Amethyst

3283 Words
Alam kong naruon ang aking guro sa puod ng dating kaibigan, batid ko din na humingi siya ng tulong sa isang pinaka sikat na doktor sa aming Lugar. Ngunit wala itong magagawa sa kanyang mahal na si Callidora alam ng doktor na ang tanging makakagamot lamang dito ay Ako. Oo, ako lamang ang siyang may kaalaman na gamutin ang kanyang pinaka mamahal na si Callidora. Sa tingin ng mga ito, na akoy isang talunan tulad ng iniisip ng iba. Nagkakamali sila sapagkat, walang sinuman ang pwedeng manakit sa aking damdamin, alam kong kapag pinag-uusapan ang tungkol sa aking pagkatao. Hindi ako mangingiming saktan ang mga taong nanakit sa akin. Mabait ako sa mabait sa aking kapwa, ngunit kapag ako niloko ng mga taong malapit sa akin, ibang usapan na ito. Kaya ngayon sa tingin ko, alam ng doktor at ng mga pinsan nito ang solusyon sa kanyang problema. Ngunit ayaw lamang ng mga ito sabihin ang totoo. Dahil ang isang tulad ng Prinsipe ng mga pulang bampira ay kakaiba sa lahat, kumpara sa dating kaibigan at taksil na si Callidora na isang mabuting bampira na hindi gumagawa ng anumang ikalalabag ng batas. Isang maituturing na namumuhay sa mundo ng mga mortal. Kaya lamang ako naging ganito dahil sa taong minahal ko sa unang pagkikita pa lamang, nais ko na siya ang magiging ama ng aking mga anak. Batid ko nuon pa man na kakaiba siya sa ibang mga kakilala kong mga binata sa aming lugar. Isa siyang espesyal na nilalang nagmula sa mga bampira. Sa panahon iyon mailap siya sa mga tao na kagaya ko, hindi ko lang alam ang kanyang dahilan. Batid ko lamang na umiiwas ito sa mga pagtitipon. Hangang isang araw, nakita ko siya sa isang tahanan ng aming pinuno sa Lugar ng Petrograd, kausap nito ang Ilan sa mga kilala sa aming lugar. At hanggang sa mapa dako ang kanyang mga mata patungo sa akin, at Ako sa mga sandaling iyon, tila na bato balani ako sa aking kinatatayuan. Tila na hihipnotismo ako sa kanyang mga mata na kay sarap titigan lamang. Dahil dun mas naging masaya ang araw ko, habang lumilipas ang araw, tila maganda lagi ang aking araw, walang taong na naging dahilan ng pagkasira ng mood ko. Alam ko din na ang ilan sa aking mga kaibigan ay nagtataka sa mga ikinikilos ko. Batid nila na walang araw akong naka sigaw sa mga taong ayaw kong makita o makausap man lang. Dahil dito hindi ko pinansin ang mga hinuha ng aking mga kaibigan lalo na ang taksil kong kaibigan. Alam ko din na pinag-uusapan nila ako sa tuwing wala sa ako, na hindi nakaka dalo sa aming bonding time na magkaibigan, mas ipinagtaka ko sa tuwing magkikita kami ng aking mahal na si Clemente, ang siyang palaging tulog ang aking taksil na kaibigan si Callidora. ------------- Sa kabilang banda patuloy ang ibang kalahi ng Prinsipe ng red vampire na maghasik ng kaguluhan sa ilalim ng pamamahala ng isa sa mga pinuno ng konseho na kumakalaban sa pinuno ng red vampire. Nais ng pinuno ng mga konseho na mapatalsik ang Prinsipe ng red vampire sa pagiging pinuno nito sa mga kagaya niya na bampira pula. Nais kumalas ang ilan sa mga kalahi nito sa pamamahala ng Prinsipe, ang nais ng Ilan sa mga kalahi ng Prinsipe ang magsarili ng hukbo na malaya silang naka kagalaw sa loob at labas ng kanilang puod. Nakikita ng iilan na naging abala ang kanilang pinuno sa babaing mahal nito na si Prinsesa Callidora ng good vampire. At tanging nakalimutan ng kanilang pinuno na may mga dapat asikasuhin sa kanilang puod na tila mas lumalaki ang mga problema ng iilan, base sa mga namumuno sa konseho na itinatag ng mga magulang ng mag-kapatid na Baldassare at Dawn. Hindi na nabigyan pansin ang mga kalahi nito, at napag tuonan ng pansin sa mga problema na tulad ng iilan na may gagawin hakbang sa paglusob ng iilan lobo sa puod ng kanilang kalahi na naruon sa silangan bahagi ng Rusya. Nais ng mga kalahi nito na aksyunan ng kanilang pinuno ang problema na kinahaharap ng iilan sa mga kapanalig ng red vampire at nais din ng iilan sa mga kalahi nito na pagtuunan ng pansin ang paglaganap ng makabagong punla sa pamamagitan na ginagawa ng mga good vampire ang maparami ang kanilang lahi sa pamamagitan ng pakikiisa sa ibang kalahi tulad ng tao at lobo. Itoy ilan sa mga problema ng mga bampira pula na hindi matanggap ang iilan sa mga ito, na maaring magbago ang kanilang lahi sa pamamagitan ng pag akap sa makabagong panahon na kanilang ginagalawan. ----------- Konseho Isa ako sa namamahala sa konseho ng aming lahi, at isa ako na maituturing na kaagapay ng aming pinuno na si Clemente. At isa din ako sa mga tumututol sa mga kapwa ko kalahi na pag-isipan muna ang iilan sa maaring maging dahilan ng pagkawatak-watak. Dahil dito may iilan na mga kasama sa konseho na nagnanais ng humiwalay sa pamumuno ng aming prinsipe nais nilang maging matatag ang kanilang itatayo na samahan at maging pinaka malakas na grupo ng mga bampira. Ito ang mga nakikita ko sa ngayon na nais ng aking mga kasama ang humiwalay sa pamumuno ng Prinsipe ng bampirang pula si Clemente. Nais ng iilan sa aking mga kasama sa konseho na magtatag ng samahan na kinabibilangan ng aming pamilya at kalahi na hindi mahahaluan ng ibang lahi, tulad ng tao, lobo at mga nilalang na hindi nakikita. Base sa aking pagmamasid sa aming puod, Ilan sa mga kalahi ko ang nagtatangka na mag-alsa sa pamumuno ng aming pinuno. May iilan na kasapi sa konseho at iilan sa mga nasa antas bilang maharlika na nilalang na pinag mulan ang bampira na, hindi nila nagustuhan ang mga batas na ipinatupad ng aming pinuno na si Clemente. Nais ng iilan sa aking mga kalahi na kailangan iba ang paglilitis sa mga nakaka angat sa pamumuhay kumpara sa mga mababang uri ng kanilang lahi. Ito ang kanyang mga nakikita na dahilan, na may mga kalahi na ayaw nilang makasama. Sa panahon na hindi pa man bumababa ang kanyang mga pinsan sina Baldassare at Dawn may iilan na mga kapwa konseho ko ang tumututol sa mga pagbibigay ng hatol nito. Maging ang kanyang pinsan si Baldassare ay naging saksi sa iilan na pagka yamot sa mga naging hatol ng kanyang pinsan sa mga naka gawa ng labag na kautusan sa kanilang puod, at ang iba hindi nagustuhan ang naging parusa sa iilan na maharlika o mga nakaka angat sa kanilang pamumuhay bilang bampira. Tila na insulto ang iilan sa mga nasa middle class na bampira sa naging patas ang hatol sa dalawang nagkasala sa kanilang puod o kalahi. Sa pagkakataon ito, may iilan ako naka usap na mga kalahi na huwag muna maging padalos-dalos sa kanilang hakbang pagpapasiya na sumama sa iilan namin mga kasama na nagbabalak mag-aklas. Dahil batid din naman ng iilan na wala pa sila na maaring maging matibay at sapat na maging kanilang tuluyan sa kanilang maaring matirhan sakali na sila ay lumisan sa aming puod. Dahil dito kinausap ko ang ilan sa mga maaring maging tulay sa gagawin hakbang ng ilang namumuno na kapwa sa konseho. Batid kong may mga taga sunod ng iilan sa konseho ang tila napipilitan lamang na sumama sa kanilang master dahil sila ay isa sa mga alagad lamang nito. At nais man na tumiwalag sa kanilang master, kailangan muna nilang magpakita ng pruweba na sila ay pinapayagan o may pahintulot na nagmula sa pinaka head ng Pamilya na kinabibilangan ng mismong alagad nito. --------- Sa ibang Lugar ng kinabibilangan ng iilan sa mga kalahi ng good vampire na balitaan nila ang nangyari sa kanilang prinsesa si Callidora o mas kilala ng iilan na Princess Calli, isang masayahin at mabait na prinsesa ng kanilang lahi, at walang ka alam alam ang kalahi ng Prinsesa ng good vampire na may naka away ito. Batid ng iilan na mga kalahi at nakaka kilala sa prinsesa ay masasabi na isa itong perpekto para sa kanila, na hindi nakitaan ang magalit sa kanyang kapwa o magtanim ng galit. Tanging alam ng mga kalahi ng Prinsesa na isa itong pala kaibigan sa kapwa bampira na hindi kalahi o maging sa mga mortal. Hindi siya ang tipo na mapili sa kaibigan. Isang kaibigan na maasahan sa mga problema. Siya iyong tipo na mahinhin kumilos at walang ka arte-arte sa kanyang kilos o maging sa kanyang itsura. Natural lamang na ganda ang makikita mo, hindi tulad na kapwa ka edaran niya na gumagamit ng iilang mamahalin pampa ganda para lamang gumanda sa paningin ng mga binata sa kanilang lugar. Ika nga ng iilan sa mga kalalakihan na walang tulak kabigin ang taglay na ganda ng Prinsesa. Simple at mabini kung kumilos. Hindi tulad ng kaibigan nitong si Amethyst, na gumagamit ng pampa ganda para lamang mapansin ng mga binata sa kanilang lugar. Dahil dito may hinala ang iilan sa mga kalahi nito na may isang tao o kagaya nila ang tila naiingit sa katayuan nito sa buhay. At waring hindi matanggap nito ang pagkatalo sa lahat ng aspeto na pamumuhay at gandang taglay ng Prinsesa ng good vampire, may iilan narinig ang mga kapwa kalahi nito na malaki ang pagka inggit sa buhay at sa mga.naka paligid sa dalaga. Dahil dito ginawan ng hindi maganda ang kanilang prinsesa at tila nangangamba ang iilan sa mga kalahi nito na magdulot ng malaking problema sa kanilang lahi at sa tao o nilalang na may gawa ng masama sa kanilang prinsesa. Batid ng iilan sa kalahi ng dalaga si Calli na kakaiba ang ama nito sa tuwing mapag-usapan ang kanyang anak na si Prinsesa Calli, tila kakaiba magalit ang hari ng good vampire. Hindi mo makikita ang ama ng Prinsesa sa kanilang puod. At tila pala isipan din sa mga kalahi nito ang ama ng Prinsesa. May Ilan na balita na naririnig na hindi kasama namumuhay ang ama nito sa kanilang puod. Bagkus wala ninuman ang nakaka Kita sa ama ng kanilang Prinsesa, ang iba na nagsasabing isang halimaw ang ama ng mabuting Bampira, at ang iba naman ay kagaya ng mga mortal o mas kilala na taga lupa lamang. Dahil dito ang iilan na naninirahan sa Helkinsi kung saan ang iilan sa mga kalahi ng Prinsesa na naninirahan, at ang ibang mga mabuting bampira na kasama ng dalaga na nagpasiya ipaalam sa ama nito ang nangyari sa kanyang anak, bagamat alam ng mga ito, na maaring sumiklab ang digmaan sakali na malaman nito kung sino ang nilalang may gawa sa kanyang prinsesa. Agad tinawag ng Damma ni Prinsesa ang mensahero si Raven upang ihatid ang balita tungkol sa prinsesa, nais ng pinaka Damma nito na ipaalam sa ama nito ang nangyari, upang sa ganun ay matulungan sila sa problema nito. Maging ang mga kasama sa loob ng silid ng Prinsesa ang ilan sa mga taga pag-alaga, doktor na tumitingin dito at ang kasintahan si Clemente ng mga oras na Ika tatlo ng hapon, Habang nasa loob ang kasintahan nito, tila malaking problema ang kinahaharap nito, maging sa problema sa sariling puod nito na balitang balita na sasalakay ang mga lobo sa mismong puod nito, ngunit tila mababakas lamang sa mga mata nito ang pag-aalala sa kanyang kasintahan si Callidora, hindi malaman ng binata kung sino ang may gawa sa kanyang kasintahan ang lasonin. Dahil dito, hindi inaasahan ng binata na siya ay kausapin ng kanyang pinsan si Dawn sa mga oras na iyon, tila malalim ang iniisip ng binata si Clemente habang ang ilang mga nasa loob ng silid ng Prinsesa ay nagtataka sa mga sandaling iyon na papalapit sa kinaroroonan ng pinsan si Clemente. "Nais mo bang gumaling ang iyong mahal, Clemente? Tanong ng pinsan nito si Dawn. Ngunit wala sa sarili ang mapatingin ng binata sa kasintahan nitong naka himlay sa mahabang kama na kinaroroonan. At waring nag-iisip ang binata sa mga oras na iyon, "nais ko na makita ang kanyang mga matang nangungusap at mga ngiti na nagbigay lakas sa akin." Habang nasa ganun ang binata, alam ng pinsan nito ang kanyang iniisip at mauling nagsalita ang pinsan nito. "Kung nais mong makita mo muli ang mga matang nangungusap at mga ngiti na nagbigay lakas sa iyo. Tanging solusyon sa problema mo ay ang dating babaing unang nakilala mo, ang taga lupa. Alam mo, kung sino ang tinutukoy ko. Siya lamang ang makapag bigay lunas sa iyong mahal, at wala ni isa sa amin. Alam ng doktor ang solusyon sa problema mo, kaya lamang ayaw niyang pangunahan ka, batid niyang ikaw lamang ang makapag pasiya sa problema mo. Tanging Ikaw lamang ang solusyon at makapag bigay ng lunas na ibinigay ng isang babaing mangkukulam." Hindi makapaniwala ang iilan na naruon sa loob ng silid na kausapin ang Prinsipe ng red vampire ng pinsan nitong si Dawn, at sabihin dito ang solusyon sa problema at ibigay ang nalaman nito. Agad pumaruon ang kapatid nito si Baldassare upang sitahin sa ginawa nitong pangunahan ang gagawin. "Dawn ano ang iyong ginagawa?" Baldassare. "Tinutulungan ko lamang si Prinsipe Clemente na solusyonan ang problema nito, at alam ko din. Walang maglakas ng loob na sabihin ang solusyon o gamot sa problema niya, kaya sinabi ko na ito sa kanya. O mas madaling nasa kanya ang pagpapasiya kung ano ang kahihinatnan sa pag-uusap ng babaing may gawa ke Prinsesa Callidora." Dawn "Hindi ka dapat nangingialam sa problema ng mga matatanda. Alam mo bang mas pina bigat mo ang problema at maaring malagay sa alanganin ang kaibigan doktor na tumitingin dito." Baldassare "Hindi mo alam, kung anong mangyayari, kung hindi ko sasabihin ang solusyon sa problema. At mas malaking problema ang maging kapalit nito sakali na walang gawin ang Prinsipe. Dahil may nakikita ako sa aking pangitain na mas malaking problema ng tao, sa mga bampira at iba pang nilalang ang maaring mangyari." Dawn Ang lahat ng naruon sa loob ng silid ng Prinsesa, kasama ang doktor, mga taga pag-alaga ng dalaga, mga konseho na pili lamang sa good at red vampire. Ang naruon nakikinig sa pag-uusap ng mag-kapatid ng mga oras na iyon. Batid ng nakaka kilala sa mag-kapatid na Dawn at Baldassare ang may malakas na ka-pangyarihan taglay ang nakaka batang si Dawn. Sa murang edad nito na tila kakaiba sa mga babaylan ng dalawang bampira ang naruon, at kanila itong naramdaman ang ka-pangyarihan taglay ng batang si Dawn. Tila tama ang hinuha ng isa sa mga babaylan ang naruon na "mas malaking problema ang maging dahilan na maaring malagay ang peligro ng mga taga lupa sakali na hindi magising ang dalaga si Callidora. May isang nilalang na maaring sumira sa pinagka sunduan ng mga tao, bampira, lobo o mga nilalang na hindi nakikita. At maging ugat ng pagkasira nito." Wika ng isa sa mga taga pag bigay hinuha ng good vampire na kinilala lamang Tata isa na maituturing na pinaka matanda sa kanilang puod ang naruon sa loob ng tahanan na mga good vampire. "Tama lamang ang sinabi ng iyong kapatid, Baldassare. Mas kailangan gumawa ng paraan sa kaligtasan ng lahat. Hindi maaring ipagpaliban ang sinabi ng iyong kapatid. Kailangan gumawa ng paraan si Prinsipe Clemente kausapin ang may gawa sa pagkakahimlay ng aming Prinsesa, kundi malaking kaguluhan ang maaring magawa ng ama ng aming Prinsesa. Batid kong may alam na ito, sa ngayon." "Anong ibig mong sabihin Tata, hindi namin maunawaan ang nais ipunto mo." Baldassare "Nais ko lamang kausapin na ng inyong pinsan ang may gawa sa aming Prinsesa at kung hindi magawan ng solusyon o kalutasan sa problema nito. Maaring magpakita ang ama ng aming Prinsesa. At iyan ang ikinatatakot namin na mangyari iyon. Hindi niyo magugustuhan ang maaring magawa nito." Tata Maging ang mga red vampire ay napa isip ang Ilan sa sinabi ng pinaka pinuno na babaylan sa mga sandaling magdapit hapon na at ipinagtaka ng iilan na naruon na banggitin ang pangalan nito na ama. May alam ang binata si Prinsipe Clemente sa binangit ng naka katanda na ama ng kanyang mapa pangasawa kakaiba sa lahat ang taglay nitong kapangyarihan kumpara sa kanya na isang red vampire. Pina ngingilagan ito ng kanyang mga kalahi o lobo ang ama ng dalaga, at wala pa sinuman ang naglakas ng loob na kalabanin ang ama ng Prinsesa ng good vampire. Dahil dito naalala niya ang sinabi ng mga magulang ng mag-kapatid na V. "Iwasan mo ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pinaka pinuno ng good vampire, mahirap na maging kalaban ang lahing ito. Hindi mo magugustuhan na magkaroon ng lamat ang magandang samahan ng tao, lobo at mga katulad nating bampira. Kakaiba sila sa atin. Malalaman mo kapag nagkaroon ng mis understanding sa kanyang prinsesa. Malalaman mo ang nais kong ipunto sa oras na sa takdang panahon." Agad tinawag ang kanyang kaibigan si Nexus upang pabantayan ang kanyang mahal habang wala siya sa mismong tahanan ng kanyang mahal na si Callidora. "Nexus, ikaw na muna ang bahala dito. Habang wala ako. Makipag tulungan ka sa mga tao dito at lalo na sa dalawang mag-kapatid. Alam kong matulungan ka sa oras na may mga nilalang na nais sumalakay dito. Aalis pan samantala muna ako, upang gawin ang nais ng babaing nanakit sa aking mahal." Clemente Agad na tumalima ang binata sa naalala na sinabi ng kanyang mga Auntie ng panahon na nabu buhay pa ito, at sa sinabi ng kanyang pinsan si Dawn. At gawin ang na rarapat na solusyon sa problema na ibinigay ng babaing una niyang nakilala sa katauhan ni Amethyst. Batid ng binata ang nais nito kaya't ayaw niya lamang maniwala ng kanyang isip na ang may gawa sa pa nanakit nito ay ang babaing nakilala lamang niya sa pagtitipon at matagal na panahon. Ngunit sa pagka kilala ng binata na may nais ang dalaga sa kanya, at tila kakaiba kung kumilos sa harap ng maraming. Kumpara sa mga ka edaran niya. Sa pagkakataon iyon binasa ko ang isip ang nais nito, at kung bakit may kakaiba siyang naramdaman kapag kausap ang dalaga. Tila gina gamitan siya ng black magic nung panahon iyon na hindi pa niya alam ang tunay na pagkatao ng dalaga. Hangang isang araw nakita niya ito na isang huwad. At hindi niya na isip na ang lahat ay pagpa panggap lamang ng babaing nakilala lamang sa pagtitipon. At sa pagkakataon iyon, iniiwasan na niya na muling maglandas ang kanilang buhay. Tanging pag tanggi lamang ang kanyang isinasagot sa tuwing hihiling na sila ay mamasyal. At sa pagkakataon iyon nakilala niya ang babaing nagpatibok sa kanyang damdamin sa katauhan ni Callidora at hangang sa nagkikita kami sa pamamagitan ng panaginip. Dun kami nagka mabutihan na dalawa, at hindi ko din inaasahan na ang babaing mahal ko at ang babaing nakilala ko ay matalik na magkaibigan. At sa puntong ito na hindi ko mawari na siya ang gagawa ng p*******t sa aking mahal na si Callidora. Ang naging kasalanan ng aking mahal ay ang minahal lamang ako at minahal ko ang babaing magiging Ina ng aking mga anak. Kailanman ay hindi ko naging kasintahan ang babaing mas maitim ang buto sa mga kagaya namin walang mga puso sa mga kalaban. Natatanaw na ng dalaga ang binata na kanyang minamahal sa katauhan ng mga red vampire sa pagkakataon iyon, tila nawala ang sama ng loob nito sa Prinsipe. Para bang nalipad ng malakas na hangin ang dulot nitong sama ng loob sa lalaki na kanyang natatanaw habang patungo sa kanilang tahanan. At bigla naka dama ang dalaga na tila pan lalamig na nagmumula sa binata na kanyang natatanaw, walang emosyon na nakikita sa mga mata kundi ang tila mala yelo na nagpapa baga ng lamig sa pakiki tungo nito, kaharap ang binata sa mga sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD