Sa mundo ng mga halimaw na ninirahan ang ilan sa mga kasapi ng Red Vampire. Sila ang mga kauna-unahang mga nilalang na pumapatay ng mga tao, o maging kapwa kalahi nila. Ito ang lugar kung saan naninirahan ang ama ni Massimo.
Ang lugar ng YGRASIL ay isang mapanganib sa mga kapwa kalahi ng mga kalahati bampira at lobo, sapagkat ang mga nilalang na ito ang sinasabi na may kaakibat na sumpa sa kanilang hanay. Isang babaing nagmula sa mga witchcraft ang nagbigay ng kaparusahan sa kanilang pinuno na "ang lahat ng mga punla ng inyong lahi ay pangi-ngilagan ng buong kalahi ng mga lobo at bampira, maging ang tao, ang siyang kukuha sa mga buhay niyo. Mawawala lamang ang sumpa sa inyong lahi, kung makaka tagpo kayo ng nilalang busilak ang pagkatao nito at maari kayong makawala sa sumpa na ipinagkaloob ko." Ito ang mga salitang binitiwan ng isang nilalang nagmula sa kawalan upang bigyan ng kaparusahan ang mga nilalang na ito
Bagama't may iilan na hindi naniniwala na mga ygrasilian sa binitiwan na salita ng hindi nakikilalang nilalang nagbuhat sa kawalan.
Ang siyang gawa ng iilan na sumalakay sa mga lugar kalapit lamang nito ang lugar kung saan may naninirahan na mga tao. Dito unang sinalakay ang mga taong nanirahan malapit sa hangganan ng ysagril at hangganan ng mga mortal. Sa pagitan nito ang malaking puno ng isang balite na sinasabing ng iilan na pinamamahayan ng mga engkanto ang Lugar na binanggit. Batid ng iilan napaka hiwaga ng nasabing Lugar ng Balite Hive isa ito na pina ninirahan ng mga bampira sa tuwing sasapit ang takip silim. Dito sila nag-aabang ng kanilang bibiktimahin na mga mortal. At isa na nga dito ang pamilya na pinagmulan ng lahi ni Olga. Ang Ina ng mag-kapatid na Eliseo, Alfonso at Orfeo. Dito nagmula ang pamilya ni Olga.
Ang ama ni Olga ay isang doktor sa mga taong na sasapian ng mga masasamang elemento. Tinatawag itong albularyo sa mga mahihirap na walang kakayanan makapag bayad sa hospital. Dahil dito ang mga magulang ni Olga ang siyang nanirahan malapit sa hangganan ng Ysagril. Sa malaking puno ng Balite ay malapit lamang sa kinatitirikan ng tahanan ng Pamilya ni Olga. Sa paligid ng tahanan ng dalagang si Olga ay nakapalibot ang ibat-ibang halamanan na ipinang gagamot sa mga may sakit. Ang ama ni Olga ang siyang namamahala sa hangganan ng mga immortal na bampira, alam ng Padre de pamilya na may mga naninirahan sa dulo ng hangganan ng Balite. Isa na nga dito ang mga bampira, Nakita ng ama ni Olga na may mga bampira ang nag-nanais na pasukin ang pinaka hangganan ng Balite at unti-unting binabaklas ng mga bampira ang harang na kanyang ginawa.
Nang panahon iyon, sa paglilibot ng ama ni Olga na tinawag siya na Vrach sa isa na nakilala lamang bilang si Clemente. Naging malapit ang dalawa ng mga panahon na malaya pang naka labas masok ang binata sa mundo ng mga mortal. Habang nag-aaral ang ama ni Olga sa mga gamot na makikita lamang sa dulo ng hangganan ng mga immortal na bampira. Ang mga naturang halaman na ipinang gagamot nito sa mga taong nasaniban ng masamang espiritu. Ang ipinang lulunas sa mga pasyente ng kanyang ama na si Vrach. Batid ng ama ng dalaga na delikado ang pumaruon sa dulo ng Balite, dahil may mga nilalang pumapatay ng tao at hindi na nakakabalik sa kanilang mga pamilya. Ito ang mga bali-balita na kanyang naririnig sa mga sandali habang nasa bayan ng kanilang Lugar upang magbenta ng mga halamang gamot sa palengke. Ito ang kanyang mga nasasagap na mga balita ng mga oras na iyon, Batid ng iilan na may mga nilalang nabubuhay na daan daang taon na ang nakalilipas buhat ng magkaroon ng world war sa kanilang bansa. At ang panahon iyon, balita ito sa hanay ng mga sundalo ng kanilang Lugar na may mga iilan na nakita at nakasama na mga bampira.
Ang mga bampira ay naging sundalo sa panahon iyon, upang lumaban sa mga mananakop ng kanilang lugar. Dito nagsimula ang kwento ng iilan sa mga naka saksi sa panahon ng world war na mga karatig bansa. At isa na nga dito ang kanilang bayan na sinakop ng mga banyaga upang pahirapan ang mga tao, angkinin ang mga ari-arian at ang mga kababaihan ay kanilang binihag upang maging parausan ng iilan mga sundalo na kalaban. Nag-isip ang pinaka pinuno ng mga guerillas na maitakas ang mga mahal nila sa buhay na kinuha ng mga kalaban, na walang masasaktan sa hanay na mga sundalo na guerillas.
At hanggang isang araw, may dumating na isang sulat. Buhat sa malayong Lugar na nag-nanais tumulong sa suliranin sa kanilang mga kababayan na pinapatay ang iilan kalalakihan at ang mga anak ay sapilitan pinagtratrabaho at ang mga kababaihan ay kanilang ginagamit bilang parausan. Hanggang sa may dumating na nilalang nagmula sa malayong Lugar ng Ysagril at tumulong sa mga naapi ang nilalang na nakilala lamang na Clemente, may kasama ang nilalang na ito buhat din sa Lugar ng Ysagril. Dalawa lamang sila ang lumusob sa Kuta ng mga kalaban. Madilim ng sila ay umalis patungo sa Kuta ng kalaban. Hindi man alintana ng iilan na mga guerillas na isa palang immortal ang mga tumulong sa kanila. Tanging alam lamang nito na may kapamilya din ang dalawa na binihag ng mga kalaban.
Nexus
Hindi ko alam, saan ang tungo ng aking kaibigan, ang tanging sinabi lamang niya na may pupuntahan kami na isang bagong kaibigan. At sa tantiya ko na may kakaiba sa bagong kaibigan. Dahil parang nais niyang makita ito, wala sa bokabularyo ang umalis sa aming puod. Ngunit sa aking kasama at kaibigan si Clemente parang masaya ito sa kanyang ginagawa. Hindi ko pa nakita sa kanya na magiliw sa mga ginagawa sa loob ng maraming taon na aming pinag samahan, siya ang nilalang mahirap mong basahin at hulaan, kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. Tila mabibigla ka na lamang sa kanyang mga kilos na para bang ikaw ay matulala na lamang sa maaring kahinatnan na kanyang pagpapasiya. Siya iyong nilalang na hindi mo dapat biruin, sapagkat kakaiba siya sa aming pinuno na mga bampira. Seryoso ang kanyang ipinapakita sa lahat maging sa kanyang pamilya. Lahat ay nakikilala siya bilang isang mabagsik na bampira, walang puso sa kanyang kaaway. Lahat ay ilag sa kanya, lalo na ang nasa konseho ng aming lahi. Batid kong na katagpo ng isang nilalang kabilang din namin na magpatibok sa kanyang puso. Alam ko na ito ang dahilan niya, na ako yayain bumaba sa aming puod at magtungo sa Lugar ng mga mortal, ang mga tao.
Laking gulat ko na makita ang isang nilalang sa mga sandaling iyon, tila nag-aantay sa amin pagdating. Hindi ko alam, kung ano ang mangyayari sa pagitan ng aking kaibigan si Clemente at sa mortal. Sa mga sandaling iyon ang dalawa ay tila nag-uusap at wari ko ay may mahalagang pinag-uusapan ang dalawa. Hindi ko nais na lumapit sa dalawa upang pakinggan ang kanilang usapan, nais ko lamang lumayo at magmasid sa mga oras na iyon, tila may mga mata naka masid sa amin tatlo na narito malapit sa Puno ng balite. Tinawag ito ng mga mortal na Balite Hive. Ibig sabihin ay pugad ng mga man lilinlang na tinutukoy ng taga bantay ang mga bampirang gala. Ito ang mga bampira na sumisila sa mga taong naliligaw sa kanilang dinaraanan.
Tanging sa mga sandaling iyon, may iba pa ako nararamdaman sa mga sandali na may mga mata na hindi nagmula sa aming lahi kundi sa ibang naruon din nakatira sa gubat. Kakaiba ang naging epekto sa akin habang naruon ako sa Lugar ng mga tao, kagaya din sila na mga kalahi namin, mapag masid at ang iilan tahimik. Kapag ganito ang ipinapakita ng mga tao o bampira, asahan mong naruon ang pag-usisa, maghinala, at pakiramdam na natatakot. Batid naman natin na ang iilan na mortal ay matapang, mapag linlang at isa din ganid. Kapareho lamang ang ugali ng tao at bampira nagka-iba lamang sa pamumuhay at pagtanggap sa sitwasyon na kinabibilangan.
Hanggang sa lumapit ang kaibigan si Clemente kasama ang bagong kaibigan si Vsach. Siya ang namamahala sa hangganan at may mahalagang pinag-usapan tungkol sa mga sumakop sa isang bayan ng Petrogard. Nais humingi ng tulong sa amin ang bagong kaibigan nito, na mailigtas ang kanyang pamilya sa mga panahon na kinuha ng mga kalaban ang mga kababaihan sa Lugar. Kung saan naruon ang anak nito na tumutuloy at nag-aaral ng medisina. Kaya lamang ng araw na ito ay pauwi na sa kanyang tinutuluyan na dorm. Hinarang ito ng mga banyaga na sumakop sa Petrogard, dito nadakip ang kanyang anak na babae. Ikinulong sa isang hotel ang kanyang anak na dalaga, kasama ang iba pang mga kadalagahan ng nasabing lungsod. Ngunit ni isang mga kalalakihan ay pinapatay at ang mga bata ay ginagawang alipin ng mga banyaga na sumakop sa Lugar ng Petrogard. Dahil dito, may isang batang babae ang naglakas loob na tumakas at upang humingi ng tulong sa kalapit na baryo at nagtago sa isa na tahanan ng kasapi na mga guerillas. Dito ikinuwento ng bata ang mga paghihirap sa kamay ng mga banyaga na sumakop sa lungsod. Maging ang pinuno sa nasabing lungsod ay pinatay ng mga dayuhan na sumalakay. Dahil dito nagsa gawa ng Plano ang iilan na guerillas na magpanggap ang iilan bilang mga babae. Magbibihis ang iilan sa mga guerillas upang magmasid sa loob ng Kuta ng mga kalaban, alamin ang mga galaw, at kung saan dinala ang mga ka babaihan lalo na ang mga dalaga.
Dahil dito, napag alaman ko sa aking kaibigan na may balak siyang tulungan ang bagong kaibigan nito. Salakayin ang mga banyaga na kumuha sa mga kababaihan at pagpapahirap sa mga bata. Sumang-ayon ako sa kanyang nais at nasabi ko na "tayo na, gawin na natin ang paglusob sa mga dayuhan. Ipalasap sa kanila ang ginawang pagpatay sa mga taong walang kalaban-laban sa kanilang mga armas." Nakita ko sa mukha ng aking kaibigan na nais niyang sumama sa aming paglusob. Ngunit pinigilan siya ng aking kaibigan si Clemente na huwag ng sumama sa paglusob, sapagkat mapanganib ang aming gagawin sa pagsalakay sa mga kalaban.
Hanggang sa nag-paalam kami sa bagong kaibigan na magtutungo kami sa mismong Lugar ng Petrogard.
Habang naglalakad kami ni Clemente sa mga oras na iyon ng ika anim ng gabi. Tila may mga mata na nakatunghay sa aming paglalakad. "Nexus, alam kong nararamdaman muna kanina pa ang mga matang nakamasid sa atin ngayon. Lalo na sa ating paglalakad. Gawin mo lamang ay normal ang maging kilos mo, tulad ng tao. Huwag mong ipahalata na alam mong kanina mo pa sila nararamdaman." Wika ng aking kaibigan si Clemente, alam pala nito na may nagmamasid sa amin kanina pa, ngunit hindi mo kakikitaan ng pag-alala ang kasama ko. Nagpatuloy lamang kami sa aming ginagawa na paglalakad at hindi gumamit ng aming lakas at bilis bilang bampira. Sa halip isang pangkaraniwan na mortal lamang ang aming ginawa.
At hanggang sa nawala na ang mga naka masid sa amin kanina, napag pasyahan kong tumingin sa likod at kanan, kaliwa kung may mga mata pa din nagmamasid sa amin. "Huwag ka ng mag-alala, nawala na ang mga nagbabantay sa atin. Nagsawa sa ka susunod sa ating paglalakad." Ani ni Clemente.
"Kilala mo ba ang mga nilalang na iyon, clemen?" Nexus
"Oo, isang kaibigan din sila ng doktor na bagong kaibigan, sila ang tumutulong sa Vrach na magbigay ng mga halamang gamot sa mga inaalihan ng mga masamang espiritu." Clemente
"Ibig mong sabihin na mga nilalang na hindi nakikita iyon nagmamasid sa atin?" Nexus
"Tsk, tama sila ang mga nilalang may kakayanan na tulad din natin. Kaya lamang ang pinag-iba sa atin may mga matutulis na pangil tayo. Samantala ang mga nilalang na iyon na may sariling ka-pangyarihan taglay." Clemente
"Magic ba ang tawag dun," Nexus
"Tama, ka-pangyarihan ang tawag dun. Kaya lamang nagpapakita lamang ang mga ito, kapag tinatawag ng kaibigan na Vrach. At sa mga oras na iyon, ay nais lamang maka siguro ng mga bagong kaibigan na hindi sila mapapahamak sa atin. Kaya gayon na lamang ang ginawang pagbabantay sa atin kanina." Clemente
Hindi makapaniwala ang kaibigan nito na may ganong klase na nilalang na gaya din nila kakaiba din. Ikumpara sa kanila masasabing may natatanging pagkakaiba ang mga namumuhay sa mundo, kagaya ng mga mortal.
Papalapit na sila sa mismong baryo na sinabi ng batang babae na pan samantalang sumilong, habang papatakas sa mga dayuhan kalaban ng Petrogard. At unti-unti kinakain ang liwanag ng dilim, hudyat na ika 7 ng gabi, habang naglalakbay patungo sa destinasyon na Lugar. Kung saan naruon ang iilan na mga kalaban nag kukuta.
Nakita sa peripheral vision ni Clemente na may mga taong umaaligid sa baryo. Ini-inisa ang bawat tahanan, kung may mga taong nagtatago dito. Agad niyang sinenyasan ang kaibigan nito na maghanda sa pamamagitan ng pagkausap nito sa pamamagitan ng isip.
"Ihanda mo ang iyong sarili, may mga dayuhan na pumapasok sa bawat tahanan ng mga mortal. At sa mga sandaling ito, may naulinigan akong humihikbi na nagmumula sa Kubo na hindi kalayuan sayo. Nais kong ikaw na ang bahala gumawa ng paraan na hindi masaktan ang mga bata." Isang pagsaludo ang ginawa ng kanyang kaibigan si Nexus ng mga oras na iyon. Tumalon ng pagkataas ang kaibigan at upang iligtas ang mga bata na naruon sa loob ng Kubo. Alam niya na may mga mortal pa ang naruon sa baryo. At Hindi lumilisan sa kanilang tahanan, bagama't alam nila na may mga kalaban nagkalat sa buong Lugar na sakop ng Petrogard. Batid niya ang iniisip ng mga tao na wala silang mapuntahan sakali na lumisan, iyan marahil ang ikinababahala ng iilan. Tanging umaasa ang iilan sa pamumihay ng pag-aalaga ng mga hayop o ang pagpapastol. Mahihirapan ang iilan na mamuhay sakali na lisanin nila ang kanilang kinagisnang tahanan.
Nexus
"Hindi ko alam, kung anong nangyari sa loob ng Kubo. May narinig akong putok ng baril, agad kong nakita sa aking peripheral vision na nakahiga ang isang batang lalaki, samantala ang ina nito ay karay-karay ng dayuhan na pumasok sa kanilang tahanan. At ang sanggol na hawak ng Ina nito ay tila naiwan at umiiyak sa mga sandaling iyon. Dahil sa nakita ko ang kalunos-lunos na sinapit ng mag-iina. Agad kong dinamba ang lalaking humawak sa Ina ng mga bata. Agad kong inihagis ito papalayo sa mga tao. At binalingan ko ang isa sa mga kasama nito na patuloy pumasok sa mga tahanan ng mga tao. Agad kong sinakal ang leeg nito na hindi binibitawan, hanggang sa mawalan ng hininga. Gayun din ang isa pang dayuhan na pinag sasamantalahan ang dalagita. Nasa ganun posisyon ko na maabutan ang dayuhan na inaalisan ng kasuotan ang dalagita ng dinamba ko ito at baliin ang mga kamay sa mga sandaling iyon. Tila nag-aapoy ang aking mga mata ng makita ko ang ginagawa nito sa walang awang dalagita. At hindi ko makontrol ang aking galit sa mga oras na iyon. Tila may pina alala sa aking nakaraan ang tagpong na aking nakita. Agad kong kinalmot ang bahagi ng katawan ng dayuhan na lumapastangan sa dalagita.
At hanggang sa nakita ko ang kaibigan si Clemente na puno ng dugo ang katawan nito, halos parehas kami na nag-aapoy sa galit. Kaya't lumundag ako paitaas para makita ko ang kabuuan ng nasabing Lugar ng Petrogard. Makita ang kabuuan nito at ipagpatuloy ang nasimulan na pagsalakay sa mga dayuhan na mananakop.
Dahil dito naghiwalay kami ng aking kaibigan si Clemente sa pagpasok sa loob ng Petrogard. Kung saan nagkalat ang mga bantay na mga dayuhan sa labas ng pinaka sentro ng kalakalan ng Lugar. Agad akong tumakbo habang pina uulanan ng mga putok ng baril na nagmumula sa mga dayuhan na mananakop. Bawat na daraanan ko, tila parang mga laruan lamang na pinatutumba ang mga kalaban sa pamamagitan ng pagkalmot na hindi nalalaman kung saan ako sumusulpot. Sa bilis kong taglay na pagkilos para lamang akong hangin na dumadaan sa kanilang harapan na hindi napapansin. Bawat sa pagkalmot ko ay binabale ko din ang kanilang mga leeg o hindi naman ang kanilang mga braso. Dahil sa daming nagkalat na kalaban sa loob ng plaza, minarapat ko naman gawin sa mga kalaban ang inumin ang kanilang dugo sa mga sandaling iyon. Dahil sa nauuhaw na ako at nahihirapan akong ilagan ang mga bala na ipinuputok nila sa akin, napag pasyahan kong bawat malapitan ko na kalaban ay aking binabali ang leeg nito at saka sisipsipin ang mga dugo ng mga dayuhan.
At hanggang sa naka dighay ako dahil sa dugo na aking natikman, kumpara sa dugo ng hayop. Tila kasabik-sabik ang muling uminom ng sariwang dugo nagmula sa mga naruon. Ang ibang mga kalaban ay kanya-kanya dala ng mga armas na pampa sabog at mga armas tulad ng punyal. Habang aliw na aliw akong pinag mamasdan ang mga kalaban na hindi magkanda ugaga sa kanilang bitbit na mga matataas na baril. Upang iputok lamang sa akin, habang nakikita ko sa aking peripheral vision na may mataas na opisyal ang pumasok dun sa mala magarbong tahanan na sinasabi sa kwento ng Vrach na nakausap ng kanyang kaibigan. Naruon ang mga babae na kinuha ng mga matataas na opisyal na mga dayuhan. At Hindi nagtagal may narinig na mga babaeng sumisigaw na "huwag po, maawa kayo sa amin." Ngunit walang naririnig ang opisyal na kumuha sa mga babaeng naruon sa malawak na silid kung saan ikinukulong ng mga dayuhan. At isa na nga dito na nakita niya ang isang nilalang na kapareho ng mga sumusunod sa kanilang paglalakad.
Hindi malaman ng binata si Nexus kung nagkamali siya sa kanyang nakita o dahil sa naliliyo siya dahil sa natamong sugat na nagmula sa isang kalaban.
Agad na liningon ng binata ang dayuhan na sumaksak sa kanyang likod habang nakatigil siya sa mga sandaling nakita niya sa kanyang peripheral vision ang nilalang may angkin ka-pangyarihan taglay. At dun sinakal ang dayuhan hanggang sa mawalan ng hininga. At kanyang inihagis sa mga kasama nito na papalapit sa kanyang kinaroonan. Nagpakawala siya ng suntok sa mga kalaban na agad naman nagsi talksikan papalayo sa kanyang kinaroonan, habang pigil ang kanyang paghinga sa natamong sugat sa tagiliran nito. Nagpahinga ng kaunti ang Kaibigan ni Clemente sa mga sandaling iyon, may nakita siya na isang batang lalaki ang naka takas sa mga dayuhan. Agad niyang kinuha ang susi sa beywang nito at agad na bumababa ang batang lalaki sa mismong basement ng gusali ng hotel at kanya itong pinalabas ang iilan na mga kasama nito na ikinulong at ginawang alipin, maging ang iilan empleyado ng naturang gusali na kanilang pinagtrabahuan ay ikinulong din ng mga dayuhan. At sa pagkakataon iyon kanya-kanya dala ng iilan na mga armas at ang iba ay lumalaban sa mga dayuhan.
Sa mga sandaling iyon, ay naghilom na ang sugat ng binata si Nexus. Agad siyang umakyat patungo sa mga babaing binihag ng mga dayuhan at iligtas sa kamay ng mga dayuhan mananakop.
Nakita nito ang iilan kababaihan na nag-iiyakan ng mga oras na iyon tila nakahinga sa madilim na sinapit nila sa mga dayuhan na mananakop ng kanilang tahanan. Agad hindi nagtagal ang magka-ibigan sa Lugar ng Petrogard. Batid nila na mag-uusisa ang iilan sa mga naganap na pagsalakay at kung bakit ganun ang sinapit ng mga dayuhan na karumal dumal na pagpatay sa mga ito. Batid nila na may hinala ang iilan na hindi tao ang may gawa at iyon ay may iba pa, bukod sa mga bampira o kung sino man.
Siniguro ng magkaibigan na maayos ang anak ng kanilang kaibigan si Vrach at walang natamong sugat sa katawan nito at ang iilan mga kasama nito na nakulong sa isang malaking kwarto. At isa na dun ang babaing iniibig ng binata si Clemente. Hindi nagpakita ang binata sa kanyang kasintahan, sa mga sandaling iyon na ang lahat ay ayon na nasa maayos na sila sa kalagayan.
-----
Sa kabilang banda nalaman ng iilang mga bampira na may ginawa ang kanilang pinuno sa mundo ng mga tao. Hinala nila na may lihim na itinatago ang kanilang pinuno.
At sa mundo ng mga mortal naging balita sa buong Petrogard na may mga nilalang na tumulong sa kanila na mapatay ang mga dayuhan mananakop ng kanilang Lugar. Nais makilala ng kanilang vice mayor ang nasabing mga bayani ng kanilang lungsod at maparangalan man lang ang mga ito at makilala.
_________
Olga
"Batid kong ang mga tumulong sa amin ng panahon bihag kami ng mga mananakop na dayuhan sa Lugar ng Petrogard. Ang mga nilalang na uminom ng dugo o mas magandang sabihin mga bampira. Sila ang mga tumulong sa amin, at alam ko din ang isa sa mga kasama nito ay ang pinuno na hindi ko nakita sa mga sandaling iyon, batid kong maganda ang kanyang naging hangarin na kami ay kanilang iniligtas sa mga dayuhan ng ibang nasyon na mananakop. Alam kong hindi dito matatapos ang labanan ng mga tao at mga nilalang may ka-pangyarihan. At alam ko din, kung bakit sinagip ang Lugar na ito, dahil isa sa mga sumagip sa amin ay nobyo ng aking kaibigan si
Callidora siya lamang ang kaibigan kong napaka pihikan sa mga manliligaw nito. At Hindi ko din alam, kung paano nagkaka kilala ang dalawa, marahil sa nakita nito ang kanyang pag-uugali. Iyon ang pinaka una sa listahan ko ng aking kaibigan si Callie ang ugali. Ito ang pinaka tinitingnan niya sa isang lalaki.
Masuwerte ang aking kaibigan ko nakahanap siya ng parang sa kanya, ako. Ewan ko, baka hindi pa hinog ang para sa akin.