which is marked, having no interaction with her alpha would result in any dynamic deterioration.
Kaya pansamantala lang ang oras na ibibigay ni Nurie kay Arnoux para makapag-adjust ito. She might be the submissive type between them, being the omega but unfortunately for Arnoux, Nurie is not the ordinary type of omega. She’s not only dominant based on their gender traits but she’s dominant inside and out.
All she could do was ignore all the emotions that were triggered by that short glance and focus on other, more important things. Siya lang naman mamasamain kapag nag-overthink pa siya sa mga bagay-bagay na sa simula pa lang ay nalinaw na sa kanya.
If Arnoux really wishes to act and treat her like they were before—total strangers—then Nurie can give that to him. But of course, there will be a deadline. At kapag dumating ang deadline na ibinigay ni Nurie, whether the alpha would like it or not, he has no choice but to accept Nurie in his life—that’s the goal.
“Wow. Hindi ko alam na may radar pala ang mga alpha kapag pinag-uusapan sila ng mga omega. Parang pinag-uusapan pa lang natin sila tapos ayan nga at biglang sumulpot na parang kabute,” ani ni Ynggrid.
Sa sinabing iyon ni Ynggrid ay napatingin na ulit si Nurie maging si Sabina sa kaibigan nilang hindi na yata mapigilan ang pagbuka ng bunganga. Hindi niya rin malaman kung matatawa ba siya sa birong iyon ni Ynggrid o kaya naman ay maiinis. Mukhang wala na talaga siyang ibang choice kung ’di ang pag-tiisan ang ugaling iyon ng kaibigan. Makakasanayan niya rin iyon.
“What radar? Ang sabihin mo, sadyang may mga sabit lang ’yang mga ’yan. Sa lahat ng araw na pwede silang pumasok ay bakit ngayong araw pa nila na-trip-an,” pabulong na reklamo sa kanila ni Sabina.
Mabuti na lang talaga at may kalayuan ang pwesto nila mula sa pwesto ng grupo ni Arnoux dahil nasisiguro ni Nurie na sa lakas ng pandinig ni Arnoux ay may posibilidad na marinig sila nito.
Although she actually has no reason to worry about it. Eh ano naman kung marinig ni Arnoux kung paanong masira ang imahe nito sa harap ng mga kaibigan. Deserve naman nito kung tutuusin. At hindi naman kasinungalingan o paninirang-puri ang mga pinagsasabi niya sa mga kaibigan. She’s just sharing with them what happened in a truthful way because they ask her of it.
Kaya hindi din naman niya basta-basta lang ipinagkakalat ang tungkol sa nangyari. At hindi rin naman basta-basta kung sino lang sina Sabina at Ynggrid dahil halos mga kapatid na niya ang dalawang kaibigan. So Nurie did not break her promise of not telling anyone about their secret. Kahit din naman i-share ni Arnoux ang nangyari sa mga kaibigan nito ay walang kaso din iyon kay Nurie.
Sa ganoong paraan ay nalinis ni Nurie ang kanyang konsensyaukaya naman ang kaninang nararamdamang guilt nang ma-realize niya na naibahagi niya sa iba ang nangyari sa kanilang dalawa ni Arnoux na dapat sana nga ay sikreto lang.
“Oo nga ano? Ano kaya ang trip ng grupo ng bondpaper na ’yan at naisipang magsipasok. O baka naman wala na silang maisip na gawin kung ’di ang pumasok na lang.”
Napatango naman si Nurie sa kanyang isip sa sinabing iyon ng kaibigan. Madalas naman kasing hindi um-attend ng mga klase ang grupo ni Arnoux at kung saan-saang parte ng school lang makikita imbes na nasa klase.
Hindi din naman masabi ni Nurie kung dahil ba sa ganoon na lang ka-nurtured at katalino ng mga ito dahil sa kahit mga basic classes nila ay hindi pumapasok ang apat pero kahit ganoon ay ang tataas pa rin ng mga grado.
Napapailing na lang talaga si Nurie. She couldn’t deny that sometimes, you will just find people who would make you think that life is really unfair.
“Guess we can no longer hear the rest of the details on what happened. Tsaka na natin ipagpatuloy ang pag-uusap sa break. Hindi rin naman tayo makakapag-usap ngayon panigurado,” biglang ani Sabina.
“Sus. For I know, ayaw mo lang magsalita ngayong nandito na rin si Cuen. Speaking of, may kailangan ka din palang ikwento sa amin! Kung akala mong makakatakas ka, asa ka! Pagkatapos ni Nurie magkwento, kailangan mo din saming i-share kung anong nangyari sa initiation rites mo!”
Kitang-kita ni Nurie ang mabilis na pamumutla ng mga labi ni Sabina. Ang nakapagtataka lang kay Nurie ay kung paanong namutla ang labi nito pero ganoon na lang pamulahanan ang mukha ni Sabina.
“May sinabi ba ako? At wag kang feeling innocent diyan! Mayro’n ka ring dapat na i-share sa amin ano! Akala mo ba, hindi ko malalaman na hindi mo sinipot iyong invitation ko sa ’yo? You also have to explain to us why you didn’t come and where you are for the rest of the initiation week!” biglang balik ni Sabina na nagpatahimik kay Ynggrid.
Nalipat naman tuloy kay Ynggrid ang tingin ni Nurie. Obviously, hindi lang pala siya ang may ganap sa nangyaring initiation week dahil may kanya-kanyang ganap din pala sa buhay ang mga kaibigan niya.
Bigla tuloy na-curious si Nurie sa kung ano nga bang nangyari sa initiation rites ni Sabina at Ynggrid at ganoon na lang ang reaksyon nila. Unfortunately, maliban sa may klase pa sila ay mauuna muna siyang ma-hot seat ng mga kaibigan pagkatapos ng klase nila.
“I CAN VOUCH that it was you guys, who are the topic of the girls’ maritesan session for today’s video,” ani Vance sa tahimik na mga kaibigan.
Kasalukuyan silang tahimik at animo’y mga butihing mag-aaral na nakikinig at nakatingin sa harapan kung saan nagtuturo ang kanilang guro para sa kanilang aralin sa araw na iyon.
Pero alam ni Vance na pabalat-anyo lang ng mga kaibigan at ang totoo niyan ay may kanya-kanyang iniisip ang mga katabi na hindi naman related sa itinuturo ng teacher sa harap.
At dahil buryong-buryo na rin siyang makinig sa alam na rin naman niyang topic ng teacher ay naisipan na lang niyang guluhin ang mga mapagpanggap na mga kaibigan.
“Pustahan na lang, ano? Pupusta ko iyong bagong maybach ko, kayo ang topic nang mga chicks niyo.”
Unang-unang nag-react ay si Arnoux. “What chicks? Who likes those obnoxious she-wolves? And they don’t look like chicks but more like dudes instead!”
Mabilis na nagpigil ng tawa sina Vance kung saan halos hindi naman mapigilan ni Cuen ang matawa habang tatango-tango pa sa sinabing iyon ni Arnoux.
“Grabe ka do’n, Arnoux pero tumpak ka naman sa sinabi mo. Although instead of looking like dudes, they act more like a dude. Pero hindi mo maitatangging they are the finest cuisines in the whole school and probably in the whole city,” pagtatanggol ni Vance.
“Teka nga lang, Vance. May gusto ka ba sa isa sa kanila at grabe mo na lang ipagtanggol ang mga babaeng ’yan?” nakakunot ang noong tanong ni Cuen sa kaibigan.
“I like their types, but not them personally. Gets mo ba?” mabilis na sagot naman ni Vance.
Pagkatapos sabihin noon ay sandaling natigilan si Vance bago makahulugang napatingin kay Cuen.
“At bakit parang ayaw mong may magustuhan ako sa kanila? Hindi ba’t kayo na rin naman ang may sabing hindi niyo sila type? So what is it to you guys if I like one of them?” pang-tutudyo ni Vance na palagi na lang talagang trip asarin ang mga kaibigan gamit ng mga salita.
Natahimik tuloy ang mga kaibigan na napaiwas pa ng tingin sa kanya. Hindi tuloy malaman ni Vance kung matatasa ba siya o ano. Sa huli ay napailing na lang siya.
Magsasalita na sana ulit siya para itanggi ang mga sinabi nang maunang magsalita si Keegan na kanina pa nananahimik.
“She may not be my type but logically speaking, she’s my mate now so you can pick from the other two except Stroud.”
Sabay na napalingon si Arnoux at Cuen kay Keegan nang masama.
“That omega’s my mate as well. I hate her to the core but I don’t have a choice but to accept her since we’re mates. So keep away, Bartelle,” Arnoux rightfully said.
“Same with me. She’s my mate so she’s basically mine, legally and logically. So go find your own, Vance or I would forget you’re a friend. Kilala mo ako, Vance. Hindi ako mahilig makihati,” ani naman ni Cuen na sinamaan pa ng mata si Vance.
Mabilis na naitaas ni Vance ang dalawang kamay sa ere. Hindi na naman niya malaman kung matatawa ba o ano dahil sa naging reaksyon ng tatlo.
“Woah, easy men! Masyado kayong hot! Hindi ba kayo na-inform sa salitang joke? Grabe, parang biglang wala tayong pinagsamahan ah?”
Malakas na napaingos si Arnoux samantalang pinandilatan pa muna ni Cuen si Vance bago muling napaharap. Si Keegan naman ay tahimik lang na humarap ulit sa gurong nagtuturo.
“What the…” mahinang anas ni Vance at hindi makapaniwalang napatingin sa mga kaibigan.
Nagkaroon lang ng sari-sariling mates, mukhang nagkalimutan na rin ng pagsasamahan nila bilang magkakaibigan.
Iiling-iling na napaub-ob na lang si Vance sa kanyang lamesa at napag-isip-isip na maidlip na lang. Hindi niya kasi talaga magawang makinig. Mas mabuti pang matulog na lang siya.
Kahit pa nga gaano naging kapansin-pansin ang nangyari sa pagitan ng magkakaibigang alpha ay patuloy lang ang kanilang klase na parang walang narinig o nakita ang gurong nagdi-discuss sa harap. Maliban sa nakaupo sila sa pinakaitaas na row ng upuan malayo sa podium sa baba kung nasaan ang gurong nagtuturo, mukhang napagkasunduan na ng mga guro ang ignorahin ang apat na ito kahit pa gaano sila kaingay o kagulo sa gitna ng klase.