Massimo

3365 Words
Isang nagmula sa pamilya ng mga Bampira ng red vampire anak siya ni Pinuno Clemente isang maituturing na patas na pinuno sa kanyang na sasakupan ngunit isang mabangis na kaaway sa mga nilalang kumakalaban sa kanyang pamamahala. Ang binatang si Massimo ay lumaki at nagka-isip sa lugar ng Petrogard, lugar ito ng kanyang ina si Callidora isang magandang bampira sa lahi nito. At hinahangaan ng lahat dahil sa angkin ganda at likas na mabait ang ina ni Massimo sa kanyang mga kababayan. Hindi maiaalis na magtaka ang iilan na mas pinili manirahan ng binata si Massimo sa lugar ng mga Petrogardnian. Dahil sa Ina nito, hindi nilisan ang kinagisnang pamilya ng kanyang ina, Dahil dito nagpasya ang ama ni Massimo na ang tiyuhin na si Allesandro ang siyang hahalili sa kanyang ama habang wala ito sa puod ng kanyang ina. Mas pinili ng binata na manirahan sa piling ng kanyang ina, kumpara na ma-kasama ang ama nito. Dahil sa ang kanyang ina ay isang mahina na bampira. Sinasabi ng iilan na binarang o linason ang ina ni Massimo ng kaaway o mas tamang sabihin na karibal sa kanyang ama na umibig dito. Isang nilalang mortal at kaibigan ng kanyang ina ang siyang gumawa ng bagay na saktan ito sa pamamagitan ng pagbarang. Hindi matanggap ng dalagang si Amethyst na ang pinili ng kanyang kasintahan nitong si Clemente ay ang kanyang ina si Callidora. Hindi matanggap ng kaibigan ng kanyang Ina na si Amethyst na ipagpalit siya sa isang kaibigan na si Callidora. Isang mahina na nilalang nagbuhat sa pinaka mahina na bampira sa Lugar ng Petrogard. Ito ang dahilan ng binata si Massimo ang bantayan ang kanyang Ina sa mga taong may lihim na galit sa kanyang Ina. Batid ng binata na may kaalaman ang dating kaibigan ng kanyang Ina na isang Black Magic, At ito din ang kanyang pinanga-ngambahan na magpatuloy itong gumawa ng masama sa kanyang Ina. Sa kabila ng pagiging mabuting kaibigan ng Ina ni Massimo sa mortal na kaibigan na nakilala lamang sa pangalan na Amethyst. Katulad ng ina ni Massimo, maganda din ang dalaga. Maputi, ang kulay nito tulad ng gulay na labanos at ang kutis nito ay tulad ng mga Korean.Makikinis ang balat at ang mga mata nito parang isang manika, katamtaman lamang ang laki nito at ang mga pilik mata nitong mahahaba ay bumagay sa hugis ng mga matang bilugan. Ang ilong nito na tila nililok lamang na tulad ng isang manequin at ang mga labi nito na mas mapula pa sa rosas. Sa kabila ng kagandahan taglay ng kaibigan ng kanyang ina si Callidora ay may natatanging pangit na ugali ang kaibigan si Amethyst. Mas pinili ng kanyang ama na gustuhin at ma-kasama ang kanyang ina keysa sa kasintahan nitong si Amethyst. Sa pag-uugali nito kabaliktaran sa kaibigan nitong si Callidora. Batid ng ama na si Clemente na kapag naka tuluyan niya sa buhay ang dalagang si Amethyst ang siyang maaring makagulo sa kanyang pamumuno. At maging dahilan ng pagka watak-watak ng kanilang lahi. May nakikita ang ama ni Massimo na may binabalak ang dalaga na maging isang pinaka makapangyarihan na mortal at maisa katuparan nito na maging tanyag sa buong bansa na makilala bilang maka pangyarihan na nilalang. At mapa sunod sa lahat ng nais niya. Ito ang mga nakita ng ama ni Massimo sa dating kasintahan si Amethyst. Ipinakita din ito ng kanilang gadalka si Wanda ang magiging senaryo kapag ipinagpatuloy nito ang pakikipag relasyon sa mortal na si Amethyst. Binalaan na siya ng kanilang gadalka na "hangga't maari na maaga pa ay iwan mo ang iyong kasintahan, siya ang magdudulot ng gulo sa atin at sa buong bansa." Ani ng aming gadalka sa lugar namin. At ganun ang nangyari hiniwalayan ng aking ama ang kanyang kasintahan si Amethyst. At hindi nag-pakita ng maraming taon, hanggang sa itinakda ng panahon na dapat ay magkaroon ng makakasama ang aking ama sa pamumuno nito na maaring makahalili nito sa pamumuno sa aming mga kalahi. Sa hindi inaasahan ng lahat na magka kilala ang aking ina at ama sa isang hindi inaasahan na pangitain sa isang balintataw ng aking ina. Ang panahon na iyon na makaidlip ito sa mahabang paglalakbay ng kanyang mga kaibigan. kasama nito ang iilan na mga mortal at sa hindi ma ipaliwanag na may lalaking nakita siya na naka tanaw sa kanyang kinaroroonan sa isang malaking puno kung saan siya ay naka upo, at gumagawa ng isang kwintas na gawa sa isang bulaklak na animoy iaalay sa isang nilalang. Hindi alam ng dalaga na sa kanyang harapan ang binatang si Clemente at tila pinag mamasdan lamang siya nito at tila na aaliw ang binata sa dalaga na kanyang kaharap. At hanggang sa nakita siya ng dalaga na naka ngiti tila aliw na aliw sa kanyang nakikita. "Sino ka?" Ani ng dalaga si Callidora. Naka ngiti lamang ang binata habang nagtatanong ang dalaga. Hindi maiwasan na mainis ang dalaga, kaya't may sinabi ang dalaga sa kausap nito na "wala ata magawa sa buhay, ako ang nais abalahin ng lalaking ito." "Ipagpaumanhin magandang binibini, nais ko lamang makita ang iyong ka akit akit na mga mata sa mga sandaling ito, at makilala na din. Kung iyong ipahihintulot na makilala, ako nga pala si Clemente isang nagmula sa Ysagril." Hindi akalain ng dalaga na makilala niya ang pinuno ng mga Red Vampire, sa mga oras na iyon, tila nahahalina ang dalaga sa ipinapakita na bagay-bagay na ang may kakayanan lamang ang pinuno ng mga Red Vampire. Ni sa panaginip o realidad ay hindi niya nakita ang binata, kundi naririnig lamang nito ang pangalan sa mga pagtitipon, ngunit hindi nagpapakita o nakikisalamuha sa mga kagaya nilang bampira, maging sa mga mortal. Ika nga ng kanyang ama na kailanman ay hindi pa nila nakikita o nasisilayan ang pinaka makapangyarihan na nilalang sa kanilang Lugar. Dahil dito, hindi mawari ng dalaga na kausap niya ito at nagpakilala sa kanya ng mga sandaling siya ay abala sa kanyang paggawa ng isang kwintas na yari sa mga bulaklak na nakita lamang niya sa kanyang kinaroonan na matiyagang nakikinig sa mga huni ng ibon at daloy ng tubig na nagmula sa talon at bumabagsak sa mismong batuhan malapit sa kanyang kinaroonan. Hindi makapaniwala na malapit lamang ang kanilang mga katawan sa mga oras na iyon, batid ng dalaga ang t***k ng puso ng binata na tulad sa kanya ay mabilis din ang pagtibok, tila mga paa ng kabayo na nag-uunahan sa pagtakbo. Patungo sa home run, kaya lamang kaiba sa pakiramdam ang nadarama niya sa mga sandaling iyon. Parang nabato balani ang kanyang puso sa binatang si Clemente, tila may mga paru-parong nag sisiliparan sa kanyang tiyan ng mga oras na iyon. Batid niya na ang nadarama