Zie People are starting to get wild. Medyo marami nang tao ngayon sa club dahil weekend, may mga nag-iinuman, nagsasayawan sa saliw ng senswal na kanta at ang iba ay tila may hinihintay, kagaya ko. Alas otso ang napag-usapan namin ni Rex at Giza na magkikita sa club na ito pero lumipas na ang halos kalahating oras at maski isa sa kanila ay hindi pa nagpapakita sa akin, kanina ko pa tinatawagan si Rex pero cannot be reach ang telepono nito, si Giza naman sinabing malapit na ito pero hanggang ngayon wala pa. I really hate this feeling, para akong tanga na naghihintay sa kanila rito, kapag umabot pa ng isang oras ang paghihintay ko rito ay tiyak na mapapaunlakan ko ang mga taong panay ang paramdam sa akin dito sa club. Panay ang bigay nila sa akin ng inumin pero ni isa sa kanila ay wala ak

