Dawn and Baldassare

2666 Words
Sila ang mag-kapatid na mag bibigay kulay sa mga nanirahan sa Petrogard. Nagmula ang magkapatid sa Lugar na Ysagril. Ang Lugar kung saan nanirahan ang mga bampira, sila ay ikalawang henerasyon ng lahing bampira. Nanirahan sa Lugar ng ysagril ang mag-kapatid, kasama ang iilan bampira na sinasabing may dugong bughaw. Kasama sa mga dugong bughaw ang pinsan nilang si Clemente at Pinuno ng mga Red Vampire. Ang mag-kapatid na Baldassare at Dawn ay may mga natatanging ka-pangyarihan taglay, pina niniwalaaan ng mga kalahi na magbibigay katuparan ng mga pangarap ng isang bampira na pamunuan ang lahing bampira, at isa na dito ang pagbubuklod-bukorin ang lahi na kina bibilangan ng mag-kapatid. Samantala ang isa naman ay ang paghati-hatiin ang bawat kalahi nito. Sinasabi ng iilang Gadalka ng mga Red Vampire ang mag-kapatid ang siyang pipili ng kanilang tadhana, at magkaroon ng lamat sa pagsasama ng magkadugo. Ito ang nakikita ng mga gadalka sa mag-kapatid na Baldassare at Dawn. Dahil sila ang pinaka makapangyarihan na nilalang sa Lugar ng mga Ysagril, dahil sa kanilang natatanging ka-pangyarihan taglay, kumpara sa kanilang pinsan si Clemente. Si Baldassare ang siyang panganay sa mag-kapatid na V, 18 taon gulang ang binata. Siya ang panganay sa mag-asawa na Doyle at Carmilla, Sila ang mga magulang ng mag-kapatid na Dawn at Baldassare. Mga bata pa lamang ang magkapatid ng pinaslang ang kanilang mga magulang. Tanging ang naging kasama ng mag-kapatid sa panahon iyon taon 1101 ay ang kanilang pinsan si Clemente. Dahil sa anim na taon gulang lamang ang binata nuon si Baldassare sa panahon iyon ay anim na taon lamang, samantala ang bunso si Dawn ay isang sanggol pa lamang ng namatay ang kanilang mga magulang, napag pasyahan ng binata si Clemente ay alagaan ang mga pinsan nito. Sa kabila ng lahat na pag-aaruga na ibinigay ng mga magulang ng mag-kapatid ang alagaan ng binatang si Clemente. Bilang pag tanaw ng utang na loob din sa mga bampira na kanyang kinilalang magulang sa katauhan nila Prinsipe Doyle and Prinsesa Carmilla. Sa panahon iyon, malaking responsabilidad ang naging papel ng binatang si Clemente sa mag-kapatid sa panahon iyon, Ipinasiya ng binata na maghanap na makatulong sa kanya sa pagpapalaki sa kanyang mga pinsan, at maranasan din nila na magkaroon ng isang maayos na pamilya, habang sila ay lumalaki. Nais nito na may mangalaga sa dalawa, sakali na siya ay wala sa sariling tahanan, at naruon sa ibang mga Lugar na nasasakupan nito, upang bisitahin ang iilan sa mga kaibigan at pasyalan ang mga kasapi sa nasabing kalahi nito. Sa hindi inaasahan na magdesisyon ni Baldassare ang kausapin nito ang kanyang pinsan hinggil sa pagbaba patungo sa mundo ng mga tao. Nais nito manirahan ng magkapatid na Dawn at Baldassare sa mundo ng mga mortal. Nais nilang maranasan ang mamuhay gaya ng mga tao bilang pangkaraniwan na nilalang lamang. Nais nitong matutunan ang mga gawain bilang isang simple at mamayan. Dahil dito, nagpasiya ang binata na bumaba sa mundo ng mga mortal, kung saan mamanhikan sa kanyang kasintahan at ituloy ang naka gawian na seremonyas sa pag-iisang dibdib ng bampira. Kaya ang iilan sa mga konseho ay hindi tumutol sa nasabing pakikipag daupang palad sa isang kagaya nilang bampira, sa lahi na tinagurian na Good Vampire. Ito ang makaka daupang palad ng binatang si Clemente na prinsesa na nagmula sa lahi na Good Vampire sa katauhan ni Callidora. Ang prinsesa ng Good Vampire ay namuhay sa piling ng mga tao, kung saan ito nagkaisip at nag dalaga sa piling ng mga mortal. Sa Lugar ng Petrogard sinasabi ng iilan na may natatanging Lugar at kahali-halina na mga tanawin ang siyang nagbibigay sigla sa mga taong nanirahan, bukod sa mga mortal at iba pang mga nilalang na may buhay. Isa ito na dinarayo ng iilan na manga ngalakal at sentro ng ekonomiya ang Lugar ng Petrogard. Pinamamahalaan ito ng ibat-ibang lahi ang Lugar ng Petrogardnian. Dahil dito ipinasiya ni Clemente ang pag-iisang dibdib nito sa kasintahan si Callidora sa ikatlong buwan sa pangkaraniwan panahon ng mga mortal. Dito mas pinalalakas ang natatanging ka-pangyarihan taglay na mga bampira. At nais ng binata na maidaos ang naturang pag-iisang dibdib sa kasintahan si Callidora, upang maging kabiyak nito at makasama ang mga mahal sa buhay ng binata. Habang nasa pangangalaga nito ang mga pinsan sina Baldassare at Dawn. Nais ng binata na mayroon na mangangalaga sa mag-kapatid. Habang wala siya, Baldassare Nagagalak ako na napapayag ko ang aming pinsan at Pinuno na aming lahi na kaming mag-kapatid ay mamuhay sa Lugar ng mga nilalang na mahihina. Bakit ko nasabi ito? Dahil sa aking Ina na ibinigay niya sa akin ang isang palaisipan na kailanman ay hindi ko maunawaan ang nais ng aking Ina para sa amin dalawa ng aking nakakabatang kapatid. Sa parteng ito ibinigay niya sa akin ang isang matalinhagang mga pananalita na "nais kong maranasan ninyo ang mga bagay-bagay dito sa mundo na atin ginagalawan. At higit sa lahat, nais kong tuklasin ninyo ang bawat isa na mayroon kayo." Ito ang mga naalaa ko ng mga panahon na kami lamang ang nasa tahanan ng aming magulang. At ang panahon iyon, ay hindi namin kasama ang aking pinsan, dahil sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng Red Vampire. At sa panahon din iyon, ay kami lamang ng aking kapatid na si Dawn ang tanging magkasama sa panahon abala ang aming pinsan si Clemente. Dahil sa iniwan na mensahe ng aking Ina habang ako ay nagpapahinga sa silid aklatan ng aking ama ng nabubuhay pa ito, sa totoo lang, wala akong kaalam-alam sa mga naka paligid sa amin. Tanging alam ko lamang nuon ay makapangyarihan kami sa ibang mga kalahi namin. Walang makakapantay sa amin mga natatanging ka-pangyarihan bilang isang dugong bughaw na bampira. Alam ko lamang ang ibang kalahi namin na nanirahan sa Ysagril, tila mga tau-tauhan lamang ang iilan dun. Dahil may ibat-ibang sangay na kinabibilangan ang mga Red Vampire. Kumpara sa mga mortal. Ang Middle Class na Red Vampire, ang masasabing may katungkulan sa konseho ang mga namumuno dito, at ang nasa hanay naman nito ang mga nilalang tinatawag na Sha o taga silbi. Sila ang tinatawag na mga Sundalo taga pag bantay sa loob at labas ng kaharian ng Red Vampire. Ang mga iba pang mga nilalang ng aming lahi ay may mga kategorya na para sa mga mababa lamang ito ay tinatawag namin mga rab ito ang mga nilalang ng aming lahi na pinaka mababang uri sa lahi namin. Isang alipin para sa mga may dugong bughaw at sa mga nilalang naka aangat sa buhay. Dahil dito nakikita ko na ang mga kalahi ko na walang wala ay tila iba kung ituring ng mga nasa mataas na posisyon. Kung ituring ng mga nasa Middle Class na kalahi ko ang mga Rab. Hindi makatarungan para sa mga naaping mga kalahi ang ituring na pinaka mababa sa lahing bampira. Alam ko nagtataka kayo, sa akin. Kung bakit ko nasabi ang mga ito. Dahil sa minsan lamang ang aking pinsan na mamalagi sa aming kaharian ang mga kalahi namin na mga Rab ang siyang madalas tapunan ng mga kasalanan ng iba. At ang katotohanan ay nagkakaroon ng maling pangka-isipan. Ang mga Red Vampire na kasapi sa konseho ang madalas gumawa ng mga maling hakbang sa kanyang nasasakupan. At madalas na ginagamit ang kanilang posisyon bilang mas mataas sa kanilang mga na sasakupan na mga rab. Isa sila sa mga nagpapakita ng mga maling gawa ng iilan bampira na kaalyado nito. Hindi ko masabi sa aking pinsan si Clemente ang mga nakikita na mga ginagawa ng mga naatasan na mamahala sa iilan mga tauhan nito, sa aming tahanan. Bilang isang maharlika na bampira ang pinag-mulan ko, may mga taga konseho ang naging kontrabida sa amin. Lalo na kapag wala ang aming pinsan si Clemente madalas ako at ng aking kapatid na pababain sa aming palasyo, upang gawin taga pagbantay sa mga karsel ng mga nagkasala sa lipi ng aming lahi. Hindi ko maunawaan ang mga nais ipunto ng pinuno ng mga Rab na maging taga pagbantay ng karsel. Hindi ko maunawaan ang nais iparating ng mga namumuno sa konseho, para sa amin ng aking kapatid na si Dawn, alam ko lamang na galit ang ilan sa amin., Dahil dito, naging matatag ako sa harap ng aming angkan at ipakita sa mga naatasan ng aking pinsan na kailanman ay hindi nila kaya kaming pasunurin sa nais nila at kailanman ay hindi kami magiging katulad ng iba na palagian sumusunod, kahit mali na ang ipinapagawa sa iba. Buhat nuon na palagian kami pinababa sa karsel kung saan isa kami na magbabantay sa mga Rab na hindi gumagawa ng kanilang tungkulin. Kanila itong inilalagay sa karsel at lilitisin na walang pagbibigay ng hinuha kung bakit ginawa ang bagay na ipinaparatang sa kanilang pagkatao. Dahil dun isa sa mga konseho ang palagian gumagawa ng mga bagay na magparatang sa kanyang nasasakupan ay si Talon ibig sabihin ng pangalan sa isang pinuno ng konseho ng Red Vampire ay pinangingilagan ng iilan na makita ang pinuno ng mga Rab sa mga kalahi nito dahil sa kanyang malaking mga kuko na kayang dagitin na para bang agila, kung dumagit sa mga mababang uri ng aming lahi. Dahil dito ang iilan sa mga kasama nito ay tila ilag sa pagdating sa pag balangkas ng mga gawain na ipinatutupad ng iilan, Nais ng iilan na maging patas ang mga pinuno sa konseho na magbigay ng kanilang hinuha sa mga kasama at kalahi na nagkasala sa kapwa o anu pa man nagawang kasalanan. Dahil dito minarapat kong manindigan sa pinuno ng mga konseho na ang isang tulad namin na hindi pa sapat ang pang- kaisipan sa ginagawang pagbibigay ng tungkulin taga pagbantay ng karsel. Sapagkat ang tanging makapag desisyon sa bagay na pagbibigay ng isang mahalagang tungkulin sa aming lahi ay ang aking pinsan si Clemente. Sapagkat siya ang pinuno na sinusunod ng mga kalahi namin, kahit may mga gadalka na nagbibigay ng kanilang hinuha sa mga bagay-bagay na kayang solusyunan ng aming pinuno. Batid kong tama ang naging desisyon ko, umalis sa puod ng mga red vampire. Dahil nadarama ko na hindi kami tanggap ng ibang kalahi namin. Sa pagkakataon iyon, nalaman ko sa aking tiyo na kaibigan ng aking pinsan si Clemente na nagpasiya itong mamanhikan sa isang dalaga sa Lugar ng mga mortal, kung saan ito nanirahan bilang isang mortal na kagaya ng mga tao. Batid ko nuon pa man ang aking pinsan si Clemente ay madalas bumaba patungo sa mundo ng mga tao, at alam ko din na may nagustuhan itong dalaga, kaya lamang may kakaiba sa pag-uugali ang naging unang kasintahan ng aking pinsan si Clemente. Dahil dito mas pinalakas ko ang aking kaalaman ang aralin ang mga ugali ng aking mga kalahi at iba pa namin nakaka salamuha sa amin puod. Gayon nga maging mga tao, batid ko madali namin maakap ang kanilang pamumuhay bilang tao sa mundo ng mga mortal. Alam ko na may mga mata ng iilan ang magiging mas mainit pa sa apoy na naglalagablab kung maka tingin ang ibang kalahi namin, ang iba dito ay tila nagmamasid lamang at kapag nagkamali kami ng aking kapatid, ang siyang husgahan ng mga ito, dati pa ay mainit na ang dugo ng iilan sa amin. Kaya lamang hindi nila ipinapakita sa aming pinsan ang tunay na anyo ng iilan. Sa pagkakataon iyon, nasasabik ako na bumaba sa Lugar ng mga mortal at mamuhay kasama ng mga taong magiging bahagi ng aming pamilya. Batid ko din nasasabik na ang aking kapatid na makababa sa mundo ng mga tao, at maka pamuhay tulad ng mga mortal, magkaroon ng mga kaibigan, at malayang maka galaw na walang pupuna sa mga ginagawa mo. Dahil dito tanggap namin na ang iilan sa mga kalahi ng aking pinsan si Clemente ay magdidiwang sa kanilang malalaman. Sakali na ikasal ito at tuluyan na kami makaka alis sa pugad ng mga mandarakit at mapang abuso na kalahi. -----_----- Point of view of a third person Sa wakas panahon na, para gisingin ang iilan kasama at kalahi na magiging mata sa mag-kapatid. Batid kong nakaramdam ang mga ito, na maraming ayaw sa kanilang presensiya. Nais ko lamang na makita ang kanilang hinaharap sa buhay ng mga mortal, nais kong alamin ang tunay na ka-pangyarihan ng dalawang maharlika. Alam ko na naghihinala kayo sa akin ngayon sa mga tinuran ko, batid kong naghihinala kayo sa akin, kung ako ay kaisa nila o kaaway. Dahil batid ko na isa sa mga nagbabasa nito na naghihinala sa aking mga tinuran, kung bakit ganito ang takbo ng aking hinuha sa mag-kapatid. Nais ko lamang alamin ang buong pagkatao ng dalawang maharlika na siya din gagawa ng kanilang Tadhana na itinakda ng kanilang kapalaran. Ako ay isa lamang kanilang taga patnubay at taga paalala sa mga kalahing bampira, ang siyang magbigay ng hinuha sa mga itinakda ng aming kalahi. Hindi nais na sila ay takutin sa kani-kanilang buhay bilang kalahi at kaisa sa mga immortal na nilalang nagmula sa lahi ng pinaka makapangyarihan na nilalang nagbuhat sa dilim. At ang iilan dito ay kasama sa puod ng pinsan nitong si Clemente, batid naman na ang iilan sa mga ito, tila nagmamasid lamang at hindi pa nag-aaklas ang iilan sa mga kalahi ng pinsan si Clemente, bagama't may alam na ang binata sa mga kalahi niya, na may mga namumuong sigalot sa kanyang puod, ngunit tila nagbibingihan lamang ang binata sa kanyang mga kalahi. At hindi pansin ang mga nilalang na nasa mababang uri ng lahing bampira na tila hindi matiis ang iilan sa mga pang-aabuso sa kanilang tungkulin na may mga gumagamit ng ka-pangyarihan taglay sa pagpaparusa sa mga mababang uri ng kalahi nito. Hindi malaman ng iilan, kung makakaya pa nilang magtiis sa mga namumuno sa kanila higit sa lahat iyong may mga katungkulan na sila ay parusahan sa hindi nila kasalanan. Tanging alam lamang nito ay naging mababang uri lamang ang kanilang pinag-mulan. At kung bakit may mga nasa mataas na ka-pangyarihan ang siyang naging tama sa harap ng kanilang pinuno. Batid naman ng iilan na ang mali ang siyang naging tama sa harap ng kanilang pinuno, samantala ang nilalang may alam ng lahat na kaguluhan sa loob ng kanyang nasasakupan ay ang tinagurian na kamay ng agila. Dahil sa angkin galing dumagit sa mga mahihina na nilalang na kagaya ng mga Rab ang siyang tanging may laging kasalanan. Kaya ang iilan sa mga Rab, tila natutunan nilang sumama sa kanilang kaibigan na si Baldassare na mamuhay kasama nito. Batid ng isang Rab na maari pumili ng makasama ang mag-kapatid sa oras na ito ay mamuhay sa piling ng mga mortal. Alam ng iilan na suntok sa buwan ang iilan, mas pinili ng iba na umasa at mapili ng mag-kapatid na makasama sa pagbaba mula sa mundo ng mga tao. Alam ng iilan na ang mga tao ay kaaway ng mga kagaya nilang mga bampira, At kailanman hindi maari magsama ang dalawang nilalang na mahigpit na magka-away lalo't alam ng mga Rab, kung paano nagsimula ang lahat. Dahil sa kanilang kanununuan na mga lahi ng panahon ni Dracula, kung saan umibig sa isang taga lupa at naging magka-away ang dalawa sa may naging traydor sa pagmamahalan ng isa sa hindi maaring banggitin ang pangalan ng isa sa naging dahilan na mawasak ang pagkaka ibigan ng dalawa kaya ipinasiya ng iilan na lumayo at magpaka layo-layo na hindi magkrus ang mga landas ng dalawang mortal na magka-away. Sa ganun pa man, nais ng iilan sa mga kalahi ng mag-kapatid na sumama sa kanilang pagbaba ang iilang Rab na naging kaibigan ng mag-kapatid. Nais din tulungan ng mag-kapatid ang mga nasa mababang uri. ng kanilang lahi na maging maayos din ang pamumuhay nito gaya ng iilan na nasa ikalawang puwesto sa pinaka mababang uri ng kanilang lahi. At magagawa lamang ito, sakali na ipagpasiya ng pinuno na magkaroon sila ng makakasama sa kanilang pagbaba, batid ng iilan na may mga bampira na taga pag bantay sa iilan na kalahi ng kanyang mapapa ngasawa si Callidora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD