KATULAD nang iniutos kay Arnoux ng ina ay sinamahan nga nito si Nurie sa paglilibot sa kanilang lugar. Although Nurie can’t be called it like that when it was like the man was just walking randomly around while Nurie was following the other like some lost puppy.
Kahit ano pa ang itanong ni Nurie o sabihin niya sa lalaki para lang magkaroon sila ng usapan ay tikom lang ang bibig ng alpha na para bang wala itong naririnig o baka nga sa isipan nito ay wala siyang kasama.
Nakangusong tahimik na nakasunod si Nurie kay Arnoux, nag-iisip kung ano pa ba ang maaari niyang gawin para lang pansinin siya ng lalaki.
She knew that the alpha was mad at her, but she couldn’t be sure of the reason why. Ayon sa pagkakakilala ni Nurie kay Arnoux ay ito ang tipo ng alpha na galit sa mga omega’ng kagaya niya. The reason for it was also well known to everyone in school.
Alam nang lahat na hindi talaga galit sa omega si Arnoux. It was the unbreakable connection of the omegas to the alphas and how the dynamics between the two genders affected his beliefs about shifters and werewolves.
Hindi na bago sa lahat kung gaanong kinamumuhian ni Arnoux ang dynamics na mayroon ang mga omega at alpha lalo na kung paano na lang naaapektuhan ng simpleng instincts ang utak ng isang shifter.
Arnoux hated how the alpha would lose their sanity just because of an omega, and Arnoux hated how weak and fragile an omega can be in front of an alpha.
In other words, Arnoux hated the complexity of the so-called secondary gender dynamics that had ruined the categorical system of the legendary werewolves. Whether they are alpha or omega, they are supposed to be strong enough that they can still fight with each other.
Pero dahil nga sa pagkakaroon ng secondary gender, ang malalakas na werewolves ay napalitan ng mahihinang shifters na siyang hindi talaga matanggap ni Arnoux. It should be a category based on strength, not gender.
Ngunit hindi maunawaan ni Nurie kung bakit ganoon na lang katindi ang galit na nararamdaman niya mula kay Arnoux. Na para bang lahat ng galit nito ay ibinuhos sa kanya ng alpha kahit pa nga ultimo siya ay biktima lang din.
Dahil sa kanilang bond matapos siyang markahan ni Arnoux ay mayroon na silang espesyal na koneksyon kung saan may kakayahan na siyang basahin ang emosyon ng kanyang alpha gamit ang kanilang bond.
At kahit hindi na amuyin ni Nurie ang emosyon ni Arnoux sa pamamagitan ng inilalabas nitong pheromones ay alam na niya na galit ito. Iba sa galit na madalas nitong ipakita at ipadama sa harap nang ibang omega.
At dahil nga sa kakaibang koneksyon nila bilang mates ay mas matindi ang epekto noon sa kanya. Na para bang mga kamay ang pheromones ni Arnoux na pilit siyang sinasakal hindi lang sa kanyang leeg kung ’di sa iba pang parte ng kanyang katawan.
“Is it because we are now bonded? But I didn’t force him to mark me. I’m not even blaming him for what he did, yet he was acting more like a victim,” reklamo ni Nurie sa kanyang isipan at napanguso.
Totoo naman kasi. Kung ikukumpara sa kanilang dalawa, si Arnoux dapat na siyang nasa katinuan pa ang dapat na pipigil sa kung ano dapat ang mangyari pero heto ngayon ang alpha at siya ang sinisisi.
But Nurie knew that it would be useless for her to tell that to the alpha, who was always closed-minded when it came to this type of situation. Sa galit nito sa mga omegang katulad niya ay hindi na imposible sa kanya ang ganitong reaksyon ng lalaki.
If she’s being honest, she already expected this reaction from Arnoux. Hindi pa man siya nabibigyan ng chance para mas kilalanin ang alpha pero base pa lang sa reputasyon nito sa school ay hindi na mahirap basahin ang magiging reaksyon nito sa nangyari.
Pero kahit ganoon ay hindi pa rin magawang tanggapin ni Nurie kung bakit sa kanya nagagalit at ibinubuntong ni Arnoux ang sisi. Napaka-unfair lang kasi talaga sa parte niya bilang babae—omega man o hindi.
“What a liar!” Nakangusong pasaring ni Nurie.
Sinadya niya talagang lakasan ang boses para kahit anong pagpapanggap pang gawin ni Arnoux na hindi siya naririnig ay paniguradong maririnig at maririnig pa rin siya ng lalaki. And she’ll make sure that she will receive a response from the stubborn alpha—a negative response or not—that is still a response. And she’ll take any of that.
“May pa-promise-promise pa kay Tita Sari, ‘asan na ang ‘be good to her’ na sinasabi niya?” nakabusangot na pagsisimula ni Nurie.
Since Arnoux wasn’t taking her seriously, she would also treat the alpha inadvertently. Nungkang magpapatalo si Nurie dahil lang sa pagsasawalang-bahala sa kanya ng lalaki. Although she can’t ignore the man like he is doing towards her, at least she can make the man notice her whether he wants it or not!
Kung sa tingin ni Arnoux na mapapasuko niya si Nurie sa ganoong paraan ay malaking pagkakamali ang napili niya. Mas lalo lang siyang iinisin ni Nurie dahil sa napili nitong paraan.
“What an alpha. Ni wala ngang isang salita. Mas magaling pang alpha si Sabina kaysa sa kanya eh. At least Sabina has a firm stand. May paninindigan sa kung ano man ang binitawang salita niya. Hmp! Naturingan pang alpha. If I had known I would be mated with this type of a man, I should just have accepted Sabina’s offer!”
Another thing that Nurie knows about Arnoux is how proud the man is of being an alpha. Apakan mo na lahat sa kanya ‘wag lang ang dignidad niya bilang alpha.
Nurie counted from one to three in her mind before she quickly erased the victorious smile that was plastered on her lips when Arnoux madly turned in her direction. Kung gaano kabilis na humarap ang alpha sa kanya ay ganoon din kabilis na nagpalit ng reaksyon si Nurie.
“W-what?” painosenteng tanong ni Nurie nang tinitigan lang siya ni Arnoux.
Actually, she wanted to continue her act, but she changed her mind when she saw just how angry the alpha had become after what she said. May pagdududang napatingin tuloy si Nurie kay arnoux lalo na nang maramdaman niya kung gaano na lang katindi ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
If looks could k*ll, no doubt she’ll probably be dead by now. Halos panlisikan na kasi siya ng mga mata ni Arnoux sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. And as an omega who already forms a mate bond with the said alpha, natural na kay Nurie na maapektuhan ng tingin nito.
Kahit nga hindi pa siya bonded sa alpha at isang normal lang na omega ay kapag nakaharap lang ang galit na galit na tingin ni Arnoux ay paniguradong maaapektuhan. Sa mga oras na iyon ay parang gusto na lang ulit ni Nurie na bumalik ang sakit niya para hindi na maramdaman ang hindi komportableng pakiramdaman na binibigay ng mga tingin sa kanya ni Arnoux.
“Maybe I overdid it?” Nurie internally said as she bit the inside of her cheek.
“I really hate you, you know,” Arnoux dangerously spat.
At parang niyurukan ang puso ni Nurie sa narinig at nakita. Hearing those painful words from the alpha who mated with you with that tone that really showed his hatred towards you and those glaring eyes that are looking down on you really makes an omega like her feel broken in and out.
Iyong pakiramdam na para bang huminto ang pagtib*k ng kanyang puso. Hindi man iyon masakit pero iyong pakiramdam na para kang mamamatay ay sapat na para magbigay ng matinding takot para kay Nurie.
It was her first time feeling that way. Kahit isa sa mga tao sa pack nila o kahit mga kakilala niya ay hindi siya pinakitaan ng ganitong katinding pagkamuhi at poot. At kung magkaroon man ay nasisiguro niyang masasaktan talaga siya ng sobra.
Pero nasisiguro din niyang ibang sakit iyon kumpara sa nararamdaman niya ngayon. The other was a type of pain that would make her unbearably cry, but the current pain she’s feeling is a type that could make one wish to d_ie.
“Yes. And so?” Nurie hardly asked.
Pero katulad nga ng sabi niya, ibang-iba si Nurie sa normal na omega. Kung ang ibang omega ay hahayaang magpalugmok sa ganoong pakiramdam, p’wes! Ibahin nila ang isang Nurie Belle Jayne Aggasi!
Kailan man ay hindi nagpadaig si Nurie sa mga emosyon na dala ng kahinaan nang pagiging isang omega. So instead of wailing, Nurie would definitely ignore that unwanted feeling like the numb omega that she’s used to being.
Instincts lang ‘yan. Everything that she’s feeling right now was only caused by her instincts as an omega, which were slowly being activated since she had that mate bond with the alpha. Lumaki siyang parang may natural antibodies laban doon kaya naman bakit ngayon pa siya padadaig.
“I know that you’re mad at me. Heck! Kahit naman hindi ako mated sa ‘yo ay galit ka pa rin sa akin just because I’m an omega, right?”
Arnoux scoffed. “I guess you’re also right. And I especially hate you now that you’re finally showing your true color. Now that you already got what you want, you can act high and mighty. Eh kung ginawa mo ‘yan noon bago mangyari ang pesteng mate bond na ‘yan eh ‘di sana kahit papaano ay hindi kita kamumuhian.”
Hindi makapaniwalang napatingin si Nurie kay Arnoux. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa sinabing iyon ng alpha o maiinis sa sinabi nito.
Sa pagkakaalam niya ay matalino naman si Arnoux pero bakit napaka walang sense ng mga sinasabi nito ngayon sa kanya?
Ibig niya bang sabihin kay Nurie na sa kabila ng pagkawala niya sa katinuan dala ng heat booster na itin*rok sa kanya ay magagawa niya pang magpaka-high and mighty sa harap ng alpha?
Anong akala nito sa kanya? Moon Goddess? Kung siya ngang alpha na nasa katinuan at hindi naman tinur*kan ng anumang booster ay natalo ng instincts, paano pa kaya siya ‘di ba?
“Hah! Pwedeng pasapak, kahit isa lang?” May pilit na ngiting tanong ni Nurie. “Baka kasi lulong ka pa ngayon sa amoy ng pheromone mo. Mukhang sa sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo ay nasobrahan ka na ng singhot sa amoy tequila mong pheromone.”
“And now you’re blaming my pheromones? First of all, sino ba ang omega sa atin na walang habas kung magpakawala ng pheromone? It was your pheromone who made me fall into rut and end up losing to my wolf! And yes, maybe you are under the influence of the heat booster, but kung hindi ka lang tatanga-tanga sa umpisa eh ‘di, hindi ka sana malalagay sa ganoong sitwasyon, even dragging me with you.”
“Hah! The fvck? Are you for real?” Nurie exclaimed incredulously. “Don’t you find yourself absurd and unreasonable? Do you think with that reason of yours, I would also blame myself for what happened? Omega lang ako Arnoux pero hindi ako tang* at bob*.”
“Gusto kong intindihin ka dahil alam kong biglaan ang lahat para sa ‘yo at lalong napipilitan ka. Pero h’wag mong kalimutan na hindi lang ikaw ang napipilitan sa sitwasyon natin ngayon. Don’t look up too much of yourself just because you’re an alpha and a future head of a pack. Baka nakakalimutan mong hindi lang ikaw ang may ganyang katauhan sa mundo. So don’t be full of yourself that it was only your loss,” Nurie said, at dinuro-duro pa si Arnoux sa dibdib.
Bahala na kung ano ang kahinatnan ng outburst niyang ito pero hindi niya lang talaga makayanan ang pangmamata at pangmamaliit sa kanya ni Arnoux. Sapat nang kamuhian siya nito dahil sa nangyari pero ang isisi nito sa kanya ang lahat kahit pa nga hindi lang naman talaga siya ang may kasalanan ay hinding-hindi matatanggap ni Nurie.
“I’ll be honest with you. Kung may chance lang akong mamili ng alpha na kakagat sa akin that time, nungkang ikaw ang pipiliin ko. I would never like an arrogant, unreasonable, and a j*rk like you! Unfortunately, that would be impossible now that I am forcibly tied with you. Tandaan mo, Arnoux, hindi lang ako ang may kasalanan sa nangyari. It was you who was sane and wasn’t under the influence of a booster. Ikaw iyong may chance na lumayo at tumawag ng iba para tumulong but what did you do? Hindi ba’t nagpadala ka lang din sa makamundong instinct mo? So how dare you put all the blame on me!”
Pagkatapos ay malakas na itinulak ni Nurie si Arnoux. Pinandilatan niya ito ng mga mata bago muling pinagsabihan.
“If you think you are unfortunate, then please think again. Compared to me, who will be tied to a selfish, self-centered, inconsiderate, and j*rk alpha like you, you’re actually very lucky. At least may pagka-understanding akong omega lalo na sa mga shallow-minded na ‘gaya mo. Hmp! Diyan ka na nga! Salamat na lang sa napaka-acommodating tour mo, j*rk!”
At tuluyan na siyang tumalikod, leaving Arnoux who was obviously left dumfounded by how the things ended.