Zie Malapit na kaming matapos kumain ni Nile nang dumating sina Ashton at Joe, umupo sa aking tabi si Ashton, tahimik ito at mukhang malalim ang iniisip. "Are you okay?" May pag-aalalang tanong ko rito, baka kasi bigla itong sinumpong ng trauma. Nag angat ito ng mukha at pekeng ngumiti sa akin. "Okay lang ako," tugon nito. Nakipagtitigan ako sa kanya, I don't believe him, hanggang sa ito ang unang magbaba ng tingin. "Come on, tell me what's bothering you." Pangungulit ko, I want him to tell me what's on his mind, ayokong kimkimin nito ang anumang iniisip nito. "It's nothing, really." Tugon nito sa tono na para bang sinasabi nitong ayaw niya nang makipagtalo pa o huwag ko nang ipilit. Napabuntong hininga ako at pinigilan ang sarili na mag-usisa pa. Nang napatingin ako sa banda nila N

