Zie Madilim ang paligid, tanging iilang mga lights na nakadisplay sa gilid lamang ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid. Kagagaling lang namin ni Ashton sa isang masarap na hapunan at ngayon ay nasa gilid kami ng dagat, nagpapahangin, magkahawak ang aming mga kamay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako, masaya ako na siya ang kasama ko rito. Tinitigan ko ang kabuoang itsura ni Ashton, kagaya ko ay suot nito ang isang polo na naka unbutton ang dalawang butones at ang pang-ibaba naman ay isang maluwag na puting boxer shorts. "Hey, paano iyong dare natin kanina? Parang tayo lang ata ang nandito sa resort." Untag ni Ashton at tinaasan ako ng kilay. "If memory serves me right, mayroong malapit na disco bar dito, at tsaka wala talagang masyadong tao dito

