“NURIEBELLE JAYNE Aggasi!”
Napatakip si Nurie sa kanyang mga tainga at napahinto sa paglalakad nang marinig niya ang malakas na pagtawag ng mga kaibigan niya sa pangalan niya. Kahit hindi niya lingunin kung sino ang mga iyon ay alam na ni Nurie na ang dalawang kaibigan niya ang walang-habas na isinigaw ang pangalan niya.
Mabuti na lang dahil hindi pa naman sila tuluyang nakalalabas sa parking ng school, kaya naman hindi ganoon karami ang mga taong makaririnig sa kumpletong pangalan niya.
Ilang segundo pa lang na napahinto siya sa kinatatayuan ay dumating na rin sa wakas ang mga kaibigan na magkabilaan pa siyang niyakap. Parang palaman na naipit tuloy siya sa pagitan nang dalawa.
“Nurie! I’m so glad to see that you’re fine. Akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa ‘yo!” mangiyak-ngiyak na anas na Ynggrid na siyang naunang kumalas.
Sumunod din naman agad ng kalas si Sabina at seryoso ang mukhang sinipat ang buong katawan ni Nurie kahit na bara-bara naman ang ginagawa nitong pag-check-up dahil sa binaling-baling niya lang ang katawan ni Nurie at pinaikot.
“Wala ka namang kahit anong sugat o pasa ‘di ba? Wala bang masakit sa ‘yo?” tanong pa nito
Napairap na itinulak ni Nurie palayo sa kanya ang kaibigan. “Kapag pinaikot-ikot mo pa ako ay talagang masasaktan na ako.”
Nakangiting napa-peace sign lang si Sabina sa kaibigan. “Sorry, hehe.”
Hindi naman na pinansin pa ni Nurie si Sabina at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Hindi niya rin muna sinagot ang tanong ng mga kaibigan na hindi rin naman nangulit dahil alam nilang hindi sasagot si Nurie hangga’t nasa maraming tao sila.
Kaya naghintay muna silang makarating sa loob ng classroom para doon makapag-usap ng matiwasay. While doing so, they were also talking about other things. It took them a couple of minutes before they reached the classroom.
At syempre, umupo ulit sila sa bandang itaas sa gitnang row kung saan ang kadalasang pwesto nilang magkakaibigan. And as always, she was once again seated in between the two.
“Okay, since nakaupo na tayo, pwede mo na ba kaming kuwentuhan tungkol sa nangyari sa ’yo, Nurie?” seryosong tanong ni Sabina.
“Oo nga. Hindi sa hindi kami nag-alala sa ’yo ha, pero since you looked well naman, mas curious na kaming malaman ang nangyari,” Ynggrid suggestively said.
Napapairap na lang si Nurie na napaisip naman kung saan at kung paano sisimulan ang pagkukwento niya. Despite the fact that her two friends were only trying to be nosy, Nurie still wanted to share everything with them.
Paraan niya rin naman iyon para indirectly na kumuha o humingi ng advice mula sa mga ito at the same time, way niya rin iyon para maglabas ng sama ng loob.
Sa ilang araw kasing lumipas mula ng makabalik siya sa teritoryo nila ay naroon pa rin talaga ang hindi mabura-burang pagkainis dahil nga sa nangyari sa pagitan nila ni Arnoux.
Hindi sanay si Nurie na may kasamaan ng loob. Kung mayroon man ay palaging sinisiguro ni Nurie na hindi tatagal ng isang araw ang samaan na iyon at gagawa siya ng paraan para lang magkaayos sila.
So she didn’t know if it was because of her ego as a dominant omega that her usual way of solving things didn’t happen at talagang natiis niya ang umalis nang hindi nareresolba ang problema.
Kahit naman siguro anong pilit ang gawin niya nang mga oras na nandoon pa siya ay nasisiguro niya rin na wala ring mangyayaring pagkakaayos o kahit simpleng ceasefire. Sa lahat yata nang nakilalang alpha ni Nurie ay wala nang mas titigas pa ang ulo kaysa kay Arnoux.
Kaya naman kahit ano pang pagpapakumbaba ang gawin ni Nurie ay hindi niya rin makakausap ng matino ang lalaki. Paano pa kaya ang makabati ito? Baka kapag nagpumilit lang din si Nurie katulad nang pagmamatigas ng ulo ni Arnoux ay baka mauwi lang ulit sila sa mas malaking hindi pagkakaintindihan. Mas mabuti pang pahupain na lang muna nila ang tensyon sa pagitan nila.
Maybe after a few weeks or so, when their minds are clear, they will have that proper talk that they needed.
“Honestly, girls, I don’t have an idea what to even share with you,” nakabuntonghiningang wika ni Nurie.
“Eh kung sagutin mo na lang ang tanong namin?” Ynggrid suggested.
At dahil sa hindi talaga alam ni Nurie kung paano magsisimula ay napatango na lang siya rito.
“Okay, first question should be asked by me. Is it true that you are really marked? How about your fixed mate, Arnoux? And who’s the lucky b*stard?” sunod-sunod na tanong ni Ynggrid.
If not for her voice, which wasn’t that loud but was loud enough for them to hear, Nurie might have already put something in her mouth to keep the other from bombing her questions.
“For real, Ynggrid? Akala ko ba ay first question lang? Eh bakit ang daming follow up?” nakataas ang kilay na tanong ni Sabina.
Nginitian lang naman niya ang kaibigan at muling napatingin kay Nurie, naghihintay sa sagot nito. Napabuntonghininga lang tuloy si Nurie dahil katulad ng sabi niya ay wala talaga siyang choice kung ’di ang pagbigyan ang mga kaibigan.
“Okay. Don’t feel pressure, my friend. Pwedeng iyong first question muna ang sagutin mo,” dagdag ni Ynggrid nang hindi kaagad sumagot si Nurie.
“Salamat ah?” Hindi naman napigilan ni Nurie na magtunog sarcastic.
Sometimes, she really has no idea how she became friends with Ynggrid. Sa totoo lang ay pinakaayaw niya talaga ang pagiging nosy ng isang tao. Mukhang may ibang way talaga ang Goddess para itest ang limit mo. Kung anong pinakaayaw mo, ’yun pa talaga ang pilit na ibinibigay sa ’yo.
“Well, the answer to your first question is yes.”
Parang timang na napatili si Ynggrid nang walang tunog samantalang si Sabina naman ay halos makita na niya ang ngala-ngala sa laki ng pagkakanganga kung hindi lang agad nito natakpan ang bibig ng kamay.
Hindi tuloy malaman ni Nurie kung matatawa ba o mabubwisit siya sa pagka-OA na reaksyon nang dalawa.
“What is the feeling? Masakit ba? Did it leave a visible bite mark?” Sabina bombarded her with question after question.
Titingnan pa nga sana ni Sabina ang likod ng leeg ni Nurie para makita ito pero mabilis na hinila ni Ynggrid ang kaibigang alpha.
“That wasn’t the question we prioritized asking, Sabina. H’wag ka ngang lumilihis diyan,” seryosong suway ni Sabina na animo’y napakaseryoso din ng sinasabi niya.
“Now back to the topic. Tapos na ang first question kaya sa follow up questions na tayo. So, sino ang nagbigay sa ’yo ng markang ’yan, Nurie?” seryoso ring tanong ni Ynggrid kay Nurie.
Napaiwas ng tingin si Nurie at nanatiling tikom ang bibig. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha pero alam niyang hindi naman iyon ganoon ka-visible. And that wasn’t the reason she looked away.
Napaiwas siya nang tingin dahil sa hindi niya alam kung paanong sasabihin ang pangalan ng alphang nagbigay sa kanya ng marka. Sa isip pa lang niya ay nakikinikinita na niya ang mas OA na reaksyon ng dalawa sa oras na malaman nila kung sino ang swerteng alpha na tinutukoy nila.
“Why aren’t you saying? Kahit name lang, Nurie. You know, kahit naman itago mo sa amin ay mga tao pa rin kaming pwedeng pagtanungan. We are just asking you kasi mas gusto naming sa iyo malaman. We’re best of friends after all. What are friends for, right?” Ynggrid tried to reason out.
“Even if I don’t want to agree with Ynggrid, she’s right, Nurie. Para namang iju-judge ka namin! Wala ka na bang tiwala sa amin?” dugtong din ni Sabina.
Hindi na yata mabilang pa ni Nurie kung nakailang beses na siyang napabuntonghininga. Umagang-umaga pa lang pero heto nga at daig pa niya ang pinagsakluban nang langit at lupa.
“Let me answer your second question first, Ynggrid, since this is also related to your follow up question. Iyong tungkol sa pagiging arranged marriage ko kay Arnoux.” Parang mga laruang aso na sabay napatango ang dalawa.
“The engagement is still on and the marriage will be moved much earlier than expected. Instead of marrying after being full-pledge adults, we will have to marry after we graduate from secondary education.”
“What?!” magkasabayang sigaw na naman ng dalawa.
“You mean after nating grumaduate ngayon, ikakasal na kayo? Hindi ba’t wala nang isang taon ay graduate na tayo?” Ynggrid inquired.
“Oo nga naman, Nurie. Okay naman na iyong pagkatapos natin grumaduate sa secondary level. At least doon, maliban sa mayroon ka nang professional career, mas marami ka nang alam tungkol sa ABO dynamics,” nag-aalalang saad naman ni Sabina.
Nurie felt touched by how her friends cared and worried about her. Kahit gaano pa kadalas siyang asarin ni Ynggrid at Sabina, hindi maipagkakaila ang pagmamahal nito sa kanya. Dahil sa pagiging omega niya, she was treated as the youngest sister between the three. At dahil laking spoiled din naman siya ng mga magulang, walang kaso iyon sa kanya. She actually loves the special attention and care that her two best friends sl*sh sisters give her.
“It’s the first time that you two did not focus on other things aside from what I was saying,” Nurie joked, trying to lighten up the mood. “How about asking me what’s the reason for the date adjustment?”
Biglang napasinghap si Ynggrid na medyo nagpagulat pa kay Nurie. Sa ekspresyon nito ay mukhang nagising na si Ynggrid at nabalik sa tunay nitong katinuan.
“That’s right! Bakit nga nagawa pa ring ituloy ang engagement kung may nakamarka na sa ’yo, Nurie?” Then she exaggeratedly gasped while pointing at Nurie. “Omg, don’t tell me! Ayaw nina Tito ang alpha mo kaya naman pinilit pa rin nilang matuloy ang engagement niyo ni Arnoux?”
Hindi na napigilan pa ni Nurie ang mabatukan si Ynggrid. Maliban sa pagiging chismosa ng kaibigan ay kinaiinisan din talaga ni Nurie ang pagiging exaggerated nito sa mga bagay-bagay. She wanted to get used to it but there were times she couldn’t just take it. Just like now.
“Please lang, Ynggrid. Don’t make my situation overly dramatic,” naka-irap na suway ni Nurie sa kaibigan.
Natatawang nagsalita naman si Sabina para pumagitan sa kanila. “Maybe you should start being direct, Nurie, dahil hindi talaga mapipigilan niyan ni Ynggrid ang pagiging exagerrated niya.”
And Nurie did as she was told. Baka kasi kung saan na naman mapunta ang usapan dahil sa kung anu-anong segway nila. Nurie told her only friends about what happened from the very beginning, without missing any details.
Ayaw naman kasi ni Nurie na makarinig ng bias na advice mula sa mga kaibigan. Although she can’t tell them the side of the story about what happened, at least they could have grasped some idea about it based on her perspective.
“Oh my—”
Bago pa man nga tuluyang makagawa ng unwanted na ingay si Ynggrid matapos ng pinaiksi niyang bersyon ng kwento ay halos magsabay pa sila ni Sabina sa pagtakip ng bibig nito.
“Tone yourself down, Ynggrid!” suway pa nga ni Nurie at napatingin pa sa paligid.
It was also the moment when Nurie realized that the classroom, which had only them around, was now full of students aside from them. Paniguradong ilang minuto pa ay magsisimula na ang klase.
Para hindi sila magmukhang suspicious ay hindi rin naman nagtagal at inalis din nila ang nakatakip na mga palad sa bibig ni Ynggrid.
“Sorry. Hindi ko lang talaga napigilan. Naghalo-halo na kasi iyong emotions ko after all your shocking revelations. Mula sa gulat, naging hindi makapaniwala, tapos biglang naging galit at inis and balik na naman sa gulat na may halong ahem!”
It was really fun to watch how Ynggrid storytells. Kung ano kasi ang emosyon at tono ng pananalita niya ay siya ring ekspresyon niya sa mukha. So her expression was so full from surprise , disbelief, and that playful glint at the end that Nurie and even Sabina were sure that Ynggrid was thinking of some frivolous things.
“Oh, ba’t gan’yan kayo makatingin? Sa paraan ng pagkakatingin niyo sa akin ay parang ine-expect niyo na may gagawin akong masama,” natatawang ani Ynggrid na napansin din yata ang pamilyar na tingin sa kanya ng mga kaibigan.
Muling napairap si Nurie kay Ynggrid bilang sagot samantalang napatawa na rin si Sabina. They were having that moment when suddenly, the aura in the room changed. Ramdam nila iyon dahil ang kaninang tawa ni Sabina na hindi naman dapat maririnig dahil sa maingay na paligid ay halos mangibabaw na sa biglang katahimikan na kumubkob sa paligid.
Nurie was curious but she’s not a cat so she did not turn her back. On the other hand, her friends who were facing her side would definitely see what was going on behind her and have a different expression after looking at her back.
Ang kaninang magandang ngiti sa mga labi ni Sabina ay napalitan ng busangot na may kasama pang pagkunot ng noo samantalang si Ynggrid naman ay nakangisi at nakataas ang kilay na nakatingin sa likod niya.
“Speaking of the devil,” mapanuyang bulong ni Ynggrid dahilan para tuluyan na nga ring mapalingon si Nurie sa likod.
And there she saw the “attraction” that made everyone silent and wonder. Ang mga atraksyon na ito ay walang iba kung ‘di ang samahan ng mga alpha na siya lang namang tinitingala at hinahangaan sa batch nila.
Matapos ng ilang segundong katahimikan ay nagsimula na ang bulong-bulungan dahilan para biglang maging bahay ng bubuyog ang classroom dahil sa samu’t saring boses na maririnig.
Hindi naman na nabigyan pa ng pansin ni Nurie ang tungkol doon dahil nga sa oras na paglingon niya sa likod ay siya ring pagtama ng mga mata nila ni Arnoux. It was only a brief glance but because of their bond as mates, Nurie could hear the loud and abnormal beating of her heart.