Siya ang tumatayong ilaw ng tahanan sa pamilyang Vampire Family. At isa ding lider ng kanilang lahi. Tinaguriang "Good Vampire". Iginagalang ng mga lahing bampira at ng iilang kabilang sa kanilang lahi.
Siya din ang head of family ng buong angkan na mga bampira. Nagmula sa bandang russia ang pamilya ni Olga.
Nagsimula pamahalaan ni Olga ang pagiging Reyna na mga bampira. Noong 2000 yrs ago. Ibig sabihin dalawang libo na nakalilipas at sa panahon na iyon. Ang asawa ni Olga si Baldassarre ang siyang naging katulong niya sa pagbuo ng pamilya na kanilang pinangarap.
Nabiyayaan sila ng mga supling sina Alfonso, Eliseo at ang bunso si Orfeo.
Habang lumalaki ang mga anak ng mag-asawang Baldassarre at Olga. May mga natatanging ugali at kakayahan ang bawat anak ng mag-asawa.
--------
Olga
Sa mga nakalipas na araw ang aking mga anak ay nakikita ko ang kanilang pagkakaiba lalo na sa mga ugali. Maging sa kanilang natatanging kapangyarihang taglay.
Ang panganay kong anak na si Alfonso, kahawig niya ang aking ama na namayapa. Tila bang parang pinagbiyak na bunga ang mga ito, Kung iyong makikita na magkasama. Ang pagkakaiba ng aking anak ko sa ibang mga kapatid nito.
Iyong mukha niya kay amo, mga matang kay bilugan at ang pilikmata nitong mahahaba na tulad ng sa manika. Ang ilong nasa tamang hulma lamang. Hindi gaano matangos, tamang-tama lamang kapag tinitigan mo. Ang labi na kay pupula. Ika nga ng mga kadalagahan sa aming puod ay kissable lips daw ito.
Natutuwa akong pagmasdan ang aking unang anak na si Alfonso. Marahil nasa kanya na lahat ng katangian taglay ng isang binata na hinahanap-hanap na mga babaing magkaroon ng kasintahan na guwapo.
(Ngunit sa nakikita ng iilang mga nakaka kilala sa binata ay masasabi mong perpekto. Dahil sa kanilang nakikita nito sa mga kilos o galaw. Habang kasama nito ang kanyang ama na nag-eensayo sa pakikipag-buno sa isang wrestling. Kalaban ang kaibigan ng kanyang ama na si Callixto. Habang ang binata ay may hawak na palaso at itinututok nito sa isang bagay malayo sa kinaroroonan ng kanyang ama at kaibigan nito.)
Sa bawat nagdaang araw tila nanghihina ang ina si Olga sa mga sandaling iyon. Tila may nararamdaman ang ilaw ng tahanan ng Vampire Family. Ngunit hindi ipinahahalata sa kanyang pamilya na may iniinda ito kasakitan.
Nais man sabihin nito ang tunay na dahilan sa pag-aalala nito sa kanyang bunsong anak na si Orfeo sa kanyang mga anak na sina Alfonso at Eliseo. Ngunit pinanghihinaan ito ng loob na ipaalam dito ang tunay na lihim nito.
Sa isip ni Olga sa mga oras habang nagmuni-muni mag-isa sa loob ng tahanan ng Vampire Family. "Baka pangilagan ang kanilang bunsong kapatid sa oras na malaman nito ang buong pagkatao." Ayaw mangyari ni Olga na itoy pandirihan sa malalaman nitong lihim. Kay tagal ng dala-dala sa buong buhay na mag-asawa.