Ashton Kinakabahang iminulat ko ang aking mga mata nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan, muntik na akong mangudngod, buti na lang at may mga braso na pumigil sa akin. "Hey sorry, medyo malubak ang daan papasok na kasi tayo sa forest." Imporma ni Zie sa akin, kumuha ako ng suporta mula sa kanya at umayos nang upo, kinusot-kusot ko ang aking mata pagkatapos ay tumingin ako sa labas, puro mga kahoy na lamang ang aking nakikita sa paligid, sobrang tahimik kaya napakasarap at napakapayapa sa pakiramdam, but not until I saw Joe on the front seat. "What the hell?" Laking pagtataka ko nang paglingon ko sa harapan ay ang nakataling pigura ni Joe ang aking nabungaran. Kumunot ang aking noo at dahan-dahang lumapit sa pwesto ni Joe, tinanggal ko ang bagay na nakatali sa kanyang leeg. "He dese

