“SINONG gustong magpaliwanag sa akin kung ano talaga ang nangyari?” tanong ni Sari na hindi na nakatiis pa sa nakabibinging katahimikan.
Kasalukuyan silang sama-samang nasa sala at halos kalahating oras na rin silang nagtititigan lang, naghihintayan kung sino ang mauunang sisira sa katahimikan. Sa huli ay si Sari na ang hindi nakapaghintay pa at pinangunahan na niya ang pagtatanong.
“Narinig na namin ang ilang parts mula sa papa mo, Arnoux. Pero hindi pa rin iyon sapat lalo na at kailangan naming marinig ang buong pangyayari bago kami magbigay ng suggestions sa kung ano ang gagawin. You know that this is a serious matter, right?” seryosong tanong ni Sari habang seryoso ring tinititigan ang anak.
And Arnoux could see how his mother took a quick glance towards the omega besides him. Ang tinging iyon ay sapat na para maintindihan ni Arnoux ang pinapahiwatig ng kanyang ina.
Gustuhin man niya o hindi ang magsalita patungkol sa nangyari, pero dahil alam niyang sa kanilang dalawa ng omega ay siya ang nasa tamang wisyo bago mangyari ang lahat, kaya naman wala siyang choice kung ‘di ang magpaliwanag.
One by one, Arnoux narrated to everyone what happened before they were locked up in his room after his father and their people found him. How he was in the middle of doing his initiation task when he chanced upon the omega, who was having her heat.
Maging ang kung paanong panglalaban sa sarili muna ang ginawa niya bago tuluyang napasailalim sa tawag ng laman matapos maamoy ang nakahahalinang amoy na inilalabas ng omega na para bang inaakit siya.
While narrating that part, Arnoux did not hold himself back from glaring at the silent omega, who was not even listening as she dazed herself out of nowhere, which made Arnoux feel more annoyed.
“Wait, stop.” Maia, the omega’s mother, interrupted. “I’m sorry for being rude, but are you saying that Nurie had her heat? She even released a strong pheromone that made you, an alpha, fall into rut?” she asked with a strong disbelief in her face.
Matinding pagtitimpi naman ang ginawa ni Arnoux sa sarili na hindi sagutin ng pabalang ang babae. It was like the woman was asking about his words’ reliability. Although she did it with her utmost sincerity, the fact that she was questioning him made him more annoyed.
Kung hindi lang dahil sa mga nagbabantang tingin sa kanya ng kanyang ina ay baka kanina pa siya nakapagsalita ng hindi maganda. With a silent grumble, Arnoux composedly answered the woman’s question.
“I will not lie about it, Mrs. Aggasi. That was really what happened. I don’t have any idea how she ended up in that area and how she had her heat, but when I met her, she was already in that situation.”
Napagtanto ni Maia na may mali sa pagkakatanong niya at baka mali ang pagkakahulugan ng batang alpha sa sinabi niya. Balak niya sanang magsalita ulit ng tahimik siyang pinigilan ng asawa.
“Pagpasensyahan mo na ang Tita Maia mo, Arnoux. She was just worried as a mother, kaya naman hindi na niya naisaayos pa ang mga salita niya at basta na lang nagtanong,” paumanhin ni Azure, ang ama ng omega.
Bago pa man muling sumagot si Arnoux ay mabilis siyang pinandilatan ng mga mata ni Sari dahilan para muli niyang itikom ang mga labi. Kahit kailan talaga ay wala siyang panama lagi sa dominanteng ina. If he were honest, he was actually more afraid of his mother than his father. Pero nungkang sasabihin niya ‘yan sa harap ng mga magulang.
“Okay, that’s enough. How about we heard something from Nurie? Pwede mo bang sabihin sa amin ang nangyari after mong ma-kidnap?” tanong naman ni Rhyan.
As much as possible, Rhyan tried to sound gentle when talking to the young omega. Hindi man niya na-experience ang kumausap ng isang bagong markang omega na katatapos lang ng heat dahil nga sa alpha-sub niyang mate pero alam ni Rhyan kung paanong sensitibo ang mga ito pagkatapos.
Idagdag pa na isang batang omega ang kausap at iyon din ang unang beses nitong mapasailalim ng heat kaya ganoon na lang siya kaingat sa harap ng batang omega. Idagdag pa na hindi lang simpleng omega ang kausap niya kung ‘di ang omega ng kanyang anak.
“Oh, okay,” Nurie suddenly answered, surprising everyone.
Dahil nga sa pag-aakala nila na kasalukuyang sensitibo pa ang omega at dahil sa pagkakayuko rin nito ay talaga namang inakala nilang lahat na matatagalan pa silang kumbinsihing magsalita si Nurie pero ano na lang ang gulat nila ng bigla itong mag-angat sa kanila ng tingin at sumagot.
Lahat sila ay tinitigan ng maigi si Nurie na para bang kinikilatis kung talaga bang tama sila ng pagkakakita at talagang okay lang ang dalaga. Hindi na nga nakatiis pa si Azure at talagang kinusot-kusot pa ang mga mata na animo’y hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita.
Napansin din naman ni Nurie ang kakaibang tingin sa kanya ng mga magulang kaya hindi kaagad siya nakapagsalita at nakipagtitigan sa mga ito.
“Okay ka lang ba talaga, Nurie?” tanong ni Sari na siyang umagaw sa atensyon ni Nurie sa mga magulang.
Maiksi muna siyang napatango bago sumagot. “Yeah. I just felt a little weak, but I’m really fine.”
Gusto pa sana niyang sabihin na medyo kumikirot ang ilang parte ng katawan niya pero sigurado siyang tatamaan siya ng matinding hiya sa oras na malaman ng mga ito ang tunay na nangyari. So she remained tight-lipped about it.
Malakas na napaingos si Arnoux sa tabi niya kaya wala sa sariling napatingin si Nurie rito at ganoon na lang ang gulat niya ng makita ang galit na tingin nito sa kanya. Hindi niya tuloy malaman kung paano magre-react.
“What a pretender. You think acting like the omega you are will make me accept you? Dream on!” Arnoux said in between his gritted teeth.
Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya para sa omega o kung ano ba ang pinanghuhugutan niya. Naghalo-halo na ang mga rason sa isipan niya kaya hindi na niya sigurado pa kung ano ang pinakapuno’t dulo noon. The thing he’s sure of the most is that just looking at the omega makes him rage with anger.
Ni hindi na nga naitago iyon sa paraan ng pagkakatingin niya sa omega. Nagawa niya nga ring ignorahin ang masamang tingin sa kanya ng ina pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon sa omega.
Samantalang napakunot-noo naman si Nurie sa sinabi ni Arnoux sa kanya. Sa totoo lang ay hindi niya malaman kung paanong reaksyon ang gagawin niya sa sinabing iyon ng alpha.
Yes, she’s hurt. Sino ba namang manhid ang hindi masasaktan kung sabihan ka ng ganoon ng sarili mong alpha? At the same time, she also felt concerned and troubled about the reason why the alpha looked dissatisfied and furious at her.
For a newly marked omega, it was a great blow for Nurie. Hindi lang sa kanyang damdamin bilang isang mate kung ‘di maging sa kanyang ego bilang isang omega. Para kasing kinukuwesyon ng alpha ang kakayahan niya bilang isang omega at mate.
Sa huli ay inignora na lamang niya ang sinabing iyon ni Arnoux maging ang naramdaman at mas binigyang pokus ang mga magulang na naghihintay pa rin sa sasabihin niya. Since she’s decided to ignore the alpha, she no longer gives him any attention, not even a word, as she focuses on her own narration of what happened.
Mula sa plano niyang pag-uwi, ang pagpalibot at pagsugod sa kanya ng ilang kalalakihan, maging ang paggamit ng mga ito ng sleeping bomb sa kanya nang hindi siya magawang patumbahin ng mga kalalakihan.
“I woke up in a room after that. It was an enclosed room used for mateless omegas who are under their heat. I don’t know how long I was locked in there, but after a day of being conscious, I had an inkling of their plans.”
“I think they are doing some kind of experiment, although I am not sure what they aim for. I just think na related iyon sa heat boosters since I was injected with it, which is why I had my heat.”
Matapos marinig iyon ng kanyang ama at Tito Rhyan ay tinannong pa siya ng mga ito tungkol sa napansin niya mula sa lugar na tinakasan niya, itsura ng mga humuli sa kanya, at kung anu-ano pang related sa mga kumuha sa kanya.
“If you two are planning to look at the area now, I suggest you stop. Ilang araw na ang lumipas. Paniguradong nakatunog na ang mga iyon kaya wala na rin kayong maaabutan,” ani Sari sa dalawang alpha nang wala na itong makuhang sagot pa mula kay Nurie.
“Yes. And have you all forgotten the real reason for this meeting?” nakataas naman ang kilay na tanong ni Maia.
Napaiwas lang ng tingin si Azure sa asawa samantalang napakamot sa batok si Rhyan. And just like a key, everyone returned their probing stare at the young alpha and omega, who were having their backs on each other.
Ni hindi man lang nila itinago ang hindi nila pagkakaayos. Dahil doon ay muling magkakatinginan ang mga nakatatanda bago mapapabuntonghiningang isa-isang magsasalita.
“I know this is hard for you, Arnoux, and I could say what happened is not acceptable. Unfortunately for you, ngayong namarkahan mo na si Nurie, kayong dalawa ay mates na ang isa’t isa. Gustuhin mo man o sa hindi, wala ka ng magagawa,” Rhyan seriously remarked.
“Hindi ko kayo pipilitin, lalo ka na Arnoux pero kilala mo ako. Ayaw ko sa lahat ay ang mga lalaking iresponsable at hindi marunong tumanggap ng pagkakamali. Hindi mo ako madadaan sa dahilan na hindi mo ginusto ang lahat at nadala ka lang ng instincts mo bilang alpha pero nang oras na minarkahan mo na si Nurie at kinagat ang glands niya, responsibilidad mo na iyon bilang alpha,” dagdag naman ni Sari.
“I know,” Arnoux quickly answered, which made his mother smile victoriously.
Naiiling na lang si Rhyan habang pinapanood kung paano na lang kontrolin ng asawa ang anak. Bilib din talaga siya minsan kay Sari kung paanong parang puppet na ganoon na lang kadaling kontrolin nito ang anak, at kasama na rin siya. Ganoon talaga siguro kapag isang she-male alpha.
“As for you, young lady, I don’t think you've already forgotten all my lectures about mateship. Now that you are properly mated, start acting like a proper omega, okay?” Maia gently reminded her daughter, who nodded in response.
Maia then smiled, seeing how good her omega child had become. Pleased with her daughter, Maia looked back at her friend to signal that they could start sharing what they had settled on for the past few days.
“Okay, let’s get to the real deal bago pa man umalis ang mga tatay niyo at unahin ang ibang bagay. So ang napag-usapan namin ay pareho namang napagkasunduan at sinigurado rin namin na nakaayon pa rin ang mga iyon sa kagustuhan niyo at freedom bilang indibiduwal,” Sari started.
“We know that it seemed rush for both of you since it really is rush, but we can’t just ignore it as this can affect both your status as an omega and alpha. So instead of forcing you two to cohabitate, we will just have to assign a week every month where one of you would live with one pack. For example, since this week, Nurie had been in your pack, then on the first week of next month, it would be Arnoux’ turn to live with us on our pack.”
“In this way, others would not find it suspicious or what. This will also help you two if ever one of you will have their rut or heat arrive. Although it would be three months from now. But anyway, this will be a good cover,” Maia added.
Pagkatapos nang dugtungan na iyon ni Sari at Maia ay sabay nilang tinitigan si Arnoux na medyo nagulat pa lalo na dahil sa matalim na pagkakatingin na naman sa kanya ng kanyang ina. Ang mga bilugang mga mata ay halos sumingkit na dahil sa panliliit nito ng tingin sa kanya.
“Magpasalamat ka dahil maunawain ang future in-laws mo dahil kung hindi, baka ngayon ay kalat na sa buong mundo ang tungkol sa ginawa mo kay Nurie. Since you two are both famous and had a name in your school, we decided to hide about you being mates. Pero hanggang sa maka-graduate lang kayo, Arnoux.”
Halos manliit pa si Arnoux ng bigla na lang siyang duruin ng ina. As a reflex, he shrank his body on the sofa as he shielded his ears from the tightest pinch his mother could ever do.
“Ito ang paalala ko sa ‘yo Arnoux ah. Sa oras lang talaga na may gawin kang ikasasama ng loob ni Nurie, hindi lang image mo ang sisirain ko! So be kind and gentle with her when you’re back to school, or else!”
Hindi naman mapigilan ni Arnoux ang mapaingot ng malakas. “What is she, a child?” he mumbled, which was heard by his mother.
“Aba’t! Talaga naman!”
Halos maiyak na napatingin si Arnoux sa kanyang ama na mabilis hinawakan at pinigilan ang kanyang ina sa dapat sanang pagpingot nito sa kanya. Nakalimutan niyang mas malakas pa sa normal na pandinig ang pandinig ng kanyang ina.
Hindi na yata niya kakayanin pa ang madagdagan ang kahihiyan sa harap ng pamilya ng kanyang omega maging sa omega mismo. Kaya naman todo pasasalamat na lang siya sa kanyang ama, mentally.
“I will, I promise! I can’t promise though to take care of her, but I can assure you all that I’ll be good to her. Don’t worry,” nagmamadaling pangako niya.
Sa narinig ay kumalma na rin si Sari na tuluyan ng napatayo. She had a satisfied smile on her lips, obviously pleased with her son's asnwer. Sumunod din naman ang mag-asawang Aggasi kaya napatingala silang dalawa sa mga ito.
“Then we will leave the two of you. Ilibot mo si Nurie sa pack Arnoux. Siguraduhin mong maipamilyar na niya ang sarili sa buong pack dahil bukas ng umaga ay babalik na sila sa kanilang pack,” Sari ordered and then walked over Nurie. “Although, this may be late, Nurie, welcome to our Eagle-Eyed Pack.”