Ashton Pagkagising ko kinaumagahan ay wala akong nadatnan na katabi, akala ko ay maaga lang na nagising si Zie pero nalibot ko na ang buong apartment ngunit ni anino nito ay hindi ko makita. Kung ganoon ay hindi pala ito umuwi kagabi, nagpaalam ito na pupunta ng club kasama si Rex, akala ko ay uuwi ito dahil wala naman itong nabanggit kung saan ito matutulog. Ginugol ko na lamang ang aking oras sa paglilinis sa apartment ni Zie, pawis na pawis ang aking katawan matapos kong maglinis dahil sa in-off ko ang aircon kagabi sa sobrang ginaw, nagtungo ako sa banyo at hinubad ang aking suot, mabilis kong nilinis ang aking katawan. Pagkalabas ko sa banyo ay laking gulat ko nang makita si Zie na nakahiga sa kama, tanging boxer lang ang suot nito, napalunok ako nang makita ang malaking umbok sa l