niya ay isang pag-hanga sa isang binata at may kasamang kiliti na nagmumula sa binatang kanyang katabi na animoy nabihag ang kanyang puso sa mga sandaling magkaharap ang dalawa. Tila magka panabay pang magsalita ang dalawa na "mapula ang iyong pisngi." Habang tila musika sa pandinig ng binata ang sinabi ng dalaga sa kanya ng mga oras na iyon ng dapit hapon. Ganun din sa dalaga na tila awitin sa musika na tila nagpapahiwatig "oh lumapit ka, kung gusto mo ako, halikan hindi kita sasawayin, alam na alam mo naman ito'y gusto ko din." Iyan ang nais ipahiwatig ng dalaga sa mga oras na sila ay magka titigan na dalawa. At hanggang sa nabalot ng dilim ang kanyang nakikita ng mga oras na iyon, at napalitan ng isang boses na tila nag-aalala ng mga sandaling ang dalaga ay tila himbing sa kanyang pagkatulog sa damuhan. Nagising ang dalaga sa ingay ng boses na nagmumula sa kanyang mga kaibigan. "Ano ba naman, Calli? Mahigit isang oras ka ng tulog. Kinakain na kami ng mga lamok dito." Ani sa isa na kaibigan ng dalaga. "Pasensiya na, Key. Hindi ko alam na naka idlip na 'ko. Sa tagal niyo naman dumating eh, naidlip muna ako." Ani ni Callidora sa kaibigan nitong si Keyman "Bilisan muna diyan, kanina pa nagmamaktol ang ating mahal na Reyna sa kakaantay ng kanyang mahal na hari." Keyman "Ano sumipot ba ang kasintahan nito?" Ani ni Callidora sa kaibigan si Keyman "Hindi. Walang kasintahan na nagpakita. Kaya ang itsura nun galit na galit parang lalapa na ng dragon. Kaya bilisan mo diyan, mapagalitan na naman tayo nun. Isa pa mukhang hindi naman ata siya mahal ng lalaki. Siya lang ang umasa na mamahalin din siya." Keyman "Huwag ka ng maingay mamaya baka bigla na lang pumunta dito, pati tayo awayin nun alam mo naman ang isang iyon. Madali lamang ang pisi mapatid at madali mag-init ang ulo. Tahimik ka na lang, huwag ka ng maingay." Callidora "Ewan ko ba naman kay Amethyst. Ipagduldulan niya ang sarili niya. Hindi naman siya gusto ng lalaki. Parang nakausap lang kasintahan na! May nangyari ba nung gabi na nagkaroon ng kasiyahan sa plaza?" Keyman "Hindi ko alam, pareho tayong magkasama at ang iilan na kaibigan natin. Siya lang ang wala ng panahon iyon. Bakit hindi mo itanung para matigil ka sa kadududa diyan, pati tuloy ako eh naging Mare at Test Mike muna din." Callidora Habang naglalakad ang magkaibigan, dinig na dinig silang nag-uusap ng mga kaibigan nito na nag-antabay sa dulo ng labasan patungo sa baryo na tinawag ng kanilang pinuno na "Daang Matuwid". Dahil sa kakaiba ang daan patungo sa mismong bayan ng kanilang tirahan. Napagpasyahan ng dalawa na bagalan ang kanilang paglalakad, alam ng dalawa na narinig ang kanilang pag-uusap ng mga oras na iyon. Batid pa lamang sa kilos ng kanilang kaibigan tila puputok na ang bulkan na kanina pa nag-aalburoto sa pag-uusap ng kanyang bff at sa isa nitong kaibigan din. Amethyst Sa isip ng dalaga na siya ang topic sa usapan magka-kaibigan, lalo't na sa kanyang narinig na pag-uusap ng kanyang bff at sa isang madaldal na kaibigan sa katauhan na si Keyman. Isang babaeng bakla ang kaibigan nitong si Keyman, batid nitong mala tabloid ang mukha nito sa mga oras na iyon, papalapit sa kanyang kinatatayuan kasama ang ilang mga kaibigan. Batid niyang siya ang kanina pa pinag-uusapan at tila tumahimik ang iilan kaibigan ng napansin na kakaiba ang kanyang ipinapakita. Tila nakahahalata ang iilan. sa mga kaibigan ang masasabing malapit sa iyo. Tahimik ang iilan, kasama na dun ang aking bff na panay ang tulog nito sa tuwing nagkakaya-yaan lumabas o kumain sa mga Lugar na tulad sa plaza na dinarayo ng ibat-ibang tao ang kanilang plaza. Pansin niya ito sa tuwing gagala ang mga kaibigan ay mas madalas na natutulog lang at pag gising na parang masaya ito. Dahil dito ay naiinis ako sa mga kilos nito, batid kong may inililihim ang aking bff sa akin at piling mga kaibigan namin. Ramdam ko na may tao nagpapaganda sa araw tuwing lalabas kami magka kaibigan upang mamasyal. Kung iyong pag-aaralan ang kilos ng bff ko mapansin mo ang kasiglahan at waring antok na antok kapag dumarating kami sa isang Lugar kung saan kami ay kakain o magpapa ayos ng buhok sa saloon. Hindi ko din alam kung sinong tao ang siyang nagustuhan ng aking bff na si Calli, bihira lamang magbigay ng kwento sa amin. Pagdating sa lalaking nagustuhan nito, at isa pa may usapan kaming magkaka-ibigan na kapag dumating ang araw na ang bawat isa ay napag kalooban ni kupido ng isang mabait at mapagmahal na nobyo ay siyang ipakilala sa amin na kanyang mga kaibigan. Iyan ang aking hinuha sa mga sandaling pinag-aaralan ko ang kilos ng aking bff. Masaya ako na may taong nagmamahal ng tapat sa kanya. At handa siyang mahalin, kung anuman ang pagkatao nito. Alam ko na nagtataka kayo sa akin na may ibig akong ipaunawa sa inyo na ang aking bff ay isang nilalang nagbuhat sa kapamilya ni Dracula isang bampira. Isa siyang tunay at hindi huwad na bampira. Isa siya na kaibigan ko na mabait at mapag mahal na kaibigan. Kahit ako ay topakin at mainitin ang ulo, siya lamang ang kaibigan ko na madaling maka unawa sa aking mga hinaing sa buhay. Siya lamang ang kaibigan ko napag tiisan ang ugali ko, sa kabila ng aking pagka maldita siya lamang ang naging malapit na kaibigan sa lungkot at ligaya siya ang karamay ko. Kaya sa tuwing may problema ako, sa kanya ako humihingi ng payo para gumaan ang problema ko. Epektib mga besh, siya ang kaibigan sa hirap at ginhawa talagang dadamayan ka. Sa ngayon habang kasama ang ilan sa mga kaibigan namin, nalaman ko sa isa din kaututan dila ni Keyman si Chanelle na mayroon nagpapatibok sa aking bff. Hindi pa daw nagpapakita ang binata, sa kanilang kaibigan. Base sa kanyang mga narinig na pag-uusap ng mga kaibigan nito. Ang kanyang bff ay naka takda na ikasal sa isang kalahi, ngunit sa kabila nun ay hindi mapigilan ng iilan na matuwa sa nalalapit na pagpapakilala sa dalawa.Kaya lamang may mga Marites sa Lugar ng Petrogard ang nakapag sabi sa akin na may magaganap na pagsasalo-salo sa darating na ika tatlong buwan ng taon ito, na ipakilala sa lahat ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng pinuno na mga bampira sa aking kaibigan si Callidora. Hindi ko alam, kung mali ang narinig ko na pag-uusap sa mga oras na ako ay naka tingin lamang sa mga nagdaraan at sa narinig na pinuno ng mga bampira ang siyang makaka daupang palad ng aking kaibigan si Calli. Tila isang bombang ibinagsak sa aking ulo. Ang lalaking iniibig ko ay ang taong pakakasalan ng bff ko. Hindi ko sukat akalain na magiging magulo ang aking isipan sa nalaman na balita, tila isang bagsakan na dinurog ang aking puso sa mga taong malapit sa akin. Ang siyang wawasak sa aking pagkatao. Sa pagkakataon iyon, may mali sa aking narinig. Nais kong makausap ang aking bff na si Calli ng mga oras na iyon, dagli akong tumakbo patungo sa kanilang tahanan at upang alamin ang totoong balita sa pagitan ng aking nobyo at sa bff ko. Hindi ako makapaniwala na ang mga nilalang na ito ang siyang sisira sa aming magkaibigan lalo't alam nito na ang turing ko sa bff ay isang kapatid at kapamilya. Ngunit sa aking narinig at nasagap na balita ay isa pala itong pasabog ng mga kalahi nitong bampira. Hindi ko alam, kung paano ako nakarating sa mismong tahanan ng aking kaibigan si Calli, nadatnan ko ang aking kaibigan. Kausap ang kanyang pamilya at ang matanda na si Wanda. Isa itong manghuhula sa kanilang lahi at nabiyayaan ng natatanging ka-pangyarihan na basahin ang hinaharap ng kanyang kalahi at maging ako na bff ng kanilang prinsesa si Callidora. "Ang buhay mo ay isang parang bola paikot-ikot walang patutunguhan. Kakainin ka ng iyong sarili sa pamamagitan nito, bubulagin ka ng iyong maka sariling pagmamahal at itatakwil ka ng iyong kalahi. Dahil dito mamumuhay kang nag-iisa." Ito ang mga binitiwan salita ng matanda sa mga sandaling iyon, papasok pa lamang sa tahanan ng aking bff. Hindi ko alam, kung itutuloy ang pagpasok sa mismong loob ng tahanan ng aking kaibigan si Calli, dahil nakita ko na ang kasagutan sa nais kong itanung sa matalik kong kaibigan. Tanging pag tango lamang ang aking naisagot sa dalawang nilalang na aking nakilala at naging malapit sa buhay ko, naunawaan ko sa pagkakataon iyon na hindi parehas ang buhay ng tao sa mga nilalang na aking nakilala, bias ang tadhana na magbigay ng kapalaran sa bawat isa na nilalang sa mundo. Ito ang panahon na nabigo ako at wasak ang pagkatao, dahil sa mga nilalang sumira sa pangako. Batid kong hindi dito nagtatapos ang buhay, kailangan lumaban kung kinakailangan. At kung kailangan wasakin ang masayang pagmamahalan. Gagawin ko, maranasan nila ang sakit at hapdi na naidulot nila sa aking pagkatao. Hindi naglaon nawala ang dalagang si Amethyst sa Lugar ng Petrogard. At tanging wala ni isang nakaka alam kung saan nagtungo ang dalaga, maging ang mga kamag-anak nito tila hindi alam kung saan nagtungo. Tanging mga haka-haka lamang ng mga tao ang nagbigay ng kinaroonan ng dalaga. "Umalis si Amethyst, dahil sa nasaktan iyon sa pag-iisang dibdib ng kanyang bff at sa taong nobyo nito." Ito ang mga taong naging malapit sa dalaga ng panahon wala ito sa sarili na naglalakad na para bang tinakasan ng ulirat. "Sino ba ang hindi magagalit sa sinapit ng iyong bff at nobyo mo na makikitang masaya at bubuo ng Pamilya. Siyempre ilagay mo ang iyong sarili sa sitwasyon ni Amay. Sinong matino sa atin na ganun ang nangyari na pinagsakloban ka ng sandamakmak na tsismosa sa Lugar natin, at Ikaw ang palaging topic sa loob at labas ng tahanan. Sino ang matutuwa dun sa nalaman niya? Hindi ba wala! Malamang aalis ang tao at magpaka layo-layo na hindi siya kilala ng mga tao." Wika ng janitor sa plaza na palagian sini-singhalan ng dalaga sa tuwing napapa dako dun sa Lugar kung saan madalas tumambay ang dalaga si Amethyst. Hanggang sa naka takdang araw ng pagpapakilala sa dalawa, may nangyari sa tahanan ng prinsesa na hindi akalain ng mga na tumitingin sa dalaga na bigla na lamang bumagsak sa sahig ang dalagang si Calli. Nakapag tataka sa mga sandaling iyon na may natanggap ang pamilya ni Amethyst na isang kahon na puno ng rosas na kulay itim. At ang ipinagtataka ng Pamilya ni Amethyst na "Sino ang nagpadala ng kahon na puno ng itim na Rosas?" Iyan ang bumabalot na katanungan sa tahanan ng dalaga. Wala silang kakilala na maaring gumawa ng ganun bagay na nakaka kilabot. Tiningnan ang loob ng kahon kung ano pa ang nakalagay, nakita nila ang isang larawan na hati sa gitna. Tila pinilas ng taong iyon ang larawan ng magkaibigan sina Calli at Amethyst. Bagama't may hinala ang katulong ng Pamilya nila Amethyst na ang may gawa ng pagpapadala ng kahong itim ay ang kanyang alaga si Amethyst. Batid nitong ang dalaga ang may natatanging gawin ang pagpunit sa larawan at pagpapadala ng rosas kulay itim. Batid ng katulong na kakaiba ang dalaga kapag kaharap ang kaibigan nito. Kung makikita ang dalaga na kasama ang mga kaibigan nito, tila maayos ang pakiki salamuha nito at ipinapakita niya ang pagiging spoiled brat. Sa kabila nun may mas maitim na ugali ang hindi pa nakikita ng mga kaibigan nito. Maririnig mo ang boses na tila nagagalit sa isang tao,. "Makukuha ko din ang gusto ko, kapag napa sa akin ang ka-pangyarihan mo sa oras na ikaw ay mapa sa akin. Sisiguraduhin ko na, ako lamang ang babaing iibigin mo at wala ng iba pa." Isang malakas na halakhak na nagmumula sa silid ng dalaga. Tila sa isip ng katulong ng dalaga na para bang nasisiraan na ng isip sa tuwing uuwi galing sa kasiyahan o sa paglabas kasama ang kaibigan nito si Calli. Sa pagkakataon iyon nakita din ng iba pang mga kasama sa bahay ang dalaga si Amethyst na may ginagawa sa underground ng kanilang tahanan na tila isang mahika at inu-usal usal paulit-ulit ang dasal na ginawa ng isang matanda na nanirahan sa kanila ng mahigit tatlong taon. Samantala ang dalaga ay nasa grade six na at tinuruan ng isang black magic. Hanggang sa sumapit ang kaarawan ng dalaga na 18 debut. Ibinigay ng matanda ang isang susi at aklat na naglalaman ng sari-saring black magic na iniwan ng matanda. Sa mga sandaling iyon, alam ng ilang mga tauhan ng Pamilya ni Amethyst na ang may gawa sa pagpapadala ng karton at punit na larawan ng kanyang bff ay mismong kaibigan nito si Amay. Ito lamang ang siyang may hinanakit sa kaibigan at sa nobyo nito na si Clemente. At sa pagkakataon na magka panabay din ang pagbagsak sa sahig ng dalaga si Calli habang inaayusan nito ng hair stylist. At nang mga sandaling iyon, ni isa walang makapag sabi kung anong nangyari sa dalaga. Hanggang sa manghina ang katawan nito na tulad lamang ng kandila. At sa panahon din iyon, dumating ang mag-anak na Pamilya Vampire kasama ang mga anak na sila Baldassare at Dawn. Sinasabing may natatanging ka-pangyarihan ang isa sa Pamilya Vampire na kayang magpagaling sa may kasakitan tulad ng sa pinsan nitong si Callidora. At kung ano ang kinalaman sa buhay ni Massimo at ng ibang mga tauhan. Abangan ang kapana-panabik na pagtatagpo ng mga tauhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD