"Alam kong may nilalang na kagaya ko ang narito sa Lugar ng Petrograd. Batid ko din sila ang naka takda." Mimir

2400 Words
Ito ang nasa isip ng isang nilalang na kalahi ng isa sa mga naka takda na magbibigay buhay sa mga bampira at iba pang nilalang may angkin ka-pangyarihan taglay. Alam ng iba pang mga nilalang may angkin ka-pangyarihan taglay na nasa mundo na ng mga mortal ang mag-kapatid na V. Sinasabi ng iilan na marami ang nag-aasam na sila ay makita at pag-aralan ang mga kilos, upang sa gayon kapag sumapit ang itinakdang kapalaran ng dalawa na magkaroon ng kaguluhan, ay alam nila ang kanilang gagawin sa oras na ito'y dumating. Nais nilang maka siguro na ang mag-kapatid ang siyang sinasabi sa talaan ng aklat na mga nilalang may kakaibang katangian at lakas na kayang magpa bagsak ng isang Lugar kung nanaisin nito. Kaya't minabuti ng iilan sa mga kasapi sa iilang hukbo na mga nilalang may angkin ka-pangyarihan taglay kagaya sa mag-kapatid. Silang mga pangkat na mandirigma ang naatasan magbantay sa mag-kapatid, habang namumuhay sa mundo ng mga tao. Batid ng iilan sa mga nilalang na bampira na kalahi nito na may mga nilalang din na tila nagmamasid sa bawat kilos ng mag-kapatid at isa na dun ang kaibigan ng kanilang pinsan si Clemente sa pangangalaga na inihalili na magbantay dito sa mag-kapatid ay si NEXUS siya ay isang bampira kaibigan ng Prinsipe na Red Vampire. Alam ng binata na may iilan na sumusunod sa mag-kapatid. Lalo na sa binatang si Baldassare, tila kakaiba ang kanyang nadarama sa mga sandaling nasa labas ng tahanan ng kabiyak ng kanyang kaibigan si Clemente. Alam nito na tila inaaral ang bawat kilos o gawi ng binata kumpara sa nakaka batang kapatid na si Dawn sa mga sandaling iyon nag-uusap ang mag-kapatid. Abala ang lahat ng tao sa loob ng tahanan ng kabiyak ni Clemente sa dahilan hindi pa din nagkakaroon ng ulirat ang kasintahan si Callidora, alam nito na may nilalang ang nagnais subukan ang ka-pangyarihan ng magpi pinsan sa mga oras na iyon, nalaman din ng kaibigan na si Nexus na kayang-kaya malaman ng tatlo ang nilalang nagbigay pasakit sa kanilang mahal sa buhay. NEXUS Batid kong may alam ang mag-kapatid sa mga oras na iyon, at alam ko din na tinutulungan ng mag-kapatid ang kanilang pinsan si Clemente sa mga oras na hina-hanap ang isang bagay na natanggap ng dalaga na mga sandali inaayusan ito ng mga beautician. Sa pagkakataon iyon nakita ko sa labas ang aking kaibigan si Clemente kausap nito ang pinsan si Dawn batid kong may kakaiba sa batang si Dawn kumpara sa kapatid nitong si Baldassare. At hanggang sa nakita ko may ibinigay ang batang si Dawn sa kanyang pinsan si Clemente, tila isang buhangin na hawak nito, habang naka upo sa bangkito malapit sa mga halamanan ng Pamilya ni Callidora. Hindi nagtagal ay umalis ang aking kaibigan si Clemente patungo sa trangkahan, lumabas at nagpalinga-linga ito, tila may hina-hanap na kagaya namin, sa totoo lamang marami-rami na din ang tila nakaka alam sa buhay ng mag-kapatid na V. Tila ang iba ay nagsimula na mag ispiya sa mag-kapatid. Habang ang iilan ay nasa malayo ang kinaroroonan, pero ang ka-pangyarihan taglay na hawak nito, ay tila mararamdaman mo. Kagaya ngayon base sa aking ka-pangyarihan taglay na makinig sa usapan ng mag-kapatid na Dawn at Baldassare. "Aking kapatid may isang nilalang akong nakikita bukod sa kasama ng doktor. Kaya lamang sa mga sandaling ito, may hawak siya na bagay na kulay itim na bulaklak tangan nito ang isang larawan." Wika ni Dawn sa kanyang kapatid na si Baldassare, habang ang binata ay hindi makapaniwala sa narinig nagmula sa kanyang nakakabatang kapatid na babae. "Anong sabi mo, Dawn? May hawak na bulaklak kulay itim at larawan. Sigurado ka ba sa iyong sinasabi at nakikita?" Wika ng binata sa kanyang nakaka batang kapatid, habang ito'y naka talungko sa upuan. Tila gumuguhit sa buhanginan ang kanyang kapatid habang siya ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig na sinabi ng nakakabatang kapatid na si Dawn sa mga oras na iyon. "Hm, sigurado ako tsaka malinaw ang aking mga mata, sa mga oras na ito. Habang tayo nag-uusap alam niya na may iba pang nilalang na nagmamasid sa kanya at hindi ko kilala ang nilalang na nagmamasid, siguro taga ibang lugar ito. Hindi siya katulad natin kundi isang nilalang na nagbuhat sa malayong lugar, malakas ang kanyang ka-pangyarihan taglay." Wika ng nakakabatang kapatid sa kanyang kuya si Baldassare, alam ng batang V ang mga nilalang sumusunod sa kanila, bagama't mas pinili nitong manahimik. Habang pinag-aaralan ko ang kilos nito kasama ang kanyang nakaka tandang kapatid na si Baldassare, may hinala ang mag-kapatid na sila ang pakay ng mga nilalang na kanilang nararamdaman na mga ka-pangyarihan sa mga oras na iyon na patuloy naka talungko ang batang si Dawn. Posibleng nag-umpisa na ma tuklasan ng mag-kapatid ang kanilang tunay na pagkatao, lalo na sa mundo ng mga mortal na naninirahan kasama ang magiging kabiyak ng kanilang pinsan si Clemente. At ako ang kasama nila na mamuhay dito sa mundo ng mga tao, kasama ang iilan na mga taga pangalaga ng mag-kapatid na Baldassare at Dawn. --------- Sa kabilang banda may iilan na mga nilalang na sumusunod sa mag-kapatid ito ang isa sa kalahi ng kanilang Ina. Ibig sabihin may natatanging ka-pangyarihan taglay ang pinag mulan ng mga magulang na mag-kapatid na Baldassare at Dawn. Tila ang iilan sa mga kalahi nito na mag pasiya na gabayan ang mag-kapatid habang namumuhay ito sa mundo ng taga lupa. Nais lamang maka siguro ng lahi ng kanilang Ina na maayos at nasa mabuting kalagayan ang mga ito. Batid ng iilan sa kalahi ng kanilang Ina na may nagtatangka na paslangin ang mag-kapatid lalo na iyong naka batang kapatid ng binata si Baldassare. May bulong-bulungan na ang iilan ang siyang magiging hadlang sa ikakabuti ng lahat na nilalang may angkin ka-pangyarihan taglay. Dahil dito nagpasiya ang pinuno ng mga pangkat na Oroboten na nagmula sa silangan bahagi ng Russia, upang bantayan ang mag-kapatid na V. Dahil dito may iilan na pangkat ang nag si datingan sa Lugar, kung saan naruon ang mag-kapatid na maninirahan, kasama ang asawa ng kanilang pinsan si Clemente. Sa pagkakataon iyon na mapalapit na din ang isa sa mga naatasan ng kanilang pinuno sa lahi ng Oroboten na maging malapit sa mag-kapatid. Nais ng pinuno na mga Oroboten ang makita at makausap ang mag-kapatid na Baldassare at Dawn, Batid ng pinuno na magkaroon sila ng ugnayan, maliban sa kalahi nito ang dalawang anak ng kanilang Prinsesa na mga Oroboten. Oborotney Batid kong nagtataka sa inyong nababasa za mga sandaling ito. Kung ano ang ibig sabihin ng Oroboten. Isa po kami na mga kalahi ng kanilang Ina ng dalawang nilalang may na tatanging ka-pangyarihan taglay, alam ko din na nagtataka kayo sa akin tinuran at kung ano ang ibig sabihin na Oroboten. Ang Oroboten ay nagmula sa lahi ng mga aso o nilalang na ninirahan sa malamig na bahagi ng Silangan Rusya. Dahil dito minsan lamang kami bumababa sa mundo ng mga taga lupa, kapag may kailangan gawin o pagpupulong na magaganap, sa panahon na ang namumuno dito ay ang kanilang Ina na si Princess Carmilla siya ang Ina ng mag-kapatid na Dawn at Baldassare. At ang panahon na buhay pa ang prinsesa ng aming lahi, siya ang dumadalo sa mga pagpupulong ng mga pinuno na namamahala sa kani-kanilang lahi. Sa pamamagitan nito tinatalakay ang ibat-ibang problema ng mga kasapi sa ibat-ibang larangan na kanilang kinabibilangan. Ngayon ay wala na ang nasabing pinuno namin na Ina ng mag-kapatid na Baldassare at Dawn, ako na iyong abang lingkod ninyo ang siyang umaalalay sa mga kapwa namin mga Oroboten at sa mag-kapatid na V. Ipinagbilin ng kanilang Ina na kung siya ay mawawala sa mundo. Ingatan ang dalawang mahalaga sa kanyang buhay, at ito ang siyang magiging ilaw ng lahat sa hinahangad ng iilan na magkaroon ng katuparan na maging pantay ang lahat at mamuhay na walang pinanga-ngambahan na panganib para sa kanilang pamilya. Ito ang bilin ng aming pinuno ng siya ay nawala kasama ang kanyang bana si Prinsipe Doyle. Dahil dito nalaman ko na sila ay bumababa sa mundo ng mga mortal, kung saan ibinilin ng kanilang Ina na tuklasin ang kanilang natatanging kapangyarihan bilang isang nilalang na nagmula sa pamilya bampira at Oroboten. At sa nakikita ko ngayon sa mag-kapatid na may malakas na enerhiya na nagmumula dito, alam ko na may mga nilalang na sumusunod dito bukod sa aming lahi. Ganun pa man hindi ko maiwasan ang mangamba sa oras na matuklasan ng mag-kapatid ang kani-kanilang tunay na ka-pangyarihan ang siyang simula na maging masalimuot na mundo ng iilan sa mga nasa paligid nila. Maging sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Dahil dito inutusan ko ang isa sa mga kalahi namin na bantayan ang mag-kapatid at huwag hayaan na mawala sa kanilang paningin ang mag-kapatid na V. ------- Sa kabilang banda naman patuloy pa din umaasa ang pinsan ng mag-kapatid na Baldassare at Dawn na maligtas ang nobya sa bingit ng kamatayan, dahil sa ginawa ng dating nakilala ng binata si Clemente na si Amethyst at dahilan sa pagkaratay ng dalaga si Callidora sa silid nito at tila oras, araw, buwan ang kanilang binibilang magising lamang ang dalaga, lahat ay ginagawa ng binata ang lahat para magkaroon ng sigla ang dating matamlay na anyo ng kanyang kasintahan. Batid naman ng lahat na maibabalik lamang ang dating masigla buhay sa pamamagitan na pakikipag-ayos sa dalagang si Amethyst. Ang tanong ng iilan sa mga nakaka kilala sa binata at pinuno ng lahi ng red vampire kung makikipag ayos ba sa dalagang naging ugat ng pagkakahimlay ng iniirog nitong si Callidora o maging dahilan na pagkasira ng tuluyan ang pagkakaibigan ng kanyang kasintahan sa dating kaibigan si Amethyst at ngayon ay wala pa din lunas sa pagkakasakit ng kasintahan nang binata si Clemente, tila umaasa ang binata sa tulong ng kanyang kaibigan na doktor at sa mga pinsan nitong sina Baldassare at Dawn. Maging ang mga kawani ng konseho ay tinalakay ang usapin hinggil sa kasintahan ng kanilang pinuno na si Clemente na isang pangitain na nagbabadya na hindi maganda para sa kanilang lahat. At sa ibang lahi na kaalyado ng iilan na red vampire. Isang pangitain na makaragdag sa pasanin ng binata sa patuloy na pagdami ng mga bampira na uhaw sa dugo ng mga mortal. Ang iilan sa mga bampira na tinalakay sa usapin ng konseho ng red vampire ang mga bampira nagmula sa ka timugang bahagi ng Rusya, ang iilan sa mga ito, ay nakikihalubilo sa mga tao at nagpapangap na mga mababait na nilalang. Ginagamit nila ang samahan na kinabibilangan na mga good vampire na kalahi ng dalagang si Callidora kasintahan ni Clemente. Dahil dito kinausap ng pinuno na mga Gadalka ang kanilang pinuno si Clemente sa usaping ito na paglaganap ng mga bampira na uminom ng dugo na mga mortal. "Mahal na pinuno, ano po ang inyong masasabi sa mga naglalabasan na mga balita ukol sa mga kalahi ng inyong kasintahan na umiinom ng dugo na nagmula sa tao, at kanilang ginagawang mga bampira ang iilan. Kapalit ang isang pabor na nagmula sa mga mortal. Kailangan ninyong magdesisyon hinggil dito. Alam mo ang magiging resulta sa oras na lumaganap ang balitang ito sa iilang mga kalahi natin at dumami ang mga bampira na kagaya na iyong iminungkahi na mapapa laganap lamang natin ang ating lahi, kung tayo ay magkakaroon ng kapanalig nagmula sa good vampire na buo o sulido ang kanilang pinagmulan na hindi tulad natin na haluan tayo ng ibang lahi. Alam mo ang nais kong tumbukin sa ating pag-uusap. Ika nga ng iilan sa mga kasamahan ko na Gadalka may ipinahihiwatig na hindi maganda para sa atin ang lahi ng good vampire. Kapag wala ka pa din ginawa na aksyon sa mga kalahi ng iyong kasintahan. Kami na ang siyang gagawa ng paraan upang hindi na lumaganap ang isyu na ito." Ani ng pinuno ng mga Gadalka. Nais man tutulan ng binata ang mga sinabi ng Gadalka sa mga oras na iyon, habang gumagawa ng pangontra sa ginawa ng dalagang si Amethyst sa kanyang kasintahan si Callidora. Hindi niya muna pinansin ang matanda sa halip ay itinuon nito ang kanyang isip na magsaliksik sa aklat na pangontra sa binigay ng dalaga na isang lason na bumabalot sa katawan ng dalagang si Callidora. Sa isip ng binata na kailangan niyang matulungan ang kanyang mahal sa dinaranas na hirap na nagmula sa lason na binigay dito ng dating kaibigan ng kanyang mahal. Alam niyang lumalaban ang kanyang kasintahan sa lason na binigay ng kaibigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo sa araw mismo ng kasal nito at naging dahilan din na nawalan ng ulirat at magpa sa hanggang ngayon tulog pa din ang dalaga sa katauhan ni Callidora. Alam ng doktor na may pangtanggal sa lason na binigay sa kanyang kaibigan. Batid din nito na kaya ginawa ang ganun bagay sa dalawang magkasintahan dahil akala ng dalaga siya ay niloko ng dalawang magkasintahan na bampira. Sa isip ng doktor na "hindi gagawa ng isang lason ang dating kaibigan nito, kung ang kapalit nito ang gamot na magbibigay ng sigla sa dalagang si Callidora. Alam ng dating kaibigan na maari lamang ibigay ang gamot sa kasintahan ng kanyang kaibigan si Clemente kung nanaisin din nito ang Plano ng dalaga na makasal dito." Ito ang nakikita at nasa isip ng ama ni Olga alam ng dalaga sa oras na maibigay dito ang gamot sa binata. Ang siyang paghawak sa buhay at kamay ng dalagang si Amethyst sa lahi ng bampira kung saan may binabalak itong masama lalo na sa hanay ng mga mortal. Dahil dito nais man ng doktor sabihin ang kanyang hinuha at pag aanalisa sa natuklasan na balak ng babaeng isang mambabarang na si Amethyst, Dahil dito na nangangamba siya na maaring malagay ang buhay ng iilan sa mga kaibigan at pamilya nito. Kung hindi papayag ang binata sa maging solusyon ng dalagang si Amethyst. Hinayaan niyang gumawa ng paraan ang binata si Clemente na magsarili na magsaliksik sa gamot na binigay ng dating kaibigan ni Callidora. Habang ang mga pinsan nito tila tahimik at nagmamasid lamang sa ginagawa ng kanilang pinsan si Clemente. Batid ng doktor na alam ng dalawang mag-kapatid ang gamot na maaring magbigay ng kalunasan sa natutulog na kasintahan nito si Callidora. Ayaw din mangi-alam ng dalawa sa ginagawa ng kanilang pinsan. Iginagalang nito ang naging pasiya na mag-isa tuklasin ang gamot para sa kanyang mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD