Simula ng Takot...

2231 Words
Sa pagkakataon iyon lahat ay nangangamba na madamay sa alitan ng dalawang nilalang na mag-kaiba ang lahi na pinag-mulan ngunit iisa ang adhikain na maging maayos ang lahat. Nang mga araw na sumugod ang mga lobo at bampira, kasama ang mga nilalang halang ang kaluluwa na pumatay kung kina-kailangan. Kanilang papatayin sa oras na ito ay humadlang sa kanilang dinaraanan. Iyan ang nasa isip ng mga tauhan ni Rigor na inupahan ang mga tauhan nito, upang salakayin ang puod ng mga mambabarang. Habang ang iilan na mga kalahi ng bampira at taong lobo na ngayon ay kalaban ng mga Petrogradnian sa mga sandaling iyon. Batid ng iilan na mga kasapi ng konseho ng Petrogradnian na maaring atakihin ang mga mahihinang kasapi nito. At upang gawing bihag. Subalit nalalaman ng iilan mga witches na ito ang magiging plano ng kalaban sa mga kalahi na gawing bihagin at sa gayon mapasunod ang namumuno na umalis sa kanyang katungkulan, at upang pumalit sa pagiging pinuno ay ang matandang si Don Juanito Apollyon na isang huwad na bampira, para sa mga petrogard. Sa kabila ng pangamba ng iilang kasapi ng konseho, tila nalalaman ng mga mortal na sila ang puntirya ng iilang mga tauhan ng matandang si Don Juanito Apollyon. Alam nito na walang kakayahan ang iilan na kasapi ng konseho ang maipag-tanggol ang kanilang mga sarili, dahil sila ay tao lamang at walang kakayahan tulad ng mga bampira at lobo. Kaya sa mga sandali abala ang iilang mga kasama nito na nakiki pambuno sa mga nilalang na may natatanging kakayahan na maipag tanggol ang mga sarili. Habang ang mga mortal ay kanya-kanya dala ng mga panlaban sa katawan at upang hindi sila nahawakan ng alinmang mga nilalang kayang saktan at patayin sa mga sandaling nagkakagulo ang lahat. Ang mga bata at matatanda ay kanilang itinago sa isang safe na lugar, kung saan hindi kayang puntahan ng alinmang kalaban ng kanilang kalahi maging ang mga sinasabing mga mortal. Pinalilibutan kasi ito ng mga mambabarang ang loob ng tahanan ng Prinsesa na mga witches. Isa ito na maituturing na sagrado para sa mga kalahi ng Prinsesa ang tahanan nito. Maging ang iilang mga bampirang Pula na sinasabing makapangyarihan sa mga bampira, kailanman hindi naka pasok sa loob ng tahanan ng Prinsesa. Dahil may mahika na maituturing kayang kitlin ang buhay sa isang iglap lamang. Lahat ay takot na pasukin ang tahanan ng Prinsesa maging ang mga kapwa mambabarang na kasapi ng kanyang puod, tila ilag ang mga ito na pasukin o tingnan ang loob nito. Tanging ang mga kasama ng Prinsesa lamang ang nakapasok, at pili lamang sa mga kasama nito na kayang magtagal sa loob. Kaya ang iilan sa mga kasama sa puod ng Prinsesa ay hindi nila, tinangka na pasukin o mag-usisa. Kahit magtanung sa kanilang pinuno na tinatawag ng matatanda na Apoy. Hindi kailanman binabanggit sa kanilang puod ang tahanan ng Prinsesa. Tahimik ang iilan ng magpasiya ang Prinsesa na "dun muna sa aking puod ang mga bata at matatanda. Upang sa ganun ay walang magtangka na makuha ang iilan na mga kalahi niyo." Batid ng iilan na mga kasama sa suhestiyon, naruon ang pag-aalinlangan ang iilan na pumayag, dahil sa balita na alam ng lahat may kakaiba sa loob ng tahanan ng Prinsesa, ayaw nilang magkaroon ng hidwaan sa oras na may mangyari sa loob kasama ang iilan sa mga kalahing bampira, lobo at mga tao na pumasok sa loob ng tahanan ng Prinsesa para mag-tago sa mga kalaban. Naisin man ng iilan na umayaw sa suhestiyon ng Prinsesa sa mga sandaling nagpasiya ito. Ngunit wala na silang magawa dahil naunahan sila ng pangamba na madamay ang kanilang mga mahal sa buhay. Lalo na ang kanilang mga anak at ang matatanda. Hangang sa naka pasok ang mga bagong kaibigan sa loob ng tahanan ng prinsesa. -------------- Sinasabi ng iilan na lalapit ang pagtatagpo ng tatlong magkakaibigan na magiging ugat ng pagkawatak-watak ng lahing Bampira. Itoy naka saad sa isang lumang aklat na magkaroon ng kanya-kanyang pangkat o grupo ang bawat kalahi na kasama sa mga petrogardnian. Batid ng iilan na kapag sumapit ang kalahating buwan ng taon na maaring ito ang simula ng kanilang pangamba sa bawat kalahi, kasama, kaibigan at maging kapamilya nito. Dahil isa dito ang mag papahayag ng damdamin at magkaroon ng lamat sa pagitan ng kaibigan at sa minamahal nito. Mapupuno ng paghihimagsik ang mga kapanalig sa bawat kalahi nito, magsisimula ang kinata-takutan ng lahat na mag-alsa ang iilan sa mga kapanalig at humiwalay sa mga dating kasama. Dahil sa tatlong magkakaibigan na ito ang siyang magiging mitsa ng iilan na magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng tao, bampira at sa mga kapanalig nito. Lahat ay madadamay sa pagitan ng tatlong magkaka iba ang pinag-mulan ng magkaka-ibigan. At tanging dasal ng iilan, lalo na ang mga mortal ay maayos ang lahat, na hindi madamay sa galit ng isang pinaka makapangyarihan na nilalang ng kadiliman. Sinasabi ito ang gagawa ng hakbang upang sapitin ang ma-dugong laban sa pagitan ng tao at bampira. ______________ Don Juanito Apollyon Sino ba si Don Juanito Apollyon? At bakit siya na isama sa kwento ng Pamilya Vampire. Mas kilala sa Pamilya V. Kung tutuusin isa lamang na tao ang matandang si Don Juanito Apollyon at may kaya sa buhay. Ngunit sa kabila ng kanyang karangyaan sa buhay. Maituturing isang mabagsik sa kanyang mga tauhan ang matandang si Don Juanito. Isang matandang walang puso sa kanyang mga tauhan at kasama sa loob ng tahanan ang matandang Apollyon. Siguro ay dahil walang kasama na kamag-anak o kapamilya na maituturing ang matanda. Dahil sa sobrang bagsik nito lahat ng tauhan sa perya ay kanyang sinisigawan ng walang dahilan. Palaging may sapak ang ulo nito, sa kaunting pagkakamali ng kanyang mga tauhan sa perya. May nakalaan na isang parusa nagmula sa matandang hukluban. Ito ang ilang katawagan ng iilan sa mga tauhan nito. Alam ng mga tauhan na kaunting pagkakamali nila ay may kasamang hagupit ng latigo ang matanda si Don Juanito. Isa na nga sa mga tauhan na kanyang na parusahan ang taga assist nito sa isang magic event, kung saan ang matanda ang siyang nagpapakita ng mahika o ilusyon na ginagawa upang aliwin ang mga manunuod lalo na ang mga bata. Hindi inaasahan na ipakita ng matanda ang isang ilusyon na kanyang natutunan sa isang nilalang nagmula sa kalahi ng Vampire Family. Ang sinasabing ilusyon na kanyang natutunan na parang aliwin ang iyong kaisipan, at mata sa pamamagitan ng orasyon na bibigkasin nito ang siyang gagalaw ng isang bagay na hawak ng matanda, at itoy lulutang sa mismong harapan ng maraming tao. Ipapakita muna ng matanda ang bagay na kanyang hawak, at ipapahawak sa mga manunuod nito maging ang mga bata ay kanyang bibigyan ng premyo. Kung sakali na may makita na pandaraya. At kung wala makita ang mga bata, ang siyang uumpisahan ang palabas kasama ang bata, upang sa ganun ay kapani-paniwala ang napapanuod ng mga tao sa perya. Habang ginagawa ang orasyon na itinuro ng isang kaibigan ng matanda. Ang siya naman nag-aantabay sa likod ng malaking telon ang kaibigan nito. Siya ang gagawa ng mahika na inuusal ng matanda si Don Juanito, upang sa gayon ay mas lalong dumami ang manunuod nito at maraming pera ang pumasok sa kanyang negosyo. Walang kaalam-alam ang mga kasama ng matanda na isang hindi pang-karaniwang nilalang ang kasama ng matandang si Apollyon. Dahil sa ganid at kapangyarihan ang matanda, sa harap ng nilalang na ito. Ay isang maamong tupa na nagbabalat kayo. Hindi nalalaman ng nilalang na ito ay unti-unti siyang kinakaibigan hangang sa mapalapit ng husto at umibig ang nilalang sa matandang si Don Juanito Apollyon. Ito ang nais ng matandang si Don Juanito ang pa-ibigin ang dalaga at makuha nito ang nalalaman na isang bagay sa pamilya V. Kung ano ito? Mas maganda na alamin ang pagkatao sa likod ng matandang si Don Juanito. Kung paano naging ka kumplikado ang sitwasyon sa pagitan ng mortal at immortal. Dahil sa mga tao at nilalang may kalakip na lihim sa pagkatao nito. Iyan marahil ang kinata-takutan ng isa sa nakaka alam sa pag-iibigan ng tao at immortal. Iikot ang mundo ng nilalang na ito sa piling ng isang huwad na tao na nagbabalat kayo bilang matapat sa kanyang minamahal at mababago ang naka takda sa kasulatan ng Talaarawan ng Vampire Family sa pagitan ng mga nilalang na kasangkot sa storya ng dalawang nilalang magka-iba ang ginagalawan. Mag-uumpisa sa pagmamahal ng isang bampira sa isang tao na nagmula sa isang mabagsik at mapang-api sa kapwa. Ang pag-mamahalan na tinutulan ng maraming kalahi nitong bampira at isa sa mga tumutol dito ang siyang kapatid ng bampira si Baldassare at sa taong iniibig ng kanyang kapatid na bampira sa katauhan ni Don Juanito Apollyon ang siyang sisira sa lahat ng Pamilya Vampire. Dahil dito itatakwil ng kalahi ni Baldassare ang kapatid nito si Dawn. Dahil sa nagmahal sa isang mortal at pina-ngangambahan ng kanilang Ima na maghahasik ng kaguluhan ang nasabing lalaki sa pangi-tain nito ni tandang Ima sa kanilang buong lahi ng bampira. Nakikita nito sa hinaharap na mas mag-aasam na maging mas makapangyarihan sa mga tao at bampira ang matandang si Don Junaito. Ito ang nakikita ng matanda si Ima habang ito'y nagpapahinga sa kanyang puod. Kaya't binalaan nito ang pinaka pinuno sa kanilang puod na harangan ang pag-iibigan ng dalawa, Lalong -lalo na sa kanilang kasama at kalahi si Dawn at sa oras na makipag tanan sa matanda ang kanilang kalahi. Ito ang magiging hudyat ng pagkawatak-watak ng mga kalahi nito at iba pang mga nilalang na kanilang kasama. Magkaroon ng lamat sa pagitan ng tao at bampira. Ito ang balintataw na nakikita ng matanda si Ima. Walang ka alam-alam ang iilang mga kalahi nito na palihim na nakikipag-kita ang dalaga sa matanda si Don Juanito Apollyon. Kahit maraming taga pagbantay ang dalaga ni isa ay kanya itong na tatakasan sa pagbabantay. Maging ang pinaka pinuno ng kanilang puod ay hindi nakaliligtas sa pagiging madulas ng dalaga sa mga kasama nito na matakasan sa pagbabantay. May kapangyarihan ang dalaga na wala isa sa kanyang mga kalahi na maging invincible na hindi nakikita ng kalaban o kakampi. Ito ang paraan na ginamit nito sa kanyang mga alagad ng kanilang Ima. Dahil dito ang kakayanan ng dalaga si Dawn ang siyang makakasira sa kanilang samahan bilang magkapanalig at magkaka-ibigan na bampira. ___________ Massimo Hindi ko alam, kung ano ang magiging bunga sa ginagawa ng isa sa maituturing na kapatid sa lahi ng bampira na aming kinabibilangan. Alam ko na hindi dapat ako mangialam sa buhay ng aking kaibigan. Bagama't malalagay ang buong lahi ko sa kapahamakan, kaylangan ko mapigilan ang kanyang gagawin na mapalapit sa immortal na kanyang nakikilala sa labas ng puod na tinitirhan naming mga bampira. Bahala na basta mapag-hiwalay ko ang dalawa at hindi maaring magkatuluyang ang dalawa sa oras na magkalapit ang dalawa ang siya katapusan ng ibang lahi ko na pumanig sa huwad na maging kapamilya namin. Alam ko na lalabas akong isang kontrabida sa dalawa, dahil hindi maari na magsama ang magka-iba ang pinag-mulan. Dahil ito ang magiging katapusan namin lahat. Maari kaming mapahamak sa huwad na nilalang bilang isang bampira, lalo na ang kanyang tanging nasa isip nito na maging makapangyarihan sa kanyang mga kalipi, at nais nitong makapag higanti sa mga taong naging malupit sa kanya. Ito ang nakikita ko sa kanyang mga mata, habang binabasa ang isipan nito kaharap ang aming kalahi na nagmula sa mismong bampira at isa sa kaibigan ko ang kapamilya nito. Tanging ito lamang ang aking nakikita na solusyon ang pagpigil sa namumuong pagtitinginan na dalawa. (Alam ng lahat ang ginagawa ng mga konseho na pigilan ang pag-iibigan ng dalawa, upang hindi umusbong ang sinasabing sa kasulatan ng Talaarawan ng mga bampira. Lahat ay nagkakaisa na pigilan ang pag-iibigan ng dalawa sa ikatatahimik ng kanilang puod at kalahi nito.) ----------- Prinsesa ng mga mambabarang Hindi ko akalain na mangyayari ang kinata-takutan ng lahat na magiging madugo ang lahat sa iisang nilalang nagpabago ng lahat. Ang aking tinutukoy isang nagmula sa bampira, kapatid nito ang lalaking iniibig ko si Baldassare. Kaya lamang mukhang mababago ang Talaarawan ng lahing Bampira sa kanyang naka-batang kapatid nitong babae. Ang umibig sa isang mortal at higit sa lahat may itinatagong lihim ang matanda, tanging alam ko lamang na masaya ang nakaka batang kapatid ni Baldassare sa tuwing ito ay lalabas sa kanilang puod, marahil makikita nito ang lalaking kanyang sinisinta. At wala akong alam, kung may pina inom o ipinakain ng matanda sa dalaga. Batid nitong nahuhulog na ang loob nito sa lalaki na kanyang nakilala sa labas ng kanilang puod. Marahil sa pagiging inosente ng dalaga ang siyang naging bitag na mahulog ang loob nito sa taong nag-pakita ng kagandahan asal sa harap ng dalaga. Kung alam lamang ng dalaga na ang ipinapakita ng matanda sa kanya ay mga panlabas na anyo lamang na mabuting tao at may malasakit sa kapwa. Kung malalaman nito ang tunay na kalooban nito, malamang hindi niya ito pansinin. Kaya lamang hindi ko alam ang totoong pangyayari ng dalaga, nais ko mahawakan lamang ang kamay ng dalaga, upang matulungan ito sa magiging miserable nitong buhay sa piling ng mortal na si Don Juanito. ---_---- Magkaroon pa ba ng solusyon sa problema ng Pamilya V. Tuluyan na maging kapamilya ang matandang si Don Apollyon. Abangan na lang po ang susunod na mangyayari sa Pamilya V.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD