Nalaman ng iilang tauhan ng pinuno na mga bampira na may nilalang naka lusot sa pagbabantay nito. At ang nilalang na kinata-takutan ng lahat ay ang pinaka malakas na bampirang may taglay nito na nakilala lamang na Massimo.
Siya ang matagal na nawala na kalahi ng pinuno na mga Petrogradnian. At nag kataon na makita siya na isa sa mga nagbabantay ng hangganan ang mga tauhan ni Kapitan.
Base sa kanyang aroma na ginagamit bilang isang maka pangyarihan na nilalang at nakilala sa taglay nitong lakas ng tulad sa kanilang pinuno namumuno sa kanilang kaligtasan. At ngayon ay kanila ipinag bigay alam sa kanilang kapitan ang isang nilalang nagbuhat sa Norte ang nilalang pumasok sa kanilang lugar na Petrogradnian.
May alam ang sundalo na nagbabantay dito na hindi pang-karaniwan ang pumasok sa kanilang lugar, kundi isang mas may natatanging taglay na kapang-yarihan ang pumasok sa kanilang puod.
Ito ang hinala na si Emilio sa mga sandaling naatasan na mag bantay sa hangganan na kanilang lugar.
May iilan na kagaya niya ang mas higit na naka kilala dito kaysa sa iba pang mga kasapi ng kanilang konseho.
Mailap ang nilalang na ito sa mga nilalang kagaya niya, isang bampira. Ayon na din sa kanilang pinuno na pagbibigay impormasyon niya sa amin mga ka sundaluhan niya.
Hangga't maari ay maging lihim ito sa mga kalaban ng aming lahi. At iba pang mga kaaway na mga sandaling iyon.
________
Massimo
Batid kong malapit na ang aming pagkikita na mga kaibigan ko. At sapat na maging masaya ako sa tagal na panahon na aking inilaan na pag-aaral bilang isang magaling na doktor.
Nais kong sundan ang yapak ng aking naging guro sa medisina sa katauhan ng ama na aking nililiyag na si Olga. At ang panahon na ito ang siyang pinaka-hihintay na makaharap ko ang dalaga nagpatibok ng aking puso.
Ngayon nga ay nasa puod ako ng Petrograd sa pagkakataon na ito ay makikita ko na siya. Kaya lamang tahimik ang lugar na ito, pansin kong na dumating ako sa hangganan ng Petrogradnian ay may malaking sira ang kanilang harang. Tila dinaanan ng malaking pag-sabog ng kanyon.
At ang daanan nawasak at sira-sira maraming uka na lupa habang ako ay patungo sa plaza. Kung saan ang alam ko ay maraming tao ang nasa plaza na nagkaka-sayahan, ang iba ay maraming mga bukas ang mga tindahan kahit na sabihin ito ay gabi. Alam ko may mga mortal na kasama naninirahan ang mga bampira na katulad ko.
Ngayon parang kakaiba sa aking paningin ang aking nakikita. Kumpara ng ako ay narito pa sa lugar na ito.
Masasabi kong may sumalakay na mga kalaban dito. At kung sino? Iyan ang dapat kong alamin sa namumuno dito. Siya ang aking inihalili sa posisyon ito, batid kong alam niya ang dapat gawin. Kung sakali na magkaroon ng problema dito.
At ngayon nga!
Nakikita ko na may mga mata sa labas ng lugar na Petrograd na nagmamasid dito at tanging inaalam ang bawat kilos na mga kasama ko, habang ako ay patuloy na naglalakad patungo sa isang silid na mga konseho. Na ang iilan ay nagtatalo-talo sa mga oras na iyon.
May iilan na werewolf ayaw nilang tumira sa puod o lugar ng mga mambabarang. Sa isip kasi nila na sila ay mahihina na nilalang at walang mapuntahan. Kaya eto ang nasa isip ng isa sa mga kasama sa konseho na nagpu-pulong dito.
At may iilan naman na sang-ayon na ibinigay ng pinuno ang tumira pan samantala sa tahanan ng mga baranggan.
Alam kasi ng iilan na matatapang ang mga nakatira dito at hindi nagdadalawang isip na ikay saktan kapag may nakita silang mali na ginagawa mo at salungat sa kanilang paniniwala.
Kaya hindi ko din masisi ang iilan na mga kasapi sa konseho na umalma sa suhestiyon ng kanilang pinuno.
Ngunit wala ng oras na dapat sayangin ang mga pinuno ng bawat kasapi sa konseho, dahil sa susunod na pag-salakay ng mga kalaban nito. Tiyak na magiging madugo ang labanan.
Iyan ang aking nakikita na mangyayari sa mga kasama ko at mga kaibigan.
Kapag hindi sila sumang-ayon sa suhestiyon ng aking kaibigan. Ito ang kinata-takutan ng lahat na madamay sa labanan ng Pamilya Apollyon kontra sa mga Petrogradnian.
At hindi naglaon nagbigay ako ng signal sa aking mga kasama na mag-handa ang lahat. Dahil pagsapit ng ika labin dalawang hating gabi ang siyang pag salakay ng mga kalaban, patungo sa aking kinata-tayuan.
_______
Pinuno
Nakarinig kami ng isang signal sa mga sandali iyon habang nagtatalo-talo ang iilang pinuno ng bawat kasapi sa konseho na magkaroon ng panibagong option sa kanilang maaring tuluyan, kung sakali na ayaw nilang mag pasakop sa mga barangngan.
Nais nilang lumabas at magtungo sa kanilang mga kalahi na naninirahan sa ka timugang bahagi ng Russia. Dun muna sila makikituloy habang hindi pa mabigyan ng ka solusyonan sa problema ng mga petrograd at sa pamilya Apollyon.
Nalaman nila ang nilalang nag pasabog ng mga mortar sa loob ng aming lugar, ay ang Pamilya Apollyon sa pamahala ni Juanito. Ngayon ay isa ng Don, Dahil sa ginamit nito ang kaalaman ng black magic bilang isang magikero at sirkero sa perya. Ito ang unang trabaho ng matanda bago maging kalahi nila ito.
Isang pang-karaniwan lamang si Juanito at naghahanap buhay bilang isang magikero sa perya. At nakilala niya ang babaing bampira na nagmula sa lahi namin.
Tanging iyon lamang ang aking alam sa buhay ng matanda si Juanito. At ngayon ay isa na kauri namin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa babaing minahal niya, wala na kaming alam pa sa nakaraan ng matanda.
Ngayon ito ang taong nagpa sabog sa aming hangganan at sirain ang malaking bakod ng aming lugar.
Kailangan niyang magbayad sa aming lahi at sa lahat nadamay at namatay ng mga mahal sa buhay namin. Hindi maaring makatakas ang matanda, Kailangan niyang pagbayaran ang buhay na kanyang pinatay at kailangan din namin ang buhay nito.
Hanggang sa.....
*Rooooooooar, Rooooooooar, Roooooar.*
Ito ang mga naririnig namin sa mga sandali ngayon, palakas ng palakas ang alulong ng mga taga pag-bantay namin sa labas ng hangganan. At sa nakikita ko na nakikipag-laban ang mga ito sa mga kapwa lobo at mga bampira na kapanalig ni Juanito.
Habang ako ay nagbigay ng signal sa iilan nasa loob ng aming puod na mag-handa ang lahat sa mangyayari, at kung kailangan patayin ang kalaban, patayin sa ikatatahimik ng ating lugar.
"Nasa inyo na ang lahat ng pagdedesisyon, ibinibigay ko ito sa inyo. Kung alam mo na ma panganib sa iyong pamilya. Gawin niyo ang tama."
At sa mga tao ang inaalala ko, na maari silang malagay sa panganib. At madamay sa away ng mga bampira at lobo. Sana hindi maka apekto sa mga kasama namin ngayon ang pag-salakay ng mga kaaway sa mga tao na walang kalaban-laban sa kanila na mga natatanging kakayahan.
________
Narating ng iilang mga kasapi ng konseho ang puod ng mga mambabarang sa mga sandali, hindi naging madali ang paglikas ng mga ito. Kasama ang mga batang nag-iiyakan dahil sa mga pangayayari na nagaganap na pag-salakay ng mga kalaban sa aming tirahan. Alam ng iilan na napilitan sumama sa paglikas ang mga werewolfs upang isalba ang iilan sa mga kalahi nito.
Base sa mga nalalaman ng iilan na maraming mga kalahi ng lobo ang pumanig sa mga kaaway nito. Hindi alam kung ano ang ibinigay na dahilan sa mga dating kasama nito, upang sumama sa Pamilya Apollyon.
Batid nitong may lihim ang matanda at tanging ginagamit nito ang iilan sa mga lobo na maging tau-tauhan nito. Upang sa ganun ay maging malakas at kinata-takutan sa lahat.
Tanging dasal na lamang umaasa ang iilan, lalo na ang mga tao na maayos sila makapasok sa puod ng mga mambabarang upang pan-samantala muna sila manirahan. Hangga't hindi pa natapos ang labanan ng mga kaaway sa pagitan na kanilang pinuno at iba pang mga kapanalig na ngayon, ay itinataya ang mga buhay nito. Upang ipagtanggol lamang nito ang kanilang tahanan na Petrogradnian at sa mga namatay nang araw ng linggo.
Batid ng iilan na maipag higante ang iilang mga mahal sa buhay na namatay dahil sa mga nilalang masama ang adhikain ang maka panakit ng damdamin nito at maagaw ang kanilang tahanan sa kamay ng ganid na matandang namumuno na si Apollyon.
Kanya-kanya ang iilan na lumalaban sa mga kaaway nito.
*rooooooooar, rooooooooar*
Ito ang maririnig na mga alulong na nagbubuhat sa dalawang panig na mga tauhan ng Petrogradnian at alagad ng Pamilya Apollyon.
*sssshiiiiiis, sssshiiiiiiiiiiiis*
Ilan lamang sa mga bampira na nagpa pambuno sa mga kalaban nito na kapwa bampira na ngayon ay kanya-kanyang salakay ang iilan sa mga nakikita na mga tahanan o tindahan.
Tinitingnan ng iilan, Kung may mga tao sa loob nito. Batid ng iilan na may naninirahan na mga mortal sa loob ng Petrogradnian. Base sa isang naging dahilan ng lahat na masalakay ang lugar na mga petrogard. Dahil sa nilalang nag-aanyong tao na hindi siya makilala ng iilang mga kalahi lobo nito. Binigyan ng mahikang itim ang nasabing taksil sa loob ng petrogard ang nilalang na ito na nakiki halubilo sa mga kagaya niya. Ngunit hindi siya kailanman nakilala ng iilan kalahi niya maamoy ang kanyang dugo bilang lobo.
Dahil sa ibinigay ng kanilang pinuno si Juanito ay naging magaan ang trabaho nito na gumala sa loob ang traydor na nakilala lamang na si Silas isang binatilyo at kalahi ng mga lobo, na nakatira sa puod ng mga tao. Dito niya pinili manirahan kasama ang mga tao na hindi siya kayang basahin o amuyin ng mga kapwa lobo niya o bampira.
At sa pagkakataon iyon, pumasok ang binata si Silas bilang isang dyanitor ng municipalidad ng Petrograd. Upang alamin nito ang buong detalye na mayron ang mga namumuno at kasapi dito. Dahil sa hindi nalalanghap ng mga kapwa lobo niya ang kanyang amoy bilang isang lobo. Nanatili ito na bilang isang tao sa pamamagitan na may pina-inom ang matandang Juanito sa binatilyo, na maging isang mortal at malaman nito ang buong detalye sa pamumuno nito, paano naging malago ang negosyo nito na wala naman ibang mga mangangalakal na pumapasok at lumalabas sa lugar na petrogard.
Ito ang malaking pagtataka ng Pamilya Apollyon at mga kasama nito. May hinala ang iilan na may kayamanan nakabaon sa lugar ng Petrograd at ito ay nais malaman ng matanda sa pamamagitan ng kanyang mata at teynga sa loob ng Petrogradnian.
Batid ng iilan na malapit itong matuklasan ni Silas ang mga lihim ng mga namumuno dito.
Silas
Ako ang naatasan na maging espiya sa loob at labas ng mga petrograd na maging isang kagaya na mga tao.
May ipina inom sa akin ng aming pinuno na isang inumin. Kung titingnan mo ay isang pang-karaniwan lamang na inuming tubig.
Kung bakit hindi ko maunawaan ang nararamdaman nang inumin ko ang tubig na iniabot sa akin ng aming pinuno si Juanito, "inumin mo ang tubig na ito, upang maging maayos ang iyong misyon sa loob ng petrogard. At walang sinuman ang pwedeng maka kilala sa iyo, maging kalahi mo lobo ay hindi ka maamoy o mapag hinalaan na isang espiya sa mga kapwa mo. At alam ko nagtataka sa aking ginawa, dahil upang ma protektahan ka lamang nito. At sa gayon maayos kang maka kilos sa loob ng pagbabantay mo sa mga kaaway. Nais kong alamin ang lihim ng mga dati mong kapanalig."
Ito ang binitiwan ng aking pinuno na si Juanito sa akin, habang ang pakiramdam ko ay tila nanghihina sa mga sandaling kausap ko ang aking bagong pinuno si Juanito. Hindi ko akalain na may hinalo sa aking inumin at upang mamanhid ang aking kalamnan sa mga oras ika- walo ng gabi, kasama ang iilang magiging kasama sa loob ng mga Petrograd.
Hanggang sa nalaman ko na lamang sa aking mga kasama na nasa loob na kami ng petrogard. Upang simulan ang aming misyon sa mga kaaway namin ngayon.
Hindi ko alam, kung paano ako nakarating sa loob ng mga kaaway, at ang tanging naalala ko lamang na kausap ang aming pinuno at may kasama ako na tao, Isang mortal na sa tingin ko ay tulad ko din na naging traydor sa aking kalahi.
At hangang sa ngayon na ako ay narito sa loob mismo ng mga petrograd na nakiki salamuha sa kanilang pag pupulong, tila naulinigan ko na pan samantala muna sila manuluyan sa mga mambabarang. Hangang sa maging maayos ang sitwasyon. Tanging ito lamang ang aking nalalaman sa pag-pupulong ng iilang mga kasapi sa konseho ng mga Petrogradnian.
Dahil hindi ko magamit ang aking natatanging kapangyarihan sa pagkakataon na iyon, mas minabuti ko na lamang lumabas at tagpuin ang isang kasama ko na espiya din. Upang iulat dito ang narinig sa pag-pupulong.
Nakita ko sa paglabas ng silid ng mga pinuno nakita ko ang isang pamilyar sa aking paningin na tila kakaiba sa pakiramdam ang dulot nito.
Kay lamig ng hangin na iyong nararamdaman habang binabagtas ko ang daan palabas ng pasilyo na pinag mulan ko. Para bang kay lamig ng yelo ang dala ng kapangyarihan na bumabalot sa mga sandaling iyon, pansin ko sa lalaking na aking naka salubong parang nalaman nito na may parating na isang problema at tila nanindig ang aking mga balahibo sa katawan ng magbigay senyales ito sa mga kasama na nasa loob ng silid pulungan ng mga mataas na pinuno.
At hindi naglaon narinig ko ang alulong na iyon ng bata pa ako, tila isang hudyat na magkaroon ng ma-dugong labanan sa pagitan ng magka-away na mga Pamilya. Ito ang aking interpretasyon sa mga sandaling ito. Hindi ko sukat akalain na muli kong maririnig ang alulong ito na kay lalim ng kanyang pagtawag sa kanyang mga kasama sa mga oras na iyon.
At nakita ko na lamang ang aking sarili na nasa labas ng silid pulungan at nakita ng aking mga mata ang mga kalahi ko ay tila nagpa p*****n, maging ang mga bampira ay ganun din ang ginagawa. Kanya-kanya laban ang mga ito sa mga kaaway. Maging ang iilang mga tao na kasapi sa konseho ay naruon para tumulong sa mga naging dahilan ng kaguluhan. At puksain ang mga nilalang may maitim ang budhi.
Hangang sa napadako ang aking mga mata sa isang nilalang na kanina ko lamang nakita ay parang kidlat kong gumalaw ang isang bampira nagmula sa Norte at ngayon ay nakikipag laban sa mga lobo at bampira na naging kasama namin noon at ngayon ay isang kaaway para sa amin ang lahi ng Petrogradnian.
Pansin ng iba na makita ako ng isa sa mga kasama dati na parang nagtataka sa aking ikinikilos batid niya na may nag-iba sa akin. At hindi na ako tulad ng dati na, wala akong patawad sa aming kaaway. Ngayon parang may kaunting pagbabago na nagaganap sa akin bilang isang taong lobo.
At bigla na may tumama na isang bagay sa aking likuran, at hindi ko alam. Kung anong bagay ito, parang mainit na bakal at animoy para kang nauupos na isang kandila sa mga sandaling tulala lamang ako sa aking nakikita. Alam ko na ang tumama sa akin ngayon ay nagmula sa aming pinuno.
Hangang sa aking nararamdaman tila mainit, nakapapaso sa balat, at nakaka panghina ng kalamanan. At sa aking mga mata para bang nag-uunahan itoy pumikit.
__________
3rd person
Nanghi hinayang ako sa naging buhay ng aking kasama, hindi sukat akalain na isa palang espiya sa aming tahanan. Ang lalaki na nakilala lamang ng aming pamilya, ang alam ko ay hindi gagawa ng masama sa kanyang kapwa.
Ngunit magkamali ako ng pagkilala sa nilalang na iyon. Isa pala itong dating kasama ng mga lobo at pumanig sa kalaban ng mga bampira. Ngayon hindi ko alam, kung paano naka pasok sa aming lugar ang nilalang na ito.
Nais kong alamin ang buong detalye sa binata na aming nakilala, isang beses namin naka salamuha sa municipyo. Upang kausapin ang pinuno ng aming lugar, kung saan maraming mga nilalang ang nakatira dito sa petrograd. Dati itong karaniwan na lugar ng mga tao, Kung saan tahimik na namumuhay bago pa dumating ang mga nilalang na naging kaibigan namin.
Ngayon ang tahimik na lugar, at maayos sa ibang karatig lugar ng petrograd. Tila masasabi ko na nag-iba ng panahon at pamamalakad. Hindi na tao ang siyang pinuno, kundi isang nilalang na naging kalahi ni Dracula ang naging pinuno dito.
Sa pagkakataon iyon, naging maayos ang pamamalakad nito sa lahat. Pantay-pantay ang paghatol niya sa sinuman ang nagkasala sa tahanan ng kapwa niya, o mga nilalang nakalabag ng hindi naayon sa batas na ipinatutupad.
Maging ang iilang mga nilalang na tulad ng bampira, lobo at mga witchcrafts ay nakasama at naka-halubilo ng mga mortal ang iilan dito. Tinanggap ang mga ito bilang isang kaalyansa sa mga bandido na nais sakupin ang petrograd. Kaya ang iilan sa mga katulad namin na mortal mas pinili namin na maging kaibigan ang mga nilalang na kakaiba sa aming mga tao.
Alam namin ang aming ginagawa, sa mga sandali na nakipag-alyansa kami sa mga nilalang may kaakibat na taglay ang mga ito, kumpara sa aming mga mortal. Batid namin na kami ang gumawa ng aming hukay sa lupa nang makipag kasundo sa mga nilalang may kapangyarihan.
Ngunit ito na lamang ang nasa isip ng mga panahon iyon. Kumpara na piliin namin maging alipin ng mga bandido ang aming pamilya at ang aming mga mahal sa buhay ay kanilang gawan ng masama. Mas pinili namin maging kaibigan ang mga bampira kaysa sa mga kalahi namin na alam naming papatayin din ang buong angkan ng aming pamilya sa kamay ng mga bandido.
Ayoko na mangyari sa aming pamilya ang naging kapalaran ng iilang kalapit naming lugar. Kung saan nag pasakop
sila sa mga bandido, at ang mga kababaihan ay winasak nila at ang mga kalalakihan ay kanilang pinapatay. Ang mga bata na may edad 10 pababa ay kanila itong ibinebenta sa mga dayuhan at nagiging alipin ng iilang mga banyaga.
At sa pagkakataon na iyon, pinili naming makipag-kaibigan sa mga nilalang na bampira, lobo at mangkukulam. Mas batid kong pina hahalagahan nito ang Pamilya o lahi. Kahit alam namin na hindi kauri at maari maging kaisa namin sila sa oras na dumating ang tinatawag ng mga taong lobo na Eros ibig sabihin ng mga bampira ay isang madamdaming pag-ibig na ipinag kakaloob nito sa sinuman ang umibig ng tapat, ay higit na magkaroon ng pagbabago para sa lahat.
Iyan ang paniniwala ng iilan sa mga naging kaibigan kong bampira. May iilan naman na hindi naniniwala sa kasabiban ng kanilang mga ninuno. Dahil kapag umibig ang isang nilalang kagaya ng bampira at tao na magka-iba ang kanilang pinag-mulan ay maari maging isang delubyo para sa mga kalahing bampira. Patuloy na may mangyayari na mga problema sa bawat isa at higit sa lahat iyong mga kapwa kalahi ng nasabing umibig.
Ang ibang mga bampira namin sa loob ng petrogard ay tila mailap sila sa aming mga tao. At hindi sila nakiki halubilo sa aming mga tao. Kundi ang aming mga nakikita lamang ay ang mga mambabarang at mga taong lobo. Mas madalas namin itong maki salamuha sa aming mga pagtitipon ang mga taong lobo kaysa sa mga bampira.
At iisa lamang ang naging kaibigan namin ay ang pinuno na namumuno sa aming lugar.
Hangang sa dumating ang pagsubok sa aming lahat.
Ang isang nilalang na nagmula sa tao ay umibig sa isang nilalang na umiinom ng dugo ng tao, at ang nilalang na iyon. Hindi siya naninirahan sa lugar na aming tinitirhan kundi na sa malayong lugar.
Kung paano nabuo ang takot sa dibdib ng iilan na mangyari ang hindi dapat mangyari na magkaroon ng sigalot sa pagitan ng tao at Bampira.