Feeling ng binatang si Elesio na siya ay pinaka guwapo sa balat ng lupa. Malakas ang apog sa sarili, ang akala ng ibang nakaka kilala sa binata na hindi anak ng mag-asawa na Baldassarre at Olga. Dahil sa angking kaangasan taglay.
Batid kasi ng mga kalahi nito ang mga magulang nito ay maituturing na isang magandang halimbawa para sa kanilang nasasakupan. Ibig sabihin na hindi nakitang magmayabang sa kapwa ang mga magulang nito.
Hindi alam ng iilan na may nakatagong maskara ang binata sa mga kalahi nila.
Ang binatang si Eliseo ay tahimik sa kanyang nakapaligid sa kanilang pamilya. Sa likod ng pagiging tahimik nito ay kabaliktaran sa mga kaibigan ng binata. Isang maloko sa mga nakaka kilala at isa din may itinatagong lihim na pagka-inggit sa nakababatang kapatid nito si Orfeo.
Hindi matanggap ni Eliseo na mas pinapaboran ng kanilang magulang ang nakababatang kapatid kaysa kanila ng kapatid na nakatatanda si Alfonso.
Hindi mapigilan ng binata na magtanim ng galit sa kanilang kapatid si Orfeo. Alam niyang mali ang gawang magtanim ng sama na loob sa iyong mahal sa buhay.
Ngunit hindi mapigilan ang kanyang damdamin na sa tuwing makikita nito sa mga ginagawa tulad na nasa loob ng mansyon ang lahat na mga mahal niya, habang sila ay nagsasalo-salo ng hapunan.
Nang sa mga sandaling iyon na palaging nakaalalay ang kanyang ina sa kanilang nakakabatang kapatid. Sa isip ng binata na "pilay ba ang kapatid ko. Ganyan sila mag-alala sa aking kapatid." Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita sa kanyang harapan.
Ang pag-aalala ng kanyang ina sa kanyang bunso. Samantala alam ni Eliseo na kaya naman maglakad ang kanyang kapatid sa mga oras na iyon.
Ngunit mas nakakainis sa mga oras na iyon, kulang na subuan ang kanyang kapatid habang nasa hapagkainan silang pamilya.
[Sa isip ng binata si Eliseo "sarap tusukin ng tinidor, itong gung*ng kong kapatid."]
Tanging na ismid na lamang ang binata si Eliseo sa kanyang nakikita na pagtrato sa nakakabatang kapatid na mga oras na iyon.
Hindi lubos maisip ng binata si Eliseo, kung bakit ganito na lamang ang pag-aalala ng kanilang ina sa nakakabatang kapatid.
Halos buong araw nito bilang magulang nito ay nakatuon ang atensyon ng kanyang mga magulang sa kanilang nakakabatang kapatid na si Orfeo.
Nais ng binata na minsan pagtuunan naman sila ng kaunting panahon o oras na makita ang kanilang ginagawa sa loob ng tahanan.
----------
ORFEO
Isang magandang araw sa mga nagbabasa ng aking kwento. Ako nga pala si Orfeo. Tawagin niyo na lang ako Orfe para hindi kayo malito.
Alam ko na naiinis na ang aking mga kapatid sa mga araw na lumipas, dahil sa kanilang nakikita na pag-aalaga ni Mama sa akin.
Ako din ay nagtatanung sa aking isipan, "Bakit palagi si Mama na nakasunod sa akin, gusto ko din malaman ang dahilan niya, at maunawaan ko din ang kadahilanan. Palaging naka alalay siya sa akin. Batid kong nasa paligid ko ang aking mga kapatid ay iba na ang pakikitungo sa akin. Hindi tulad ng dati na palagi ko silang makausap at makasama. Pero sa ngayon pansin ko na mailap na sila. Umiiwas na sila sa akin. Hindi tulad ng dati, Kapag ako ay lalapit upang makipag bonding sa kanila. Palagi ko silang nakakasama sa lakad. Ngayon parang ayaw na nila akong kasama. Ito ang mga katanungan na nais ko magkaroon ng kasagutan sa aking mama na makuha at malaman."
Kahit na magkasalubong sa loob ng mansyon ang magkakapatid tila nag-iiwasan ang tatlong anak nila Baldassarre at Olga.
Parang hindi magkaka kilala ang tatlo sa tuwing magkakasalubong ito sa loob ng mansyon na pamilya Vampire.